You are on page 1of 2

“Academic Stress sa kasagsagan ng Pandemya”

Sa taong 2020 ay nag karoon ng isang hindi inaasaang pangyayari hindi lamang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang pangyayaring ito ay ang COVID-19 pandemic,
ang pandemyang ito ay nakaapekto sa araw-araw na buhay ng tao, na pati mismo ang
tradisyunal na paraan ng pag aaral ay naapektuhan. Sa gitna ng nararanasan
pandemya, hindi naging hadlang ang sitwasyong ito upang mag karoon ng academic
freeze, sapagkat itinala ng gobyerno ang online at modular learning para sa mga
estudyante. Kung dati ay sa eskwelahan nag aaral ang mga estudyante, ngayon ay
umaasa na lamang kami sa bigay na modules at online learning. Bilang isa sa mga
estudyante na naapektuhan nito ang masasabi ko ay hindi madali ang pag-aaral
ngayong pandemya. Hindi na ito kasing saya tulad ng face-face class na makakasama
at makaka bonding ang mga kapwa estudyante at mga guro. Ang aming learning
capabilities ay hindi na tulad ng dati, kung dati ay maraming nag rerecite sa klase
ngayon ay bilang na lamang ang mga ito. Ang aking konsentrasyon sa pag-aaral ay unti
unting nag kukulang habang nagtatagal. Nahihirapan din minsan makahabol sa klase
dahil sa hina ng internet connection at hindi maintindihan ang lektsyur, na nagiging
hadlang sa pagpasa at paggawa namin sa mga aktibidad na ibinigay ng aming mga
guro. Dahil sa hirap at tambak tambak na gawain nagkakaroon ang mga estudyante
kabilang ako ng akademic stess na kung saan kami ay nahihirapan nang matutuo dahil
sa limitadong gamit lamang. Hindi lahat ng estudyante ay kayang mag-aral mag isa,
hindi lahat ng estudyante at parehas ang learning skills, ang iba ay kailangan pa rin ng
tulong ng isang guro upang mas maunawaan pa ng lubusan ang kanilang lektsyur.
Minsan ay gumagawa na lang ang mga estudyante ng aktibidad upang may maipasa sa
tinakdang deadline, kahit na hindi na nila naiintindihan ang kanila lektsyur. Nag ka
karoon din ng mga ilang kaso ng depression at anxiety na dulot umano ng stress at
hindi pag pasa on time ng mga estudyante ng kanilang mga modules. Nakakadulot rin
ito ng pagpupuyat ng mga estudyante, paglabo ng paningin, at sakit sa ulo na dulot ng
pag babad sa gadgets.

Ang pag-aaral sa bahay ay hindi kasing dali ng aking inaasahan, gawaing bahay, ingay
ng kapit bahay, at ingay ng mga hayop ang isa sa mga kalaban. Dumagdag pa rito ang
kakulangang pinansyal, hina ng internet, kakulangan sa pambayad ng load, at
kakulangan sa kagamitan, na nagiging dahilan sa hindi pag pasok ng ilang estudyante
sa kanilang online class. Hindi lamang ang mga estudyante ang nahihirapan,
nahihirapan din ang kanilang mga guro at kanilang mga magulang. Ang kanilang mga
guro na nahihirapan mag monitor ng kanilang klase dahil sa kahinaan ng
internet, kaka gawa ng mga modules upang ang mga estudyante ay may matutunan, at
kakacheck ng mga gawain ng mga estudyante upang masiguro na lahat ay na kapag
pasa. Mga magulang na nahihirapan kumayod upang mag karoon ng panggastos sa
pang araw-araw. Pero para sa kinabukasan tuloy pa rin ang laban, gagawin ang lahat
ng paghihirap para sa pangarap. Kailangan mag-aral upang mag karoon ng
magandang kinabukasan, at maayos na pamumuhay sa hinaharap.
Name: Paclarin, Warren V.

You might also like