You are on page 1of 2

Name: Keithlene Zandra M.

Arca Date: November 8, 2022

Section: 11 STEM – Aquamarine Teacher: Sir Jerry Aldueza

“Dapat bang ipatupad ang blended


learning sa pribadong paaralan”

Simula ng nagkaroon ng pandemya, napilitan ang mga guro at estudyante na mag online learning. Sa
loob ng dalawang taon ay online learning ang ginamit na mode sa pag-aaral. Ngayong taon ay unti-
unti ng nasusugpo ang Covid-19 dahil sa vaccine. Nakasaad sa DepEd Order (DO) No.044 na lahat ng
pampublikong paaralan ay mag full face-to-face maliban sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
Ang mga pribadong paaralan naman ay maaring ituloy ang blended learning hanggang sa katapusan
ng taon. Ano-ano nga ba ang mga magaganda at masasamang dulot ng blended learning sa mga
estudyante?

Ang mga estudyante ay may kaniya-kaniyang estilo ng pag-aaral. Ang iba ay mabilis makaintindi ng
aralin at ang iba naman ay kinakailangan ng panahon para tuluyang maunawan ang inaaral.
Maganda ang blended learning sa mga estudyanteng hirap makaintindi sapagkat nabibigyan sila ng
panahon at madaling ma-access ang mga aralin sapagkat ang bawat klase ay recorded na pwede
nilang balikan sa tuwing nalilito. Mabisa rin ito para sa mga mag-aaral na liban. Ang blended learning
din ay flexible sapagkat kung sakali ang guro ay liban maaari nilang talakayin sa susunod na araw ng
online ang aralin. Higit sa lahat, mas mababa rin ang gastusin sa blended learning sapagkat hindi na
kailangan ng mga mag-aaral na bumyahe patunong paaralan araw-araw o kaya naman ay mabigyan
ng baon pangkain araw-araw.

Ang kahinaan naman ng blended learning ay may mga estudyane na walang kagamitan para sa
online classes. Hindi nila kaya ang mga kagamitan sapagkat ang mga ito ay may kamahalan. May
ibang guro naman na hindi ganoong ka “techy” kaya nahihirapan silang gamitin ang mga gadgets.
Kinakailangan din nilang palawakin ang kanilang pagtuturo upang mas maengganyo ang mga mag-
aaral sa pakikinig gamit ang mga apps na hindi sila pamilyar. Kinakailangan din ng malakas na wifi
para sa online class. Isang kahinaan din ng blended learning ang hindi nababantayan ng mga guro
ang mga mag-aaral sa klase. Kung sila ba ay wala sa pokus at ano-anong ginagawa habang
nagkaklase. Higit sa lahat ang mga mag-aaral ay nagiging sobrang exposed sa social media na
maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan.

Hindi pa ganoong kaligtas sa labas ng ating bahay, mayroon pa ring Covid-19 at anumang oras ay
pwede nating makuha ito. Kaya pumapanig ako na ituloy ang blended learning para sa mga
pribadong eskwelahan hanggang sa matapos ang taon. Ito ay para na rin maiwasang mabigla ang
mga mag-aaral sa biglang pagbago ng schedule nila.

You might also like