You are on page 1of 1

MODULAR VS FACE TO FACE LEARNING

ni Johna M. Delfin, MAED,Teacher1 Quirico G. Manzano Memorial National High School

Ang modular learnings ay ang pagkatuto kung saan gumagamit ng modyul sa


pagkatuto. Ito ang modality na palasak na ginagamit ng mga institusyon na nasa
probinsya at hindi abot ng internet. Lugar Kung saan walang sariling cellular phones
ang mga mag-aaral. Ito ay modality kun saan nagbibigay ng modyul sa mga mag-aaral
ang mga guro na nagsisilbing gabay ng mga ito sa pagkatuto. sa modality na ito ay
nagbibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-aral at matuto na wala ang
gabay ng kanilang mga guro sa araw-araw bagkus ay ang kanilang mga magulang at
kapatid ang sa kanila ang tumatayong kaagapay. Nang dahil sa pandemya kung kaya
nabuo ang modality na ito, mas maikli ang oras ng mga guro na ginugugol sa pagtuturo
sa mga mag- aaral at na ginagamit ang maraming oras sa pagpaprint ng modyul.

Sa kabilang banda naman, ang face-to-face learning ay ang pagkatuto na


nakasanayan na ng nakakarami. Ito ang palasak na ginagamit ng departamento ng
edukasyon bago pa man ang covid-19. Sa pamamaraan ng pagtuturo na Ito ay
sinasabing ang guro ay talagang " facilitator of learning" Kung saan mas malaki ang
oras na ginugugol ng guro sa pagtuturo sa mga mag-aaral .Nabibigyan ng pagkakataon
ang mga mag-aaral na makihalubilo sa kanilang kaklase na nakapagdudulot ng " latent
learning" sa mga ito.

Kahit anong modality man ang ginagamit

sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral ang mahalaga ay pareho ang layunin ng


mga ito na isulong ang edukasyon. Kapwa nito layunin Ang mabigyan ng angkop at
kwalidad na edukasyon ang mga mag-aaral.

You might also like