You are on page 1of 2

Pagpapatupad ng Online Class sa Gitna ng Pandemya

Magandang Umaga sa inyong lahat ako si Binibining Catherine Dellica nasa ika labing
dalawang pangkat seksyon Fabella. Nandito ako sa harapan niyo upang magbahagi ng
aking talumpati ukol sa pag pagpapatupad ng online class sa gitna ng pandemya.
Kabilang ang pilipinas sa Southeast Asia ang mahina ang bilis ng internet hindi katulad
sa ibang bansa ay mabilis ang kanilang internet. Dapat nga talaga patigilin muna ang
klase sa taong 2020-2021 dahil hindi pa tayo handa isama mo pa ang ating mabagal na
internet lalo na nasa gitna pa tayo ng pandemya.
Ang Department of Education ay nagkaroon ng maseryosong usapin na kung saan nag
iisip ng solusyon upang ipagpatuloy ang klase sa taong 2020-2021 sa gitna ng
pandemya at iyon ay ang pag pagpapatupad ng Online Class. Ang petsa na ibinigay ng
DEPED sa pagbubukas ng klase ay Agosto 24 na hindi nasunod dahil sa rason na hindi
pa handa ang mga guro at hindi pa sapat ang araw para magsimula na ang klase agad
agad. Sa binitiwang salita ni Bong Go sa harap ng madla na dapat ay Octobre 05 ang
pagbubukas ng klase upang bigyan ng araw ng paghahanda ang guro at estyudante sa
online class na sinunod ng DEPED. Maraming mga estyudante ang umalma lalo na ang
mga magulang na ika raw ay lalong pinahihirapan ang estyudante, paano na pala ang
mga estyudante na hindi sapat ang signal sa kanilang bayan? Ramdam ko ang kanilang
pighati at naiintindihan ko ang kanilang hinanaing dahil ako rin ang magiging kasama sa
isusulong na online class sa taong ito.
Malaking tanong sa karamihan. Ang mga estyudante ba ay natututo sa pamamagitan
ng online class? Marahil alam na natin ang atensyon ng mga estyudante ay maikli
lamang lalo na gadyet ang gamit sa pagpasok sa mga klase. Malaking problema na nga
kinakaharap natin pati ba naman sa edukasyon? Sa mga guro pa lamang ay pagod at
nag iisip ng paraan para lamang mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat
estyudante Mayroon ding mga guro na hindi malakas ang internet sa kanilang lugar.
Pareho pareho tayong nahihirapan ngayong sa sitwasyon na ito.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw ang ating pasakit sa likod ay tila'y gumaan dahil sa
pagbibibay ng tablet at sapat na load sa mga estyudante ng ating mayora sa quezon
city na aking kinagagalak rin. Sapagkat sa kasamaang palad ay hindi lahat ng
estyudante lalo na ang nag aaral sa pribadong eskwelahan ang nakatanggap ng tulong
galing sa mga mayor.
Sa gitna ng pandemya hindi mawawala satin ang determinasyon at hilig sa isang
bagay. Balakid man yan o rason upang patigilin tayo sa pag-aaral kung ikaw ay may
pangarap sa buhay hindi rason ang balakid o sitwasyon upang tumigil ka. Sa lahat ng
estyudante na tumigil ngayong taon wag kayo panghinaan ng loob dahil merong salita
na “babawi sa susunod na araw”, sadyang di lang talaga natin kaya mag aral lalo na
online class ito. Dadating ang araw na babalik tayo sa normal na kung saan lahat na
tayo ay hindi na mahihirapan at makakapag aral muli ng sabay sabay. Kaya natin ito!

You might also like