You are on page 1of 4

qwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqw

ertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwert
yuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyui
opasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopa
UNANG TAKDANG ARALIN
sdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdf
(FIL 111- INTRODUKSYON SA
PAMAMAHAYAG)

ghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghj
klzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklz
xcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcv
bnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbn
mqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmq
wertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwe
rtyuiopasdfghjklzxcvbnmqwerty
uiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuio
pasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopas
dfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfg
hjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjk
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph

RICHELLE ANN G. FERNANDEZ BSED- FILIPINO 3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag.

1. Ilahad ang iyong inaasahang matutunan sa asignaturang ito? (5pts)


 Masarap matuto, lalo na kung lahat ng bagay na nangyayari sa mundo ay
ginagawa mong aral at ginagamit mo ito sa pang araw-araw na buhay.
Marami akong inaasahang matutunan sa asignaturang ito, bagamat hindi
ako iyong tipo ng taong mahilig magsulat tungkol sa mga pahayagan, nais
ko pa ring matutunan ang pinagmulan, kahalagahan, at kagamitan ng
pamamahayag sa ating buhay lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.
Inaasahan ko ring matutunan ang mga dapat at di-dapat tungkol sa
pamamahayag sapagkat alam naman nating lahat na kahit demokrasya
ang ating bansa may mga bagay pa ring dapat isa alang-alang sa linya ng
pamamahayag. Marami pa akong inaasahan at nais matutunan sa
nasabing asignatura sapagkat ako’y uhaw sa kaalaman na siyang
inaasahan kong mapupunan ito ng aming mahal na guro.
2. Ano ang iyong inaasahan sa ganitong paraan ng pagkatuto, ang paggamit
ng iba’t ibang social networking sites bilang instrumento sa pagpapaabot
ng kaalaman sa estudyanteng katulad ko? (5pts)
 Hindi inaasahan ng lahat ang pandemya na kung saan ito ang naging
dahilan kung bakit maraming mga establisyamento ang nagsara, mga
pagdiriwang na pansamantala munang hindi mangyayari, at lalong lalo na
ang kinagisnang paraan ng paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral o
eskwela ay pansamantala munang mangyayari sa birtwal na paraan.
Masasabi kong mahirap ang paraan ng pagkatuto ngayon sapagkat
walang gurong gagabay at magsasabi sa iyo kung ano ang tama at mali
sa iyong ginagawa o iniintinding aralin. Inaasahan ko rin ang kahirapan sa
lahat ng bagay sa ganitong paraan ng pagkatuto dahil hindi naman talaga

1|Page
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
madali base sa aking personal na karanasan, ngunit kahit ganun pa man
labis pa ring nakatulong ang mga social networking sites sa paghahatid ng
dekalidad na kaalaman sa mga mag-aaral na katulad ko. Ang mga social
networking sites na ito ang naging tulay namin sa aming mga guro at
kapag may hindi kami naintindihan sa aming aralin, nariyan ang google
para ipaliwanag sa amin ang mga bagay na labis naming ikinalilito at
nariyan ang youtube kung sakaling nais naming makita ang
demonstrasyon.
3. Ano ang iyong pananagutan bilang mag-aaral upang matamo ang
pagkatuto sa ganitong paraan ng paghahatid ng karunungan? (5pts)
 Ang pandemya ay hindi lamang sumiklab sa isang lugar, alam naman
nating lahat na buong daigdig ang sinakop ng nakakamatay na sakit.
Nangangahulugan lamang iyan na hindi lamang mga mag-aaral ang
apektado o nahihirapan sa paraan ng pagkatuto ngayon, kaya’t bilang
mag-aaral ginagawa ko ang lahat ng aking pananagutan kagaya na
lamang ng pagpasa ng aking mga gawain sa takdang panahon na ibinigay
ng aming mga guro, pag-aaral ng mga ibinigay na modyul, paghahanap
ng paraan upang makapasok sa mga meeting, maisagawa at maipasa
ang lahat ng pangangailangan ng aming mga guro at ang panghuli ay ang
pag intindi na hindi lamang ako ang nahihirapan sa ganitong paraan ng
paghahatid ng karunungan. Bilang mag-aaral alam kong mahirap din sa
aking mga kapwa mag-aaral ang ganitong uri ng paraan ng pagkatuto,
dahil hindi nga naman lahat pareho ng span ng utak, kaya’t bilang isang
mag-aaral ginagawa ko lahat ng aking makakaya upang matamo ang
pagkatuto sa kabila ng kahirapang nararanasan ngayon sa gitna ng
pandemya.

2|Page
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
4. Para sa iyo, ano ang magandang paraan ng pagtuturo sa mga estudyante
sa ganitong sitwasyon. Ipaliwanag ang iyong sagot. (5 pts)
 Maraming magandang paraan upang maihatid ang dekalidad na
kaalaman sa mga mag-aaral kung ang isang guro ay magiging matalino at
inobatibo sa pag-iisip ng kaniyang kagamitang panturo. Para sa akin, isa
sa magandang paraan ay ang paggawa ng educational videos na kung
saan dito lahat sasabihin o ituturo ng guro ang lahat ng kaniyang nais ituro
sa kaniyang mga estudyante. Upang hindi mahaba ang gagawing video
ay nasa guro na iyon kung ipapaliwanag niya ito sa mas madaling
maintindihan ng mga mag-aaral o pahahabain niya ito na kung saan nag
reresulta ng pagkabagot ng mga bata. Ang bidyong gagawin ay
magsisilbing medyum ng guro upang maihatid ang dekalidad na kaalaman
sa mga bata, syempre upang mas kaaya-ayang panuorin ang bidyong
gagawin ay maaari itong eedit ng guro upang mas mawiling manuod at
matuto ang mga kabataan. Dito nakukuha ang atensyon ng mga mag-
aaral at para masukat ang kanilang natutunan gamit ang telepono ay
maaaring hingin ng guro ang mga numero ng mga bata upang sukatin ang
kanilang nalaman o natutunan sa pamamagitan ng pag tawag sa kanila
isa-isa.

3|Page

You might also like