You are on page 1of 1

Pagsasanay Bilang 1: (ED FIL 206 Wika at Literaturang Rehiyunal)

By: ANALIZA P. GAVICA

1. Sino ang guro sa kasalukuyang panahong may banta sa kalusugan nag lahat?
Ang guro sa kasalukuyang panahong may banta sa kalusugan ang lahat ay ang mga
magulang, dahil sa panahon ng kasalukuyan sila ang gumagabay sa kanilang mga anak upang
maisakatuparan ang kanilang pag-aaral.sila ang gumagabay sa gawaing pampaaralan at sa kanila
nakasalalay ang paggabay sa oras ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

2. Kailangan pa bang guro sa panahong moderno at batid ng lahat ang bawat teknolohikal
naaspekto ng pagkatuto sa mundong birtuwal?
Sa panahon ngayon, napakahalaga pa rin ng isang guro kahit alam natin na batid ng lahat
ang bawat teknolohikal na aspekto ng pagkatuto, kailangan pa rin ang guro bagamat walang face
to face na nangyayari at sila ang magiging gabay sa kung ano ang mga dapat gawin upang
maiwasan na malihis sa gawain ang bawat mag-aaral.

3. Ano- anong daluyan ng pagkatuto at pagtuturo ang maaari momg ipanukala sa mas madali at
nakaaaliw na pamamaraan sa pagkatuto ngayong may pandemya?
Para sa akin, mas magiging interesado ang mga mag-aaral kung ang gagamitin nating
daluyan sa pagkatuto ay sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya. Halimbawa sa
pamamagitan ng paggawa ng performance/ awtput sa Tiktok, kung tula o sanaysay naman at
pwede nilang iupload sa kanilang Fb account, na kung saan ang ganitong mga Gawain ay mas
magiging interesado ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.

4. Paano pa lalong mas mapapataas at mapapalalim ang moda ng pagtuturo gamit ang mga
napapanahong estratehiyasa pagkatuto?
Mas mapapataas ito at mas lalong mapapalalim sa papapagitan ng tayo mismong
tagapagturo ay aralin at alamin kung paano natin gagamitin sa pagtuturo ang mga napapanahong
estratehiya base sa mode of learning ng isang lugar o paaralan.

5. Bigyang reaksyon ang pahayag na ito “Ang kahirapan ay ang pinakamasahol na uri ng
karahasan na biktima ay ang edukasyon” Anonimus.
Ang reaksyon ko sa pahayag na ito ay sinasabing ang kahirapan ang pinakamasahol na uri
ng karahasan at isa sa biktima nito ay ang edukasyon. Kahirapan ang mas lalong nagpapahirap
sa mga mahihirap at lalong nagpapalugmok sa kanila sa komunoy ng kahirapan. Pero
matutuldukan ito sa pamamagitan ng pagsusumikap, ika nga “walang imposible kung
pagsusumikapan” Kung ang susi ng kahirapan ay ang edukasyon, kailangan nating
pagsumikapang makapag-aral. Maraming paraan upang makapagtapos, pwedeng maghanap tao
ng iskolarship para sa ating pag-aaral, maging working student, at kung ano ano pang pwedeng
gawin upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Ito kasi ang nagging karanasa ko sa buhay.
Pinagsumikapan kong makapagtapos ng pag-aaral upang makaahon sa nakamamatay na
kahirapan.

You might also like