You are on page 1of 3

David James B.

Ignacio 12-Timios
Panuto: Batay sa tinalakay na uri ng akademikong sulatin, sagutin ang mga katanungan ukol
dito. (3 puntos bawat bilang)

1. Ano ang adyenda? -Adyenda o talaan ng mga bagay na dapat maisaalang-alang o


maisakatuparan. Ito ay mga plano o layunin na maaaring gumabay sa isang tao para makamit ang
ninanais na kahahantungan. Madalas na ginagamit ang salitang adyenda sa mga pagpupulong,
halimbawa ay ng mga organisasyon o samahan. Tumutukoy ito sa mga isyung dapat pag usapan
at pagtuunan ng pansin.
2.Ano ang layunin nito? -Ang pagkakaroon ng maaayos at sistematikong adyendang isa sa mga
susing matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maaayos at maipabatid sa
mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. Ito rin ang nagtatakdang balangkas ng pulong
tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan
ang mga ito. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist ng lubhang mahalaga upang matiyak na ang
lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. Nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi
sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalkayin o pagdedesisyunan. Nakatutulong nang
malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

3.Bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda sa isang pulong ? Mahalaga ang paggamit ng
adyenda dahil binibigyang katuturan o kaayusan nito ang daloy ng pagpupulong. Nagagamit din
ng wasto ang oras at naiiwasan ang pagtatalakay ng mga bagay na hindi naman mahalaga at wala
sa adyenda. Ang paggamit ng agenda ay mahalaga sa pagpupulong upang organisado at tuloy-
tuloy ang pag-uusap.
Petsa:                       Disyembre 5,2015                                                    Oras: 9:00- 11:00n.u.
Lugar:                       Academy of Saint John (Conference Room )
Paksa/Layunin:      Preparasyon Para sa Senior High School

Mga Dadalo:
1.Daisy Romero (Prinsipal)                           9.Gemma Abriza (Guro-Senior High School)
2.Nestor Lontoc ( Registrar)                          10.Joel Ceniza (Guro -Senior High School)
3.Joselito Pascual (Finance Head)               11.Sherlyn Fercia (Guro -Senior High School)
4.Atty. Ez Pascual ( Physical Resource Head) 12. Evangeline Sipat(Guro -Senior High School)
5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer)             13.Ailene Posadas(Guro -Senior High School)
6.Vicky Gallardo (Academic Coordinator)       14.Vivin Abundo(Guro -Senior High School)
7. Rubie Manguera ( Academic Coordinator) 15.Onie Ison (Guro -Senior High School)
8. Richard Pineda (Academic Coordinator)

Mga  Paksa o Adyenda Taong Tatalakay Oras

1.Badget sa pagpapatayo ng
mga gusali para sa senior Pascual 20 minuto
high school

2.Loteng kailangan sa
Atty. Pascual 20 minuto
pagpapatayo ng gusali

3. Feedback mula sa mga


magulang hinggil sa SHS ng Romero 10 minuto
ASJ

4. Kurikulum/Track na ibibigay 20 minuto


Romero
sa ASJ

5.Pagkukuha at Pagsasanay ng
mga guro  para sa SHS Lontoc 15 minuto

6. Pag-iiskedyul ng mga Pineda


15 minuto
asignatura 

7. Estratehiya para mahikayat


ang mga mag-aaral na Gallardo 10 minuto
kumuha ng SHS sa ASJ

4.Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong kung walang inihahandang adyenda? - May
posibilidad na hindi magkakaintindihan ang mga magpupulong dahil hindi nila alam kung Saan
Magsisimula, Anong susunod na paguusapan at kung ano talaga ang rason kung bakit sila nag
pupulong. makakagulo at hindi magiging maayos ang pagplaplano. Mawawala sa pokus ang mga
kalahok na nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong . Umuunti ang bilang ng mga
dumalo sa pulong at tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga
kalahok.

Panuto: Basahin ang buong halimbawa ng adyenda at sagutin ang mga tanong.
MGA KATANUNGAN: (4 puntos bawat bilang)
1. Bakit magkakaroon ng pagpupulong ang mga kawani sa paaralan? Napapamahon ba ito?
Bakit? -Mayroong pagpupulong sa paaralan sapagkat kung nais nilang baguhin ang isang
bagay, magdagdag sa sistema, o kung may bagong programa na gaganapin, mahalaga
para sabawat bahagi ng paaralan na magpasya nang maayos sa isang sitwasyon.
Napapanahon ito sapagkat lahat ng bagay ay nag babago para sa kinabukasan at
kabutihan ng sistema dahil walang bagay ang permanente dito sa mundo kundi ang
pagbabago lamang sa kahit anong aspeto ng buhay.

2. Pansinin ang nakatakdang oras/minutong gugugulin na nakabatay sa adyenda. Ano ang


naobserbahan mo rito at ano kaya ang maaaring paliwanag mo nito?
- Dapat mong bigyang pansin ang oras dahil yun ang mahalaga dahil kapag hindi, pwede
kamapagiwanan halimbawa nalang kapag gagawa ka ng assignments tapos hindi mo alam
kung kailanipapasa or ano oras ipapasa wala kang idea kung ano oras pasahan at
mamomroblema ka. Kapag mas mataas at matagal na oras ay ibig sabihin nito mas
mahalaga o mahala na adyenda paguusapan at kung mababa naman o mas mababa ay
hindi gaano ka importante pero pareho paring kailangan pagusapan.

You might also like