You are on page 1of 2

Lyceum of Cebu, Inc.

Barili Campus
Poblacion, Barili, Cebu
Website: www.lyceumofcebu.edu.ph
Email: lyceumbarilicebu@gmail.com; Contact No.: (032) 406-6050

MINUTO NG PAGPUPULONG
Petsa: Agosto 10, 2022
Oras: 10:00 AM
PAGPUPULONG NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO

1. Ang pagpupulong ay opisyal na nagsimula ng 1:00 nang hapon na pinangunahan ni Bb.


Stephanie B. Raganas, Assistant School Principal. Ang pagpupulong ay nagsimula sa isang
pamukas na panalangin na pinangunahan ni G. Lowell A. Sestoso, sinundan ito ng isang
Pambungad na Mensahe na pinangunahan ng ating FAPE Coordinator, Mr. Ronard P.
Denopol. Ibinigay ni Bb. Raganas ibinigay ang layunin ng pagpupulong kung saan
patungkol sa oryentasyon ng Pang-akademikong Patakaran, kagaya na lamang ng
lingguhang pagsumite ng Detalyadong Banghay, Kumperensya ng mga guro sa Filipino,
presentasyon ng Q1 MELCS, at paghahanda sa paparating na Kulminasyon ng Buwan ng
Wika sa Taong Panuruan 2022-2023.

2. Ipinakilala si Gng. Genevieve T. Manza bilang namumunong opisyal sa pagpupulong,


Akademikong Koordineytor ng Elementarya / Filipino Club Adviser. Ipinakilala si Bb.
Anna Lou S. Orcullo bilang taga-tala o sekretarya sa pagpupulong. Sunod, ipinayo ng
tagapamuno ng pagpupulong na ilahad ng sekretarya ang mga agenda ng pagpupulong.
Ang inilahad na agenda ay inaprobahan ng mga kinatawan ng pulong.

3. Kalakip na papel ay ang mga listahan ng mga dumalo/partisipante at dokyumento ng


pulong.

4. FIRST AGENDUM: LESSON PLAN/LEARNING PLAN


 Tinawag ang High School Coordinator, Mrs. Meshan P. Mag-usara upang
ipresenta ang Learning Plan Format at ang eskedyul ng lingguhang pagsumite at
pagpasa ng mga banghay. Ipinaaalahanan niya ang lahat ng dumalo na sa
paggawa at paghahanda ng mga banghay, ang pormat na ibinigay ng PEAC ang
dapat gamitin at sundin.
 Ito ay sinang-ayunan ng lahat na gamitin at sundin ang nasabing pormat ng PEAC
sa paghanda ng banghay. Sinang-ayunan din ng lahat ang lingguhang pagsumite
ng banghay upang masubaybayan ang artikulayon ng Learning Competencies sa
Curriculum Map.
5. SECOND AGENDUM: Kumperensya ng mga Guro sa Filipino
 Ang Tagapamuno ng Pagpupulong si Gng. Genevieve T. Manza, Akademikong
Koordineytor ng Elementarya / Filipino Club Adviser inilahad ang mga puna sa
mga guro sa nakaraang taon. Pinayuhan ang lahat ng guro na ilahad ang kanilang
mga repleksyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa nakaraang taon.
Nagkaroon ng open forum upang magkaroon ng ideya ang mga bagong guro na
magtuturo ng nasabing asignatura. Inilahad ni Gng. Manza ang mga paraan
upang mas epektibo ang pagtuturo ng nasabing asignatura at pinalakpakan siya
ng mga dumalo.

6. THIRD AGENDUM: Curriculum Development Actions


 Napagkasunduan na ang paaralan ay dapat gumamit ng Most Essential Learning
Competencies (MELCS) sa paggawa ng Banghay para sa Panuruang Taon ng
2022-2023.
 Ang mga guro ay pinayuhan na dumalo sa mga paparating na PEAC In-Service
Training Programs.
7. FOURTH AGENDUM: Kulminasyon ng Buwan ng Wika
 Ipinakilala si G. Christian Sabio, School Activity Coordinator, upang maglahad ng
mga planong aktibiti sa darating na kulminasyon. Nailahad ang mga aktibi at
sinang-ayunan ito ng mga dumalo.

8. FOURTH AGENDUM: OTHER IMPORTANT MATTERS


 Pagkatapos ng orentasyon patungkol sa paggawa ng Detalyadong Banghay,
Kumperensya ng mga Guro sa Filipino, Presentasyon ng Q1 MELCS, at
Kulminasyon ng Buwan ng Wika, hiningian ang mga dumalo ng isang repleksyong
papel upang sa ganoon ay malaman ng tagapamuno ng pulong ang mga plano at
mga nararapat gawin ng mga guro sa Filipino sa buong taon.
 Nagkaroon ng Panapos na panalangin na pinangunahan ni G. Roberto A.
Dinampo, Prefect of Discipline.
 Tinapos ito ng isang Photo opportunity.

Certified True Correct:

ANNA LOU S. ORCULLO


Secretary

Noted by:

STEPHANIE RAGANAS
Chair/
School Assistant Principal

You might also like