You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region IV – A CALABARZON
Province of Laguna
Municipality of Pila

MEMORANDUM NG PAGKAKAUNAWAAN

Ang Memorandum ng Pagkakaunawaan na ito ay binuo at inilabas nitong ika-23 ng Mayo 2022.

PARA SA KABATIRAN NG LAHAT:

Ang Pila Barangay Councilors’ Committee on Education, isang daluyan ng mga Lupon
ng Barangay sa Bayan ng Pila ay inihain ang pagpapaunawang ito ng Tagapangulo ng Punong
Barangay na si KGG. JOVIR P. MATIENZO, isang Filipino na nasa sapat na gulang na ang
tinutukoy ay ang “UNANG PARTIDO.”

At

ang DepEd Pila na kinakatawan ni DR. FLORENTINA C. RANCAP, Tagamasid


Pampurok, isang Filipino na nasa sapat na gulang, IKALAWANG PARTIDO

At

ang Laguna State Polytechnic University, Sta.Cruz Main Campus na kinakatawan ni


Engr. MANUEL LUIS R. ALVAREZ, Campus Director, isang Filipino na nasa sapat na gulang
na tinutukoy bilang IKATLONG PARTIDO

NA NAGPAPATUNAY NA:

itinakda ang pagpapatupad ng Pila Barangay Councilors’ Committee on Education ang


Programang EDUKemya sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng DepEd Pila at LSPU
Main Campus ngayong Mayo 23, 2022 hanggang Disyembre 31, 2022 ,

ang hangarin ng Lupon ng Edukasyon ay maalalayan, maturuan at matulungan ang mga


batang mag aral na nahihirapan sa pagsasagot ng modyul o kilala sa tawag na struggling
learners na nasa Mataas na Paaralan gayundin ang mapaunlad ang kakayahan sa pagbabasa
ng mga batang nasa Mababang Paaralan.

upang matamo ang mga layunin nito, ang Pila Barangay Councilors’ Committee on
Education ay nagpasa ng Memorandum ng Pagkakaunawaan sa DEPED PILA at LSPU Sta.
Cruz Main Campus

ang DEPED Pila at LSPU Sta. Cruz Main Campus ay handang makiisa at magbigay ng
kanilang tulong at makapaglaan ng kanilang oras na maging matagumpay ang mga plano at
maipatupad at maisagawa ang mga gawain ng Pila Barangay Councilors’ Committee on
Education para sa Programang EDUKemya – Edukasyon sa Panahon ng Pandemya.

para sa konsiderasyon at sa mga nauna pang panukala, ang tatlong partido ay


inaasahan na sumang-ayon at tutugon sa mga sumusunod:

I. MGA LAYUNIN:

1. Makabuo ng polisiya at patakaran ang Streamlining Committee at DEPED Pila


para maisiguro ang ligtas na pagbibigay serbisyo sa bawat mag-aaral na
nangangailangan ng gabay sa pagsasagot ng modyul.

2. Ang mga PARA Teachers ay gumanap na katuwang ng mga magulang at guro


sa pagpapatupad ng programang EDUKemya.
3. Masubaybayan ang pag-unlad o pagkatuto ng bawat mag-aaral na sasailalim o
kabilang sa programa sa ligtas na pamamaraan.

II. PANANAGUTAN NG BARANGAY; PAARALAN at LSPU

A. Magkakatuwang na Responsibilidad

Ang Brgy. Education Committee, DepEd Pila at LSPU Sta. Cruz ay inaasahang:

1. Masiguro ang maayos at ligtas na paghahatid ng serbisyong EDUKemya sa mga


mag-aaral.

2. Masiguro na magkatuwang na masusubaybayan ang mga probisyon ng Memorandum


ng Pagkakaunawaan (MOU) ng barangay, paaralan at katuwang na unibersidad sa
programa

3. Maipatupad at maisakatuparan ang programang EDUKemya ng ligtas sa


pagtutulungan ng barangay, mga magulang guro, mga mag-aaral, LSPU PARA
Teachers at iba pang boluntaryong magkakaloob ng tulong.

4. Maihanda ang mga kaukulang dokumento gaya ng parental consent form na


ipamamahagi sa mga magulang ng mga batang lalahok upang masiguro ang kanilang
pahintulot.

B. RESPONSIBILIDAD NG BARANGAY

1. Matiyak na nasusunod ang mga safety health protocols habang isinasagawa ang
programa.

2. Magtalaga ng BHERT na siyang tututok sa kondisyong pangkalusugan ng mga


batang lalahok sa programa

3. Makipag-ugnayan sa mga PARA-TEACHERS o mga boluntaryong makikiisa sa


programa na magsisilbing katuwang ng mga guro sa mga bata.

4. Mangasiwa at tumulong sa mga PARA-TEACHERS habang isinasagawa ang


programa.

5. Mangasiwa sa pagkain ng mga PARA-TEACHERS na lalahok sa programa.

6. Maglaan ng sasakyan ang bawat barangay para maihatid at masundo ang mga
boluntaryong PARA-TEACHERS na makikiisa sa programa

C. RESPONSIBILIDAD ng DEP ED PILA

1. Makapagsumite ng pinal na talaan ng mga batang lalahok sa programa.

2. Maipabatid sa mga magulang at mag-aaral ang takdang araw ng pagsasagawa ng


programa.

3. Matiyak na ang lahat ng mga bata sa sekundarya na nararapat na lumahok at


nagnanais na lumahok, bakunado man o hindi ay mabigyang kapahintulutan.

4. Maihanda ang mga kinakailangang pantulong na materyal para sa pagbabasa at


pagsasagot ng modyul ng mga mag-aaral.

5. Makapagsagawa ng Orientation Training sa lahat ng mga boluntaryong makikiisa sa


programa at matalakay sa mga PARA-Teachers ang nilalaman ng DO no. 40, s.
2012, Child Protection Policy at ang nilalaman ng Letter of Engagement and
Commitment na kanilang pipirmahan.
6. Makapagsagawa ng pagpupulong sa mga magulang upang matalakay ang mga
sumusunod:
a. mga probisyong nakasaad sa MOU, ang layunin at ang kabuoang proseso ng
programang EDUKemya.

b. ang paglagda sa parental consent form

c. ang pakiisa sa programang inihanda ng barangay para sa pag-unlad ng mga


mag- aaral

7. Masuri at regular na makapabigay ng feedback para sa higit pang pagpapaunlad ng


mga mag-aaral.

D. Mga RESPONSIBILIDAD ng LSPU

1. Mamahala sa mga PARA Teachers mula sa unibersidad na boluntaryong


magseserbisyo, gagabay, magtuturo at tutulong sa mga struggling learners sa
pagbabasa at pagsasagot ng modyul lalong lalo na ang mga batang hindi pa
marunong o hirap sa pagbasa.

2. Magsagawa at mangasiwa ng pamamatnubay sa mga PARA Teachers mula a


Unibersidad ng pagsasagawa ng one on one tutorial session na kinapapalooban ng
panahon/petsa ng kasunduang ito.

3. Makipag-ugnayan sa paaralan at sa barangay para sa mga ulat at iba pang


suhestiyon sa ikapagtatagumpay ng programang ito.

I. EFFECTIVITY

Ang kasunduang ito ay magkakaroon ng bisa at pagpapatupad ngayong


ika 23 ng Mayo, 2022 hanggang Disyembre 31, 2022.

Kaharap ang mga saksi na nakalagda ang mga pangalan sa


Memorandum sa Tanggapan ng Tagamasid Pampurok, Brgy. Bulilan Norte, Pila,
Laguna, Mayo 23,2022.

FOR THE BLGU: FOR THE PARTNERS:

STREAMLINING COMMITTEE DepED:

HON. JOVIR P. MATIENZO FLORENTINA C. RANCAP, EdD


ABC President District Supervisor

LSPU

ENGR. MANUEL LUIS R. ALVAREZ


Campus Director

Signed in the presence of:

HON. RODOLFO E. ENRIQUEZ II ROSARIO G. CATAPANG, PhD


Education Committee Chairperson Dean, College of Teacher Education

HON. VIRGILIO L. TREOPALDO MARY GRACE P. GALLARDO


LIGA, Secretary LSPU Professor

MARK ANTHONY P. IDANG ,EdD LANIE S. ROMAN


Secondary School Principal Elementary School Principal
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )
CITY OF ) S.S.

BEFORE ME, a Notary Public, for and in the above jurisdiction, personally appeared the
following:

Name ID Date/Place ISsued


________________________________ __________________ _____________________
________________________________ __________________ _____________________
________________________________ __________________ _____________________

are known to me as the same persons who executed the foregoing instrument and
acknowledged to me that the same are their own free and voluntary act and deed.

This instrument refers to a Memorandum of Understanding that consists of 4


pages including wherein this acknowledgement is written, and which is signed by the
parties concerned and every page thereof.

WITNESS MY HAND AND NOTARIAL SEAL, this __________ day of


__________, at ___________________.

NOTARY PUBLIC
Doc. No.____
Page No. ___
Book No. ____
Series of_____

You might also like