You are on page 1of 2

Naratibong Ulat Brigada Eskwela 2022

Day 2

Ang paaralan ay isang institusyiyon na kung saan may layuning mag hubog at magsanay ng isang mag-
aaral upang maging isang responsible at kapakipakinabang na mamamayan sa hinaharap. Ang mag-aaral
ay sinasanay at tinuturuan dito upang maging mabuting tao na siyang sumasagisag kung anong klaseng
pagkatuto ang kanyang natutunan sa loob ng paaralan. Hindi magiging matagumpay ang isang pagkatuto
kung wala ang pagtutulungan at pagkakaiisa ng mga punongguro, mga guro, mga magulang,
stakeholders, mga volunteers, ang gobyerno at mga non- government organizations, at iba pang
samahan upang makamit ang adhikain ng isang paaralan.

Batay sa DepEd Memorandum No. 62, s. 2022 (Re: Brigada Eskwela Implementing Guidelines), ito may
layuning maihanda at maging ligtas ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase sa tulong ng mga guro,
administrasyon, at stakeholders. “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” ang
taaunang tema para sa gawaing ito. Ang Leon Q. Mercado ay nag handa ng iba’t ibang malikhain at
kakaibang gawain sa bawat araw upang mahikayat ang mga mag-aaral, magulang at stakehoklders na
makiisa sa Brigada Eskwela.

Ika-16 ng Agosto, 2022 ang ikalawang araw ng pagpapatuloy ng Brigada Eskwela sa LQMHS. Narito ang
Iba’t ibang gawain na naganap sa araw na ito; nagkaroon ng masiglang Zumbrigada na pinangunahan ng
Supreme Student Government at nilahukan ng mga guro mag-aaral mga magulang, stakeholders, at mga
volunteers.Sinundan agad ito ng Orientation of Brigada Eskwela, pagkatapos ay nagkaroon na ng MOA
Signing, Nagkaroon din Pledge of Support at Signing of Pledge of Commitment ng iba’t ibang
oraginsayon na nais makibahagi sa Brigada sa Eskwela sa LQMHS. Nagpatuloy din ang Mobile
Identification System (PhilSys) Registration, Birth Registration Assistance Project Activities (Transform
Home to Study Area and Gardening at Home), Free Haircut o libreng gupit at pagtanggap ng mga
donasyon . At siyempre ang Rabuz o pagsasaayos at paglilinis ng mga silid at paligid para sa mga mag-
aaral na mag-iikawalo at mag- iikasiyam na baitang.

Naisakatuparan ang mga layunin at naging matagumpay ang mga gawain sa araw na ito. Dahil sa
pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat magulang, mag-aaral, guro, administrasyon, mga stakeholders, at
mga volunteers sa pagsasaayos, paglilinis ng mga silid, at paligid para sa pagbubukas ng klase.Kung kaya,
nakatitiyak ang LQMHS na magkakaroon ng ligtas na balik-eskwela ang mga mag-aaral.

Inihanda: Pinansin ni: Nabatid:

EVELYN R. CALLEJA RHEA D. BUENO BABY RUBY F. LAURENTE


JHS-Teacher I Secretariat Chairman School Principal
RHEA D. BUENO
SHS- Teacher II/ Secretariat Chairman

Nabatid:

BABY RUBY F. LAURENTE

You might also like