You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
Lungsod ng Naga
MATAAS NA PAARALAN NG DON LEON Q. MERCADO
Km. 9, Urban, Pacol, Naga City

PINAL NA PAGSUBOK sa PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK 11
Ikalawang Semestre, T/P 2018-2019

“KUMUSTA KA?”
Ang nararamdaman ko ngayon ay ____________________dahil___________________________________________.

I. (7 puntos) MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK: Piliin sa loob ng kahon ang katangian ng pananaliksik na
tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kritikal Sistematiko Empirikal Napapanahon


Obhetibo Malinis at Masinop Dokumentado Malikhain

1. May pinagmulang materyales ang mga datos at impormasyon. Kinikilala ang sanggunian.
2. Nakabatay sa datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
3. May maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
4. Nakabatay at tumutugon sa suliranin sa kasalukuyan.
5. Nakabatay ang kongklusyon sa obserbasyon at tunay na karanasan.
6. _______ , ________ at tumutugon sa pamantayan
7. May sinusunod na lohikal na hakbang o proseso

II. (8 puntos) MGA KATANGIAN NG MANANALIKSIK: Suriin ang bawat pahayag kung ano ang katangian ng
mananaliksik ang ipinakita. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

8. Hindi madaling hanapin ang mga Kaugnay na Literatura at Kaugnay na Pag-aaral sa Filipino. Ngunit,
hindi ito naging hadlang kina Alexandra upang maghanap nang maghanap sa mga silid-aklatan.
A. Analitikal B. Matiyaga C. Responsable D. Kritikal

9. Naghanap sina Martin ng mga Kaugnay na Literatura sa internet ngunit wala silang mahanap, kaya
minabuti nilang bumisita sa silid-aklatan ng Ateneo de Naga University.
A. Mapamaraan B. Kritikal C. Maingat D. Matiyaga

10. Naging abala si Irene sa paglilista ng lahat ng mga sangguniang pinagkunan nila ng impormasyon,
nais niyang iwasang madawit ang kanilang grupo sa kaso ng plagiarism.
A. Mapamaraan B. Maingat C. Responsable D. Matanglawin

11. Bawat datos na nakalap ay binasa at sinuring mabuti upang maging kapaki-pakinabang sa
pananaliksik.
A. Matanglawin B. Maingat C. Analitikal D. Kritikal

12. Naging mabusisi ang pagsulat ng bawat kabanata ng pananaliksik nina Andrea, hindi ito basta-basta
isinulat nang wala sa konteksto.
A. Kritikal B. Maingat C. Matanglawin D. Matapat

13. Lahat ng mga datos na mula sa iba’t ibang manunulat ay kinilala nina Marc. Maayos itong inilagay sa
Bibliograpiya.
A. Maingat B. Matapat C. Matanglawin D. Kritikal

14. Nakaligtaan nina Fe na kilalanin ang isang manunulat na pinagkunan nila ng datos at napuna ito ng
panel. Nagkaroon ng imbestigasyon at hindi intensyon nina Fe na magnakaw ng datos, ngunit
nagkaroon pa rin ng karampatang parusa ang kanilang pagkakamali na tinanggap naman nila nang
buo.
A. Matapat B. Responsable C. Kritikal F. Matanglawin

Pinal na Pagsubok sa Komunikasyon at Pananaliksik 11 Pahina 1


15. Bago ipalimbag ang pananaliksik nina Isaac, siniguro muna ng lahat ng miyembro na maayos na
naisulat ang bawat kabanata.
A. Mapamaraan B. Maingat C. Responsable D. Matanglawin

III. (14 puntos) MGA TIP SA PAGPILI NG PAKSA: Suriin ang “hugot” sa bawat bilang at sabihin kung anong tip
ang katumbas nito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik sa sagutang papel. (Dalawang puntos
bawat isa)

16. “Piliin mo hindi dahil gusto mo lang, isipin mo rin na sana sapat at makatutugon sa oras ng iyong
pangangailangan.”
17. “Isipin mo ang nakalaang panahon kung gaano magtatagal. Pagplanuhan at hati-hatiin ang bawat oras
nang hindi masakripisyo ang atensyon sa ibang bagay.”
18. “Huwag kang makikihati sa mga bagay na pag-aari na ng iba.”
19. “Minsan akala mo sa sarili mo kilalang-kilala mo na siya sa kabila ng katotohanang may mga dapat pa
palang malaman tungkol sa kanya.”
20. “Huwag mong pipilitin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong wala ka, sapagkat sa huli’y ikaw rin ang
masasaktan.”
21. “Nararapat na gusto mo o malapit sa puso mo ang iyong pipiliin nang mapanatili ang interes hanggang
sa matapos ang anumang sinimulan gaano man kahirap ang iyong pagdaraanan.”
22. “Ang nakalipas ay nakalipas na. Past is past, ika nga. Hayaan mong maging mapagbago ang iyong sarili.”
A. Paksang marami kang nalalaman B. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
C. Paksang gusto mo pang higit
na makilala o malaman D. Paksang Napapanahon
E. Maging bago o naiiba(unique) F. May Mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
G. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan.

IV. (5 puntos) MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagpili ng paksa
sa pamamagitan ng pagsulat ng 1-5. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 30. Paglilimita ng Paksa


_____ 31. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
_____ 32. Pagtala ng mga posibleng magiging paksa para sa susulating pananaliksik
_____ 33. Pagsusuri sa mga itinalang idea
_____ 34. Pagbuo ng tentatibong paksa

V. (6 puntos) TAMA O MALI: Suriin kung tama o mali ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel kung TAMA
o MALI.

35. Ang paunang impormasyon o ang tinatawag na “background information” ay magbibigay ng idea sa
mananaliksik kung bakit kailangang pag-aaralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng
papanigang pananaw sa bubuuing pahayag na thesis.
36. Sa pagpili ng mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng paunang impormasyon tulad ng mga website
ay dapat na maging maingat.
37. May mga website na mapagkakatiwalaan tulad ng may domain system na nagtatapos sa
.edu(educational institution), .gov(government), o .org(organization) at iwasan/suriin ang mga website
na nagtatapos sa .com(commercial) dahil karamihan ay di beripikado.
38. Dapat ay sa internet lamang kumuha ng datos upang matiyak na itong napapanahon.
39. Ang Qualitative data ay datos na ginagamitan ng numerikal o operasyong matematikal at tumutukoy
sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sarbey o ininterbyung mga respondent.
40. Ang pahayag na thesis ay naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw na handa niyang
patunayan.

VI. (10 puntos) MAHALAGANG ARAL: Sa loob ng limang pangungusap, ano ang mahalagang aral na natutuhan
mo sa asignaturang PAGBASA at PAGSULAT NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK?

_______________________________________________________ PAMANTAYAN:
_______________________________________________________ Nilalaman 5 puntos
_______________________________________________________ Kalinawan 5 puntos
_______________________________________________________ Kabuuan: 10 puntos
_______________________________________________________
_______________________________________________________
/bernrosales
Pinal na Pagsubok sa Komunikasyon at Pananaliksik 11 Pahina 2

You might also like