You are on page 1of 2

0

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ESCALANTE CITY
PAITAN INTEGRATED SCHOOL
2nd SUMMATIVE TEST in Filipino 7
3RD QUARTER
______________________________________________________________________________
Name: ________________________________________________________________ Score: ___________________
Teacher: JENNYLYN M. CARANO-O Date: ___________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan saka isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. May layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon


tipon, anong uri ng panitikan ito?
a. bugtong c. awiting panudyo
b. palaisipan d. tugmang de-gulong

2. Ano itong kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at
traysikel?
a. bugtong c. awiting panudyo
b. palaisipan d. tugmang de-gulong

3. Anong uri ng akdang patula ang kadalasang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam?
a. bugtong c. awiting panudyo
b. palaisipan d. tugmang de-gulong

4. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Anong uri ng kaalamang bayan ito?


a. bugtong c. awiting panudyo
b. palaisipan d. tugmang de-gulong

5. Alin sa sumusunod ang katangian ng bugtong?


a. kalimitang may himig nagbibiro
b. isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
c. makikita sa mga pampublikong sasakyan
d. isang paalala o babala na kadalasang makikita sa mga pampublikong sasakyan.

II. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Tukuyin kung ang may salungguhit ay
Pangunahing Kaisipan o Pantulong na Kaisipan.

_______6. Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama. Salamat sa
internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap ang ilang
mga bagay na hindi ko kayang maiparating nang tuwiran.
_______7. Lahat ng tao ay pwedeng magkamali. May kapangyarihan tayong pumili ng landas na
gusto nating tahakin minsan tayo ay nagkakamali pero hindi ibig sabihin na mali na
tayo, minsan ito ang nagiging dahilan upang tayo ay matuto at magsumikap upang
makamit natin kung ano man ito.
_______8. Ikaw ay naiiba sa lahat. Minsan ang isang salitang ito ay nakakasakit ng damdamin
pero minsan naman ito ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa iba dahil sa panahon
ngayon gusto nilang makilala sila kung sino sila at hindi pwedeng ikumpara o itulad sa
iba.
_______9. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita. Ang pahayag na iyon ni
Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nag-aalangang maghayag ng
aking saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita
walang diskriminasyong nagaganap sa mundong ito.
_______10. Sa panahong ito ng pandemya dapat tayong magkaisa, upang madaling mawala ang
sakit na COVID-19 kaya dapat tayo ay sumunod sa mga protocol.

III. Panuto: Subukin muna nating sagutan ang paunang pagsusulit upang mabatid natin ang
iyong kaalaman sa araling ito. Isulat lamang ang titik ng napiling sagot sa sagutang
papel. Basahing maigi at unawain ang katanungan.
11. Ano ang tawag sa isang sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha,
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuro-kuro, pangaraw-araw na pangyayari, alaala
ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao?
a. maikling kuwento c. talambuhay
b. sanaysay d. talumpati

12. Ano ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pag-unawa?
a. Pormal c. di-pormal
b. Ganap d. di-ganap

13. Ano naman ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang
magaan, karaniwan, pang-araw-araw at maaring personal?
a. Pormal c.di-pormal
b. Ganap d. di-ganap

14. Ito ay pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat una itong tinitignan


ng mambabasa at dapat may nakapupukaw na atensyon.
a. Katawan c. panimula
b. pamagat d. wakas

15. Ito ay bahagi ng sanaysay kung saan makikita ang pagtalakay sa


mahahalagang punto ukol sa tema at nilalaman.
a. Katawan c. panimula
b. Pamagat d. wakas

16. Ito naman ang bahagi ng sanaysay na nagbubuod sa talakayang naganap.


a. Katawan c. panimula
b. Pamagat d. wakas

17. Ito ang elemento ng sanaysay na tumutukoy sa paksang tatalakayin.


a. anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b. kaisipan d. wika at istilo

18. Ito ang elemento ng sanaysay na naglalahad ng mga ideyang tinatalakay at


karaniwang magkakaugnay.
a. anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b. kaisipan d. wika at istilo

19. Ito ang elemento ng sanaysay na naglalahad nang maayos na


pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
a. anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b. kaisipan d. wika at istilo

20.Ito ang elemento ng sanaysay na naglalahad na dapat gumamit ng simple,


natural at matapat na mga pahayag.
a. anyo at istruktura c. tema at nilalaman
b. kaisipan d. wika at istilo

You might also like