You are on page 1of 13

7

FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN

(DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


1 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Una-Ikawalong Aralin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: RUBY ANN R. SISON, MA. EDNALYN C. REJANO, ENROSE L. TORIO


JOANNE CLEOFE, LORENZ IRAH J. AGUSTIN, RACHEL T. GALOSO,
CAMILLE JOY V. DELGADO at GILSANNE I. MEMPIN
Tagasuri ng Nilalaman: GRACE I. YUMUL
Tagasuri ng Wika: GRACE I. YUMUL
Tagasuri: ROSARIE R. CARLOS, EPS- Filipino
Tagaguhit: LR Illustrator
Tagalapat: LR Illustrator Management
Team:
MELITON P. ZURBANO, Assistant Schools Division Superintendent (OIC-SDS)
FILMORE R. CABALLERO, CID Chief
JEAN A. TROPEL, EPS In-Charge of LRMS
ROSARIE R. CARLOS, EPS- Filipino

Printed in the Philippines by ________________________


Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA CITY
Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

2 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


7
FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN
IKAAPAT NA ARALIN

3 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa aralin Una-Ikawalo.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

4 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Halina’t sabay nating pag-aralan ang mga araling nakapaloob sa modyul na ito na
naglalaman ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan.

Sa modyul na ito ay mayroong mga inihandang gawain o pagsasanay na


kinakailangan mong sagutan. Ito ay may malaking gampanin upang mas mapalawak pa
ang iyong pag-unawa tungkol sa paksang ito.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang:

 Naisusulat ang sariling tulang/awiting panudyo, tugmaang de gulong at palaisipan


batay sa itinakdang pamantayan. F7PU-IIIa-c-13

Handa ka na ba para sa unang gawain?


Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga
pampaseherong sasakyan tulad ng dyip, bus, at traysikel.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
2. Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang layunin ay mambuska o manudyo.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
3. Ito ay isang suliranin at uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas
nito.
A. Bugtong B. Palaisipan C. Tugmaang de Gulong D. Tulang Panudyo
4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng palaisipan maliban sa: A. Ito ay isang isdang
lumalaki pa.
B. Andiyan na si Kaka, bubuka-bukaka.
C. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
D. Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tugmaang de gulong maliban sa: A. Bata
batuta, may sampung muta.
B. Barya lang po sa umaga para walang abala.
C. Aanhin pa ang gasolina kung ang dyip ko ay sira na.
D. Pasaherong masaya tiyak na may pera.
6. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. kariktan B. saknong C. sukat D. talinghaga
7. Ito ang tawag sa anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao na binubuo
ng mga saknong at taludtod.
A. maikling kwento B. nobela C. talinghaga D. tula
8. Ito ay tumutukoy sa nakatagong kahulugan ng tula.
A. kariktan B. saknong C. sukat D. talinghaga
9. Ang sumusunod ay elemento ng tula maliban sa:
A. banghay B. kariktan C. saknong D. talinghaga
10. Ito ay tawag sa mga salitang ginagamit upang mas maipakita ang kagandahan ng tula.
A. kariktan B. saknong C. sukat D. talinghaga

5 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


II. Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag patungkol sa mga dapat isaalangalang
sa pagsulat ng kaalamang-bayan at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
11. Sa pagsulat ng mga kaalamang-bayan, maaaring hiramin o gamiting muli ang mga
nauna nang nilikha.
12. Sa pagbuo ng tugmaang de gulong, ito ay payak lamang at hindi pormal na akda.
13. Dapat ay orihinal ang paksang pipiliin sa paggawa ng tulang panudyo, tugmaang de
gulong at palaisipan.
14. Ang palaisipan ay dapat na sumusubok sa kaisipan at katalinuhan ng isang tao.
15. Ang sagot sa bugtong ay hindi dapat na inilalarawan sa pangungusap o tanong.

Aralin Pagsulat ng Tulang Panudyo,


4 Tugmaang de Gulong at Palaisipan
Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, natitiyak ko ang iyong lubusang pag-unawa sa pagsulat ng
tulang panudyo, tugmaang de gulong at palaisipan. Handa ka na ba? Halina at ating
simulan.

I. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang kasingkahulugan ng mga
salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Hinagod - N O S H A I P L - _________________________
2. Humahagibis - N U M T I A L - _________________________
3. Kapos - G A N K L U - _________________________
4. Problema - I S L A U N R I N - _________________________
5. Pampalipas-oras - B L I A N N A G - ____________________
6.
II. Panuto: Lagyan ng bilang 1-3 ang mga salita ayon sa tindi o lalim ng kahulugan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
___ nasira ___ inis ___ natuwa
___ nawasak ___ poot ___ nawili
___ napunit ___ galit ___ naaliw

Panuto: Basahin ang ilang halimbawa ng kaalamang-bayan at sagutan ang mga gabay na
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Gabay na Tanong;
1. Barya lang po sa
umaga para hindi 1. Suriin ang mga halimbawang kaalamangbayan. Ito
makaabala. ba ay nagtataglay ng sukat at tugma?
2. Ano ang mapapansing pagkakaiba ng dalawa?
2. Tutubi, tutubi 3. Ang bawat kaalamang-bayan ba ay nagpapakita ng
tugmaan?
Huwag kang
4. Ano ang sinasalamin ng mga halimbawang ito?
papahuli
5. Sa pagsulat ng maikling tula tulad nito,
Sa batang bakit mahalagang isaalang-alang ang sukat at
mapanghi tugma?

Ang mga kaalamang-bayan tulad ng tugmaang de gulong, tulang


panudyo, bugtong at palaisipan ay bahagi ng pampanitikang Pilipino. Ang mga ito ay
patuloy pa rin nating naririnig o nababasa araw-araw. Ito ay ginagamit upang magbigay-
aliw o magsilbing libangan sa mga tao, bata man o matanda.
Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito
ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang
patula tulad ng tulang panudyo, tugmaang de gulong at palaisipan.

Tula - isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao na binubuo


ng mga saknong at taludtod. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at kaisipan gamit
ang mga marikit na salita.
Elemento ng Tula
Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong Saknong
– grupo ng mga salita sa isang tula
Tugma – pagkakaparehas ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod
Kariktan – maririkit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mga
mambabasa
Talinghaga – natatagong kahulugan ng tula

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng mga Kaalamang-bayan

• Dapat ay orihinal ang paksang pipiliin sa paggawa ng tulang panudyo, tugmaang


de gulong at palaisipan. Hindi ito muling likha mula sa mga nauna nang
halimbawa.
• Ito ay dapat na sumasalamin sa kulturang Pilipino.
• Kinakailangan na ang kayarian ng tulang panudyo ay may sukat at tugma.
Mahalaga na ito ay nagtataglay na manudyo, mang-insulto, mangutya, mang-
uyam o mambuska.
• Sa pagbuo ng tugmaang de gulong, ito ay payak lamang at hindi pormal na
akda. Wala itong sinusunod na tugma o bilang. Ito ay dapat na kadalasang
nakatutuwa at nakabatay sa katangian ng mga drayber, uri ng mga pasahero o

7 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


sitwasyon sa araw-araw na byahe. Ito ay maaaring nasa anyo ng kasabihan,
salawikain o kwento.
• Sa pagsulat ng palaisipan, ito ay dapat na sumusubok sa kaisipan o katalinuhan
ng isang tao. Mula sa pira-pirasong detalye na iyong binuo, inaaasahang
malulutas ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama nito sa lohikal na paraan
upang makamit ang solusyon.
• Wala namang sinusunod na bilang ng salita ngunit kadalasan ay may tugma ang
pagsulat ng bugtong. Ang sagot dito ay dapat na inilalarawan sa pangungusap o
tanong. Dapat na ang pangungusap o tanong na bubuoin ay nagpapahayag ng
doble o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin.

Gawain 1: Bumuo ng sariling tulang panudyo ayon sa nakasaad na


pamantayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
Pen pen de sarapen
May batang ututin
Kapag inasar, iyakin
Uuwing sipunin
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Malinaw na sinasalamin ng tula ang katangian


ng tulang panudyo.
2. Mahusay ang paggamit ng mga salita,
nakaaaliw at ang layunin ay manudyo.
3. Binubuo ng apat na linya at masining ang
pagkakabuo ng bawat taludtod
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng
mga salita at parirala
5. May tugmaan sa bawat taludtod
_______________________________________________________
Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Katamtaman ang husay;
2 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad; 1 – Nangangailangan pa
ng gabay

Gawain 2: Hanapin sa puzzle sa ibaba ang tinutukoy ng mga sumusunod na


palaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bubong kung liwanag, kung gabi ay dagat.

2. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

8 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


3. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

4. Dala-dala ko siya, ngunit ako rin ay dala niya.

5. Bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng pula at itatapon mo na puti.


d s U l I r a n i n z
m a B a n i g u u p i
m b N g o y o s l v p
s a N d o k o i i s p
g m A b o l i s n l e
a n X x f k a a g g r
t s I n e l a s i n n
w e P e k t i b o g p

Gawain 3: Lumikha ng sariling tugmaang de gulong na maiuugnay sa pandemya ayon sa


itinakdang pamantayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:
Ang sitsit ay sa aso
Ang katok ay sa pinto
Sambitin ang ‘para’ Para ang
dyip ay huminto.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Malinaw na sinasalamin ng tula ang katangian ng


tugmaang de gulong.
2. Mahusay ang paggamit ng mga salita.
3. Binubuo ng apat na linya at masining ang pagkakabuo ng
bawat taludtod.
4. Naiuugnay ang mga ginamit na salita sa paksang ibinigay.

5. Nagpapakita ng malayang taludturan.


Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Katamtaman ang husay;
2 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad; 1 – Nangangailangan pa
ng gabay

9 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Gawain 4: Isulat ang TG kung ang pahayag ay halimbawa ng tugmaang de gulong,
TP kung ito ay tulang panudyo at PL naman kung ito ay palaisipan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. God knows hudas not pay.
2. Putak, putak batang duwag matapang ka’t nasa pugad.
3. Damit ni Lolo, taon-taon nagbabago.
4. Patok sa takilya, hindi naman pelikula ngunit pinipilihan ng gutom na
masa.
5. Anong salita sa diksyonaryo ang laging binabaybay ng mali?

Gawain 5: Bumuo ng palaisipan batay sa mga salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ring light
__________________________________________________________________________.
2. Face Mask
__________________________________________________________________________.
3. Suklay
__________________________________________________________________________.
4. Sapatos
__________________________________________________________________________.
5. Module
__________________________________________________________________________.

Panuto: Magtala ng 5 kahalagahan ng pag-aaral ng tugmaang de


gulong, tulang panudyo at palaisipan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

10 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Panuto: Bumuo ng tatlong sariling likhang tugmaang de
gulong, tulang panudyo at palaisipan ayon sa itinakdang pamantayan.
Gumawa ng talahanayan sa sagutang papel.
Tugmaang de Gulong Tulang Panudyo Palaisipan

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.
Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Malinaw na sinasalamin ng mga nilikha ang bawat


katangian ng Tugmaang de Gulong, Tulang Panudyo at
Palaisipan
2. Mahusay ang paggamit ng mga salita at pahayag
3. Masining ang pagkakabuo ng bawat halimbawa
4. May kaayusan ang mga ideyang nakapaloob sa binuong
mga halimbawa
5. Nakaaaliw at nakapupukaw ng interes ng mambabasa.
Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Katamtaman ang husay;
2 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad; 1 – Nangangailangan pa
ng gabay

I. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pariralang bubuo sa bawat pahayag.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

* Sweet lover * Barya lang sa umaga * Nagtinda sa gabi


* Ang may magandang ngiti * Magkaka -powers ka

1. Sumigaw ng Darna, __________________________________________.


2. ______________________________________________, maraming sukli.
3. Basta drayber, ________________________________________________.
4. ____________________________________________, kaya walang bumili.
5. ____________________________________________ para walang abala.

II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TP kung ang pahayag ay isang halimbawa
ng tulang panudyo, TG naman kung tugmaang de gulong, at P kung
palaisipan.
6. Barya lang po sa umaga para hindi makaabala.
7. Tutubi, tutubi, huwag kang pahuhuli sa batang mapanghi.
8. Magandang dilag nais kitang makilala ngunit ako’y abala sa aking manibela.
9. Pedro Penduko matakaw sa tuyo, nang ayaw maligo pinukpok ng tabo.
10. Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, ‘di makararating sa paroroonan.
11 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)
11. Anong mayroon sa aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon ngunit dalawa sa
buwaya, at tatlo sa palaka?
12. Damit ni lolo, taon-taon kung magbago.
13. Putak, putak, batang duwag, matapang ka’t nasa pugad.
14. God knows Hudas not pay.
15. Ano ang mas mabigat, isang kilong pako o isang kilong bulak?

Panuto: Pumili ng mga salitang nasa puso at gamitin ang mga ito upang
makabuo ng tulang panudyo ayon sa itinakdang pamantayan.

Pikon away
Sumbong laro bata
Iyak kampi mahina

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________
Pamantayan 5 4 3 2 1

1. Malinaw na sinasalamin ng tula ang katangian ng


tulang panudyo.
2. Mahusay ang paggamit ng mga salita, nakaaaliw at
ang layunin ay manudyo.
3. Binubuo ng apat na linya at masining ang
pagkakabuo ng bawat taludtod.
4. May kaayusan ang pagkakasunod-sunod ng mga
salita at parirala.
5. May tugmaan sa bawat taludtod.
Pamantayan: 5 – Napakahusay: 4 – Mahusay; 3 – Katamtaman ang husay;
2 – Nangangailangan pa ng pagpapaunlad; 1 – Nangangailangan pa ng
gabay

12 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

13 (DO_Q3_FILIPINO_GRADE 7_MODULE 1-8)

You might also like