Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
7
FILIPINO
IKATLONG MARKAHAN
IKALAWANG ARALIN
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung ang salitang may salungguhit sa pahayag
ay tama at kung mali ay isulat ang wastong salita.
A. Panuto: Ihanay ang mga kaalamang-bayan ayon sa pangkat. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Mga Kaalamang-Bayan
1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan, ang layunin ay manlibaka,
manukso, o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala
rin sa tawag na Pagbibirong patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang Huni ng tuko ay
kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo. Pedro Panduko,
matakaw sa tuyo.
2. Tugmang de-gulong
Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa
pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain,
kasabihan, o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay tinitipon ni Dr.
Paquito Badayos.
Halimbawa:
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
c. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at
kalimitang maiksi lamang. Noon, karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay-aliw
sa mga namatay ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag may mga
handaan o pista.
Halimbawa:
a. Gumagapang pa ang ina,
Umuupo na ang anak. (sagot: Kalabasa)
b. Maliit pa si Totoy
4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas
oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangngahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino
ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon
sapagkat ito’y talaga namang nakapagpapatalas ng isipan. Ito ay hindi na lamang pinag-
uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa usapan sa internet.
Halimbawa:
a. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis.)
b. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang
di man lamang nagalaw ang sombrero?
(sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)
Sanggunian:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7
Gawain 1: Tukuyin ang uri ng kaalamang-bayan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Gawain 2: Mula sa gawain 1, ihambing ang mga kaalamang-bayan batay sa kanilang mga
pagkakatulad at pagkakaiba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kaalamang-bayan Pagkakatulad Pagkakaiba
Tugmang de gulong
Bugtong
Palaisipan
Gawain 3: Suriin at ilahad ang katangian ng bawat tulang panudyo at tugmang de gulong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel
Gawain 4: Isulat ang BU kung ang katangiang inilalarawan ay bugtong, PA naman kung
palaisipan at BP kung ang pahayag ay naglalarawan ng mga katangiang ng
kapwa bugtong at palaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
panudyo gulong
_____________ _____________
A. Panuto: Basahin at suriin ang mga kaalamang-bayang nasa talahanayan. Suriin ang
katangian ng mga ito batay sa paraan ng pagkakasulat, nilalaman at layunin
ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tula/awiting panudyo
Palaisipan
Anong mayroon sa aso, na
mayroon din sa pusa na wala
sa ibon, na mayroon sa manok,
na dalawa sa buwaya at kabayo
na tatlo sa palaka?