You are on page 1of 1

Headline: Mag-aaral ng HUMSS at GAS itinampok ang kanilang adbokasiya

Bilang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang Discipline and Ideas in Social Science ng mga strand
ng Humanities and Social Sciences at General Academic Strand nagsagawa ng isang outreach program
ang mga mag-aaral mula sa Baitang 12 noong Enero 20, 2023.

Mula sa Caloc-an Elementary School ang mga mag-aaral na napili bilang bahagi ng nasabing gawain.
Nasa edad pito hanggang labindalawa ang kasali.

Adbokasiya nila na ipahatid ang temang "Children's Enrichment Program. Layuning nitong makatulong sa
mga bata na magdulot ng ambag para sa kanilang hinaharap.

Ayon PsalmFedelis, tagapanguna ng adbokasiya, "May potential ang bawat bata. Kinakailangan nila na
kahit bata pa ay malaman ang kanilang tungkulin at responsibility sa lipunan."

Tampok din sa Program ang symposium ang 12 Basic Rights of a child. Mayroon din isinagawang
recreational activities na hinati-hati ang bawat bata batay sa kanilang edad.

Namahagi rin ang mga mag-aaral ng school supplies at pagkain para sa mga ito.

Bawat batang kasali ay naging aktibo sa bawat gawaing inihanda, maging ang mga mag-aaral.

Natapos ang araw na matagumpay ang paghahatid ng nasabing adbokasiya. Lahat ay umuwi na may
ngiti sa labi.

You might also like