You are on page 1of 50

REPUBLIKA NG PILIPINAS

CAGAYAN STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

PERERGOWAN YA KUSETSERU:

MGA USAPAN AT REHISTRO NA WIKA NA GINAGAMIT

NG MGA MAGSASAKA SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO

Baculi, Luisa
Bunuen, Lheslie
Lintag, Morea Lyka
Macutay, Mitchie Mae
Narag, Jacobean
Rafael, Rheiner
Reyes, Judy – Ann
Rivera, Francisco Jr.
Siggayo, Alondra
Mga Mananaliksik

Gng. Alma Banggayan-Manera


Tagapayo
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng gawaing kailangan sa titulong Bachelor of Secondary Education

– Major in Filipino, ang pananaliksik na pinamagatang, “PERERGOWAN YA

KUSETSERU: MGA USAPAN AT REHISTRO NA WIKA NA GINAGAMIT NG

MGA MAGSASAKA SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO” ay inihanda at iniharap

nina Luisa Baculi, Lheslie Bunuen, Morea Lyka Lintag, Mitchie Mae Macutay, Jacobean

Narag, Rheiner Rafael, Judy Ann Reyes, Francisco Rivera Jr. at Alondra Siggayo na

ngayon ay itinakda para sa pagsusulit na pasalita.

Petsa: June 2022 Alma B. Manera, PhD


Tagapayo

Inaprubahan ng komite sa pagsusulit na may gradong ____________.

PANEL MEMBERS

_________________________________
Tagapangulo

________________________ ________________________
Miyembro Miyembro

Tinanggap bilang isang bahagi ng katuparan sa mga pangangailangan sa pagtamo ng kursong


Bachelorof Secondary Education Major in Filipino.

Petsa: June 2022 Marie Claudette M. Calanoga Ph.D


College Dean

i
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal, at sa

iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong

at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Sa aming mga magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa

aming mga pangangailangan.

Kay Gng. Alma Manera na siyang nagsilbing tagapayo at masinop na naglalahad ng

mas malinaw na konsepto at nagbigay ng kaalaman upang maging maayos ang pag-aaral na

ito.

Kay G. Jun Jun Ramos. G. Antonio Tamayao at Gng. Michelle Medina, sa masugid

na sumagot sa aming mga katanungan tungkol sa aming pananaliksik.

At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa mga

pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasang matapos ang pag-aaral na ito.

ii
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Dahon ng Pagpapatibay……………………………………………………………..i

Pasasalamat................................................................................................................ii

Talaan ng mga Nilalaman…………………………………………………………..iii

Abstrak………………………………………………………………………………iv

KABANATA I

Saligang Pangkasaysayan

Panimula……………………………………………………………………..1

Layunin ng Pananaliksik…………………………………………………….3

Paglalahad ng Suliranin...................................................................................4

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………...4

Katuturan ng mga Katawagan……………………………………………….5

Saklaw at Delimitasyon……………………………………………………...6

Batayang Teoritikal………………………………………………………….6

Konseptong Balangkas………………………………………………………7

KABANATA II

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura............................................................9

KABANATA III

Metodolohiya at Pamamaraan ng Pag-aaral

Disenyo ng Pag-aaral………………………………………………………14

Pook ng Pag-aaral………………………………………………………….14

Responante ng Pananaliksik……………………………………………….14

Instrumento………………………………………………………………...15

Paglikom ng mga datos…………………………………………………….15

iii
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Pagtatalakay sa Datos……………………………………………………….16

KABANATA V

Resulta ng Pananaliksik……………………………………………………..34

Konklusyon…………………………………………………………………34

Rekomendasyon…………………………………………………………….35

Talaan ng mga Sanggunian

a. Aklat………………………………………………………………………39

b. Internet……………………………………………………………………40

Appendises

a. Liham-Pahintulot…………………………………………………………41

b. Liham para sa mga Respondante…………………………………………42

c. Talatanungan sa pakikipanayam………………………………………….43

iv
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ABSTRAK

Pamagat : PERERGOWAN YA KUSETSERU: MGA USAPAN AT


REHISTRO NA WIKA NA GINAGAMIT NG MGA
MAGSASAKA SA LUNGSOD NG TUGUEGARAO
Mananaliksik : Baculi, Luisa
Bunuen, Lheslie
Lintag, Morea Lyka
Macutay, Mitchie Mae
Narag, Jacobean
Rafael, Rheiner
Reyes, Judy – Ann
Rivera, Francisco Jr.
Siggayo, Alondra
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at mabatid ang kadalasang pinag-

uusapan ng mga magsasaka sa lungsod ng Tuguegarao. Sinipat ng mga mananaliksik ang iba’t

ibang rehistro ng wika na kanilang ginagamit sa pang araw-araw na pagsasaka. Ang

pananaliksik ay sumasailalim sa kwalitatibong pag-aaral. Ang mga respondante sa

pananaliksik na ito ay mga karaniwang mamamayang magsasaka sa lungsod ng Tuguegarao.

Ang mga datos na kinailangan sa pananaliksik ay nilikom sa pamamagitan ng harapang

pakikipanayam sa mga respondante sa lungsod ng Tuguegarao. Sinikap itanong ng mga

mananaliksik sa mga respondanteng magsasaka ang kadalasang paksa ng kanilang usapan sa

tuwing panahon ng pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba at panahon ng anihan,

gayundin ang rehistro na wikang kanilang ginagamit at kahulugan ng mga ito. Ang mga

nakalap na datos ng mga mananaliksik sa interbyu sa mga magsasaka ay sinikap na maisatitik

sa pamamagitan ng sistematikong paglalahad. Batay sa isinagawang pananaliksik, ang rehistro

na wika ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tuguegarao ay nananatiling ginagamit sa araw-araw

na pakikipagtalastasan at pakikipagkwentuhan sa kapwa magsasaka

v
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
KABANATA I
Saligang Pangkasaysayan

Panimula

Ang pagkukwentuhan o pag-uusap ay bahagi na ng buhay ng bawat magsasakang

Pilipino. Simula pa lamang ng mabilisang paghigop ng kape ng mga magsasaka bilang

panimula sa kanilang araw hanggang sa pagpunta nila ng bukid at magsipag-uwian ay kabilang

na sa mga gawain ang kwentuhan. Isang usapan at kwentuhan na kadalasang pinagmumulan

ng isang magandang samahan na humuhubog sa kabuuang kultura at kaugalian ng mga

magsasakang Pilipino.

Kaugnay ng pag-uusap at pagkukwentuhan ay ang paggamit ng wika na siyang

nagsisilbing identidad ng tagapagsalita nito. Tanging kasangkapan na laging ginagamit sa

pakikipag-usap sa mga tao. Isang wikang ginagamit ng isang tao o maging ang grupong

kinabibilangan nito. Mula sa paraan ng pagsasalita sa isang wika, maipakilala ng sinuman kung

sino siya, saan nagmula, kasarian, estado sa buhay at higit sa lahat ang komunidad na

kinabibilangan.

Ayon sa teorya ni Boje 2009, ang pag-uusap ay may malaking kontribusyon sa pag-

unlad ng isang samahan. Sa simula isinalaysay ni Boje ang teorya kung paanong lumabas sa

pag-aaral na ang pagkukwentuhan ay napakahalaga sa mundo at kung paano binibigyang

halaga ng mga tao ang kwento. Binigyang diin sa teorya nito na ang pagsasalaysay ay

nangyayari saan man, maaaring sa pormal na pag-uusap, nagkabungguan, nagkasabay sa

paglalakad, pagkain o sa pagsasagawa ng anumang gawain.

Ayon sa Prusak, Work Safe Victoria, and Wilkins (as cited in Gill, 2011) “Kadalasan, ang

pag-uusap-usap o pagkukwentuhan sa lugar ng trabaho ay ginagamit upang bigyang diin ang

kaligtasan at mabawasan ang panganib”

1
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Sa pananaw ng sosyolinggwistika, maaaring maiugnay ang inilahad na kaisipan sa

tinatawang na speech community. Kahit na sinasabing ang speech community ay tumutukoy

sa lahat ng tao na nagsasalita ng isang tiyak na wika, nakatuon rin naman ito sa paraan ng

paggamit ng wika ng isang grupo ng tao. (Spolsky 1998) Binubuo ito ng mga taong laging,

nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at hindi lamang isang wikang ang kanilang pinagsasaluhan dahil

bahagi rin maging ang tinatawag na rehistro ng wika. Ang isang komunidad ay binubuo ng

mga sektor o iba-ibang grupo ng indibidwal na may sarili o kani-kaniyang paraang ng paggamit

ng wika. Gaya sa grupo ng mga magsasaka. May mga salita at anyo sila sa paggamit ng wika

na naglalahad rin ng tiyak na gamit nito nang ayon sa kanilang grupo o kumunidad na

umaangkop sa kanilang hanapbuhay, ang pagsasaka.

Sa pang araw-araw na pagkain at pagtingin sa puting kanin, tumalima ba sa isipan ng

bawat Pilipino kung saan ito nagmumula? Naisip ba ng mga tao na bawat butil ng kanin na

sinusubo ay katumbas ng tagatak na pawis ng mga magsasakang tila tinalikuran na ng tadhana.

Ayon sa Wisconsin Historical Society 2018, isa sa limampung katao ay magsasaka.

Tunay nga na ang pagsasaka ay isang napakahalagang parte ng pamumuhay ng mga tao, isang

propesyon na tila hindi nabibigyan ng tamang dangal at karangalan na nararapat nitong matamo

na ngayon ay tila nakalilimutan na at nagbabadyang mamatay maging ang sarili nitong kultura

at mga rehistro ng wika na tuluyang natatabunan dahil sa mga makabagong teknolohiya.

Marahil na rin ito siguro sa perspektibo ng makabagong panahon, na kung saan ang pagsasaka

ay para lamang sa mga mahihirap at ito rin ang dahilan ng kanilang kahirapan. Kabilang na rin

ang mga kinakaharap na isyu na hindi magawang solusyunan ng ating bansa.

Papatunayan sa pag-aaral na ito na may mga makabuluhang usapan at wika ang

nabubuo kaugnay ng gawaing ito. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging daan upang

mamulat ang mata ng bawat miyembro ng lipunan na ang pagsasaka ay isang parte ng ating

2
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
pagka-Pilipino. Aasahan din sa pag-aaral na matukoy ang mga terminolohiyang ginagamit at

kahulugan sa mga gawain sa pagsasaka.

Ang pagsasaka ng mga mamamayan sa lungsod ng Tuguegarao ay nahahati sa tatlong

panahon. Ito ay panahon ng pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba at panahon ng

anihan. Ang mga magsasaka sa Tuguegarao ay kadalasan nagkakaroon ng tinatawag nilang

dalawang cropping o anihan sa loob ng isang taon. Ang unang yugto ng pagtatanim ay

isinasagawa tuwing buwan ng Mayo at aanihin sa buwan ng Setyembre. Ang ikalawang yugto

naman ng pagtatanim ay ginagawa tuwing sa buwan ng Nobyembre at aanihin sa buwan ng

Marso. Ang lungsod ng Tuguegarao ay binubuo ng malawak na kapatagan lugar kung kaya’t

ang pagsasaka ay tradisyunal pa ring ginagawa.

Layunin ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na layunin:

1. Mabatid at mailahad ang kadalasang paksa ng usapan ng mga magsasaka sa tuwing

panahon ng pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba at panahon ng anihan ng mais

sa lungsod ng Tuguegarao;

2. Mailahad at masuri ang estilo ng pag-uusap at antas ng ugnayan ng mga magsasaka

sa tuwing panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan ng mais sa lungsod

ng Tuguegarao;

3. Mabatid at mailahad kahulugan ang rehistro na wika na ginagamit ng mga magsasaka

sa tuwing panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan ng mais; at

4. Matukoy ang kultural na pagkakakilanlang nabubuo ng mga magsasaka sa tuwing

panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan ng mais.

3
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Paglalahad ng Suliranin

Makakamit ang layunin ng pananalikisik na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga

sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang kadalasang paksa ng usapan ng mga magsasaka tuwing panahon ng

pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba at panahon ng anihan ng mais?

2. Anong estilo ng pag-uusap at antas ng ugnayan ang madalas na ginagamit ng mga

magsasaka sa tuwing panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan ng mais?

3. Ano ang kahulugan ng mga rehistro na wika na ginagamit ng mga magsasaka sa tuwing

panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan ng mais?

4. Ano ang kultural na pagkakakilanlang nabubuo ng mga magsasaka sa tuwing panahon

ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan ng mais?

Kahalagahan ng Pag-aaral

“Ang pag-uusap at pagkuwentuhan ay sentrong bahagi ng buhay ng isang samahan”

(James & Minnis, 2004)

Ang paglaganap ng ganitong uri ng istratehiya ang nagbigay diin sa kahalagahan ng

pag-aaral sa mga usapan at rehistro ng wikang ginagamit ng mga magsasaka sa lungsod ng

Tuguegarao.

Mga guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro upang makapagbahagi sila

sa kanilang mag-aaral ng kaalaman tungkol sa rehistro na wika ng mga magsasaka sa lungsod

ng Tuguegarao at upang lubos pang makilala ang mga Tuguegaraoeñong magsasaka.

Mga mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng kaalaman

ang mga mag-aaral sa rehistro na wika at kamalayan sa kalagayan ng mga magsasaka.

4
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Mga mananaliksik. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa pagtuklas ng panibagong

kaalaman tungkol sa rehistro na wika ng mga magsasaka na maibabahagi at maipagmamalaki

sa buong mundo.

Mga magsasaka. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing ambag sa mga magsasaka upang

mabigyang halaga ang pag-uusap sa tuwing sila ay nagtatanim, naglalagay ng pataba at anihan

sa bukid. Ang makokolekta rehistro ng wika na ginagamit ng pagsasaka ang magsisilbing

batayan sa pagpapatibay ng kultural na pagkakakilanlan ng mga magsasaka.

Mga susunod na mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay maaari ring magamit na

reperensiya o kaugnay na literatura ang pananaliksik na ito upang suportahan ang kanilang mga

pag-aaral na may kaugnayan dito. Magbibigay kalinawan ang pananaliksik na ito sa mga

susunod pang mananalikisk tungkol sa kalagayan ng mga magsasaka.

Katuturan ng mga Katawagan

Binibigayang kahulugan ng mga mananalikisik ang mga sumusunod na katawagan

upang mapadali ang pag-unawa sa pag-aaral na ito:

 Magsasaka - Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo

ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong

gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa itong karaniwang

hanap-buhay para sa mga tao magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasnan.

 Itawes - Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at Tawid na nangangahulugang "mga

tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves.

Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pagsasaka.

 Rehistro - Sa linggwistika, ang rehistro ay ang pagkakaiba-iba ng isang wika na

ginagamit sa isang partikular na layunin o sa isang partikular na tanawing panlipunan.

5
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Sa madaling salita, iba-iba ang ginagamit na wika ayon sa propesyon o sa katayuan mo

sa lipunan.

 Dayalekto - Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din

itong wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malaki man o maliit. Makilala

ang dayalekto hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo

kundi maging sa punto o tono at sa istruktura ng pangungusap.

 Speech Community- Ang speech community ay isang grupo ng mga tao na ibinabahagi

ang isang hanay ng mga kaugalian at mga inaasahan tungkol sa paggamit ng wika.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral ang obserbasyon sa usapan at pagtukoy sa madalas na paksa at

estilo ng usapan ng mga magsasaka at maging ang rehistro ng wika na ginagamit ng mga

magsasaka sa lungsod ng Tuguegarao tuwing panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at

anihan ng mais. Susuriin din sa pananaliksik na ito kung ano ang kontribusyon nito sa pagbuo

ng kultural na pagkakakilanlan ng mga magsasakang Itawes.

Ang mananaliksik ay pipili ng ilang grupo ng mga magsasaka na mula sa lungsod ng

Tuguegarao na siyang magiging kalahok sa pag-aaral. Ang obserbasyon at pakikipanayam ay

isasagawa lamang sa panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba at panahon ng anihan ng

mais.

Batayang Teoretikal ng Pag-aaral

Ang mga teoryang magiging sanligan ng pag-aaral ay ang “narrative Theory” ni Boje,

2009. Sa teoryang ito binibigyang pansin kung paanong nabibigyang saysay ng mga tao ang

isang pag-uusap o ang isang kwento. Ipinanukala ng teoryang ito ang naratibong lohika bilang

pamalit sa tradisyunal na lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting

6
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
katwiran ay nagmumungkahi na husgahan ang kredebilidad ng isang tagapagsalita batay sa

koherens o pideliti ng kanilang kwento.

Nakabatay din ang pag-aaral na ito sa teoryang variationist ni Labov (1968), na ang

wika ay lagi nang may pagbabago. Ang iba’t ibang paraan ng pagsasabi ng isang bagay ay

maaaring makita sa lebel ng grammar, sa varayti ng wika, sa iba’t ibang istilo, dayalekto at

register ng wika na gamit ng bawat indibidwal na tagapagsalita sa iba’t ibang lugar at panahon.

Ayon pa kay Labov, ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng iba’t ibang porma upang masabi

ang isang kahulugan. Ang pagbabago sa wika ay bunga ng impluwensya ng sosyal at kultural

na factor- maaaring resulta ng kontak at panghihiram, o bunga ng imahinasyon ng isip ng tao

para sa mga teoristang ito ay may kasaysayan din ang pagkakalikha ng mga salitang bumubuo

sa isang wika. Ang pangunahing kaalaman na ang mga tao ay gumagamit ng iba’t ibang wika,

at ng iba’t ibang varayti ng wikang iyon at ang paggamit ng wikang iyon ay nagbibigay ng

iba’t ibang kahulugan.

Konseptong Balangkas ng Pag-aaral

paksa
Kultural na
usapan pagkaka-
estilo at kilanlan ng
Mga ugnayan mga
Magsasaka magsasaka

rehistro kahulugan

Pigura 1. Paradaym ng Pag-aaral

Makikita sa paradaym na ang magiging batayan sa pag-aaral ay ang mga magsasaka,

partikular sa lungsod ng Tuguegarao. Magsasagawa ng obserbasyon ang mananaliksik tungkol

sa usapan ng mga magsasaka at aalamin kung ano ang kadalasang paksa ng kanilang usapan.

7
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Pagkatapos ay susuriin kung ano ang estilo ang ginagamit nila sa pag-uusap o

pagkukwentuhan, aalamin din ang antas ng kanilang ugnayan sa pamamagitan ng pagsusuri sa

daloy ng kanilang usapan. Kasabay nito ay aalamin din ang rehistro ng wika na ginagamit ng

mga magsasaka at susuriin kung ano ang kahulugan nito sa larangan ng pagsasaka. Upang

matukoy ang nabubuong kulturang maaaring pagkakakilanlan ng mga magsasaka.

8
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

KABANATA II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon kay Fisher sa pagbanggit ni Caldiero, 2007 ipinaliwanag nito na ang paradima ng

pagsasalaysay ay binubuo ng tatlong simulain o palagay.Una ay ang pagkamatapat o ang

salaysay na tumutugma sa katotohanan, ikalawa ay ang mga salaysay tungkol sa mga maaaring

maganap o ang mga mga kwentong magkakaugnay at ang ikatlo ay ang may mabuting dahilan

o nasa tamang katwiran o ang kahalagahan ng kwento. Ito ay sumasaklaw sa mga kwentong

maaaring maganap/ mangyari, na kung saan ang salasaysay na ito ni Fisher ay malimit na

ginagamit.

Sabi naman ni Wardhaugh,sa pagbanggit ni Macatabon,2016. Isang uri ng grupong

sosyal ito na ang mga katangian sa pagsasalita (speech characteristics) ay interesante dahil

madali itong napupuna mula sa ibang grupo ng tagapagsalita ng wika. Hindi lahat ng kabilang

sa mga lipunan ay bahagi ng isang speech community. Maaari sa isang malawak na lipunan ay

bahagi kaya ayon kay Morgan (2006), kabilang sa tinatawag na speech community ang mga

indibidwal na may parehong local na kaalaman sa paraan ng pagpili ng wika, ang diskurso ay

naglalahad ng kanilang henerasyon, okupasyon , politika, mga ugnayan o relasyong panlipuan

, identidad, at iba pa.

Tinawag naman ito ni Spolsky na rehistro ng wika. Baryasyon ito ng wika na ang

concern ay mga tiyak at espesyal na set ng mga salita o bakabularyo na maiuugnay sa isang

propesyon o okupasyon. Sa ibang bahagi, nakatuon naman ang rehistro ng wika sa isang tiyak

na grupo ng mga tao. Ang mga taong kabilang sa isang particular na trabaho ay maaaring

makabuo ng mga bagong mga termino para sa isang konsepto. May mga salitang maaaring sa

9
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ibang larang subalit nagkakaroon naman ng ibang gamit at kahulugan pagdating sa ibang

disiplina.

Ang ugnayan ng mga tao at lipunan ay nagbubunga ng likas na pagkakaroon ng

pagkakaiba sa paggamit ng wika. Naging layunin ito ni Agha, 2007 sa kanyang aklat na

Language and social relation. Binanggit niya na ang mga posibilidad ng baryasyon at

pagbabago ay maipapaliwanag lamang sa pamamagitan ng sapat na konsepto o pagtingin sa

papel ng wika sa gawain ng tao, sa katunayan maaaring gumagamit ng ibang lingguwistikong

anyo sa magkaibang okasyon at maaari ring magpahayag ang magkaibang ispiker ng isang

wika sa ibang paraan na pareho lamang ang nais ipahayag (Bibber at Conrad, 2009). Kahit pa

man nasa iisang lugar o lipunan ang mga indibidwal nagkakaroon din sila ng pagkakaiba-iba

sa paggamit ng parehong wika dahil sa mga factor na okupasyunal.

Ayon pa sa mga sosyolingwistiko ang rehistro ay tumutukoy sa tiyak na leksikal at

gramatikal na pagpipili depende sa konteksto ng sitwasyon, ang kalahok sa pag-uusap at ang

gamit ng wika sa diskurso.

Ayon nga kay M.A.K Halliday may dalawang pangunahing uri ng varyasyon sa wika

ito ay ang social at functional. Ang diyalekto ay ay nakikilala bilang social o rehiyonal na

varyasyon, na kung saan ang register naman ay nakatuon sa functional na varyasyon. Ayon pa

sa kanya ang diyalekto ay tumutukoy sa varayti ng wika ayon sa gumagamit at ang rehistro

naman ay nakapokus sa varayti ng gamit. Dahil dito ang rehistro ay mailalarawan bilang

pagkakaiba sa uri ng wikang napili na naaayon sa iba’t ibang uri ng sitwasyon.

Nangangahulugan itong may magandang ugnayan sa pagitan ng wika at sa konteksto ng

sitwasyon. Halos lahat ng mga linguwista ay umaayon sa paniniwalang ito, subalit may

dalawang perspektibo ang klasipikasyon ng rehistro ang maaaring matukoy. Ito ay ang unang

dulog na iminungkahi ni Halliday and Hymes ang una ay tinawag nilang context-based. Ang

ibinigay niyang interpretasyon sa paniniwalang ito ay tinawag niyang semantic concept na

10
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
nangangahulugang pagsasaayos ng kahulugan na kadalasang nakaugnay sa isang partikular na

sitwasyon (Halliday, 1990).

Itinampok din niya ang ang tatlong baryabol (field, mode, tenor) na madalas na

magkakasama upang malaman ang katayuan ng isang tao sa bawat sitwasyon o ang konteksto

ng wika na nararapat gamitin na naaayon sa sitwasyon. Isang halimbawa nito ay kung may

personal na interaksyon, pagkatapos ng isang araw madalas masusuri kung ang dalawang tao

ay lubos na magkakilala. Malalaman ito sa paraan at pagbanggit nila ng mga pamilyar na

kaganapan.

Ang mga ganitong kaganapan ay nangyayari din sa mga magsasaka na nagkakaroon din

ng mga pag-uusap tungkol sa mga pangyayari sa kanilang buhay kagaya na lamang ng

pagbabago sa kanilang mga sarili, ekonomiya,kalakal at pagbabago ng mga kaalaman sa mga

makabagong paraan ng pagsasaka (Gouldthorpe,2013)

Karamihan ding kinakaharap o napag-uusapan ng mga magsasaka ang mga personal na

balakid kagaya ng kawalan ng sapat na perang panustos sa kanilang sinasaka. Kasabay nito ay

ang kalagayan ng panahon tuwing may kalamidad na kadalasang nagdudulot ng kawalang pag-

asa ng mga magsasaka. Dahil sa mga kalamidad nahihirapan ang mga magsasaka na ibenta ang

kanilang mga ani. Marami na rin sa mga magsasaka ang nagbebenta ng kanilang mga lupang

sinasaka at naghahanap ng ibang maaaring pagkakitaan (Malaqui at Yokohari, 2007)

Pagbabago ng panahon, kawalan ng suporta mula sa pamahalaan at tranpormasyon ng

lupang pansakahan sa komersiyal at industriyal na lupain ay ilan lamang sa mga suliranin ng

karamihang magsasaka dito sa Pilipinas. “Kung walang magsasaka, wala ring makain, wala

ring kinabukasan.” Ayon kay Jonjon Sarmiento ang pinuno ng PAKISAMA o Pambansang

Kilusan ng mga Samahang magsasaka. Ayon pa sa kanya, ang mga magsasaka ay nananatiling

pinakamahirap sa lahat ng sector dito sa Pilipinas. Ang mga magsasaka ay patuloy na

nagugutom. Bunga nito ay nawawalan ng interes ang mga bagong henerasyon sa pagsasaka.

11
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Binebenta nila ang kanilang mga lupain sa mga probadong sector na pinagpapatayuan ng mga

pribadong pabahay at subdibisyon dahil sa kawalan ng perang pansuporta sa kanilang sakahan.

Maliban dito, ang mga magsasaka ay walang ideya o kulang sa impormasyon tungkol sa

pagpapanatili ng programang pang-agrikultura. Ito ay ang mga programang tungkol sa

modernong pamamaraan ng pagsasaka gamit ang teknolohiya. Sa pamamagitan nito magiging

madali para sa mga magsasaka na magtanim at mag-ani. Itinataguyod din nito na mahikayat

ang bagong henerasyon na mahalin ang pagsasaka, ngunit karamihan sa mga ito ay tumatanggi.

Sa kadahilanang walang magandang kinabukasan sa pagsasaka at ang pagsasaka ay hindi

ideyal na propesyon (Nakpil 2016).

Varayti at Varyasyon ng Wika

Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa

partikular na uri ngkatangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala saisang

partikular na varyasyon o varayti ng wika. Nagbigay siCatford (1965) ng dalawang uri ng

varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay

pansamantala dahil nagbabago kung maypagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa

mgavarayting permanente ang dayalekto at idyolek. Batay angdayalekto sa lugar, panahon at

katayuan sa buhay. Nakikitaito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita ogrupo

ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Maihahalimbawa rito ang mga dayalekto ng Tagalog na ayon sa iba’t ibang lugar ng

tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite,

Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan. Samantala, ang idyolek ay isangvarayti

na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na

indibidwal. Maaaring idyosinkratiko ang mga tanda ng idyolek tulad ngpaggamit ng partikular

na bokabularyo nang madalas. Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang

idyolekng isang taong may sapat na gulang. Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay

12
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
sasitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama rito ang register, mode at estilo. Ang register ay

varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa orasng

pagpapahayag. Halimbawa nito ay: sayantipikong register, panrelihiyong register, pang-

akademikong register at iba pa. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ngnagsasalita

sa kausap. Maaaring formal, kolokyal at intemêt o personal ang estilo. Ang mode ay ang

varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Sa

isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan ng:

a.) mgataong bumubuo rito; b.) pakikipagkomunikasyon ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.)

sa mga katangian ng pananalita ng mga tao; at; e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

Teorya sa Varayti at Varyasyon ng Wika

Sa pagkakaroon ng iba’t ibang varayti / register / anyo ng wika nagreresulta ito sa

pananaw na pagkakaroon ngherarkiya ng wika. Tinawag ito ni Berstein (1972) na Deficit-

Hypothesis, na batay sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aaral sa elementarya sa ilang

paaralan sa England. Nakitaniya na may magkaibang katangian ang wika ng mga batangmula

sa mahihirap na kalagayan. Nakita niya na maykatangiang masuri at abstrak (elaborated code)

ang wika nguna at detalyado at deskriptibo (restricted code) naman sahuli. Hindi sinang-ayunan

ni Labov (1972) ang pananaw na itosa dahilang nagbubunga ng pagtinging di pantay-pantay

sawika ang ganitong pagtingin. Itinaguyod niya ang konseptongvaryabilidad ng wika

(variability concept). Sa paniwalaniya, natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo

atpagkakaroon ng varayti ng isang wika. At mahalagangtingnan nang pantay-pantay ang mga

varayting ito – walangmababa, walang mataas. Makabuluhan ang paniwalang ito saating

pagtuturo ng Filipino kaugnay ng iba pang wika sa iba’t ibang rehiyon.

13
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
KABANATA III

Metodolohiya at Pamamaraan ng Pag-aaral

Disenyo ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay gagamit ng pamaaraang kwalitibo sa pag-aaral. Ang pananaliksik

ay isasagawa sa lungsod ng Tuguegarao. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga magsasaka sa

lungsod ng Tuguegarao. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng obserbasyon sa mga

magsasaka sa pamamagitan ng partisipasyon sa ilang grupo ng mga magsasaka sa gawain ng

mga kalahok. Kasabay nito ang pagrekord sa usapan ng mga magsasaka na siyang gagamitin

sa pag-aanalisa sa kanilang usapan upang malaman ang kadalasang paksa ng kanilang pag-

uusap at kwentuhan. Magsasagawa din ng pakikipanayam ang mananaliksik upang malaman

ang kahulugan ng rehistro ng wika na kanilang ginagamit sa larangan ng pagsasaka.

Pook ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa lungsod ng Tuguegarao partikular sa mga piling

lungsod na kadalasang sinasalita ang Itawes tulad ng Annafunan, Linao, Libag at Gosi.

Respondante sa Pananaliksik

Ang mga respondante sa pag-aaral na ito ay mga magsasaka mula sa mga nabanggit na

mga barangay sa Tuguegarao na matagal ng hanapbuhay ang pagsasaka ng mais at may sapat

na kaalaman sa paksa ng usapan ng mga magsasaka sa tuwing panahon ng pagtatanim, panahon

ng paglalagay ng pataba at panahon ng anihan ng mais.

14
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Instrumento

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng harapang pakikipanayam bilang pangunahing

instrumento sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa mga magsasaka. Sa tulong ng

panayam at obserbasyon ay mangangalap ang mga mananaliksik ng datos sa mga magsasaka

upang malaman ang kadalasang paksa ng kanilang pag-uusap at kwentuhan, gayundin ang

kanilang rehistro na wika. Ang mga magsasaka sa lungsod ng Tuguegarao ang magiging

pangunahing respondante ng gagawing pananaliksik.

Paglikom ng mga Datos

Ang gagamiting pamamaraan sa paglikom ng mga datos ay ang pag-aaral

penomonolohikal dahil ito ay kombinasyon ng pakikipanayam, pagdokumentaryo at

obserbasyon sa nasasakupan ng pananaliksik na ito.

Ang mga datos na kinailangan sa pananaliksik ay nilikom sa pamamagitan ng harapang

pakikipanayam sa mga respondante sa lungsod ng Tuguegarao. Sinikap itanong ng mga

mananaliksik sa mga respondanteng magsasaka ang kadalasang paksa ng kanilang usapan sa

tuwing panahon ng pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba at panahon ng anihan,

gayundin ang rehistro na wikang kanilang ginagamit at kahulugan ng mga ito. Ang mga

nakalap na datos ng mga mananaliksik sa interbyu sa mga magsasaka ay sinikap na maisatitik

sa pamamagitan ng sistematikong paglalahad.

15
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
KABANATA IV
Presentasyon At Interpretasyon Ng Mga Datos
Sa kabanatang ito ipakikita ng mga mananaliksik ang mga naging resulta ng kanilang

mga nasaliksik na mga datos. Ang pagtatalakay sa bahaging ito ay nahahati sa tatlong panahon:

panahon ng pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba, at panahon ng anihan ng mais.

*M = Magsasaka

I. PANAHON NG PAGTATANIM

Talahayanan 1. Paksa ng usapan ng mga magsasaka

USAPAN NG MGA MAGSASAKA PAKSA TEMA

M1: “Meamung kan perergowan nga


hinan moran kan masikan ta hinan nu
mabbisibitan ya nebini ta senan nu Hinihiling ng mga
alistu da nga mattuhu.” magsasaka ang pagbuhos Kalagayan ng
ng ulan bilang malawakang panahon
M2: “Dakal ya meaffun ya uran ta alle pagpapatubig sa mga binhi.
yaw ngin ya dakal nga padanum kan ya
mula ira.”

M3: “Yan ta mari sakto ya puhunan mi


yan ta maggatut kami kan bodega.”
Madalas ay hindi sapat ang
puhunang inilalaan para sa
M4: “Niyan ma mappagatut ne laman Kakulangan sa
gastusing pampagsasaka na
ta dakal ya interest na nga tukyan da. perang panustos para
nagreresulta ng
Miski nadammat kanni kami, awan sa pagsasaka
pagkakautang sa mga
makwa mi ta mawag mi talaga
bodega.
maggatut senu niyan paggastosan mi
kang pangkusetya.”

16
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

M5: “Kannyaw nga tiyempo, panonot


yo umaru yammanok kannyo Sa kasulukuyang panahon,
mabbabing ira, nu kusetseru ka eh iniisip ng karamihan lalo Kalagayan ng mga
alalinak ya anningan da kanni kaw.” na ang mga kabataan na magsasaka sa
ang mga magsasaka ay lipunan
M6: “Ngem mari da ammu yo ziyat ya mababang uri sa lipunan.
isa nga kusetseru.”

M7: “Kabalin yo ammula, nu mari nga


Isa sa mga pinaghahandaan
moran eh panonotan antre iprepara ya
ng mga magsasaka ang
kusetseru ira nu kanusi ya appadanum Pagpapatubig sa
alternatibong pagpapatubig
da kannyo mula ira. Kanayun nga sakahan
kapag hindi dumating ang
kunatyaw ya kuwan mi nu tiyempo
ulan.
tikag.”

M8: “Kanayun nga meammung kannyo


perergowan mi ya ammari aggina ya
gobyernu yo nga problema mi.”
Kadalasang pinag-uusapan
M9: “Gitta na yaw nga pandemya eh
ng mga magsasaka ang
ekspektan mi kannyo uffun ya Kakulangan ng
hindi pagtugon sa kanilang
gobyernu kan suporta gitta ya suporta mula sa
hinaing at ang hindi sapat
pinansyal o kwartu nga ayuda nga pamahalaan
na suporta mula sa
meddan kanni kami.”
gobyerno.
M10: “Niyan pe meddan ne laman ta
mari makalannat nyemmanok kan yo
maddaragun nga mesissimmu.”

Ang pagsasaka sa Tuguegarao ay nagkakaroon ng dalawang anihan sa loob ng isang

taon; ang unang yugto na isinasagawa sa Mayo hanggang Setyembre, at ikalawang yugto sa

Nobyembre hanggang Marso. Batay sa obserbasyon at pakikipanayam ng mga mananaliksik,

ang kadalasang pinag-uusapan ng mga magsasaka sa panahon ng pagtatanim na tumatalakay

sa pangkalahatang tema ng pagsasaka ay gaya ng kalagayan ng panahon, kalagayan ng mga

magsasaka sa lipunan, pagpapatubig sa sakahan, kakulangan sa perang panustos para sa

pagsasaka, at ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan.

17
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Isa sa mga nakaaapekto sa pagsasaka sa panahon ng pagtatanim ay ang kalagayan ng

panahon. Mas pumapabor sa mga magsasaka kung sa pagkatapos ng pagpupunla ng mga binhi

ay dumating ang buhos ng ulan bilang malawakan at mabilisang paraan ng pagpapatubig sa

sakahan, bagama’t sanhi ng pabago-bagong klima, nagkakaroon ng alternatibong paraan ng

pagpapatubig ang mga magsasaka bilang paghahanda at panlaban sa umiigting na tagtuyot.

Inilalahad naman ng mga magsasaka ang kanilang saloobin sa usaping kalagayan ng mga

magsasaka sa lipunan. Lalo na’t sa panahon ngayon, nakatatak sa isipan ng karamihan maging

sa mga kabataan, na ang pagsasaka ay mababang uri ng propesyon sa lipunan. Samantala,

ipinapahayag din ng mga magsasaka ang kanilang hinaing sa pagtaas ng presyo ng pataba at

iba pang gamit-pagsasaka na nagreresulta ng kakulangan sa perang panustos para sa pagsasaka.

Sa kabilang dako, isa sa mga emosyonal na usapin ay ang kakulangan ng suporta mula sa

pamahalaan.

M9: “Gitta na yaw nga pandemya eh ekspektan mi kannyo uffun ya gobyernu kan suporta gitta

ya pinansyal o kwartu nga ayuda nga meddan kanni kami.”

M10: “Niyan pe meddan ngem mari makalannat nyemmanok kan yo maddaragun nga

mesissimmu.”

Ayon sa mga kusetseru (magsasaka) ay mayroon namang iniaabot na ayuda (ang

gobyerno) subalit hindi ito sapat lalung-lalo na sa sitwasyon ngayon bilang suporta sa kanilang

gastusing pampamilya at gastusing pangkusetya (pagasasaka).

Sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon ng mga magsasaka ay kasabay nito ang

paggamit ng iba’t ibang estilo sa pag-uusap. Ang estilo ng pag-uusap ay ginagamit sa isang

malawak na hanay na nagsisilbing direktang komunikasyon sa pagitan ng mga magsasaka at

tumutugon sa larangan ng oral na komunikasyon. Ang mga estilong ito ay ginagamit ng mga

magsasaka sa kanilang pamumuhay at pakikisalamuha. Batay sa pananaliksik na ito, ang mga

estilong kadalasang ginagamit ng mga magsasaka ay kolokyal na pananalita o kilala rin sa

18
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
katawagang kolokyal-araw-araw dahil ginagamit ito bilang isang paraan ng komunikasyon sa

halos bahagi ng buhay ng mga magsasaka. Tinalatalakay sa ilalim ng estilo na ito ang

pampamilya, pang-industriya o negosyo, sosyo-politikal, pangkultura at kabilang ang

pagpapakita ng emosyon. Ipapakita sa talahanayan sa ibaba ang estilo ng pag-uusap ng mga

magsasaka batay sa kanilang paksa ng kanilang usapan.

Talahayanan 2. Estilo ng pag-uusap at antas ng ugnayan ng mga magsasaka

Paksa ng usapan Estilo ng pag-uusap

Hinihiling ng mga magsasaka ang pagbuhos ng ulan Pang – industriya o negosyo


bilang malawakang pagpapatubig sa mga binhi.

Madalas ay hindi sapat ang puhunang inilalaan para sa


gastusing pampagsasaka na nagreresulta ng pagkakautang Pang – industriya o negosyo
sa mga bodega.

Sa kasulukuyang panahon, iniisip ng karamihan lalo na


ang mga kabataan na ang mga magsasaka ay mababang Emosyonal
uri sa lipunan.

Isa sa mga pinaghahandaan ng mga magsasaka ang


alternatibong pagpapatubig kapag hindi dumating ang Pang – industriya o negosyo
ulan.

Kadalasang pinag-uusapan ng mga magsasaka ang hindi


pagtugon sa kanilang hinaing at ang hindi sapat na suporta Sosyo - politikal
mula sa gobyerno.

Sa panahon ng pagtatanim, kadalasang ipinapakita ang estilo ng pag-uusap na pang-

industriya o negosyo sa mga paksang kalagayan ng mga magsasaka, kakulangan sa perang

panustos para sa pagsasaka, at pagpapatubig sa sakahan. Kabilang ang mga paksang ito sa

estilong pag-uusap na pang-industriya sapagkat inilalahad sa ganitong usapan ng mga

magsasaka ang mga salik na nakakaaapekto sa pagtatanim, produksiyon ng mais at kabuuang

industriya ng pagsasaka. Samantala, ipinapakita ang emosyonal na pag-uusap ng mga

magsasaka kung ang laman ng kanilang kwentuhan ay tumatalakay sa paksang kalagayan ng

19
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
mga magsasaka sa lipunan. Ipinapahayag ng mga magsasaka ang kanilang saloobin sa

ganitong uri ng usapan hinggil sa mga suliraning kanilang kinahaharapan. Sa estilong pag-

uusap na emosyonal, sinasamahan ito ng kilos at ekspresyong ng mukha.

M5: “Kannyaw nga tiyempo, panonot yo umaru yammanok kannyo mabbabing ira, nu

kusetseru ka eh alalinak ya anningan da kanni kaw.”

M6: “Ngem mari da ammu yo ziyat ya isa nga kusetseru.”

Halimbawa sa usapan ng mga magsasaka sa itaas, ipinapahayag dito ang pagkadismaya

sanhi ng iniisip ng karamihan lalo na ang mga kabataan na ang mga magsasaka ay mababang

uri sa lipunan. Sa kabilang banda, ang paksang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan

ay nasa ilalim ng sosyo-politikal na estilo ng pag-uusap sapagkat tinutukoy dito ang kaugnayan

ng buhay-pagsasaka at pamamaraan ng pamahalaan.

Mula sa araw-araw na pag-uusap tungkol sa pagsasaka ay napapahalagahan nito ang

relasyon at ugnayan ng mga magsasaka. Tumutukoy ito sa pagiging magkakaugnay ng mga

magsasaka sa bawat miyembro sa pamamagitan ng magkadugo o bayolohikal na

pagkakakilanlan. Sinuri ng mga mananaliksik ang antas ng ugnayan ng mga magsasakang

nagbubuklod-buklod sa pagtatalakay ng mga paksa ng usapang nabanggit. Sa isang grupo ng

mga magsasakang nag-uusap o nagkwekwentuhan, ang kanilang relasyon o ugnayan ay

karaniwang nagpapakita na sila ay binubuo ng mag-ina, mag-ama, magkakapatid o/at

magpipinsan.

Talahanayan 3. Rehistro at Kahulugan

REHISTRO KAHULUGAN
madaling araw; kadalasang oras sa pagsisimula ng mga
albasu
magsasaka sa pagtatanim
ammumula panahon ng pagtatanim
araro; pangunahin at tradisyunal na kagamitan sa pagsasaka
aradu
na ginagamit sa pagbubungkal

20
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
attuhu pagsibol ng binhi
baldi kagamitang pinaglalagyan ng mga butil ng mais na itatanim
balulang basket; lalagyan ng mga gamit sa pagsasaka
banggayan pagbubungkal ng lupang pagtataniman
baradutan pagbubunot ng damo
uri ng abono; inilalagay sa lupa upang maiwasang magdikit
basal
ang binhi sa panahon ng pagtatanim
Bendita banal na tubig; pinaniniwalaang magdadala ng kasaganahan
bini binhi; ito ay ang butil ng mais na itatanim
bisitahin; ginagawa upang makita ang pagbabago sa itinanim
bisitan
na punla at mapanatiling maayos ang paglaki ng mga ito
tagtuyot o tinatawag ding dry season; buwan ng Mayo
Dawarawat
hanggang Setyembre
espasyo sa pagitan ng mga tanim; karaniwang nasa sukat na
distansya
20-25 sentimetro
ektarya o hectare; uri ng panukat sa metric system na ang
ektarya
katumbas ay 10,000 m²
erat tudling; makipot na lakaran na nilikha ng araro
erattan tudlingan; isinasagawa sa mismong araw ng pagtatanim
Hybrid mestiso; barayti ng binhi na mas mataas umani
kamaitan taniman ng mais
posporo; ginagamit sa pamahiing magdadala ng paglago ng
Kasafego
mga mais
koman bukid; tawag sa taniman ng mais
nangungupahan; magsasakang umuupa sa isang porsyon ng
kusetseru
lupa
kusetya pangungupahan; tumutukoy sa lupang inuupahan
lufug puting mais; mais na malagkit
lusak lupa; tinutubuan ng mais
mabbasal pagbabasal
mabbini pagtatanim ng mais
maddawat pamumulaklak ng mga pananim
mait mais
manu-manu tradisyunal na pagtatanim; isa-isang paglagay ng mga binhi
mappatraktor magpa-tractor
maraud mag-araro

21
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
pinaghalong pagtatanim; isang sistema ng pagtatanim kung
saan ang isang magsasaka ay nagtatanim ng dalawa o higit
Mixed cropping
pang iba't ibang uri ng pananim sa parehong lupa sa parehong
panahon
mula tanim
nagangu tuyong puno ng mais
Nobyembre buwan sa pagsisimula ng unang yugto ng pagtatanim
nuwang kalabaw; uri ng hayop na ginagamit sa pagsasaka
padanum patubig; malawakang pagdidilig ng mga pananim
paragut pagsusuyod ng lupa gamit ang kalaykay o reyk
salapasap pagkabasa ng lupa
mechanical complanter; modernong kagamitan na naghahasik
seeder
ng butil nang pantay-pantay sa ibabaw ng lupa
paa-paa; isang paraan ng pagtatanim ng mais na ang gamit ay
taka-taka
ang paa
tikag tagtuyot
traktora; sasakyang may malaking gulong na ginagamit sa
traktor
pagsasaka partikular sa pagbubungkal ng lupa
kagamitang metal na hugis tubo na ginagamit sa pagtatanim
tubo
ng mais
uling; ginagamit sa pamahiing magdadala ng paglago ng mga
uging
mais
uran ulan
Water pump bomba ng tubig; gamit sa pagpapatubig
Yellow corn dilaw na mais; isang barayti ng mais
tag-ulan o tinatawag ding wet season; buwan ng Nobyembre
Zinanahun
hanggang Marso

Ipinapakita sa talahanayan sa itaas ang mga rehistro ng wika sa pagsasaka sa panahon

ng ammumula (pagtatanim) at ang kahulugan ng mga ito. Karamihan sa mga rehistrong nakalap

ay ang mga kagamitan at karaniwang kasangkapan sa pagsasaka sa panahon ng pagtatanim

katulad ng aradu, baldi, balulang, basal, bini, nuwang, seeder, traktor, tubo at water pump.

Samantala, ang mga salitang ammula, attuhu, banggayan, baradutan, erattan, mabbasal,

mabbini, maddawat, manu-manu, mappa-traktor, maradu, at taka-taka ay tumatalakay sa mga

hakbang at proseso ng pagtatanim. Ang mga hindi binanggit na salita ay katawagang

22
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
nakarehistro na ginagamit sa pang-araw-araw na usapan ng mga magsasaka (kusetseru) at sa

buhay ng pagsasaka (kusetya) sa Tuguegarao.

II. PANAHON NG PAGLALAGAY NG PATABA

Talahayanan 4. Paksa ng usapan ng mga magsasaka

USAPAN NG MGA MAGSASAKA PAKSA TEMA

M1: “Mas minatanag ya ngina ya Ang hindi inaasahang


abono yan nga nu missa maziyat o mari pagtaas ng presyo ng
makalannak ya puhunan o budget mi.” pataba ay naging isa sa mga
suliranin ng mga
M2: “Namegafu kattu pandemya aru ya magsasaka. Nakaapekto sa Pagtaas ng presyo ng
kusetseru nga naafektan yan nga aru ya mga magsasaka ang pataba
nemmang megafu kannyo nekalugi da. pagtaas ng presyo ng
Nu makatuttullu yo ngina ya abono eh abono, dahilan sa marami
talaga nga malugi ngin ta nagukag yo ang nalugi at huminto sa
presyo ya mait.” pagsasaka.

M3: “Mari nga memmang yo


akkadaral-daral ya mula megafu kan
peste. Yan nga mapanot-panonot nu
hanna nakasta nga pangpatay kannyaw Hindi maiiwasan ang
nga maddara-daral kan mula ira.” pananalanta ng mga peste
na nagiging sanhi sa
Suliranin sa
M4: “Mari ma nga pwede nga isa-isan pagkasira ng mga pananim.
pagpuksa ng mga
mu azzan o patayan ira ta kannyo karu Ang solusyon ng mga
peste
da.” magsasaka ay ang
paggamit ng mga abonong
M5: “Nu missa niyan yo fungut ya mait makakaiwas sa mga peste.
nga mallelay o naggangu, eh nu missa
niyan pe yo maddaral ya fungut da
megaffu kannyo peste ira.”

23
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

M6: “Lelevutan mi yo kamaitan ta


sigiradwan mi nga makasta ya tadag o
attuhu yo mait. Antre siguradwan mi
nga kustu yo mekwa kannira nga Tinitiyak ng mga
mentenensya gitta yo abono.” magsasaka na sapat ang Pagpapanatiling
sustansiyang nakukuha ng malusog ang mga
M7: “Mawag nga kustu ya mga pananim mula sa pananim
nekapadanum na antre nekeekwa ya patubig, pataba, at ispray.
abono. Antre mangiyusa kan ispray ta
senan nu mapakilag ya dororon na
antre mapadakal ya agiffungutan da.”

M8: “Mari la kannyo peste eh mawag


Bukod sa mga peste, isa sa
nga paghandaan ya kaddat ira nga
mga nagiging suliranin ng
maddaral kan mula. Nu niyan mattuhu
mga magsasaka ay ang
nga bebbesang eh mawag nga mabantul
hindi maiiwasang pagtubo
kan ima-ima.” Suliranin sa
at pagdami ng mga damo.
pagsugpo ng damo
Ang solusyon ng mga
M9: “Ne laman nu kuru aru ya kaddat
magsasaka ay ang
ngin nga mattuhu eh mawag ka kan
paggamit ng mga abonong
mangiyusa kang abono pangpatay
pangontra sa damo.
kannira.”

Isinasagawa ang paglalagay ng pataba makalipas nang dalawa hanggang tatlong lingo

o matapos ang pagtatanim. Ang kadalasang pinag-uusapan ng mga magsasaka na tumatalakay

sa pangkalahatang tema ng pagsasaka sa panahon ng paglalagay ng pataba ay hinggil sa pagtaas

ng presyo ng pataba, suliranin sa pagpuksa ng peste, pagpapanatiling malusog ang mga

pananim at suliranin sa pagsugpo ng damo.

Mula sa harapang pakikipanayam sa mga magsasaka, nasuri ng mga mananaliksik na

labis na nakaapekto ang pagtaas ng presyo ng pataba para sa kanilang kabuhayan. Ang hindi

inaasahang pagtaas ng presyo ng pataba ay naging sanhi ng pagkalugi para sa ibang mga

magsasaka at nagreresulta ng kakapusan o kakulangan ng kanilang inilaang budget para sa

gastusin sa mga pataba. Dagdag pa nito, ang pinakamalaking hamon sa panahong ito ay ang

pananalanta ng mga peste at hindi mapigilang pagtubo ng mga damo.

24
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
M6: “Lelevutan mi yo kamaitan ta sigiradwan mi nga makasta ya tadag o attuhu yo mait. Antre

siguradwan mi nga kustu yo mekwa kannira nga mentenensya gitta yo abono.”

M7: “Mawag nga kustu ya nekapadanum na antre nekeekwa ya abono. Antre mangiyusa kan

ispray ta senan nu mapakilag ya dororon na antre mapadakal ya agiffungutan da.”

Bilang solusyon ng mga magsasaka sa suliraning ito, gumagamit sila iba’t ibang uri ng

abono (pataba), sapat na padanum (patubig), at ispray upang matiyak na sapat ang sustansiyang

nakukuha ng mga pananim.

Talahayanan 5. Estilo ng pag-uusap at antas ng ugnayan ng mga magsasaka


Paksa ng usapan Estilo ng pag-uusap
Ang hindi inaasahang pagtaas ng presyo ng pataba ay
naging isa sa mga suliranin ng mga magsasaka.
Nakaapekto sa mga magsasaka ang pagtaas ng presyo ng Emosyonal
abono, dahilan sa marami ang nalugi at huminto sa
pagsasaka.
Hindi maiiwasan ang pananalanta ng mga peste na
nagiging sanhi sa pagkasira ng mga pananim. Ang Pang – industriya o negosyo
solusyon ng mga magsasaka ay ang paggamit ng mga
abonong makakaiwas sa mga peste.
Tinitiyak ng mga magsasaka na sapat ang sustansiyang
nakukuha ng mga pananim mula sa patubig, pataba, at Pangkultura
ispray.
Bukod sa mga peste, isa sa mga nagiging suliranin ng
mga magsasaka ay ang hindi maiiwasang pagtubo at Pang – industriya o negosyo
pagdami ng mga damo. Ang solusyon ng mga magsasaka
ay ang paggamit ng mga abonong pangontra sa damo.

Katulad sa panahon ng pagtatanim, mapapansing ang kadalasang ginagamit na estilo

ng pag-uusap ng mga magsasaka sa panahon ng paglalagay ng pataba ay pang-industriya o

negosyo; ito ay ang mga paksang suluranin sa pagpuksa ng peste at suliranin sa pagsugpo ng

damo na nakaaapekto sa pagkalahatang industriya ng pagsasaka. Pumapasok naman ang

pagiging emosyonal o pagpapakita ng emosyon bilang estilo ng pag-uusap sa paksang pagtaas

ng presyo ng pataba sapagkat inilalabas nila rito ang kanilang hinaing kung paano nakaaapekto

25
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ang nasabing sitwasyon sa kanilang pagsasaka. Dagdag pa, ang paksang pagpapanatiling

malusog ang mga pananim ay gumagamit ng pang-kulturang estilo ng pag-uusap. Ipinapakita

rito ang mga nakaugaliang kasanayan sa pagpapanatiling malusog ang bawat pananim.

Bukod sa mga grupo ng mga magsasakang nag-uusap o nagkwekwentuhan na

karaniwang nagpapakita na sila ay binubuo ng mag-ina, mag-ama, magkakapatid o/at

magpipinsan, nabubuo rin ang antas ng ugnayan sa pagitan ng mga mag-asawa, maghipag o

magbayaw na ang nakasanayang pangunahing hanapbuhay noon pa man ay pagsasaka.

Talahanayan 6. Rehistro at Kahulugan

REHISTRO KAHULUGAN
14-14-14 uri ng pataba na nilalagay kasabay sa pagtatanim
uri ng pataba na ginagamit kung ang mais ay labinlimang-
16-20-0
araw na ang gulang
uri ng pataba na ginagamit kasabay sa pagtatanim ngunit
21-0-0
malimit lamang gamitin dahil hindi ganoon kabisa
uri ng pataba na ginagamit kung ang mais ay nasa 4-5 linggo
46-0-0
na
pataba na nilalagay sa mais upang maging malusog at
abono
makaiwas sa mga peste
madaling araw; kadalasang oras sa pagsisimula ng mga
albasu
magsasaka sa pagtatanim
isang uri ng peste; mabuhok at kadalasang namumugad sa
asansarag
puno ng mais
baldi kagamitang pinaglalagyan ng mga butil ng abono
ballat nagbalatan ng mais
dalifug mas kilala bilang armyworm; bumubutas sa bunga ng mais
Disyembre buwan sa pagsisimula ng paglalagay ng pataba
dinalifug mantas sa dahon sanhi ng mga dalifug
fungut pinakamababang bahagi sa puno ng mais; ugat
kalahating araw; madalas na hangganang oras sa paglalagay
gadwa-algaw
ng pataba
ginifug pagkabulok sa bunga ng mais sanhi ng mga peste
tradisyunal na paraan sa paglalagay ng pataba; mano-
ifungut
manong inilalagay sa ugat ng puno ng mais ang pataba

26
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
itlog ng mga uod na kadalasang makikita sa dahon ng puno
ilug-ulag
ng mais
kamay-kamay; tawag sa paraan ng pagkuha sa pataba mula
kamma-kammat
sa lalagyan
kariton na kadalasang hinihila ng kalabaw; ginagamit upang
kareta
pag-aangkat ng mga pataba
koman bukid; tawag sa taniman ng mais
kumpattan pagtatambak ng abono sa isang lugar
pagkalanta ng pananim; madalas itong maranasan ng mga
lelay
magsasaka tuwing tag-tuyot
levutan pagbisita sa maisan pagkatapos ng paglalagay ng pataba
mabono paglalagay ng pataba
kuliglig na ginagamit pandurog sa lupa upang maging
Rotor
maayos ang pagtatanim
spray modernong paraan sa paglalagay ng pataba
abonong nagpapataba ng lupa at nagpapadami ng bunga na
Swire nilalagay sa mismong ugat ng halamang mais; nilalagay ito
pagkatapos ng 30 days
tabas kagamitan sa pagtatanggal ng damo
ulag peste; madalas maminsala sa mga pananim na mais
vinuvuk bukbok sa bunga ng mais; pagkasira na sanhi ng mga peste
paraan ng paglalagay ng pataba; pahagis na paglalagay ng
warsi
pataba gamit ang kamay.

Ipinapakita sa talahanayan sa itaas ang mga rehistro ng wika sa pagsasaka sa panahon

ng paglalagay ng pataba at ang kahulugan ng mga ito. Karamihan sa mga rehistrong nakalap

ng mga mananaliksik ay ang mga kagamitan at karaniwang kasangkapan sa paglalagay ng

pataba katulad ng abono, baldi, kareta, rotor, spray, swire at tabas. Ipinapakita rin dito ang

iba’t ibang katawagan ng mga magsasaka sa mga ulag (peste) gaya ng dalifug at asansarag.

Ang mga salitang ifungut, kamma-kammat, kumpattan, levutan at warsi ay tumatalakay sa mga

hakbang at proseso ng paglalagay ng pataba.

27
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
III. PANAHON NG ANIHAN

Talahayanan 7. Paksa ng usapan ng mga magsasaka

USAPAN NG MGA MAGSASAKA PAKSA TEMA

M1: “Nu kabalin ya ammumula eh


ikiddaw mi nga moran, eh sonu
tiyempo pe yo apit ikiddaw mi pe nga
massinag. Makauffun ya sinag ta senan Hinihiling ng mga
nu mapamaha ya apit mi.” magsasaka ang matinding
Kalagayan ng
sikat ng araw sa
panahon
M2: “Gitta ya uran eh mawag mi yo pagpapatuyo at pagbibilad
sinag ta iggina yo mappamaha kannyo ng mga naaning mais.
aggat yo mait. Mari pe nga kalippanan
yo mapprepara kannya allabet ya
uran.”

M3: “Kabalin yo aapitan eh mawag pay


nga preparan mi yo metunug nga
Paghahanda at paglalaan ng
ammumula. Mappanonot kami kannya
gastusin para sa susunod na
mappakalannak kannyo megatang ira.” Pagplaplano at
panahon (pagtatanim,
pagbubudget
paglalagay ng pataba, at
M4: “Nakasta nga messina ya gastosan
anihan).
pampamilya antre gastosan
pangkusetya.”

M5: “Mattaful kami nu be kannyaw ya


pangilakwan kannyo mait ira nga Paghahanap ng mamimili sa
naapit mi. Mapanat nga ira yaw eh mga naaning mais.
gatgatangan yo bodega o traders ira.” Kadalasan itong inilalako sa Pagbebenta ng
bodega at mga traders, produkto
M6: “Taf-tafulan mi ya mari nga sobra binibili ito ng pakyawan o
kappat yo aggatang da. Gatgatangan da sako-sako.
yaw kang bultuhan o saku-saku.”

28
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

M7: “Nu nakasta tiyempo, aru ya


Kapag maganda ang
maapit. Pero nu tiyempo yo kalamidad
panahon, marami ang naaani
gitta baddyaw o baha eh bessang ya
ng mga magsasaka. Subalit
apit.”
kung nagkakaroon ng hindi
inaasahang sakuna gaya ng Kalagayan ng
M8: “Yaw pe yo rason nu kaam ta aru
bagyo o baha ay bumababa magsasaka tuwing
malugi kanni kami. Nu matturunug yo
ang bilang ng kanilang ani. may kalamidad
baddyaw eh halos awan maapit mi, yan
Dagdag pa nito, ibinababa
pe yo kalugi-yan mi ta mari peba
nila ang presyo ng mais
mattoli ya puhunan mi. Namungan ta
kapag ito ay naapektuhan ng
nu mari peba nakasta yo klase ya mait
nasabing kalamidad.
mi eh igukgukag ta peba yo presyo na.”

M9: “Mappili ya trabahador ira nu anni


yo kayat da nga paga, nu kwartu o
burnos. Inniyan pe yo mayat kan Pumipilii ang trabahador sa
kwartu, niyan pe mayat kan burnos.” pag-aani kung ang sahod na
Pagpapasahod
kanilang tatanggapin ay pera
M10: “Nu kwartu, 350-450 ya o burnos.
patangalgaw. Eh nu burnos, duwa
balulang patangalgaw.”

Mula sa pagtatanim at paglalagay ng pataba, maaari nang anihin ang mais sa loob ng

apat na buwan. Ang kadalasang paksa ng usapan ng mga magsasaka sa panahon ng anihan na

tumatalakay sa pangkalahatang tema ng pagsasaka ay kalagayan ng panahon, pagplaplano at

pagbubudget, pagbebenta ng produkto, kalagayan ng mga magsasaka tuwing may kalamidad

at maging ang pagpapasahod.

Katulad sa pagtatanim, nakaaapekto sa mga magsasaka ang kalagayan ng panahon sa

anihan. Kung sa pagtatanim ay hinihiling ng mga magsasaka ang pagbuhos ng ulan, sa kabilang

banda, lumalabas sa isinagawang pananaliksik na ninanais ng mga magsasaka ang matinding

pagsikat ng araw sa anihan na pangunahing nakatutulong sa pagpapatuyo at pagbibilad sa mga

aanihing mais. Kadalasan ding tinatalakay sa kanilang usapan ang pagbebenta ng kanilang

produkto na kung saan ay naghahanap ang mga magsasaka ng mga mamimili, bodega o sa

29
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
traders, sa hindi mababang halaga. Matapos ang anihan, hindi rin nawawala sa usapan ng mga

magsasaka ang tungkol sa pagpapasahod ng kanilang inarkilang trabahante na kung saan ay

maaaring pumili kung ang sahod na kanilang tatanggapin ay pera o burnos; 350 hanggang 450

o dalawang balulang (basket) sa isang araw.

Mula sa harapang pakikipanayam, isinaad din ng mga magsasaka na isinasagawa nila

ang pagplaplano at pagbubudget sa mga gastusin sa pagsasaka para sa susunod na panahon

(pagtatanim, paglalagay ng pataba, at anihan). Dagdag pa dito, isinalaysay ng mga magsasaka

ang kanilang kalagayan tuwing may kalamidad katulad ng bagyo o baha.

M7: “Nu nakasta tiyempo, aru ya maapit. Pero nu tiyempo yo kalamidad gitta baddyaw o baha

eh bessang ya apit.”

M8: “Yaw pe yo rason nu kaam ta aru malugi kanni kami. Nu matturunug yo baddyaw eh halos

awan maapit mi, yan pe yo kalugi-yan mi ta mari peba mattoli ya puhunan mi. Namungan ta

nu mari peba nakasta yo klase ya mait mi eh igukgukag ta peba yo presyo na.”

Ayon sa mga magsasaka, kapag maganda ang panahon, marami ang kanilang naaani.

Subalit kung nagkakaroon ng hindi inaasahang sakuna gaya ng bagyo o baha ay bumababa ang

bilang ng kanilang ani. Maliban pa dito, ibinababa nila ang presyo ng mais kapag ito ay

naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Talahayanan 8. Estilo ng pag-uusap at antas ng ugnayan ng mga magsasaka


Paksa ng usapan Estilo ng pag-uusap

Hinihiling ng mga magsasaka ang matinding sikat ng Pang – industriya o negosyo


araw sa pagpapatuyo at pagbibilad ng mga naaning mais.

Paghahanda at paglalaan ng gastusin para sa susunod na Pampamilya


panahon (pagtatanim, paglalagay ng pataba, at anihan).
Paghahanap ng mamimili sa mga naaning mais.
Kadalasan itong inilalako sa bodega at mga traders, Pang – industriya o negosyo
binibili ito ng pakyawan o sako-sako.

30
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Kapag maganda ang panahon, marami ang naaani ng mga
magsasaka. Subalit kung nagkakaroon ng hindi Pang – industriya o negosyo
inaasahang sakuna gaya ng bagyo o baha ay bumababa
ang bilang ng kanilang ani.
Mamimili ang trabahador sa pag-aani kung ang sahod na Personal
kanilang tatanggapin ay pera o burnos.

Nangingibabaw muli ang paggamit ng estilo sa pag-uusap na pang-industriya o negosyo

sa panahon ng paglalagay ng pataba sa mga paksang kalagayan ng panahon, pagbebenta ng

produkto, at kalagayan ng mga magsasaka tuwing may kalamidad na tumatalakay bilang salik

na nakaaapekto sa pangkalahatang industriya ng pagsasaka. Maliban sa estilong ito, ginagamit

din ang pampamilya na estilo ng pag-uusap sa paksang pagplaplano at pagbubudget. Sa

paksang ito, isang buong pamilya ang naghahanda at naglalaan ng gastusin para sa pagsasaka

para sa susunod na panahon (pagtatanim, paglalagay ng pataba at anihan). Nahaluan din ng

personal na estilo ang pag-uusap sa paksang pagpapasahod, ito ay nagaganap sa pagitan ng

may-ari ng sakahan at kaniyang trabahante sa pag-aani ng mais.

Maliban sa mga nabanggit na antas ng ugnayan sa mga naunang panahon, nabubuo

naman ang hindi magkadugo na ugnayan ng mga magsasaka sanhi ng araw-araw nilang pag-

uusap at pakikisalamuha sa isa’t isa. Ang antas na ugnayan na hindi namamalayang nabubuo

ay ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga magsasaka bilang pagpapahalaga sa kanilang

pagsasama.

Talahayanan 9. Rehistro at Kahulugan

REHISTRO KAHULUGAN
aapitan panahon ng anihan
aggat butil
akkureg kalaykay; kagamitan sa pagbibilad ng mais
angongonud pag-iimbak ng mga sako-sakong mais
apit ani

31
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ritwal na pag-aalay sa bukid pagkatapos ng anihan;
atang
tradisyon na sumisimbolo sa pasasalamat
avuk buhok ng mais
avvuryan kagamitan sa mano-manong paghihimay ng mais
baku bako ng mais
balulang basket; lalagyan ng mga naani na mais
bodega pinag-iimbakan ng mais
bodega tumutukoy sa organisasyong pakyawang bumibili ng mais
isang uri ng pagpapasahod tuwing anihan; katumbas ng
burnos
dalawang basket ng mais sa isang araw
Combined Harvester modernong kagamitan sa mabilisang paraan ng pag-aani
dry good sariwa; 11% moisture content
pagputol sa pinakataas na bahagi ng mais upang mapabilis
gapaw
ang pagtuyo ng puno nito
garsit batang gulang na mais
gonggoti sako; lalagyan ng kaban-kaban na mais
ima-ima mano-manong paraan sa pag-aani ng mais
kaban katumbas ng isang sako ng mais
kariton na kadalasang hinihila ng kalabaw; ginagamit sa
kareta
maramihang paghahakot ng mais
karyada paghahakot ng mais sa bukid
mga hindi napitas na mais sa bukid; binabalikan
katak
pagkatapos ng pag-aani
kumpattan pagtatambak ng mga naaning mais sa isang lugar
kagamitan sa pagbibilad ng mais; pinaglalatagan ng mga
lona
nahimay na mais
mabbilag pagbibilad o pagpapatuyo ng mais
pagbubuklod ng mga naani na mais sa isang lugar bago
madummuk
angkatin
mappusit pagpipitas ng mais sa puno nito
Marsu/Marso buwan sa pagsisimula ng anihan
masipat/sipatan pagpuputol sa puno ng mais
maussak pagtatanggal sa balat ng mais
mavvuri paraan na mano-manong hinihimay ang mais
messaku pagsasako ng mais
namerig palubog na bahagi sa tagiliran ng kalabaw

32
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ngilab bungi-bungi na mais
kalabaw; uri ng hayop na ginagamit sa maramihang pag-
nuwang
aangkat ng mais
padasal isang ritwal na pasasalamat
patangalgaw isang buong araw; hangganan sa pag-aani ng mais
Reaper makina na ginagamit sa modernong pag-aani
kagamitang ginagamit sa maramihan at mabilisang
saki
pagsasako ng mais
init na nagmumula sa araw; pangunahing kailangan sa
sinag
pagbibilad ng mais
skin dry mais na kulang sa bilad
tabas kagamitan sa pagpuputol ng puno ng mais
makina na ginagamit sa modernong paghihiwalay sa butil
tracer
ng mais
traders tumutukoy sa grupo ng mga taong bumibili ng mais
ritwal na pag-aalay sa loob ng bahay; simbolo ng patuloy
tunnag
na kasaganahan
ussak balat ng mais
vinuri butil ng mais; mga nahimay na mais
wakal iba pang katawagan sa bako ng mais

Ipinapakita sa talahanayan sa itaas ang mga nakarehistro na wika sa panahon ng aapitan

(anihan) at ang kahulugan nito. Ang mga salitang akkureg, avvuryan, balulang, gonggoti,

kareta, lona, nuwang, saki, tabas at tracer bilang mga pangunahing kagamitan sa pag-aani ng

mais. Tumutukoy naman sa proseso o mga hakbang sa pag-aani ang mga salitang angongonud,

karyada, kumpattan, madummuk, mappusit, masipat, maussak, mavvuri at messaku.

33
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
KABANATA V
Resulta, Konklusyon at Rekomendasyon

Resulta ng Pananaliksik

Layunin ng pananaliksik na matukoy ang kultural na pagkakakilanlang nabubuo ng mga

magsasaka sa panahon ng pagtatanim, paglalagay ng pataba, at anihan ng mais. Mula sa

obserbasyon at harapang pakikipanayam ng mga mananaliksik sa mga magsasaka,

sistematikong sinuri ang mga nakalap na datos upang matukoy ang nabubuong kultural na

pagkakakilanlan ng mga magsasaka sa Tuguegarao. Naging batayan ng mga mananaliksik sa

pagtukoy ang kadalasang paksa ng usapan ng mga magsasaka, estilo na kanilang ginagamit sa

pag-uusap, antas ng kanilang ugnayan, at mga rehistro ng wika na kanilang ginagamit sa

pagsasaka.

Ang pagsasaka ng mga mamamayan sa lungsod ng Tuguegarao ay nahahati sa tatlong

panahon. Ito ay panahon ng pagtatanim, panahon ng paglalagay ng pataba at panahon ng

anihan. Ang mga magsasaka sa Tuguegarao ay nagkakaroon ng dalawang anihan sa loob ng

isang taon. Ang unang yugto ng pagtatanim ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo at aanihin

sa Setyembre. Ang ikalawang yugto naman ay ginagawa sa buwan ng Nobyembre hanggang

Marso. Ang kultural na pagkakakilanlan ng mga magsasaka sa Tuguegarao ay ang mga

sumusunod:

Pagiging konserbatibo sa tradisyunal na pagsasaka

Batay sa pananaliksik, konserbatibong pinapanatili ng mga magsasaka sa

lungsod ng Tuguegarao ang kanilang tradisyunal na pagsasaka. Mula sa pagsusuri at

pagbubuklod-buklod ng mga rehistro na wika ng mga magsasaka na may

magkakaparehong tema, ang mga salitang maradu, manu-manu, taka-taka, ima-ima ,

34
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
mappusit, maussak at mavvuri ay tumutukoy sa tradisyunal na paraan ng pagsasaka. Sa

kabila ng paglipana ng mga makabagong teknolohiya para sa modernong paraan ng

pagsasaka, pinapanatili pa rin ng mga magsasaka sa Tuguegarao ang tradisyunal na

pamamaraan nito. Isa sa mga tradisyunal na paraan sa panahon ng pagtatanim ay ang

maradu; pag-aararo o malawakang pagbubungkal ng lupa sa pamamagitan ng

tradisyunal na kagamitang aradu (araro) na kadalasang nakaangkla sa nuwang

(kalabaw). Ang mga salitang manu-manu at taka-taka ay tumutukoy sa tradisyunal na

paraan ng pagtatanim ng mga magsasaka sa Tuguegarao; ang manu-manu ay paisa-

isang paghuhulog ng mga butil na itatanim gamit ang mga kamay at ang taka-taka ay

paggamit ng mga paa bilang panukat sa distansya o layo sa pagitan ng mga itatanim.

Samantala, ang ima-ima at maussak sa panahon ng anihan ay ang tradisyunal na pag-

aani at pagpipitas ng mais na walang ginagamit na makinarya kundi pawang kamay din

lamang. Pagkatapos pitasin, idadaan ito sa sususnod na prosesong maussak at mavvuri;

ang maussak ay isa-isang pagtatanggal sa labas na bahagi ng mais at ang mavvuri ay

mano-manong paraan sa paghihimay ng mais gamit ang tradisyunal na kagamitang

avvuryan. Sa tradisyunal na pamamaraan ng mga magsasaka, hindi sila gumagamit ng

irigasyon bagkus ay umaasa sila sa danum uran (tubig-ulan) bilang patubig sa kanilang

mga pananim. Tuwing anihan naman ay sinag (init ng araw) ang pamamaraan sa

pagpapatuyo ng inaning mais at hindi sila masyadong pamilyar sa modernong

kagamitan tulad ng dryer machine.

Pagiging mapamahiin at relihiyoso

Noon pa ma’y nakasanayan na ng ating mga ninuno ang gawing batayan ang

mga pamahiin upang maging gabay at magsilbing tulong sa kanilang buhay sa pang

araw-araw, maging ang pagkapit sakanila ng suwerte at pag-iwas sa kamalasan ay sa

pamahiin pa rin nila binabatay. Samakatuwid, maliban sa tradisyunal na pamamaraan

35
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ng pagsasaka, pinapanatili rin ng mga magsasaka ang kanilang pagiging rehiliyoso at

mapamahiin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng padasal bago magsimula at

pagkatapos ng taon. Ang padasal ay isang ritwal na pasasalamat na binubuo ng

pagtitipon ng mga magsasaka at pag-aalay ng mga dasal. Ito’y pinaniniwalaang

magdadala gabay at pagbibigay-pugay para sa mga biyayang natanggap at dumarating.

Katulad ng rehistrong salita na Bendita, o mas kilala bilang banal na tubig,

nakaugaliang pamahiin na pinaniniwalaang magdadala ng kasaganahan pagkatapos ng

pagtatanim. Samantala, ang kasafego at uging ay pinaniniwalaang magdadala ng

paglago at pagyabong ng mga binhi. Kaiba naman sa panahon ng anihan, isinasagawa

ang tradisyong atang at tunnag bilang pasasalamat at pag-aasam ng patuloy na

kasaganahan.

Sa puntong ito, akmang gagamitin ang teoryang “socialization”. Ayon kay

Lavenda &Schultz (2007, p. 49), socialization is a social learning process of

conforming to thenorms and values of the group, internalizing them, acquiring a status,

and performing thecorresponding role. Ito ang proseso ng pagkatuto sa lipunan bilang

pagsang– ayon sa mga pamantayan at paniniwala ng grupo, pakikibahagi sa kanila,

pagkakamit ng katayuan at pagsasagawa ng mga nakatalagang gawain o papel ng

kulturang iyon. Sa pahayag na ito, masasabing sa lipunan nahuhubog ang paniniwala

ng isang indibidwal. Katulad sa kultural na pagkakakilanlan ng mga magsasaka sa

lungsod ng Tuguegarao, ang kanilang paniniwalang pagsunod sa pamahiin ay

makakatutulong upang maging masagana ang kanilang pamumuhay.

Pagiging madiskarte at maparaan

Dagdag pa sa mga nabanggit, mula sa pagsususuring isinagawa ng mga mananaliksik,

natukoy ang ibat ibang gamit ng mga bahagi ng mais na siyang kapakipakinabang sa

bawat magsasaka. Ang mga nasabing bahagi tulad ng wakal, avu, ussak yo mait at aggat

36
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
ay nakatutulong hindi lamang sa nasabing propesyon kundi maging sa iba’t-ibang

kapakinabangan.

 Wakal - parte ng mais na kung tawagin ay bako na ginagamit panggatong.

 Avuk - mga natirang abo mula sa sinunog na bako ng mais na nagagamit ding

pataba sa mga halaman at gulay.

 Ussak - balat ng mais na kadalasang ipinapakain sa mga kalabaw.

 Aggat - dinudurog ito at ginagawang pagkain ng manok; pinapagiling ito at

inihahalo sa pagkain ng mga hayop tulad ng baboy.

Konklusyon

Binubuo ang lungsod ng Tuguegarao ng malawak na kapatagan kaya isa sa mga

pangunahing hanapbuhay rito ay ang pagsasaka. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga

magsasaka ang sumasalamin sa mukha ng kasipagan ngunit ang pagsasaka ay isang mahirap

na trabaho sapagkat nangangailangan ng mahabang pagpupursigi at pagtitiis. Sa kabila ng

paglipana ng mga modernong kagamitan sa pagsasaka, pinapanatili ng mga magsasaka sa

Tuguegarao ang tradisyunal nitong pamamaraan. Isa sa pangunahing kasangkapan ang ulan

bilang pagpapatubig sa mga binhi at sinag ng araw para sa pagpapatuyo at pagbibilad. Kung

kaya, mula sa pagtatanim hanggang sa anihan ng mais, labis na nakaaapekto sa mga magsasaka

ang kalagayan ng panahon. Ang mga pagsubok na kinahaharapan ng mga magsasaka ay

kakulangan sa perang panustos para sa pagsasaka, kakulanga sa suporta mula sa pamahalaan,

pagtaas ng presyo ng pataba at ang karaniwang suliranin sa pagpuksa ng peste at pagsugpo ng

damo. Ang mga nabanggit ay kadalasang paksa ng usapan ng mga magsasaka sa kanilang

pakikipagkwentuhan sa kapwa nila magsasaka.

Mula sa pagsusuri ng kanilang pag-uusap, ang kadalasang ginagamit na estilo ng mga

magsasaka ay ang kolokyal na pananalita na talamak sa pang-araw-araw nilang

37
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
pakikipagtalastasan at kwentuhan. Sa ilalim ng kolokyal na pananalita ay tinatalakay ng mga

magsasaka ang tungkol sa usaping pang-industriya o negosyo, pampamilya, sosyo-politikal,

pangkultura at maging ang pagpapakita ng kanilang emosyon. Mapapansing ang mga rehistro

na wika ng mga magsasaka sa lungsod ng Tuguegarao ay malawak at ginagamit hangggang sa

ngayon. Mayroong mga ilang salita mula sa Ingles gaya ng Mixed cropping, water pump,

yellow corn, combined harvester, dry good at skin dry ang kinupkop ng mga magsasaka at

nagsisilbing termino sa kanilang pagsasaka.

Rekomendasyon

Bilang pagtatapos, inaasahan ng mga mananaliksik na magsisilbing daan ang

pananaliksik na ito upang mas maunawaan at mapag-aralan ang rehistro ng mga magsasaka sa

lungsod ng Tuguegarao at ang kanilang mga nabubuong kultura ng pagkakakilanlan.

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na mas paigtingin pa ang pag-aaral ukol sa nasabing

paksa nang sa gayon ay mas mapalalim ang kaalaman ng mga mamamayan.

Para sa mga susunod na pag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik na kumuha

ng iba pang mga respondanteng magsasaka sa ibang lugar galing sa iba’t ibang antas ng lipunan

gaya ng mga kasama at asendero. Maaaring gumawa ng talaan ng mga rehistro sa bawat taon

upang maipakita ang pag-unlad ng wika ng magsasaka sa historikal na batayan na

makatutulong upang mas mapagtuunan ng pansin ang kultura at wika ng magsasaka sa lungsod

ng Tuguegarao at mabigyang-kaalaman ang mga ibang tao na may interes sa nasabing

propesyon.

38
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

Talaan ng mga sanggunian

a. Aklat

Badayos, Paquito B.2008 Metodolphiya sa Pagkatuto at Pagtuturo sa Filipino mga Teorya at

Praktika. Mutya Publishing Inc.,

Boje, D. (2001). Narrative Methods for Organizational & Communication Research. New

Mexico State University, USA: SAGE Publications Ltd.

Boje, D. (2009). Storytelling Organizations. New Mexico State University, USA: Sage

Publications.

Cladiero, C. (2007). Crisis Storytelling: Fisher’s Narrative Paradigm and News Reporting.

American Communication Journal. Retrieved from

Liwanag, Lydia. Ang Pag Aaral ng Varayti at Varyasyon ngWika: Hanguang Balon sa

Pagtuturo at Pananaliksik:

Macatabon,R. A. et al. (2016) Varayti at Varyasyon ng Wikang B’laan sa sa

Bacong, Tulunan, Hilagang Cotabato at Lampitak, Tampakan, Timog Cotabato,

Philippines. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research

Martin, J. R. (2009) Discourse Studies. In M. A. K. Halliday and J. J. Webster (eds)

Continuum Companion to Systemic Functional Linguistics, 154‒165. London and

New York: Continuum.

The Ohio State University. (n.d). Project Narrative. Retrieved from The Ohio State

University: https://projectnarrative.osu.edu/about/what-is-narrative-theory

Sibayan,B. (1999). The intellectualization of Filipino. Manila: LSP-DLSU-M.

39
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Spolsky, Bernard. 1998. Sociolinguistics. New York: Oxford University Press.

Wardaugh, Ronald. 2006 (5th ed). An Introduction to Sociolinguistics. United Kingdom:

Blackwell Publishing.

b. Internet
 http://ac-journal.org/journal/2007/Spring/articles/storytelling.html

 https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon

ng_Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

40
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
LIHAM NA HUMIHINGI NG PAHINTULOT

41
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Liham para sa mga respondante

42
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph
Talaan ng mga katanungan sa pakikipanayam

43
REPUBLIKA NG PILIPINAS
CAGAYAN STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
www.csu.edu.ph

44

You might also like