You are on page 1of 38

PANANAW NG MGA GURO HINGGIL UKOL SA PROGRAMANG K+12

Isang Konseptong Papel

Na Inihaharap kay:

Bb. Uzziel Joy Arvesu

Instruktor sa Kursong Filipino 2

UNION COLLEGE

Santa Cruz, Laguna

Bilang Bahagi ng mga Kailangan

Para sa Kursong Filipino 2

Ikalawang Semestre

2017

MYRNA CASTILLO BANILAN

1
DEDIKASYON

Malugod kong inaalay ang pag-aaral na ito sa mga taong importante sa akin

Una sa lahat sa aking mahal na asawa

Danny Banilan

Sa dalawang anghel ng buhay ko

Daven Andrei Banilan

Darren Gabriel Banilan

Sa lahat ng mahal ko sa buhay at mga kaibigan

Sa aking tagapayo

Bb. Uzziel Joy Arvesu

At higit sa lahat sa Poong Maykapal

M.C.B.

2
PASASALAMAT

Bilang pasasalamat sa mga taong tumulong at naging inspirasyon upang

maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Bb. Uzziel Joy Arvesu, aming guro sa asignaturang Filipino. Para sa

pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at paggabay sa amin mula sa simula

hanggang huli. Naging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik ngunit

ginawa niya ang kanyang makakaya upang mahasa ang galing ng kanyang mga

estudyante. Ang pananaliksik na ito ay isang patunay na hindi nasayang ang

kanyang oras at pagsisikap na turuan kaming lahat.

Sa aking asawa Danny Banilan, para sa pagbibigay ng walang sawang

suporta lalo na sa tulong pinansyal. At sa aking Pamilya, kung wala sila wala din

ako sa aking kinatatayuan ko ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako

nagpupursige sa pag-aaral upang masuklian ang kanilang pagsasakripisyo.

Sa aking mga kamag-aral at kaibigan, para sa kanilang tulong at

pagpapakita ng suporta na siyang naging malaking ambag upang matapos ko

ang proyektong ito.

Sa lahat ng taong tumulong at nakibahagi ng kanilang oras at panahon sa

akin upang maisakatuparan ang gawaing ito.

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang paggabay, pagbibigay

ng lakas at talino upang mapagtagumpayan ko ang pananaliksik na ito.

Marami pong Salamat!!!

M.C.B.

3
Talaan ng Nilalaman

Pamagat ……………………………………………………………………………. 1

Dedikasyon ………………………………………………………………………… 2

Pasasalamat ……………………………………………………………………….. 3

Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………………… 4

Panimula …………………………………………………………………………… 5

Kaligirang Pangkasaysayan ……………………………………………………… 7

Paglalahad ng Suliranin …………………………………………………………... 14

Saklaw at Limitasyon ……………………………………………………………… 15

Kahalagahan ng Pag-aaral ………………………………………………………. 15

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit ………………………………………... 16

Kaugnay na Literatura …………………………………………………………….. 18

Paraan ng Pagkuha ng Datos …………………………………………………… 28

Instrumentong Ginamit ……………………………………………………………. 29

Paglalagom ………………………………………………………………………… 31

Konklusyon ………………………………………………………………………… 34

Rekomendasyon …………………………………………………………………... 35

Bibliograpiya ……………………………………………………………………….. 36

Kurikulum Bita ……………………………………………………………………... 37

4
Panimula

“An academic curriculum must be more like the curriculum in law, design,
medicine, music, athletics and early literacy focused from the start on
MASTERFUL PERFOMANCE as the goal.”

Ang K+12 ay isang programang nagnanais na mapalawig ang kalidad ng

edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa pang taon sa

kurikulum ng mga mag-aaral. Isinabatas ito upang matugunan ang bumababang

kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon sa kanila ito ang magiging susi upang

mapadali ang buhay ng mga kabataan.

Maituturing na isang suliraning pambansa ang K+12 dahil kapakanan ng

lahat ng mamamayan ang usaping ito. Ang usaping ito ay para sa kinabukasan

ng mga mamamayan maging ng bansa kaya naman masusi dapat itong

binubusisi upang maiwasan ang pangmatagalang problema na maaaring

maidulot kung sakaling hind maging maayos ang pagkakapatupad rito.

At base sa nakalap ng Deped, ang Pilipinas ay hindi pa nakamit ang

istandard na kailangan ng mga estudyante para makipagkompetensya sa

internasyonal na lebel. Ang ating bansa ay nasa pinakamababang ranggo sa

asignaturang Matematika at Siyensya sa internasyonal na pagsusulit. Panahon

na para sa ating mga Pilipino na saklawan ang ganitong uri ng pagbabago

sapagkat tayo lamang na bansa sa Asya ang mayroong 10-taon na programang

basikong edukasyon.

Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon

ng bansa at ayon sa pag-aaral na ang 12-taong basic education curriculum ay

nagreresulta ng mas mainam o mas mahusay ang mga mag-aaral at sa

5
pamamagitan ng karagdagang 2-taong pag-aaral ay mabibigyan ng magandang

kinabukasan ang kasalukuyan nating kabataan. Suportado ang programang ito

ng ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan diumano ay

maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga

guro ukol sa K-12. Malaki ang papel ng mga guro ukol sa usaping ito at mas

dapat na maibigay at maipahayag ang kanilang saloobin sa nasabing programa.

Sa pananaliksik na ito, malalaman, masasagutan at matutugunan ang mga

katanungang hindi pa nalalaman ng karamihan.

Dito rin malalaman ang mga mabuti at di mabuting epekto nito sa

edukasyon sa ngayon at sa hinaharap. Nais kong maisawalat ang mga datos na

aking nakalap sa pananaliksik na ito. At maibahagi ang impormasyon ukol sa

tinatawag na K-12 at nais ko ring maipabatid ang layunin na pinagbatayan upang

maisagawa ang pananaliksik na ito. Ito ang mga sumusunod: (1) Upang

malaman ang reaksyon/tugon ng mga guro sa memorandum ng Dep-Ed na K-12.

(2) Malaman ang aspeto tungkol sa nasabing programa. (3) Kung ano ang

kanilang palagay tungkol dito. (4) Malaman ang mabuti at di mabuting dulot nito.

6
Kaligirang Pangkasaysayan

Noong unang panahon, ang pagbuo ng kurikulum ay hango lamang sa

karanasan dahil wala pang pormal na edukasyon at hindi pa sibilisado ang mga

Pilipino. Hindi sagabal ito upang ang kurikulum ay hindi paunlarin, baguhin at

palakasin. Ang layunin ng edukasyon noong panahong bago pa lang nasasakop

ng Kastila ang Pilipinas na maturuang bumasa ang mga kabataan subalit higit pa

na maturuan upang maging huwaran sa kabutihan.

Sa kasalukuyan makikita sa talaan na bago pa ang 1925, marami ng

pagtatangka upang paunlarin ang batayang edukasyon na kurikulum at

maraming rekomendasyon ang naitala at naipamahagi na mula noon, sa

katunayan may K to 12 kurikulum na ngayon.

Isang mahalagang pokus ng edukasyon ang Filipino sa kurikulum ang

pagtatamo ng kasanayang akademik ng mga mag-aaral. Ang kalakaran sa

plataporma sa kurikulum at pagtuturo ng wika ay karaniwan nang sumusunod sa

mga kalakaran sa wika at sa mga pagbabagong-bisyon ng pamahalaan at ng

mga pangunahing ahensya na may kinalaman at interesado sa edukasyon. Kung

susundan ang mga reporma na naisagawa kaugnay ng kurikulum, mapapansin

na nagaganap ito kada humigit sa sampung taon. Halimbawa nito ay ang mga

reporma sa kurikulum ng Filipino nang 1973 (elementarya at sekondarya), 1983

(elementarya), 1989 (sekondarya) at 2002 (Batayang Edukasyon). Bawat isa ay

idinedebelop ayon sa kahinaan ng panahong iyon at upang tugunan ang mga

pangangailangan ng mga mag-aaral.

7
At sa Batas Republika bilang 10533: “Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon

ng 2013.

SEK 1. Maikling Pamagat. - Ito ay isang batas na nagpapabuti sa sistema

ng batayang edukasyon sa Pilipinas sa pagpapalakas ng kurikulum nito at

pagdadagdag ng bilang ng mga taon para sa batayang edukasyon, Paglalaan ng

pondo para rito at para sa iba pang layunin.

SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. - Ang Estado ay magtatatag,

magpapanatili at magtataguyod ng isang ganap, sapat at nakapaloob na sistema

ng edukasyong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan, ng

bansa, at ng malawakang lipunan. Ipinapahayag na ang bawat nagtapos sa

batayang edukasyon ay magiging indibidwal na may kapangyarihan na matuto,

sa pamamagitan ng isang programa na nakaugat sa maiinam na prinsipyong

pampagkatuto at nakatuon sa kahusayan, ng mga batayan ng pagkatuto sa

buong buhay, ng kakayahan na maghanapbuhay at maging produktibo, ng

kakayahang makipamuhay sa isang mabungang pakikipag-ugnayan sa mga

komunidad na local at pandaigdig, ng kakayahan na makilahok sa isang

nakapgsasarili, malikhain, at mapanuring pag-iisip at ng kakayahan at

pagkukusang baguhin ang iba at ang sarili. Upang makamit ito kinakailangan

itong gawin ng Estado. (a) Bigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na

makatanggap ng mabuting edukasyon sang-ayon sa pamantayang pandaigdig

na batay sa isang kurikulum na may mainam na pedagohiya na katapat ng mga

pamantayan sa ibang bansa. (b) Palawakin ang mga layunin ng edukasyon sa

mataas na paaralan para sa paghahanda sa kolehiyo, mga oportunidad ng

8
karerang bokasyonal at teknikal, gayundin sa mga malikhaing sining, palakasan

at empleong pang-enterpreneur sa isang kaligirang mabilisang nagbabago at

tumataas ang antas ng pagiging globalisado at (c) Gawing nakatuon sa nag-

aaral ang edukasyon at tumugon sa mga pangangailangan, kakayahang

kognitibo at kultural, mga kalagayan at kaibhan ng mga nag-aaral, mga paaralan

at mga komunidad sa pamamagitan ng angkop na wika ng pagtuturo at pag-

aaral, kasama na ang inang wika bilang isang bukal ng pag-aaral.

SEK. 3. Batayang Edukasyon. - Ang batayang edukasyon ay nilalayong

tugunan ang mga pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng

mga pundasyon na siyang pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto.

Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at mataas na paaralan gayundin ang

mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nag-aaral na out-of-school

youth at sa mga may espesyal na pangangailangan.

SEK. 4. Program sa Pinabuting Batayang Edukasyon. - Binubuo ang

pinabuting program ng batayang edukasyon ng isa (1) man lamang taon sa

edukasyong kindergarden, anim (6) na taon sa edukasyong elementarya, at anim

(6) na taon sa edukasyong sekondarya, sa ganoong pagkakasunod-sunod.

Kasama sa edukasyong sekondarya ang edukasyon na apat (4) na taon ng

junior high school at dalawang (2) taon ng senior high school.

Mangangahulugan ang edukasyong kindergarten ng isang (1) taon ng

edukasyong pampaghahanda para sa mga batang di bababa sa limang (5) taong

gulang bilang kinakailangan para sa Baitang l. Tinutukoy ng edukasyong

elementarya ang ikalawang yugto ng kinakailangang batayang edukasyon na

9
binubuo ng anim (6) na taon. Ang edad ng pagpasok sa antas na ito ay

karaniwang anim (6) na taon.

Tinutukoy ng edukasyong sekondarya ang ikatlong yugto ng

kinakailangang batayang edukasyon na binubuo ng apat (4) na taon ng

edukasyon sa junior high school at dalawang (2) taon ng edukasyon sa senior

high school. Ang edad ng pagpasok sa mga antas na junior at senior na high

school ay karaniwang labindalawa (12) at labing-anim (16) na taon, sang-ayon

sa pagkakasunod.

Ipinapahatid ang batayang edukasyon sa mga wikang nauunawaan ng

mga nag-aaral sapagkat isang estratehikong papel ang ginagampanan ng wika

sa paghubog sa mga taon ng pagkahubog ng mga mag-aaral.

Para sa kindergarten at sa unang tatlong (3) taon ng edukasyong

elementarya, ang pagtuturo mga material sa pagtuturo at pagtatasa ay sa wikang

rehiyonal o katutubo ng mga mag-aaral. Magbubuo ang Kagawaran ng

Edukasyon (DepEd) ng isang programa sa transiyong pang-inang wika mula sa

Baitang 4 hanggang Baitang 6 upang dahan-dahang maipakilala ang Filipino at

Ingles bilang mga wikaa ng pagtuturo hanggang sa dalawang (2) wika ito ang

maging mga pangunahing wika ng pagtuturo sa antas sekondarya.

SEK. 5. Pagbubuo ng Kurikulum. - Magbubuo ang DepEd ng disenyo at

mga detalye ng kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon.

Makikipagtulungan ito sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)

upang magbuo ng magkaugnay na mga kurikulum sa batayan at tersiyaryong

edukasyon para sa kasanayang pandaigdig ng mga Pilipinong nagsipagtapos.

10
SEK. 6. Komiteng Kasangguni sa Kurikulum. - May bubuuing komiteng

kasangguni sa kurikulum na ang magiging tagapangulo ay ang Kalihim ng

DepEd o ang kaniyang pinahintulutang kinatawan mula sa CHED, TESDA,

DOLE, PRC, Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST), at isang kinatawan

mula sa sangay pangnegosyo tulad ng samahang pang- industriya sa

Information Technology –Business Process Outsourcing (IT-BPO). Ang komiteng

kasangguni ang titingin sa rebyu at ebalwasyon sa pagpapatupad sa kurikulum

ng batayang edukasyon at maaaring magmungkahi sa DepEd ng pagbubuo ng

kinakailangang pagpipino sa kurikulum.

SEK. 7. Pagtuturo at Pagsasanay sa mga Guro. - Upang matiyak na

natutugunan ang programa sa pinabuting batayang edukasyon ang mga

kahingian para sa mahuhusay na guro at pinunong pampaaralan, magsasagawa

ang DepEd at CHED ng mga programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa

mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na katuwang sa pamahalaan,

akademya, industriya, at mga samahang di- pampamahalaan.

SEK. 8. Pagtanggap sa Trabaho ng mga Nagtapos sa Agham,

Matematika, Estradistika, Inhinyera at Iba Pang mga Espeyalista sa mga Aralin

na may Kakulangan sa mga Katanggap-tanggap na Aplikante at Kaguruan sa

mga Kursong Teknikal-Bokasyonal at Institusyon ng Lalong Mataas na

Edukasyon. - Sa kabila ng mga probisyon ng Mag Seksiyon 26, 27, at 28 ng

Batas Republika Blg. 7836, na kilala rin bilang “Batas Propesyonalisasyon ng

mga Gurong Pilipino ng 1994” tatanggap ang DepEd at mga pribadong

institusyong pang-edukasyon.

11
SEK. 9. Adbokasiya sa Gabay at Pagpapayong Pangkarera. - upang

magabayan nang wasto ang mga mag-aaral sa pagpili nila ng direksiyon ng

karera na balak nilang isulong, magsasagawa ang DepEd sa pakikipag-ugnayan

ng DOLE, TESDA, at CHED ng mga regular na gawaing pang-adbokasiya sa

karera para sa mga mag-aaral ng antas sekundarya.

SEK. 10. Pagpapalawak sa mga Benepisyaryo ng E-GASTPE. -

Papalawakin ang mga benepisyong ipinagkaloob ng Batas Republika Blg. 8545 o

ang “Batas sa Pinalawak na Tulong Pampamahalaan para sa mga Mag-aaral at

mga Guro sa Pribadong Edukasyon” sa mga karapat-dapat na mag-aaral na

pumapasok sa ilalim ng pinabuting batayang edukasyon.

SEK. 11. Mga Apropriyasyon. - Isasama ng Kalihim ng Edukasyon sa

programa ng Kagawaran ang pagpapatupad ng pinabuting programa sa

batayang edukasyon, na ang paunang pondo ay kukunin sa kasalukuyang mga

apropriyasyon ng DepEd.

SEK. 12. Mga Probisyong Pantransisyon. - Magbubuo ang DepEd, CHED

at TESDA ng mga angkop na estratihiya at mekanismong kinakailangan upang

matiyak ang maayos na transisyon mula sa kasalukuyang sampung (10) taong

siklo sa batayang edukasyon patungo sa pinabuting siklo ng batayang

edukasyon patungo sa pinabuting siklo ng batayang edukasyon ( K hanggang

12).

SEK. 13. Komite ng Pinagsamang Oversight na Pangkongreso sa

Programa ng Pinabuting Batayang Edukasyon (Programang K hanggang 12). -

Binubuo rito ang Pinagsamang Komite sa Oversight upang pangasiwaan,

12
batayan at tayain ang pagpapatupad ng Batas na ito. Bubuuin ang Komite sa

Oversight ng tiglimang (5) kasapi mula sa Senado at mula sa Mababang

Kapulungan, kasama na ang mga Tagapangulo ng mga Komite sa Edukasyon,

Mga Sining at Kultura, at Pananalapi ng parehong Kapulungan. Ang bubuo sa

Komite ng bawat Kapulungan ay kailangang may dalawa man lamang oposisyon

o kasaping nasa minorya.

Ang Batas na ito na konsolidasyon ng Panukalang Batas ng Senado Blg.

3286 at Panukalang Batas ng Mababang Kapulungan Blg. 6643t ay naipasa ng

Mababang Kapulungan at ng Senado noong Enero 30, 2013.

13
Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon matugunan ang ilan sa mga problema

na may kaugnayan sa Pananaw ng mga guro hinggil sa K+12 Kurikulum. Ang

mga problema na ngangailangan ng kaukulang pansin ay ang mga sumusunod.

1. Ano ang K to 12 Kurikulum?

2. Bakit kailangang magdagdag ng dalawang taon pag-aaral kurikulum

ng mag-aaral?

3. Sino ang makikinabang sa programang K+12?

4. Paano nakakaapekto ang 2 taong dagdag sa mga magulang ng mag-

aaral?

5. Paano mabibigyang solusyon ang mga suliraning kinakaharap sa

nasabing programa?

6. Ano ang pananaw ng mga guro sa programang K+12?

14
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa sampung (10) piling guro sa

Sekondarya. Ang naturang sampung (10) guro ay mula sa Union College at

Linga National High School ng Sta. Cruz Laguna. Nakatuon ang pag-aaral sa

K+12 upang malaman ang pananaw nila hinggil sa bagong Kurikulum.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang naturang pananaliksik ay may kahalagahan sa mga sumusunod:

Sa mga Guro. Madagdagan ang istratehiya at maging epektibo ang paraan ng

mga guro sa pagtuturo, magkaroon ng malawak sa kaalaman tungkol sa bagong

kurikulum, maipahayag ang pananaw at impresyon sa pagpapatupad ng K+12

kurikulum at mabigyan ng gabay ang mga mag-aaral tungo sa magandang

buhay.

Sa mga Mag-aaral. Madagdagan at mapaunlad ang dating kaalaman, upang

magkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag ng sariling saloobin at malaman ang

epektong dulot ng ng K+12 sa kanilang kinabukasan.

Sa mga Pamahalaan. Malaman at matugunan ang mga kasalukuyang suliranin

na kinakaharap ng mga guro, malaman ang kasalukuyang resulta ng

pagpapatupad ng K+12 kurikulum. Maunawaan ang mga kasalukuyang

damdamin ng mga guro sa pagpapatupad ng K+12 at maisaayos ang

pamamalakad sa edukasyon.

15
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang mga katawagang ginamit sa pananaliksik na ito ay binigyan ng sapat

na kahulugan upang sa mas mabuting kabatiran ng mga makakabasa nito.

Academics. ay batay sa pormal na pag-aaral lalo na sa isang institusyon ng mas

mataas na pag-aaral. Basic education- ay tumutukoy sa buong hanay ng mga

pang-edukasyon na Gawain na nagaganap sa iba’t ibang mga settings (pormal,

hindi pormal at impormal), na naglalayong matugunan ang pangunahing

pangangailangan sa pag-aaral.

DepEd. (Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas ) ay ang departamentong

tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at

pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ang

pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang-edukasyon at responsable sa

sistemang pang elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas.

Edukasyon. ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan at

ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim ang

pagbabahagi ng kaalman, mabuting paghusga at karunungan.

Guro. ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang

gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa

isang paaralan o ibang lugar ng edukasyong pormal.

Kurikulum. ay ang mga kurso na inaalok sa pamamagitan ng isang institusyong

pang edukasyon.

Mag-aaral. ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang

estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay.

16
Magulang. ay isang ina o ama; na napupunla o nanganganak ng isang supling

at/o nagpapalaki nito. Iba't iba ang ginagampanan ng mga magulang sa buong

puno ng buhay, lalo na sa masalimuot na kultura ng mga tao.

Pamahalaan. ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at

magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may

kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng

nasasakupang teritoryo.

Out of School Youth. ang tawag sa mga kabataang hindi nakapagpatuloy ng

pag-aaral o simula’t sapul ay hindi na nakaranas pumasok sa isang paaralan.

Universal Kindergarden. ay isang pang-internasyonal na kilusan access sa

preschool na edukasyon na magagamit sa lahat ng mga pamilya, katulad sa

abeylabiliti ng kindergarden. Nagtataguyod ng bata at iba pang mga kasapi ng

kilusan na ito ay naiiba sa mga tuntunin ng kung paano sila tukuyin na dapat

maisama at kung paano ito dapat na malagyan ng pondo.

17
Kaugnay ng Literatura

Ang K+12 o K-6-4-2 Model ay pinaikling terminolohiya ng “Kindergarden +

12 years in elementary at highschool” na karaniwang ginagamit ng maraming

bansa sa mundo gaya ng mayayamang estado sa Amerika at Europa. Sa

sistemang K+12 ang elementarya ay bubuuin pa rin ng 6 na taon ngunit ang high

school naman ay mahahati na sa Junior at Senior. Idagdag pa dito ang

panukalang Universal Kindergarden na magbibigay oportunidad sa mga limang

taong gulang na bata na makapag-aral ng isang taon sa kindergarden sa mga

public at private schools. Sa madaling sabi, ang basic education ay binubuo ng

labintatlong taon (Papa, 2012).

Ang modelo K+12 ang tumutukoy sa isang taon ng kindergarten at 12 taon

ng pangunahing edukasyon. Ang bagong programa ay magdaragdag ng

dalawang taon sa kasalukuyang modelo ng edukasyon sa Pilipinas, ang tanging

bansa sa Timog Silangang Asya na nagpapatupad ng 10 taong modelo ng

edukasyon.

Ayon sa datos ng Social Weather Station noong 2010, tatlo sa bawat

sampung Pilipino na 18 taong gulang pataas ang walang trabaho. Ito umano ang

pinakamataas na adult unemployment rate na naitala ng SWS. Lubhang

nakakabahala ang pagkakaroon ng mahinang kalidad ng edukasyon s Pilipinas.

Ayon naman sa propesyunal at intelekwal, ang bagong sistema ay isang

long term goal para sa Pilipinas na dapat bigyan ng atensyon. Kung pag-

iibayuhin ang 12 year Basic Education System sa mahabang panahon tataas

18
ang antas ng edukasyon at maaari nang makasabay ang ating bansa sa mga

first world countries sa mundo.

Ayon sa Sekretarya ng Edukasyon, Armin Luistro na pinagsama ang

programs ng DepEd, CHED, TESDA at mga mag-aaral sa mga pampubliko at

pribadong paaralan.

Dito sa Pilipinas inilabas nang Kagawaran ng Edukasyon ang detalye ng

kanilang planong pagdaragdag ng parehong isang taon sa primarya at

sekundarya o K+12. Ito ay bahagi ng President Benigno "Noynoy" Aquino III's

Educational Reform Program. Ang Administrasyong Aquino ay naniniwala na ang

pagdaragdag ng mas maraming taon sa pangunahing edukasyon sa Pilipinas ay

maaaring makatulong na malutas ang problema sa pagkawala ng trabaho,

panatilihing mataas sa mga global na pamantayan, at tulong sa mga estudyante

na magkaroon ng mas maraming oras upang piliin ang mga karera na

pinakamahusay na nababagay sa kanilang kasanayan.

Sinasabing ang K+12 ay ang pagdaragdag ng isang taon sa parehong

primary at sekundarya (kindergarten + 6 na taon sa primarya + 6 na taon sa

sekundarya). Kahit na ang mga opinyon at reaksyon ng publiko ay nahahati, ang

ilan ay sa pabor at ang ilan ay sa hindi. Kabilang sa mga pangunahing isyu na

may kaugnayan sa programang K+12 ay ang mga pinansiyal na kapasidad ng

mga magulang, ang bilang ng mga paaralan, ang bilang ng mga guro, at kahit na

ang pagkakaroon ng mga libro at iba pang kagamitang pang-eskuwela.

Upang ipatupad ang programa, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)

ay may trabaho sa Kongreso na baguhin ang umiiral na batas, ang Batas

19
Pambansa 232 o ang "Education Act of 1982," na nagsasabing

ang pangunahing pormal na edukasyon ay 10-taong programa.

Pinangunahan na ng Kagawaran ang pagsasagawa ng konsultasyon

hanggang sa unang tatlong buwan ng susunod na taon. Pagkatapos ng

konsultasyon, ang batas ay maaaring maipasa sa 2013, bago ang susunod na

halalan, sinabi ni Luistro na ang pagtugon ng pamahalaan sa programang K+12

ay makatutulong upang ito’y maging possible.

Sinabi ni Luistro ng DepEd na ang pagpapasok ng 12-taong modelo sa

edukasyon ay batay sa mga kautusan ng Pangulo Aquino. Ganito ang

iminumungkahi ng DepEd na porma ng kanilang planong K+12 kung saan

nasasangkot ang (1) isang taon ng kindergarten, (2) anim na taon ng

elementarya (Grades 1-6), (3) apat na taon ng junior high school ( Grades 7-10),

at (4) dalawang taon ng senior high school (Grades 11-12).

Ang bagong K +12 kurikulum ay inaalok sa mga papasok na Grade 1

pati na rin sa Unang Taon sa Junior High School sa mga mag-aaral sa Hunyo

2012. Ang DepEd ay nagnanais na ipatupad ang Senior High School na

edukasyon sa taong 2016-2017. Maging ang nakapagtapos sa Sekundarya ay

madaling makahahanap ng trabaho. Ang programang K +12 ay tumutukoy sa

anim na taon ng mataas na paaralan na edukasyon na binubuo ng apat na taon

ng junior high school at dalawang taon ng senior high school. Ang mag-aaral ay

makakatanggap ng isang diploma sa pagtatapos sa junior high school. Sila ay

bibigyan ng isa pang diploma sa pagtatapos ng senior high school. Ang

dalawang taon ng senior high school ay naglalayong mabigyan ang mga mag-

20
aaral na may kakayahan na tutulong sa kanila na madaling makahanap ng

trabaho. Ang kurikulum ay magbibigay ng espesyalisasyon batay sa mga

karerang gusto ng isang mag-aaral na ituloy.

Nilinaw ni Bro. Armin Luistro ng DepEd na ang dalawang taon ng senior

high school ay hindi katulad ng tersiyaryo edukasyon. Ipinaliwanag niya na ang

programang K+12 ay pinapayagan ang higit pa sa mga estudyante na sumapi sa

tersiyaryong edukasyon. "Kung sa senior high school [graduates] ay maaaring

madaling makahanap ng trabaho, doon ay dapat na mas nagsasarili,

nagtatrabaho ang mag-aaral," sinabi niya. Idinagdag niya na ang senior high

school graduates ay hindi kaagad irerehistro sa kolehiyo pagkatapos niya sa

sekundarya ngunit maaaring pumili ng trabaho para sa ilang taon upang

makapag-ipon ng sapat na pera para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Ang DepEd ay nakatanggap ng mga kritisismo mula sa iba't ibang

grupo para sa kanilang umano'y 'maling prayoridad, na sinasabi na ang mga

karagdagang dalawang taon ay hindi sagot sa mga pangunahing problema ang

mababang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa kasalukuyan, milyong kabataan

ang hindi nabibigyan ng kanilang karapatan sa edukasyon dahil sa paglubog sa

kahirapan at pagtaas ng gastos sa edukasyon. Sa patuloy na hambalos ng taas

presyo na lalong nagpapahirap sa kasalukuyan ng hirap na badyet ng pamilya

ang edukasyon ng kabataan ay mapag-iiwanan.

Ang ibang grupo ay may sinabi rin na ang kakulangan ng badyet ay

makakaapekto sa pagpapatupad ng mga iminungkahing programa. May grupong

nagsasabing ang K+12 sa Kongreso ay minadali at ito ay kinondena ng

21
Kabataan Party list at ACT Teachers’ Party list ang anila’y minadaling pagpapasa

sa second reading ng House Bill 6643 o ang K+12 sa Kamara sa kabila ng

anila’y hindi pagiging handa ng Department of Education para sa

implementasyon nito. Ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino na ang mga

pangunahing nagpasa ng K+12 Bill na ang Department of Education ay nasa

pilot testing pa lang ng curricular reforms ng K+12 ang punto nia bakit minadali

ng Kongreso na ipasa ang panukalang batas na ito imbes na maghintay para sa

pagtatasa ng pilot testing.

Ayon sa pahayag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Trio, lumalabas

sa delibirasyon ng plenaryo noong committee hearing na bigo ang mga may

akda ng K+12 na patunayan ang kahandaan ng DepEd upang epektibong

maipatupad ang buong programa.

Sinasabi rin ni Mai Uichanco, pangkalahatang kalihim ng League of

Filipino Students, na magkakaroon ng hindi magagandang epekto sa mga mag-

aaral ang pagmamadali sa pagpapasa ng programa. Hindi pa umano

natutugunan ang DepEd ang mga kakulangan sa sector ng batayang edukasyon

at itinutulak ngayon ang K+12 kahit na ang mga paaralan, mga guro at maging

ang DepEd mismo ay hindi pa handa.

Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga

pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mga silid. Bukod

sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga

guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Sa kabila ng maraming

tapos at lisensyadong guro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang

22
mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat pero

kinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng

pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.

Marami ang naniniwala na kailangang pag-aralan muli ng DepEd ang

kurikulum ng K+12. Nangangamba sila sa integrasyon ng teknikal at bokasyonal

na mga kurso sa hayskul. Imbes na pagtuturo sa mga mag-aaral ng batayang

subjects na kakailanganin nila upang makapag-ambag sa pambansang

pagpapaunlad. Inihahanda pa ng gobyerno ang mga mag-aaral para ieksport.

Ayon mula sa mga grupong bumabatikos na hindi dapat gumaya ang

Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang

tumaas lang ang kalidad ng edukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong

pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng

mga Pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang

katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pribadong

paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-

aaral ng mga bata ng kanilang magulang. May mga nananalo pa ngang

estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Gayunman, sinabi ni Luistro na ang karagdagang mga taon ng paaralan

sa ilalim ng sistemang K +12 ay sagot sa problema ng mababang kalidad na

edukasyon sa bansa. Sinabi din ni Luistro na ang programa ay may positibong

epekto sa ekonomiya ng bansa. Nabanggit niya rin na nagpapakita na ang mga

pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay nagdaragdag ng kabuuang kita ng

23
isang bansa. Ipinahayag din ng kalihim ng edukasyon na ang buong Kagawaran

ay tiwalang maipapatupad ang programang K+12.

Subalit marami ang nagsasabi na ang karagdagang taon sa pag-aaral ay

hindi malulunasan ang kahirapan at hindi rin solusyon upang mabawasan ang

mga Out of School Youth. Kahit sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga

pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-

araw-araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay

panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ayon sa

pag-aaral batay sa kasalukuyang average ng matrikula, ang isang magulang ay

nangangailangan ng hindi bababa sa Ph20, 000 upang pantustos sa matrikula pa

lamang upang makapag-enrol ang kanyang anak sa isang semester. Maliban sa

matrikula, ang mga magulang at mag-aaral ay dapat maging handa sa mga

dagdag na bayarin sa miscellaneous at gastusin para sa libro, gamit sa eskwela,

uniporme, proyekto sa paaralan at iba pa. Ang sinasabing para makapagtrabaho

na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit

may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap makahanap ng trabaho.

Ipinaliwanag naman ng DepEd madadagdagan ng dalawang taon ang

basic education curriculum sa bansa subalit hindi umano ito dapat na ikalungkot

ng mga magulang at mag-aaral sapagkat kung titingnan sa positibong

perspektibo mas mapapataas pa ng programang K+12 ang antas ng kalidad ng

mga mag-aaral at ng basic education sa bansa. Sa pamamagitan umano ng

programang ito ay makakasabay na ang mga mag-aaral sa Pilipinas sa ibang

bansa sa Asya na may kahalintulad na kurikulum. Ayon rin sa kanya na ang

24
kadalasang umanong nagiging hadlang sa paghahanap ng maayos na trabaho

sa ibang bansa ng mga Pilipino ang kakulangan sa bilang ng taon ng pag-aaral

sa basic education. Isa rin sa magandang adhikain ng programa ang matugunan

ang suliranin sa mataas na bilang ng mga bumibitiw sa kalagitnaan ng pag-aaral

na karaniwang kawalan ng kaalaman ang idinadahilan sa dami ng pinag-aralan

at kawalan na rin ng interes.

Upang ipatupad ang karagdagang dalawang taon ng senior high school

na programa simula ng taong pampaaralan 2016-2017, kinakailangan ng

Kagawaran ng Edukasyon ng pondong aabot sa P60-B para sa pagpapagawa ng

mga pampublikong paaralan, kakulangan sa guro, mga libro at iba pang

kagamitang pampaaralan. Sinabi ni Luistro na ang departamento ay may sapat

na oras upang maghanap para sa mga pondo. Nakikita ng Administrasyong

Aquino ang halaga ng pagbabago sa kalidad ng edukasyon ng bansa.

Subalit sinasabi naman ng Anakbayan nitong nakaraang taon ay naglaan

lamang si Aquino ng P238.8 Bilyon o nasa P7.00 kada estudyante kada araw

para sa edukasyon. Sa halip na 6% ng gross domestic product ang ginagastos

sa edukasyon ayon sa rekomendasyon ng United Nations Educational, Scientific

and Cultural Organization (UNESCO), umaabot na lamang ito sa 2.1%.

Bilang bahagi ng aking pananaliksik naghanda ako ng mga talatanungan

at pinasagutan sa mga Guro upang malaman ang kanilang Pananaw hinggil ukol

sa Kurikulum ng K+12.

Ayon sa pitong (7) guro mula sampung (10) respondente na ang layunin

ng programang K+12 ay mapalawig ang kaalaman ng mga estudyante,

25
mapataas ang kalidad at antas ng edukasyon para sa mga kabataan upang

makasabay sa mahigpit na kumpetisyon ng mundong ating ginagalawan.

Batay sa sagot ng limang (5) guro na mula sa Linga National High School

na ang sakop ng pagbabagong K+12 ay mag-aaral mula Kinder hanggang Grade

12.

Ayon kay Gng. Adelaida Manipol guro ng Senior High School ng Linga

hindi pa lubos ang pag-aaral at paghahanda para ipatupad ang K+12 at marami

pang kakulangan ang dapat punan ng ating pamahalaan.

Batay sa aking nakalap na sagot mula sa limang (5) Guro mula sa Union

College na nagsasabing hindi solusyon sa dumaraming bilang ng Out of School

Youth ang K+12 dahil ayon sa kanila kahirapan ang dahilan hindi dahil sa

sistema ng edukasyon.

Mula sa sampung (10) guro na aking tinanong anim (6) na kaguruan ang

nagsasabing sapat na ang training ng mga guro sa nasabing programa at ayon

sa kanila ang guro ay laging handa sa anumang programa ng DepEd ngunit ito

ay dapat patuloy na suportahan ng DepEd sa iba’t-ibang paraan tulad ng

workshop, training, buildings, materials at patuloy na orientation.

Ayon sa mga kaguruan hindi sila naniniwala na ang K+12 ang sagot sa

suliraning kinakaharap ng ating bansa pagdating sa edukasyon. Ayon rin sa

kanila meron mabuti at di mabuting epekto ang programang K+12 ang mabuting

epekto ng nasabing programa na sa pamamagitan ng K+12 ay nabibigyan ng

kaukulang pansin ang mga di makakapagkolehiyo at magiging handa upang

magkaroon ng trabaho. At ang di mabuting epekto nito ay madadagdagan

26
naman ng taon ang high school na sa tingin ng magulang ay dagdag gastos at

panahon.

Sampung (10) guro ang nagsasabing ang una nilang kinakaharap ay ang

kakulangan ng mga librong pamantayan, modyul, learning materials, at mga

kagamitang kailangan sa masusing pagtuturo.

At naniniwala sila na ang mag-aaral ang higit na apektado sa nasabing

programa dahil sila ang mas nabigla at di agad nakapag- adjust sa pagbabagong

ito.

At sa aking panghuling katanungan walong (8) guro ang nagsasabing

naniniwala sila na magiging matagumpay ang K+12 kung mabibigyan ng

agarang kasagutan ang mga suliraning kinakaharap at patuloy na susuportahan

ng ating Gobyerno ang mga pangangailangan ng mga kaguruan at mag-aaral at

higit sa lahat na kailangan ay ang kooperasyon ng bawat isa.

27
Paraan ng Pagkuha ng Datos

Upang magtagumpay ang isang pananaliksik ay kinakailangan magbasa,

mangalap ng datos at maghanda ng mga kagamitang kapaki-pakinabang sa

anumang pag-aaral ang mga mananaliksik.

Sa bahagi naman ng pakikipanayam at pagbibigay ng talatanungan: Una,

ang mananaliksik ay gagawa ng mga talatanungan na ipapavalideyt upang

maging maayos ang daloy ng distribusyon: Ikalawa, hintayin ang hudyat ng

gurong tagapayo sa pananaliksik: Ikatlo, pagdulog sa punongguro ng paaralan at

paghingi ng pahintulot: Ikaapat, paglapit sa mga guro upang bigyan ng mga

talatanungan at kunin ang mga ito pagkatapos masagutan ng mga tumugon:

Ikalima, ang mga datos na natipon, nakalap ay aayusin sa talahanayan,

aanalisahin at bibigyan ng interpretasyon ng pananaliksik: at huli, ilagay ang

mahahalagang impormasyong nalikom sa isang maayos na pagkakahanay sa

nararapat nitong lugar sa tesis.

28
Instrumentong Ginamit

Talatanungan

1. Ano ang layunin ng programang K+12?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Sino ang sakop ng pagbabagong K+12?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Masasabi bang lubos na ang naging pag-aaral at paghahanda para ipatupad


ang K+12?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ang K+12 ba ang solusyon sa dumaraming bilang ng out of School Youth?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Sapat na ba ang training ng mga guro sa nasabing programa?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6. Sa palagay mo ba ang K+12 ang sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa


edukasyon?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

29
7. Ano ang maganda at di magandang dulot ng programang K+12?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

8. Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa bagong Kurikulum?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9. Sa nasabing programa sino ang higit na apektado? Bakit?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10. Naniniwala ka ba na magiging matagumpay ang nasabing programa?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

30
Paglalagom

Ang pananaliksik na ito ukol sa Pananaw ng mga Guro sa K to 12

Kurikulum ay may mga katanungan na may kinalaman sa; Ano ang K to 12

Kurikulum; Bakit kailangang magdagdag ng dalawang taon pag-aaral kurikulum

ng mag-aaral; Sino ang makikinabang sa programang K+12; Paano

nakakaapekto ang 2 taong dagdag sa mga magulang ng mag-aaral; Paano

mabibigyang solusyon ang mga suliraning kinakaharap sa nasabing programa; at

Ano ang pananaw ng mga guro sa programang K+12.

Ang K to 12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa

pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa

dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon

sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang

makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng K to 12, bago

makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon

pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior

high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng

hayskul sa lumang sistema ay tinatawag na junior high school. Sa kabuuan,

Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng

Kto12.

Mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan ng K

to 12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa buong Southeast

Asia, ang Pilipinas na lang ang may 10-year Basic Education Cycle (ang ibang

bansa ay may 11-12 taon sa Basic Education Cycle). Sa buong mundo, ang

31
Pilipinas ang isa sa 3 bansa na may 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang

sistema, pagkagraduate ng hayskul ay di pa rin handa para magtrabaho ang

mga mag-aaral (masyado pang bata para makapagnegosyo at iba pa). Hindi

handang magkolehiyo ang maraming graduate ng hayskul sa lumang sistema.

Dahil sa lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilala o

nirerecognize ng ibang bansa ang mga propesyunal na grumaduate sa Pilipinas.

Sa Amerika, kailangan ang 12 taon ng Basic Education para sa mga engineer.

Sa Europa naman, kailangan ng 12 taon ng Basic Education para sa mga

gustong mag-aral sa mga unibersidad doon at para sa mga gustong magtrabaho

bilang propesyunal doon.

Ang mga kabataan o mag-aaral ang higit na makikinabang sa programang

K+12. Ang K to 12 ay magdudulot nang magandang bunga sa mga kabataan. Sa

pagdadagdag ng dalawang taon sa high school, ganap na mahahasa ang mga

mag-aaral. Masisiksik sila sa kaalaman, hindi katulad sa dating 10 taon lang

binubunong pag-aaral. Makapaghahanda ang mga mag-aaral sa sistemang ito

sa kanilang tatahaking career.

Ayon sa mga magulang ang K+12 ay dagdag pasanin, anila ang

pormulang ito sa kanilang pagpapaaral ng mga anak lalo't napakahirap ng

magpaaral ng mga anak sa panahon ngayon dahil patuloy na tumataas ang

singil sa tuition fee at kung anu-ano pang fees. Kung ito, anila, ang siyang

magiging daan upang lalong malinang ang karunungan ng mga mag-aaral ay pilit

nilang igagapang ang kanilang mga anak upang makapagtapos sa pag-aaral na

siyang mabisa at matibay na pundasyon para sa kinabukasan.

32
Upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning kinakaharap sa

nasabing programa kailangan ng bukas na kaisipan sa pagtanggap ng bagong

kurikulum. Paglaanan ng panahon ang mga kakulangan sa pag-aaral tulad ng

libro, silid-aralan, guro at mga kagamitan para sa mabisang pag-aaral ng mga

mag-aaral. Ibig sabihin, ang karagda-gang taon ay ma-katutulong sa

pangangailan at pagkatuto ng mga mag-aaral gayun din sa ating komunidad.

Ayon sa mga guro na nagbigay ng kanilang opinion hinggil sa K+12. May

nagsasabing dagdag pahirap din sa kanila ang nasabing programa dahil

nadagdagan ang kanilang responsibilidad pero hindi naman nadaragdagan ang

kanilang suweldo. Subalit sang-ayon din naman sila sa layunin ng programa na

layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.

33
Konklusyon

Batay sa nabanggit na mga natuklasan ang mga sumusunod ay mga

konklusyon:

1. Hindi pa handa at nangangailangan pa ng sapat na panahon sa

pagpapatupad ng kurikulum. Pero dapat din nating malaman na kulang

din ang kalidad ng Edukasyon. Ang hangarin lamang ng Pamahalaan

ay mapataas ang huling kakulangan.

2. Ang programang K+12 ay makakatulong sa pagpapaunlad ng

kaalaman sa pagtuturo at nakapagbibigay ng estratehiya na magiging

epektibo upang magbibigay-daan sa malayang pagpapahayag ng

saloobin at opinyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto sa bawat

asignatura

3. Sa kabila ng maraming suliranin na kinakaharap sa edukasyon tulad

ng kakulangan sa kagamitan sa pagtuturo at mga estratehiya sa

pagpapaunlad ng kaalaman para sa mga mag-aaral ang ating mga

kaguruan ay handang ibigay ang kanilang buong dedikasyon sa

pagtuturo para sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.

4. Kailangan ng pagtanggap sa pagbabago at magkaroon ng bukas na

isipan sa bagong kurikulum at sa gayong paraan ay makatutulong tayo

sa ikagaganda ng kalidad ng edukasyon.

34
Rekomendasyon

Pagkatapos ng maingat na pagsusuri ay inilahad ang mga sumusunod na

rekomendasyon.

1. Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga aklat

na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at

dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.

2. Pagtuunan nila ng pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak

lalong lalo na pagdating sa kanilang pag-aaral para masubaybayan

nila at hindi maligaw ng landas at magkaroon ng magandang

kinabukasan.

3. Pagbutihin ng mga guro ang kanilang pagtuturo. Huwag nilang

hahayaan ang mag-aaral na makatapos ng isang antas ng edukasyon

ng hindi naman angkop sa kanilang abilidad.

4. Pagbutihan ng mag-aaral ang kanilang pag-aaral nang sa gayun

magkaroon sila ng magandang kinabukasan at maging kapaki-

pakinabang na mamamayan ng bansa.

5. Ipagpatuloy o palawakin pa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito

tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang mahahalagang datos o

impormasyong maaaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman

hinggil sa pagdaragdag ng dalawang taon sa antas ng edukasyon.

35
Bibliograpiya

Website

http://www.slideshare.net/joyieloo/pananaliksik-1

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2011/11/16/ang-k12-sa-edukasyon-ng-

pilipinas/

https://prezi.com/grgnlo5kimp4/pananaw-at-impresyon-ng-mga-guro-sa-filipino-

sa-pagpapa-tupad ng K+12

http://www.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/

36
MYRNA CASTILLO BANILAN

Lacrence Subd. Brgy Pansol Pila Laguna

09199224081

PERSONAL NA DATOS

Kapanganakan : Oktubre 22, 1982

Edad : 34 taon

Lugar ng Kapanganakan : Batangas City

Kalagayang Sibil : May Asawa

Relihiyon : Katoliko Romano

ANTAS NG PINAG-ARALAN

ELEMENTARYA

MABABANG PAARALAN NG MALITAM

MALITAM BATANGAS CITY

1990-1996

SEKONDARYA

MATAAS NA PAARALAN NG BATANGAS

RIZAL AVENUE, BATANGAS CITY

1996-2000

37
TERSYARYA

CRISTO REY INSTITUTE FOR CAREER DEVELOPMENT

RIZAL AVENUE, BATANGAS CITY

ASSOCIATE IN OFFICE MANAGEMENT

2000-2002

UNION COLLEGE OF LAGUNA

STA. CRUZ LAGUNA

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

38

You might also like