You are on page 1of 2

Ellyssa Stephanie G.

Naval
BSHM 3-C 10/23/23
Posisyong Papel

“Asignatura sa kolehiyo ay pahalagahan halip tanggalin pag yabugin”

Posisyong Papel Higgil sa


Pagpapatupad ng K-12 Program
Panatilihin at pagtibayin ang K-12
program para sa handa at
magandang kinabukasan
ng mga kabataan
Posisyong Papel Higgil sa
Pagpapatupad ng K-12 Program
Panatilihin at pagtibayin ang K-12
program para sa handa at
magandang kinabukasan
ng mga kabataan
Panatilihin at pagyabungin ang Asignaturang Filipino sa atin kolehiyo para sa handa at magandang
kinabukasanng mga kabataan.Ayon sa CHED, nag -laan lamang nilang gamitin nang husto ang dalawang
dagdag na taon ng pag-aaral sa high school at hindi na ulitin ang mga kursong ito sa kolehiyo upang mas
mapagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang kanilang mga larangan ng interesadong at
kadalubhasaan kurso sa ibat’iba sector.Bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino, hinding hindi ko
tinututulan ang kautusang ito dahil naniniwala ako na ang paggamit ng sariling wika at ang pagpapalawig
nito ay ang tunay na liwanag ng buhay Pilipinas.
Bilang isang mag-aaral, hindi ako sang-ayon sa pagtanggal ng Filipino sa asignatura. Dahil ito ay araw-
araw kaming pumapasok sa paaralan at ito rin ang ginagamit namin sa aming pang-araw-araw na
komunikasyon. Ang mga pamantayang inilaan natin sa buhay ay hindi pareho dahil aminin man natin o
hindi, mayroon estado sa buhay na hindi na inisip ang buhay pag aaral kung hindi ang buhay na lamang
sa pang araw- araw upang maka-raos at makipag laban ng patas at marangal na pamumuhay sa
mundong ating ginagawalan. Sa ating mga minamahal na guro, maraming tao ang mawawalan ng
trabaho o kabuhayan.Ang mga nakaraang pag-aaral nila para makapagturo ng Filipino ay mababalewala
at walang silbi. Maaring mahihirapan din silang umunlad dahil kailangan nilang magpalit muli ng mga
kursong hindi pa kabisado o nakakabisado. Ang mga guro ang pinaka-apektado sa pagtatanggal ng
Filipino sa kolehiyo dahil marami sa kanila ang mawawalan at marami rin ang kailangang magsimula sa
simula, kaya hindi ako sang-ayon dito.isang magandang halimbawa nito ang ginawa ng Indonesia at
Malaysia noong una nilang ipinatupad ang K-12 curriculum kung saan ginamit nila ang kanilang mga
pambansang wika at at itinuro din ang wikang ito. Bilang asignatura sa antas ng mga unibersidad.

Ako ay Pilipino hindi lamang dahil ang wikang Filipino ay sumasalamin sa ating pagkakakilanlan kundi
humuhubog sa ating kamalayan at pinapanatili ang kultural na pamana ng ating mga ninuno.Hindi
lamang sa paggamit kundi pati na rin sa kaalaman sa mga wika mismo, marami pa tayong hindi kilalang
salita pati na rin ang kahulugan o pagbigkas nito, iilan din sa atin ang hindi alam kung paano gamitin ang
mga ito. Isang salita sa isang pangungusap.Sa pamamagitan ng pagtuturo sa unibersidad, madaragdagan
ang ating kahusayan sa paggamit ng wika at mauunawaan natin ang mga misteryong nakapaligid dito sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng ating pag-aaral sa wika at ang koneksyon nito sa mga isyung
nauugnay sa lipunan.Isang magandang halimbawa dito ay ang paggamit ng salitang nagatng ng
maraming Pilipino ngayon, lalo na ang mga mag-aaral na hindi pamilyar sa paggamit ng ganoong salita,
ako mismo ay umamin na ako ay naguguluhan pa rin sa paggamit ng salitang nagrinatdin. Bilang isang
mamamayan, kung aalisin ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng paaralan, hindi lamang ito
makakaapekto sa ating bansa ngayon kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon.Sa pag-aalis ng
mga paksang ito, parang tinatalikuran na natin ang mga buhay na ibinigay ng ating mga bayani sa
pakikipaglaban para sa kanilang bansa. Sa utos na ito, parang isinusuko na rin natin ang ating pagka-
Pilipino para lang makipagsabayan sa ibang bansa. Kung ito ay aalisin, marapat na mas pag diin tuon ang
pagtuturo ng wika at panitikang Filipino ay dapat na dagdagan at palakasin dahil ito ay nagsisilbing
simbolo ng ating demokrasya at pagkakakilanlan.

You might also like