You are on page 1of 6

Mother of Mercy Academy, Inc.

School ID: 406033


 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Filipino sa Piling Larangan


Panahong Igugugol: Ikatalong-ikaapat linggo
Modyul ng Pagkatuto sa Sarili

Palalarawan ng Paksa:
Sa araling ito’y nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t-ibang anyo ng sulatin.

Learning Competency (MELC):


1. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng pulong at adyenda sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa
2. Nakapaglalahad ng paraan kung paano maipapakita ang pakikinig nang may pang-unawa at pakikiramay.

Paksa:
Memorandum, Agenda, at Katitikan ng Pulong
Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga uri ng sulating inilalarawan;
2. Naibibigay ang mahalagang impormasyon sa pagbuo ng sulatin;
3. Naisusulat sa kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasang sulatin.
4. Nailalahad ang mga paraan kunga paano maipapakita ang pakikinig nang may pang-unawa at pakikiramay.

Talakayan:
Memorandum, Agenda, at Katitikan ng Pulong

Ayon kay Prof. Ma Rovilla suaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay
isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos. Sa memo nakasaan ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito, magiging malinaw sa mga
dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid
lamang sa kanila ang isang mahalagang ndesisyon o proyekto ng kompanya o organisasyon, magiging malinaw para sa lahat na
hindina kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto. Ang pagsulat ng memo ay
maituturing ding isang sining. Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na nag pangunahing
layunin ay pakilusin angisang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa, o
pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o kompanya. Ito rin ay maaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa isang mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in the Discipline (2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at
mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
Pink o rosas-ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department
Dilaw o luntian- ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department

Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014), may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

Narito ang ilang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran

Academy of Sainth John


La Salle Hills Supervised
General Trias, Cavite
MEMORANDUM

Para sa: Mga Puno ng Kagawaran at Mga Guro ng Senior High School
Mula Kay: Daisy T. Romero, Punongguro, Academy of Sainth John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Pagbabago ng Petsa ng Pulong

Ang nakatakdang pulong sa Sabado, Nobyembre 28, 2015 ay inilipat sa susunod na Sabado, Disyembre 5 sa ganap na
ika- 9:00 hanggang ika-11:00 ng umaga.
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Academy of Sainth John


La Salle Hills Supervised
General Trias, Cavite
MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang
Mula Kay: Nestor S. Lontoc, Registrar, Academy of Sainth John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa Disyembre 12, 2015. Mahalagang
maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.
Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng rebuy para sa mga mag-aaral.
Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

Oras Asignatura Guro


8:00-10 n.u. Filipino Bb. Reyes
10:00-10:30 n.u. Malayang sandali
10:30-12:30 n.h. Araling Panlipunan G. Reyes
12:30-1:30 n.h. Malayang Sandali
1:30-2:30 n.h. Matematika G. Pineda
2:30-4:30 n.h. Agham Gng. Abundo

Agenda o Adyenda

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang
pagkakaroon ng maayos sistematikong adyenda ang isa sa mga susing matumpay na pulong. Napakahalagang
maisagawa ito nang maayos at ipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. Narito ang ilang kahalagahan
ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong.

1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang
impormasyon: mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
a. Mga paksang tatalakayin tatalakayin ay kasama sa talaan.
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagakakataon sa mga
paksa kasapi sa pulong na maging handa sa mga
c. oras na itinakda para sa bawat paksa paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
2. Ito rin ang nagtakda ng balangkas ng pulong tulad 5. Ito ay nakatutulong nang Malaki upang
ng pagkakasunod-sunod ng mga pakasang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan sa pulong.
ang mga ito.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda.


1. Magpadala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong
tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayayn ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kinakailangang
magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng
adyenda ang kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na.
Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan
makikita ang agenda o paksa, taong magpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang
gumagawa ng agenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumiteng agenda o paksa ay may
kaugnayan sa layunin ng pulong. Kung sakaling ito ay malayo sa paksang pag-uusapan, ipagbigay alam sa taong nagpadala
nito na ito ay maaring talakayin sa susunod na pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling
ilagay rito ang layunin ng pulong, at kung kalian at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Narito ang halimbawa ng adyenda

Petsa: Disyembre 5, 2015 Oras: 9:00 n.u.-


11:00 n.u.
Lugar: Academy of Sainth John (Conference Room)
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1. Daisy Romero (Prinsipal)
2. Nestor Lontoc (Registrar)
3. Joselito Pascual (Finance Head)
Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras
1. Badget sa pagpapatayo ng mga gusali para sa Senior High School Pascual 20 minuto
2. Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali Atty. Pascual 20 minuto
3. Feedback mula sa mga magulang hinggil sa SHS ng ASJ Romero 10 minuto
4. Kurikulum/Track na ibibigay ng ASJ Romero 20 minuto
5. Pagkuha ng Pagsasanay ng mga guro para sa SHS Lontoc 15 minuto
6. Pag- iiskedyul ng mga asignatura Pineda 15 minuto
7. Estratihiya para mahikayat ang mga mag-aaral na kumuha ng SHS sa ASJ Gallardo 10 minuto

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda


1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.
Katitikan ng Pulong
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang
pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay
nagsisilbing opisyal o legal na kasulatan ng smahan, kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa
mga legal na usapin o sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at pagkilos.
Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat. Kaya naman
napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhetibo, at sistematikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi
lamang gawain ng kalihim ng samahanj o organisasyon, ang bawat isang kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, orvganisasyon, o kagawaran. Makikita rin ditto ang petsa,
ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat
ng mga dumalo kasama ang mga panuhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng mga pulong- Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay
napagtibay o may mga pagbabagong isinangawa sa mga ito.
4. Action items o usaping nakapagsunduan (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi
ng nagdaang pulong). Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito
kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol ditto.
5. Pabalita o patalastas- Hindi ito ang lagging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas
mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa
bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong- Itala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong.
7. Pagtatapos- Inilagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kalian ito isusumite.
Mga Dapat Gawain ng Taong Naatasang KUmuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o
bigyang interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kanyang tanging gawin ay itala at iulat lamang ito.
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage
1. Hangga’t maari ay hindi participant sa nasabing pulong. 6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. tumpak at kompletong heading.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
pulong. 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang 9. Itala ang lahat ng paksa at isyong napagdesisyunan ng koponan.
pulong. 10.Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda pulong.
May tatlong uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong ang mga ito ay ang sumusunod:
a. Ulat ng Katitikan- sa ganitong katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.
b. Salaysay na Katitikan- Isinalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong . Ang ganitong uri ng pulong ay maituturing
na isang legal na dokumento.
c. Resolusyon ng Katitikan- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng The Everything Practice Interview Book at The Everything
Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang
isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong .
Bago ang Pulong

 Magpasiya kung anong paraanng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.


 Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
 Gamitin ang adyenda para sa gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
 Habang Isinasagawa ang Pulong
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
 Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang nagsasalita sa oras
ng pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala lamang ang mahahalagaang ideya o puntos.
 Itala ang mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumasang-ayon, at
ang nagging resulta ng botohan.
 Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Pagkatapos ng Pulong

 Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong (lingguhan,
buwanan,taunan, o espesyal na pulong), at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipaa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy.
SANGGUNIAN: (http://careerplanning.about.com/cs/communication/a/minutes.html.
Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Pangalan : ________________________ GURO: CIELO B. OSORIO


Baitang at Seksyon : ______________________ Lagda ng Magulang: ______________________

Filipino sa Piling Larangan


Actibiti sheet

Aktibiti:

GAWAIN 1-Panuto: : Kilalanin kung ang sulating tinutukoy sa bawat bilang ay isang memorandum, adyenda,o
katitikan ng pulong. Isulat ang sagot sa linya sa ibaba.
_______________1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
_______________2. Isinasaad ditto ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_______________3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal na at legal na kasulatan.
_______________4. Makikita rito ang pagkasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______________5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_______________6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
_______________7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang sa simpleng usapin.
_______________8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______________9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alituntunin.
_______________10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.

GAWAIN 2- Panuto: : Ibigay ang hinihinging impormasyon sa bawat bilang.


1. Tatlong Uri ng Memorandum
a. ____________________________ b. _________________________ c. _______________________________

2. Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda

a. ________________________________________ d.__________________________________________
b. ________________________________________ e.__________________________________________
c. ________________________________________

3. Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

a. ___________________________________________ e. ____________________________________________
_ f. ____________________________________________
b. ___________________________________________ g. ____________________________________________
_ h. ____________________________________________
c. ___________________________________________
_
d. ___________________________________________
_

Gawain 3 Panuto: Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng katitikan ng pulong, adyenda, at memorandum sa Internet.
Suriin at isulat sa kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasang sulatin. Ilagay ang paksa o sanggunian ng
nasaliksik.

Katitikan ng Pulong Adyenda Memorandum


Mother of Mercy Academy, Inc.
School ID: 406033
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur  +63 907 699 0817  moma.barobosds@gmail.com  www.momanian.net  FB: @motherofmercyacademyofficialpage

Gawain 4 : Panuto: Sumulat o maglahad ng mga paraan kung paano maipapakita ang pakikinig nang may pang-unawa at pakikiramay
sa sumusunod na nga sitwasyon.

1. Habang nag-aaral ka sa silid-aklatan ay biglang lumapit ang iyong kaibigan at nagsabi ng kanyang problema sa kanyang
pamilya.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
2. Abala ka sa panonood ng pinakapaborito mong programa sa telebisyon nang puntahan ka ng iyong nakababatang
kapatid na umiiyak at tila may gusto siyang isumbong sa iyo.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
3. Nagmamadali kang umalis ng bahay para makipagkita sa iyong kaibigan nang bigla kang kausapin ng iyong nanay
tungkol sa isang mahalagang bagay sa iyong mga kapatid.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Sanggunian: Ailene Baisa-Julian (2016) Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larangan(akademik). Quezon City.Phoenix Publishing House

Inihanda ni:

Cielo B. Osorio
09128336572
osoriocielo@momanian.com
Cielo Osorio

Iniwasto ni: Sinuri ni:

Dennis Jade G. Numeron Rea Abnee C. Garrido


Teacher Asst. School Principal

You might also like