You are on page 1of 31

DPR - PATS SENIOR HIGH SCHOOL

BB. ROSE LEN S. RAMOS


Ano ang Memo?
Bakit mahalaga
nating
matutuhan ang
pagsulat ng
isang memo?
Nakikilala ang iba’t Nasasagot Nakikilala
ibang
akademikong
ang mga ang uri ng
sulatin ayons sa: a) tanong sulating
Layunin, b) Gamit, tungkol sa inilalarawan.
c) Katangian, d) binasa.
Anyo
Ayon kay Sudpraset (2014), ang adyenda
ay ang nagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa pulong. Ang
pagkakaroon ng maayos at
masistemang adyenda ang isa sa mga
susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalaga na maisagawa ito nang
maayos at maipabatid sa mga taong
kasama bago isagawa ang pulong.
Batay sa tala ng Mindmesh.com (n.d), ang
adyenda ay isang uri ng dokumento na
nagbibigay ng talatakdaan na gawain ng
isang grupo bago ito magsimula ng isang
pulong. Ito ay nararapat na gawin upang
magkaroon ng maayos na daloy ang isang
pulong, kasabay nito ay ang detalyado,
impormatibo, at makasisiguro na matatamo
ang mga sumusunod na layunin ng
isinasagawang pulong.
1. Ito ay nagsasaad ng mga sumusunod na
impormasyon:
Mga paksang tatalakayin
Mga taong tatalakay at magpapaliwanag ng
mga paksa.
Oras na itinakda para sa bawat paksa.

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong


tulad ng mga pagkakasunod-sunod ng mga
paksang tatalakayin at kung gaano katagal
pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na
lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat
ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

4. ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga


kasapi sa pulong na maging handa sa mga
paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang


manatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat
sa papel o kaya naman ay isang e-mail na
nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol
sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong
araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan
ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o
kung e-mail naman, kinakailangang
magpadala sila ng kanilang tugon. Ilagay rin
ang bilang ng minuto ng magiging pulong at
concerns ng mga dadalo sa pulong.
3. Gumawa ng mga balangkas na
tatalakayin kapag ang lahat ng mga
adyenda o paksa ay napadala o nalikom na.
Lubhang mainam kung ang pormat ng
adyenda ay nasusulat sa table format.
Kinakailangan ang taong susulat o gagawa
ng adyenda ay maging mapanuri sa
pagbabalangkas nito upang matiyak na ang
isinulat na adyenda ay tugma sa
isasagawang pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga
taong dadalo, mga dalawa o isang
araw bago ang pulong. Bilang paalala
ay muling ilagay rito ang layunin ng
pulong, kung kailan at saan ito
gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa


pagsasagawa ng pulong.
1. Tiyaking ang bawat dadalo sa
pulong at nakatanggap ng sipi ng
mga adyenda.
2. Talakaying sa unang bahagi ng
pulong ang higit na mahahalagang
paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng adyenda
ngunit maging flexible kung
kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa
itinakdang oras na nakalagay sa
sipi ng adyenda.

5. Ihanda ang kakailanganing


dokumento kasama ang adyenda.

You might also like