Professional Documents
Culture Documents
Modyul 5 New
Modyul 5 New
Mga guro:
Bb. Blesilda Maxion
PANGKALAHATANG IDEYA Bb. Princess S. Suitos
Bb. Zaira Alexis B. Catap
Naranasan mo na bang dumalo sa isang pulong? Baitang: 12
Paano mo ilalarawan ang pulong na iyong dinaluhan? Bilang ng Oras: Walong Oras
MGA LAYUNIN
Bilang mag-aaral, ikaw ay inaasahang:
1. nakapagsusuri ng mga larawan
2. nasasagot ang mga tanong tungkol sa
binasa
3. nakikilala ang uri ng sulating inilalarawan
4. nakikilala ang mga katangian ng mahusay na
katitikan ng pulong at adyenda sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa
5. nakapaglalahad ng paraan kung paano
1 | PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL F ILIPINO SA PILING
LARANGAN (AKADEMIK)
2. Ano sa iyong palagay ang mga bagy na dapat gawin o ihanda bago ang pulong? _______________________________
__________________________________________________________________________________________
______
3. Ano ang mga bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-usapan sa pagpupulong? ______________________
__________________________________________________________________________________________
______
POKUS NG ARALIN
Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o organisasyon. Kung walang
maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang kaayusan. Gayundin naman,
kung ang komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing namang pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa
pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng samahan ang mga mithiin at
nais tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang maayos, organisado, at sistematikong
pagpupulong ito man ay isang business meeting, one-on-one meeting, o company meeting.
Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), sa kanyang aklat na English for the Workplace 3, ang memorandum
o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan
nito, nagiging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na
nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o
organisasyon, magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na
ang nasabing desisyon o proyekto. Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat tandaan na ane meme
ay hindi isang liham. Kadalasan ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tan sa isang tiyak
na alituntuning dapat isakatuparan saya halimbawa ng papala sa isang pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa bagong
sistema ng produksiyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang
balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya
Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014) sa kanyang aklat na Writing in the Discipline, ang mga kilala at malalaking
kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:
Mula sa mga nakatalang halimbawa, mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat na
magtaglay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudprasert
(2014) na English for the Workplace 3.
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung
saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono.
2. Ang bahaging "Para sa/Para Kay/Kina' ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong
pinag-uukulan ng memo. Para sa isang impormal na memo ang Para Kay: Ailene ay sapat na. Ngunit sa mga
pormal na memo, mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay
kabilang sa ibang departamento, makatutulong kung ilalagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahagi namang 'Mula Kay' ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Gaya rin ng
bahaging 'Para sa/Para Kay/Kina maaaring gamitin na lamang ang unang pangalan ng sumulat nito gaya
halimbawa nito: Mula Kay: Nestor. Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong pangalan ng nagpadala. Gayundin,
mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksiyon o tanggapan.
Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong
ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong
pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob, kasama ang araw at taon
upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad maunawaan ang
nais ipabatid nito.
6. Kadalasang ang 'Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangang ito ay
magtaglay ng sumusunod:
b. Problema - nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
7. Ang huling bahagi ay ang 'Lagda' ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa
bahaging Mula Kay...
Katitikan ng Pulong
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na
tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at
komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at
mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o
organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na
mga pagpaplano at pagkilos. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na
naitala at naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhetibo, at
sistematikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisasyon, ang bawat isang
kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito.
1. Heading - Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito
ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo - Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang
pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo
ay nakatala rin dito.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng
pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang
proyektong bahagi ng nagdaang pulong). Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay.
Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo
ukol dito.
5 | PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL F ILIPINO SA PILING
LARANGAN (AKADEMIK)
5. Pabalita o patalastas - Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong - Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
7. Pagtatapos - Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda - mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan
ito isinumite.
Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at
iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito. Narito ang ilang mga
bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng katitikan ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudprasert
(2014) na English for the Workplace 3. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:
1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong. Hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulong kayâ
napakahalaga na ang naatasang kumuha nito ay may sapat na atensiyon sa pakikinig upang maitala niya ang
lahat ng mahahalagang impormasyon o desisyong mapag-uusapan. Magagampanan niya ito nang lubos kung
ito lamang ang kanyang gagawin sa kabuoan ng pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. Magiging madali para sa kanyang linawin sa
tagapanguna ang ilang mga bagay na hindi niya lubos na nauunawaan kung siya ay nakaupo malapit sa
presider.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong. Mahalaga na ma-tsek kung sino-sino ang dumalo
sa pulong at maging ang mga liban. Itala rin ang pangalan ng mga taong dumating nang huli sa itinakdang oras
maging ang mga umalis nang maaga.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong. Kung hindi naipamahagi nang maaga ang
adyenda na pag-uusapan sa pulong, mahalagang maibahagi ito bago magsimula ang pulong kasama ang sipi ng
katitikan ng nagdaang pulong. Makatutulong ito upang higit na maging organisado at sistematiko ang daloy ng
pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda. Bilang kalihim ng tagapanguna ng pulong, mahalagang
mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang kasama o nakasaad sa adyenda
upang hindi masayang ang oras ng lahat at gayundin ay maiwasan ang kalituhan sa pangkat.
4. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading. Kailangang
malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan o organisasyon, petsa, oras, at lugar ng pulong.
5. Gumamit ng recorder kung kinakailangan. Makatutulong nang Malaki kung gagamit ng recorder upang kung
sakaling may puntos na hindi malinaw na naitala ay maaari itong balikan.
6. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. Ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa
pulong at sinusugan ng iba pang kasapi at napagtibay ng samahan ay dapat maitala nang maayos. Ang kumukuha
ng katitikan ay maaring banggitin ang mosyon sa kapulungan para sa higit na paglilinaw. Mahalagang maitala rin
kung kanino nanggaling ang mosyon at maging ang mga taong sumang-ayon dito.
7. Itala ang lahat ng paksa at isyung napadesisyunan ng koponan. Mahalagang maitala ang lahat ng mga paksa at
isyung napagdesisyunangaano man ito kapayak o kalaking bagay.
May tatlong uri o estilo ngpagsulat ng katitikan ng pulong. Ang mga ito ay ang sumusunod:
a. Ulat ng KatitikanSa ganitong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.
Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mgataong
sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
b. Salaysay ng Katitikan -Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ng
katitikan ay maituturing naisang legal na dokumento.
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng The Everything Practice Interview Book at ng
The Everything Get-a-job- Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat
gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong. Ilan sa mga ito ay makikita sa ibaba.
1. Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng bolpen at
papel, laptop, tablet, computer
o recorder.
2. Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon. Kung ikaw ay gagamit ng laptop
siguraduhing ito ay may sapat na batervang kakailanganin para sa kabuoan ng pulong.
3. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng
sapat na espasyo para sa bawat paksa,makatutulong ito upang mabilis na maitala alg nga mapag-uusapan
kaugnay ng mga ito.
5. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa. Mula rito madali mong
matutukoy kung sino ang liban sa pulong at magıng ang panauhin sa araw na iyon.
6. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang
nagsasalita sa oras ng pulong.
8. Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos. Hindi kailangang isulat ang bawat impormasyong maririnig sa
pulong gayunman magıng maingat sa pagtatala ng mahahalagang puntos. Tandaan na ang katitikan ng pulong ay
isang opisyal at legal na dokumento ng samahan o organisasyon.
9. Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga
sumang-ayon, at ang naging resulta nang botohan.
10. Itala at bigyang-pansin ang mga mosyong pagbobotohano pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong.
Pagkatapos ng Pulong
1. Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay. Kung may hindi malinaw sa iyong mga tala ay maaaring linawin ito sa iba na dumalo rin sa nasabing
pulong.
2. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasayon, pangalan ng komite, uri ng pulong (lingguhan,
buwanan, taunan, o espesyal na pulong), at maging ang layunin nito.
4. Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sapagpapadaloy ng pulong. Sa katapusan
ng katitikan ay huwag kalimutang ilagay ang "Isinumite ni:", kasunod ang iyong pangalan.
5. Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
Maaaring ipabasa ito sa kasamahan na nakadalo rin sa nasabing pulong upang kung nakaligtaang puntos o
ideyang hindi naisama ay maaari niya ito makita at ipagbigay-alam sa iyo.
6. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
Sanggunian:
Baisa-Julian A. et al., (2017). Pinagyamang Pluma (Filipino sa Piling Larangan-Akademik). Phoenix Publishing House
(http:7/careerplanning.about.com/cs/communication/a/minutes.html.)
Tamani, Reinmark J. at Latugan, Eddielyn P., "Antas ng kaalaman ng mga katutubong Gaddang Hinggil sa kanilang Mga
Awiting-Bayan." Isang Tesis, St. Mary's University. 2012.
Pena, Romeo P. et al., "Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP, at PNU sa Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo
na May Malaking kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,
2007.
SAGUTANG PAPEL
MODYUL 5
Pangkat/baitang: _______________________________________________________
MODYUL 3
1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng paglalagom? Bakit isinasagawa ang gawaing ito?
______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
Panuto: Kilalanin kung ang sulating tinutukoy sa bawat bilang ay isang memorandum, adyenda o katitikan ng pulong.
Isulat ang sagot sa linya sa ibaba.
_________________________6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
_________________________9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alituntunin.
GAWAIN 3 (Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng pulong at adyenda sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa) 15 puntos
Panuto: Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng katitikan ng pulong, adyenda at memorandum sa Internet o sa inyong
aklatan. Suriin at isulat sa kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasang sulatin. Ilagay ang paksa o
sangguniang nasaliksik.
Memorandum
K
a
t
i
t
i
k
a
n
n
g
P
u
l
o
n
g