You are on page 1of 11

Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)

TALAAN NG NILALAMAN

ARALIN 5 PAHINA
Pagsulat ng Memorandum…………………………………………………………………..... 3 - 4

Pagsulat ng Adyenda………………………………………………..……………..….……... 4-5

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong…………………………………………………..……….… 6-8

CURRICULUM GUIDE

Mga Kasanayang Pampagkatuto Paksa

Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng Pagsulat ng Memorandum

pulong at adyenda sa pamamagitan ng mga binasang
halimbawa ( CS_FA11/12PB-0m-0-102 )

Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan Pagsulat ng Adyenda

upang makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis.
( CS_FA11/ 12PN-0j-1-92)

Pagsulat ng Katitikan ng
Pulong
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat
ng katitikan ng pulong at sintesis. (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

Nakasusulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingat,

wasto, at angkop ang paggamit ng wika.
(CS-FA11/12WG-0p-r-93)

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 1
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)
Easter College
Departamento ng Senior Hayskul
Easter School Road, Central Guisad, Baguio City

MODYUL: Aralin 5

I. KURSO/ ASIGNATURA: FILIPINO SA PILING LARANG ( Akademik )

II. ISKEDYUL: Tuwing Martes at Huwebes
III. DESKRIPSIYON NG KURSO: Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa
piniling larangan.
IV. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na
sulating akademik ayon sa format at teknik.
V. LAYUNIN/ KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng pulong at adyenda sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa. ( CS_FA11/12PB-0m-0-102 )
 Nakapaglalahad ng paraan kung paano maipakikita ang pakikinig nang may pang-
unawa at pakikiramay.
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng
katitikan ng pulong at sintesis. ( CS_FA11/ 12PN-0j-1-92)
 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong
at sintesis. (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
 Nakasusulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingat, wasto, at angkop ang
paggamit ng wika. (CS-FA11/12WG-0p-r-93)

VI. BILANG NG LINGGO : 2 Linggo

VII. HAKBANG NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO

ABOT-TANAW

ALAMIN

Ang Modyul na ito ay tumatalakay sa Pagsulat ng Adyenda at Katitikan

ng Pulong.

Magandang araw !!!!! Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang

kasanayan o kakayahang magsulat ng Panukalang Proyekto Naranasan
mong maglahad ng isang panukala para sa paglulunsad ng isang pagbabago
o kaya naman ay para malutas ang isang suliranin. Sa araling ito,
mararanasan mo namang kumuha ng mahahalagang impormasyon mula sa
isang miting o pulong upang makabuo ka ng KATITIKAN NG PULONG AT
SINTESIS.

LUSONG- KAALAMAN

PANIMULANG GAWAIN
Nakapagpapahayag gamit ang talahanayan

Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapakita ng iba’t

ibang pagpupulong. Suriin kung anong uri ng pagpupulong
ang makikita rito at saka sagutin ang mga tanong sa ibaba..

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 2
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)

A B C

Katanungan:
1.Ano-anong uri ng pagpupulong ang nakikita sa larawan A, B, at C?
______________________________________________________________________________________
2.Ano-anong bagay ang dapat na gawin o ihanda bago ang pulong?
______________________________________________________________________________________
3.Ano-anong bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-usapan sa pagpupulong?
______________________________________________________________________________________
4.Ilarawan ang huling pagpupulong na iyong nadaluhan .Naging matagumpay ba ito ? Bakit? At Bakit hindi?
______________________________________________________________________________________

GAOD-KAISIPAN

Memorandum o Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na
English for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo
ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin,
o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing
pagpupulong. Sa pamamagitan nito,naging malinaw sa mga dadalo ng
pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng
pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang
isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o
oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan
ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing
desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham.
Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak
na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o
pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang
impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 3
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)

Academy of Saint John

La Salle Green Hills Supervised General Trias ,Cavite
(046)4376775

MEMORANDUM

Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang

Mula kay: Nestor S Lontoc, Registrar, Academy of Saint John
Petsa: 25 ng Nobyembre, 2015
Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa

Disyembre12, 2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.
Sa darating na Sabado ,Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng rebyu para sa
mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

Oras Asignatura Guro

08:00 – 10:00 n.u. Filipino Bb. Reyes
10:00 – 10:30 n.u. Malayang Sandali
10:30 – 12:30 n.h. Araling Panlipunan G. Nieras
12:30 – 01:30 n.h. Malayang Sandali
01:30 – 02:30 n.h Matematika G. Pineda
02:30 – 04:30 n.h. Agham Gng. Abundo

AGENDA o ADYENDA

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang

nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong
adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na
pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos
at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa
ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng

adyenda ng pulong.

1 . Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:

a.mga paksang tatalakayin
b. mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat paksa
2.Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin
at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3.Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4.Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 4
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)

Narito ang halimbawa ng adyenda:

Petsa: Disyembre 5, 2015 Oras: 9:00 n.u-11:00 n.u

Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)

Paksa/ Layunin: Preparasyon para sa Senior High School

Mga Dadalo:

1. Daisy Romero ( Punungguro )

2. Nestor Lontoc ( Registrar )
3. Joselito Pascual ( Finance Head )
4. Atty. Ez Pascual ( Physical Resource Head )
5. Engr. Ricardo Martinez ( Engineer)
6. Vicky Gallardo ( Academic Coordinator )
7. Rubie Manguera ( Academic Coordinator )
8. Richard Pineda ( Academic Coordinator)
9. Gemma Abriza ( Guro- Senior High School )
10. 10 Joel Cenizal ( Guro- Senior High School )
11. Sherlyn Fercia ( Guro- Senior High School )
12. Evangeline Sipat ( Guro- Senior High School )
13. Ailene Posadas ( Guro- Senior High School )
14. Vivin Abundo ( Guro- Senior High School )
15. Onie Ison ( Guro- Senior High School )

Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras

1. Badyet sa pagpapatayo ng mga gusali para Pascual 20 minuto

sa Senior High School

2. Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali Atty. Pascual 20 minuto

3. Feedback mula sa mga magulang hinggil sa Romero 10 minuto

SHS ng ASJ

4. Kurikulum/ Track na ibibigay ng ASJ Romero 20 minuto

5 . Pagkuha at Pagsasanay ng mga guro para sa Lontoc 15 minuto

SHS

1. Pag-iiskedyul ng mga asignatura Pineda 15 minuto

2. Estratehiya para mahikayat ang mga mag- Gallardo 10 minuto

aaral na kumuha ng SHS sa ASJ.

KATITIKAN NG PULONG
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 5
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)
mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng
pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay
sa susunod na pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o
organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para
sa susunod na pagpaplano at pagkilos.

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

1.Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita
ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin
ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o
hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
3.Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-Dito makikita kung ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4.Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang
tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang
desisyong nabuo ukol dito.
5.Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita
o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na
pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
6.Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod
na pulong.
7.Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
8.Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung
kailan ito isinumite.

Academy of Saint John

La Salle Green Hills Supervised
General Trias ,Cavite
(046)4376775

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran

Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School

Petsa/ Oras: Disyembre 5, 2015 ganap na ika- 9:00 n.u
Tagapanguna: Daisy T.Romero (Punungguro)

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 6
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)

Bilang ng mga Taong Dumalo: _____

Mga Dumalo: Daisy Romero, Joel Pascual, Eazie Pascual, Nestor Lontoc,
Victoria Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene
Posadas, Gemma Abriza

Mga Liban:

I. Call to Order

Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag sa atensiyon ng lahat.

II. Panalangin

Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat.

III. Pananalita ng Pagtanggap

Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng
pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong

Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7, 2015 ay binasa ni Gng.
Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at
ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor S. Lontoc.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong

Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksiyon Taong
Magsasagawa
1.Badyet sa Tinalakay ni G. Joel Magsasagawa ng  G. Joel
pagpapatayo ng Pascual ang isang pulong kasama Pascual
mga gusali para sa halagang gugugulin ang inhinyero at  Engr.
Senior High School para sa arkitekto para sa Martinez
pagpapatayo ng pagpaplano ng  Arch.Monton
mga gusali para sa proyekto
Senior High
School. Ayon sa
kanya, mga 10
milyong piso ang
kakailanganin para
mabuo ang
karagdagang silid-
aralan.
2. Loteng
kailangan sa
pagpapatayo ng
gusali

3.Feedback mula
sa mga magulang
hinggil sa SHS ng
ASJ

4.Kurikulum/ Track
na ibibigay ng ASJ

5.Pagkuha at
Pagsasanay ng
THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 7
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)
mga guro para
SHS

6.Pag-iiskedyul ng
mga asignatura

VI. Ulat ng Ingat- yaman

Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalaga ng

30 milyong piso ngunit may halagang 3 milyong pisong dapat bayaran sa darating buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Ginang Manguera ang ulat na ito ng Ingat- yaman at ito ay sinang-
ayunan ni Gng. Abriza.

VII. Pagtatapos ng Pulong

Sa dahilang wala nang anomang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan, ang
pulong ay winakasan sa ganap na alas 12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng Susunod na Pulong

Disyembre 15, 2015 sa Conference Academy of Saint John, 9:00 n.u.

Inihanda at isinumite ni:

Clea L. Bulda

LAYAG-DIWA
BUOIN NATIN

A. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng pulong at adyenda sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa (CS_FA11/12PB-0m-0-102)
Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng katitikan ng pulong, adyenda, at memorandum sa
internet. Suriin at isulat sa kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasang sulatin. Ilagay
ang paksa o sanggunian ng nasaliksik. ( 15 puntos )

Memorandum-
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__
Paksa: __________________________________________________________________________________

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 8
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)
Sanggunian:______________________________________________________________________________

Adyenda-
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__
Paksa: __________________________________________________________________________________
Sanggunian:______________________________________________________________________________

Katitikan ng Pulong-

SALOK-DUNONG

PALAWAKIN PA NATIN
Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis (CS_FA11/12PN-0j-1-
92)

PANONOOD NG SA ISANG PAGPUPULONG SA YOUTUBE

Panuto: Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng pulong sapagkat ikaw ay naatasang
kumuha ng katitikan ng pulong. Ang pagpupulong ay panonoorin sa YouTube: President Duterte's message to the
nation | recorded Wednesday, May 11 https://www.youtube.com/watch?v=DhCXa9XMUAI Pagkatapos panoorin,
bumuo ng isang katitikan ng pulong. Isaalang-alang sa paggawa ang lahat ng bagay na natutunan sa arling ito
gayundin ang pamantayan na makikita sa ibaba. Isulat sa bond paper. Maging gabay ang pamantayang ibinigay.

PAMANTAYAN PUNTOS

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong at sintesis. 10
CS-FA11/12PU-Od-f-92

Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at nakapagbibigay ng komprehensibong 20

sintesis tungkol dito.

Nakakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingst,wasto at angkop ang paggamit ng 10

wika. CS-FA11/12WG-Op-r-93

Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop ang sintesis na nabuo. 20

Kabuoang Puntos 60

Pagkatapos ng bagyo ay sisikat din ang araw.” MAGTIWALA ka lang sa Kanya.

SANGGUNIAN

Aklat:

Constantino, Pamela C.et.al. Filipino sa Piling Larangan. Quezon City: Rex Bookstore, 2016.

Dayag, Alma M.et al. Filipino sa Piling Larang ( Akademik) Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.,2017.

Internet Sites:

https://www.youtube.com/watch?v=DhCXa9XMUAI

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 9
Pangalan: _________________________ Antas at Seksyon:_________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)
https://www.youtube.com/watch?v=dp8tFVwpMdg

https://www.youtube.com/watch?v=wlQXNs8GjGk

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

Bb. ROVELYN L. BATO, MACDDS Gng. Anabelle B. Bengdaen, MACDDS

Guro sa Filipino Punongguro

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No
part of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written
permission of the creator. Pahina | 10
Pangalan:___________________________________________________ Antas at Seksyon:______________
FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK)

THIS MATERIAL IS FOR EASTER COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS ONLY! No part
of this material may be reproduced in any form or by any means or otherwise without the prior written permission
of the creator.

Pahina 11

You might also like