You are on page 1of 28

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

SENIOR HIGH SCHOOL: BAITANG 11

IKALAWANG KWARTER: MODYUL 3

Pangalan: ________________________________________ Seksyon: _______________________

Lagda ng Magulang: ______________________________ Petsa ng Pagsumite: ____________
2

BALANGKAS NG ASIGNATURA: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

LINGGO MGA PAKSA MGA TUNGUHIN SA PAGKATUTO MGA SANGGUNIAN

7 Pagsulat ng Memorandum, 1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating https://drive.google.com/drive/u/0/folders/117D-

memorandum ayon sa: 4fkRk4a1p3QMH4BR2bvwNK4T4Nv6?fbclid=IwAR0xb_IeIo0I7buF-
Agenda at katitikan ng pulong uKx85_4hj-5fb6nka8e3YlUvgYW2YzOSHCXscyZrxs
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo CS_FA11/12PN-0a-
c-90
2. Nakasusulat nang maayos na memorandum. CS_FA11/12PU-
0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
pagsulat ng memorandum.
CS_FA11/12PU-0d-f-93

8 Natutukoy ang kahulugan at Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng talumpati https://drive.google.com/drive/u/0/folders/117D-

4fkRk4a1p3QMH4BR2bvwNK4T4Nv6?fbclid=IwAR0xb_IeIo0I7buF-
kahalagahan ng talumpati uKx85_4hj-5fb6nka8e3YlUvgYW2YzOSHCXscyZrxs

9 Pagsulat ng Talumpati Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa

(CS_FA11/12PN-0g-i-91)

10 Sintesis/Buod Nakikilala ang anyo ng sulating sintesis/buod ayon sa

a) Layunin
b)Kahalagahan
c) at uri

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

3

11 Pagsulat ng Sintesis/Buod Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang

pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

4

PAUNANG PAGSUSULIT: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong
kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa
loob
ng panaklong

(Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong )

_______1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
_______2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_______3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_______4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalayin sa pulong.
_______ 5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_______ 6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa
pulong.
_______ 7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga
hanggang sa simpleng usapin.
_______ 8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______ 9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin.
_______10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_______11. Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na
mahalagang paksa

_______12. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung anong paraan ng
pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
_______13. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat isakatuparan gaya
halimbawa sa pagdalo sa isang pulong.
_______14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging
flexible kung kinakailangan.
_______15. Buoin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang
lahat

Panuto B: PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG: Isulat ang TAMA kung ang

pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan.
__________1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong
o
paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon,gawain, tungkulin, o utos.
__________2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
__________3. Ayon kay Bargo (2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa layunin.
__________4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon,o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at maging ang bilang ng numero ng telepono.
__________5. Ang detalyadong memo ay kailangang nagtataglay ng sumusunod ; sitwasyon, problema
at
solusyon lamang.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

5

NOTE TO PARENTS/GUARDIANS:

(English translation)

The main purpose of this module is for students to learn and understand important
learning skills. Activities on this module are focused on developing 5Cs skills:
communication; Collaboration; creative (Creativity); critical thinking (Critical Thinking);
and character development (Character Building). There are video lectures available
online for all the lessons contained herein. They can be used as a supplementary study
aid if need be. As facilitator of this module, it is expected that:

1. Conduct a thorough monitoring of students' progress in each activity.

2. Provide monthly feedback on student work or as needed.
3. Ensurethat student interaction to be able to complete the tasks set out in the
module.
4. Carry out tasks well as a facilitator by providing clear learning instructions.

(Filipino translation)

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag-

aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binibigyang pansin sa mga
gawaing nakapaloob ditto ang paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication); pagtutulungan (Collaboration); pagkamalikhain (Creativity);
mapanuringpag-iisip (Critical Thinking); at paglinang ng pagkatao (Character Building).
May mga lektura na matatagpuan online para sa mga araling nakapaloob dito.
Maaaring gamitin ang mga iyon bilang karagdagang pantulong sa pag-aaral kung
kakailanganin. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:

1. Nakapagsasagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mag-aaral sa

bawat gawain.
2. Nakapagbibigay ng buwanang balik-tugon (feedback) sa gawa ng mag-aaral
o kung kinakailangan.
3. Nasisiguro ang pakikipag-ugnayan sa mag-aaral upang maisagawa at
makumpleto ang mga gawaing nakalagay sa modyul.
4. Naisasakatuparan nang maayos ang pagiging tagapagpadaloy sa
pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na instruksiyon o panuto sa
pagkatuto ng mag-aaral.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

6

YUGTO NG PAGKATUTO (IKAPITONG LINGGO): FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Memorandum o Memo

Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3 (2014),
ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o
pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang
inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa
kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para
sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o
proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa
isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad
ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala at
malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa
kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
– ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
– ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin
nito.

a. Memorandum para sa kahilingan

b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng sumusunod
na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for
the Workplace 3 (2014).

1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang
lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay
grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-
GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph
7

uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay
rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na
lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang
Buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang
pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang
buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama
ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan
ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay
magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita
ng paggalang
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula kay ...

Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

8

Academy of Saint John

La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
(046)4376775

MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang
Mula Kay: Nestor S. Lontoc,
Registrar, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test
Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa
Disyembre 12,2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.
Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng
rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

ORAS ASIGNATURA GURO

8:00-10:00 Filipino Bb. Reyes
10:00-11:00 Malayang Sandali
11:00-12:00 Araling Panlipunan G. Nieras
1:00-2:00 Malayang Sandali
2:00-3:00 Matematika G. Pineda
3:00-4:00 Agham Gng. Abundo

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

9

MGA GAWAIN/TAKDANG-ARALIN/PROYEKTO: FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga katanungan
ukol dito.
1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum ?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2 .Anong uri ng memorandum ayon sa layunin ang nabasang
halimbawa?____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3.Ano-anong mahahalagang elementong kailangan para sa isang maaayos na pagpupulong?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______
4.Ano ang nilalaman ng isang memo o memorandum? Saan at kalian ito ginagamit ?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ano-anong mga bagay ang na dapat tandaan sa pagsulat ng Memo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______

Panuto: PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong

klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at
kapani-paniwalang memorandum para sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong
upang pag-usapan ang mga patakarang susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga
ng COVID-19 Pandemya. Isulat ito sa bondpaper.

PAMANTAYAN PUNTOS

Naisasagawa ng tama ang mga hakbang sa 10

pagsulat ng memorandum
Kompleto ang bahagi ng memorandum na buo at 10
nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis
tungkol dito
Nakasusulat ng memorandum ng maingat, wasto 10
at angkop ang paggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon 10
sa memorandum
KABUUAN 40

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

10

Panuto: HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA: Basahin ang lahat ng mga pahayag bago ito sagutin.

Gamitin ang bilang 1-5 sa pagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod nito.

_____ Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay

napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa,

_____ Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na

nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras

at lugar.

_____ Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

_____ Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-

mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga

dadalo ,mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at magingang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito. taong
magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay
kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong.

_____ Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.

Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

11

YUGTO NG PAGKATUTO (IKAPITONG LINGGO): FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Pagsulat ng Adyenda

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang
pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong

1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:

a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad
na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at
lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail
naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga
dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang
at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay
kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

12

MGA GAWAIN/TAKDANG-ARALIN/PROYEKTO: FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa .Sagutin ang mga katanungan ukol dito.

1. Ano ang Adyenda?

___________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
2.Ano-ano ang layunin
nito?_______________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

3.Bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda sa isang pulong ? ___________________________________

_____________________________________________________________________________________

4.Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong kung walang inihahandang Adyenda?

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Panuto: MAGSALIKSIK NG HALIMBAWA NG ADYENDA: Magsaliksik ng isang halimbawa ng adyenda

ng isang pulong sa internet o sa aklatan.Seguraduhing may kopya ka nito . Basahin , suriin at isulat nang
mahusay ang mga katangiang tinataglay nito batay sa aralin.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

13

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Basahin nang maayos ang katanungan at piliin ang titik ng
angkop na sagot.Isulat ito sa patlang.

___1.Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.

A. Memo B. Adyenda C. Memorandum D.katitikan ng pulong

____2.Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado,sistematiko

at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagng detalyeng tinalakay sa pulong.

A.Katangian B.Kahulugan C.Gamit D.kahalagahan

____3.Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin

dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

A.Usaping napagkasunduan B. Heading C.Kalahok D.Lagda

____4. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas

mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.

A. Patalastas B.Iskedyul C.Pagtatapos D. Lagda

____5. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.

A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong

B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong

____6. Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin
ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.

A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong

B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong

____7. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong.
Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.

A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong

B.Pagkatapos ng Pulong D.Sa pagsimula ng Pulong

____8 .Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay

nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng

mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.

A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D. Sanaysay ng katitikan

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

14

____9.Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng

isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at

maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na ...

Napagtibay na..

A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan

____10. Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng

pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.

A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng katitikan

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

15

YUGTO NG PAGKATUTO (IKAPITONG LINGGO): FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan .
Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa
nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na
pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na
maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at
pagkilos.

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

(1) Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o kagawaran.

Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
(2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng
mga
liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
(3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-Dito makikita kung ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
(4) Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at
maging ang desisyong nabuo ukol dito.
(5) Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa
susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
(6) Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
(7) Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
(8)Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.

Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya
trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang
tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa
pagsasagawa nito.
Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng
katitikan ng pulong ay kinakailangang :
1.Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

16

2.Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong

3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4.Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5.Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
7.Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong

Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan
ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa
mosyong isinagawa.
2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay
maituturing na isang legal na dokumento.
3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng
samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon
dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na ... Napagtibay na..

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything Practice
Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang
maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at
pagkatapos ng pulong

Bago ang Pulong

 Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk,
papel ,bolpen , lapatop ,recorder
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng
pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
Habang Isinagawa ang Pulong
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
 Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala ang mahalagang ideya o puntos.
 Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin
ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
 Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

17

Pagkatapos ng Pulong
 Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling
pagwawasto nito,
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
http://careerplanning.about.com/cs/communication/a/mimutes.html

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

18

MGA GAWAIN/TAKDANG-ARALIN/PROYEKTO: FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Panuto: PAGSAGOT SA MGA KATANUNGAN: Basahin ang mga katanungan at sagutin ito nang

maayos at obhetibo.

1.Saan ginagamit ang katitikan ng pulong ? Sino ang dapat na gumagawa nito? _____________________

_____________________________________________________________________________________

2.Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Katitikan ng

pulong?______________________________________________________________________________
_____________________

3.Anong kahalagahan ng memo, adyenda at katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pagpupulong ?

Paano

makatutulong sa iyo ang kaalaman hinggil sa mga ito ? ____________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

19

YUGTO NG PAGKATUTO (IKAWALONG LINGGO): FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

TALUMPATI

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng

tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala,pananaw at
pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan.Ang talumpati ay kadalasang
pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y biglaan.Ang pagsulat ng
talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati.
Ang Pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang
pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi
magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.

Mga uri ng Talumpati

1. Biglaang Talumpati -Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay
ang paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang
minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati

1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa
panguanhing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng
talumpat gamit ang huwarang ito.

Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati

- ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito
ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang
bibigkasing talumpati.
1. Introduksyon

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

20

- ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati
kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na
katangian sa isang mahusay na panimula:
- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.

- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.

- maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o Katawan
- dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang
mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng
talumpati.
Mga Katangiang Taglay ng Katawan sa Talumpati
a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at
maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye.
b. Kalinawan -kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang
maunawaan ng mga nakikinig.
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa
3. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito
kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
4. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas.
Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

21

MGA GAWAIN/TAKDANG-ARALIN/PROYEKTO: FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Gawain 1.1. PAGSAGOT SA KATANUNGAN.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?

__________________________________________________________________

2. Para sa iyo, saan ka mas komportableng gawin batay sa mga uri ng talumpati?

Ipaliwanag.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Gawain 1.2. PAGSULAT NG TALATA.

Panuto: Sumulat ng talata kung bakit mahalagang

maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati.

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_____________________________________________________________

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

22

Panuto: Pagsulat ng Talumpati: Sumulat ng talumpati ( Malaya kang pumili ng iyong tema)

-

23

YUGTO NG PAGKATUTO (IKAPITONG LINGGO): FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

SINTESIS/BUOD

 Pagsasama ng dalawa o higit pang buod.

 Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin .
 Pagsasamang iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-ugnay

Dalawang Anyo
 Explanatory
 Argumentative

MGA URI NG SINTESIS

1. Background Synthesis – ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang

pagsama-samahin ang mga sanligang impormasiyon ukol sa isang paksa at
karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
2. Thesis-driven Synthesis – halos katulad lamang ito sa ng background synthesis
ngunit nag kakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis
hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung
hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
3. Synthesis for the Literature – ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o
pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. Karaniwang isinasaayos
ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay
sa paksa.

Bigyang Pansin ang mga Sumusunod:

1. Tamang impormasiyon mula sa pinaghanguan/sangguagnian

2. Organisasiyon ng teksto
3. Napagtitibay ang nilalaman at napapaillalim pag-uunawng nagbabasa

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

24

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

1. Linawin ang layunin

2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
3. Buuin ang tesis na sulatin
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na tesis

HALIMBAWA NG PAGSULAT NG SINTESIS

Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang nakakasama sapagkat nakakaapekto
ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad.

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and Sexuality
(YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Mga 14 percent
ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.

Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay
wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng
walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa
lamang.

Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki ng bata

hanggang siya ay magpakasal na.

At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring magkaroon ng malaking tyansa na mapagtapos sa pag-
aaral sapagkat may kakayahan pang makapagtrabaho di tulad nga mga may edad na ng mabiyayaan ng
anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito Ang mga batang
magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa lubos na handa sa mga
responsibilidad na haharapin nila.

At ayon pa dito, madaming mga kabataang mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi
sila makakapag trabaho dahil hindi wasto amg kanilang pinag aralan.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

25

MGA GAWAIN/TAKDANG-ARALIN/PROYEKTO: FILIPINO SA PILING LARANG

(AKADEMIK)

Panuto: Pagsulat ng Sintesis/Buod: Gumawa ng Sintesis hingil sa Covid-19

26

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman
sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng
panaklong

(Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong)

_________1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
_________2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_________3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_________4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalayin sa pulong.
_________5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_________6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
_________7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang
sa simpleng usapin.
_________8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_________9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin.
_________10.Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_________11.Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na
mahalagang paksa.
_________12. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung anong paraan ng
pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
_________13. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat isakatuparan gaya
halimbawa sa pagdalo sa isa pulong.
_________14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung
kinakailangan.
_________15. Buoin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat ng
mga tinalakay.

Panuto B: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng
panaklong

1. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang partikular na paksa __________.

a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag

2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang
paksa, isyu o pangyayari.

a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran

3. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pammaagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.

a. panghikayat b. pampasigla c. papuri d. pagbibigay-galang.

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

27

4. Ang layunin ng talumpating ito ay na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o

samahan___________.

a. pampasigla b. papuri c. panghikayat d. panlibang

5. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.

a. pagbibigay-galang b. kabatiran c. pampasigla d. papuri

6. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.

a. pampasigla b. panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang

7. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang

paghahanda nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan __________.

a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati

b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati

8. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati

b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

9. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag- aralan itong
mabuti at dapat na nakasulat___.

a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati

b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati

10. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita__________.

a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati

b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

28

MGA KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

Aklat/Elektronikong Aklat:

 https://drive.google.com/drive/u/0/folders/117D-
4fkRk4a1p3QMH4BR2bvwNK4T4Nv6?fbclid=IwAR0xb_IeIo0I7buF-uKx85_4hj-
5fb6nka8e3YlUvgYW2YzOSHCXscyZrxs

 https://drive.google.com/drive/u/0/folders/117D-
4fkRk4a1p3QMH4BR2bvwNK4T4Nv6?fbclid=IwAR0xb_IeIo0I7buF-uKx85_4hj-
5fb6nka8e3YlUvgYW2YzOSHCXscyZrxs

GARDNER COLLEGE wwww.gardner.edu.ph

You might also like