You are on page 1of 94

SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan
Aralin 1-6

DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG(AKADEMIK)_ARALIN1-6
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Aralin 1-6
Binagong Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Sara Z. Duterte

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Regina A. Del Mundo, Alfredo R. Alcantara Jr., Catherine F. Alcantara,
Alfred S. Mendoza, Julie Zabal-Cadiz, Nimfa G. Dalida at Hannah J. Perez
Tagasuri ng Nilalaman: Julie Zabal-Cadiz
Tagasuri ng Wika: Alfredo R. Alcantara Jr.
Reviewer: Rosarie R. Carlos
Tagaguhit: Nathaniel D.C. Del Mundo
Tagalapat: Raycille P. Libres, Raphael A. Lopez
Management Team:
Meliton P. Zurbano, Schools Division Superintendent
Filmore A. Caballero, CID Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS
Rosarie R. Carlos, EPS Filipino

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

2 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa AREA)
(LEARNING Piling
Larang (Akademik)
(QUARTER NUMBER)
Ikalawang Markahan
(MODULE NUMBER)
Aralin 1-6

3 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

4 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
(LEARNING AREA)
Larang (Akademik)
(QUARTER NUMBER)
Ikalawang
(MODULE Markahan
NUMBER)
Aralin 1: Pagbuo ng Sintesis ng
Napag-usapan mula sa
Mahahalagang Impormasyon
sa Isang Pulong

1 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang


makabuo ng sintesis sa napag-usapan CS_FA11/12PN-0j-l-92

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay dokumentong nagsasaad ng ebidensiya ng mga napag-usapan,


mahahalagang diskurso at desisyon sa isang pulong.
A. Abstrak B. Agenda C. Bionote D. Katitikan

2. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin ng taong naatasang kumuha ng


katitikan ng pulong?
A. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
B. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
C. Ang gagawa ng katitikan ng pulong ay dapat kasali sa talakayan ng
nasabing pulong.
D. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng samahan gaano
man ito kasimple o kalaking bagay.

3. Bahagi ito ng katitikan ng pulong na nagtataglay ng pangalan ng samahan,


organisasyon o kompanya, petsa, lugar ng pinagdausan at mga oras ng
pagsisimula at pagtatapos ng pulong.
A. Heading C. Talatakdaan
B. Pabalita o Patalastas D. Usaping Napagkasunduan

4. Nakalagay rito kung sino ang tagapagdaloy ng pulong, mga pangalan ng lahat
ng dumalo, ang mga panauhin at ang mga liban sa pagpupulong.
A. Pabalita
B. Patalastas
C. Mga Kalahok o Dumalo
D. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong

5. Sa bahaging ito makikita ang pangalan at lagda ng sumulat ng katitikan ng


pulong at kung kailan ito naipasa.
A. Heading C. Mga Kalahok o Dumalo
B. Lagda D. Talatakdaan

6. Bahagi ito ng katitikan ng pulong na kakikitaan ng petsa, oras at lugar ng


susunod na pagpupulong.
A. Pabalita C. Talatakdaan
B. Pagtatapos D. Usaping napagkasunduan

1 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
7. Nakatala rito ang napagtibay o nabago sa nakalipas na katitikan ng pulong
A. Talatakdaan
B. Pabalita o Patalastas
C. Usaping Napagkasunduan
D. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong

8. Sa bahaging ito makikita ang mahahalagang napag-usapan, kung sino ang


nanguna sa pagtalakay at ang desisyon ukol dito.
A. Mga Kalahok o Dumalo C. Pabalita o patalastas
B. Pabalita o patalastas D. Usaping Napagkasunduan

9. Ito ang dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.


A. Lumahok sa talakayan ang susulat ng katitikan ng pulong.
B. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon pagkatapos ng pulong.
C. Itala ang mga dumalo, mga paksang tinalakay, mga napagdesisyunan
at mosyon.
D. Itago ang katitikan ng pulong at huwag nang ipamigay ang sipi nito sa
mga dumalo at liban.

10. Ito ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng
pulong.
A. Abstrak B. Agenda C. Bionote D. Sintesis
11. Ito ay estilo ng katitikan ng pulong na nagsaad ng lahat ng detalyeng napag-
usapan sa pulong maging ang mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa
kasama ang pangalan ng mga kasaping sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
A. Mosyon ng Katitikan C. Salaysay ng Katitikan
B. Resolusyon ng Katitikan D. Ulat ng Katitikan

12. Sa estilong ito, nakalahad lamang ang mahahalagang napag-usapan sa


pulong.
A. Mosyon ng Katitikan C. Salaysay ng Katitikan
B. Resolusyon ng Katitikan D. Ulat ng Katitikan

13. Nilalaman ng estilong ito ng katitikan ng pulong ang lahat lamang ng isyung
napagkasunduan ng samahan.
A. Mosyon ng Katitikan C. Salaysay ng Katitikan
B. Resolusyon ng Katitikan D. Ulat ng Katitikan

14. Kinakailangang maging ____________ at organisado sa pagsulat ng katitikan


ng pulong.
A. emosyonal B. malikhain C. obhetibo D. subhetibo

15. Nakapokus o nakatuon lamang sa inihandang __________ang paksa ng


pagpupulong.
A. agenda B. buod C. sintesis D. talumpati

2 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Una-Ikalawang Linggo
Aralin
Pagbuo ng Sintesis ng Napag-usapan
1
mula sa Mahahalagang Impormasyon
sa Isang Pulong

Ang agenda ay nagsasaad ng mga layunin at paksang tatalakayin, mga taong


tatalakay ng paksa at oras na itinakda para sa bawat paksa. Nagsisilbi itong talaan
o checklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin
ay kasama sa talaan. Nakatutulong din ito nang malaki upang manatiling
nakapokus ang mga dadalo sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
Lagyan ng teksto ang blankong lobo ng usapan upang makabuo ng maikling
usapan. Sikaping ang nilalaman ng usapan ay tungkol sa nakaraang paksang
tinalakay.

Larawan ay sipi mula sa http://rebeccahgiltrow.blogspot.com/2014/02/klwg-february-2014.html

Mga Tala para sa Guro


Ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip ang
kasanayang gagamitin ng mag-aaral sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Kailangang makilala nila ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa katitikan ng pulong. Mahalagang mapunan ang mga
pagkukulang na ito upang maging madali sa mga mag-aaral ang pagkilala
sa akademikong sulating ito.

3 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga kaugnay na tanong sa baba.

Larawan ay sipi mula sa https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/13/katitikan-ng-pulong-


sa-barangay-isang-halimbawa/

1. Ano ang senaryo na ipinakikita ng larawan?


2. Mahalaga kaya ang kanilang ginagawa? Bakit?
3. Naranasan mo na ba ang ganitong pangyayari? Magbigay ng detalye.

Katitikan ng Pulong
Ang pagpupulong ay isinasagawa sa patnubay ng tinatawag na agenda.
Pagkatapos ng pagpupulong kung saan napag-usapan ang mga paksa o gawain para
sa isang samahan, organisasyon o kompanya, ang katitikan ng pulong naman ang
binubuo. Ang lahat ng mga napagkasunduan sa pulong ay mababalewala kung hindi
ito itatala.
Ang katitikan ng pulong ang siyang magsisislbing ebidensiya sa mga napag-
usapan at sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at pagkilos (Julian at
Lontoc, 2016).
Ang katitikan ng pulong ay isang dokumentong nagsasaad ng mga pangyayari
sa natapos na pagpupulong at isinusulat hindi lamang ng kalihim kundi maging
sino sa inatasang kasapi ng isang samahan o kompanya.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
Heading – Naglalaman ito ng pangalan ng samahan, organisasyon o kompanya.
Makikita rin dito ang petsa, lugar ng pinagdausan at mga oras ng pagsisimula at
pagtatapos ng pulong.
Mga Kalahok o Dumalo – Nakalagay rito ang tagapagdaloy ng pulong at ang mga
pangalan ng lahat ng dumalo. Makikita rin dito ang mga panauhin at ang mga liban
sa pagpupulong.

4 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – Makikita ang
napagbtibay o nabago sa nakalipas na katitikan ng pulong.
Usaping napagkasunduan – Nakalagay rito ang mahahalagang napag-usapan, ang
nanguna sa pagtalakay at ang desisyon ukol dito.
Pabalita o Patalastas – Hindi ito karaniwan sa katitikan ng pulong ngunit ang
nakasaad dito ay mula sa mga suhestiyong agenda ng mga dumalo para sa susunod
na pulong.
Talatakdaan (schedule) ng susunod na pulong – Makikita rito ang petsa, oras at
lugar ng susunod na pagpupulong.
Pagtatapos- Nakatala rito kung anong oras natapos ang pulong.
Lagda – Sa bahaging ito makikita ang pangalan at lagda ng gumawa ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito naipasa.
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong
Sa pagsulat ng katitikan ng pulong kinakailangang maging obhetibo at
organisado. Hindi maaaring isulat ang emosyon at personal na palagay sa naganap
na pagpupulong. Ayon kay Sudarparaser (2014) ang sumusunod ay kinakailangan
sa mga gagawa ng katitikan ng pulong:
a. Ang gagawa ng katitikan ng pulong ay hindi participant sa nasabing pulong.
Mahalagang ang naatasan sa kukuha ng katitikan ay may sapat na atensyon
sa pakikinig upang maitala ang mga impormasyon o desisyong mapag-
uusapan. Maisasagawa ito nang maayos kung ang magsusulat nito ay walang
iba pang gagawin sa kabuoan ng pagpupulong.
b. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. Magiging madali sa
susulat ng katitikan ng pulong ang ilang paglilinaw at katanungan kung
malapit siya sa tagapanguna.
c. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong. Kinakailangang
makita ang listahan ng mga dumalo sa pulong at mga liban. Itatala rin ang
mga dumalo nang huli at maagang umalis sa pagpupulong.
d. Nakahanda ang mga sipi ng agenda at katitikan ng nakaraang pulong. Kung
hindi naibigay nang mas maaga ang agenda mahalagang maibigay ito bago
magsimula ang pulong kasama ang katitikan ng nakaraang pulong.
e. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalagang agenda. Mahalagang
mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay nakasaad sa
agenda upang maiwasang masayang ang oras at maiwasan ang kalituhan.
f. Tiyaking ang katitikan ng pulong ay nagtataglay nang wasto at kumpletong
heading. Kinakailangang malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan,
organisasyon o kompanya, petsa, oras at lugar ng pulong.
g. Gumamit ng recorder kung kinakailangan. Makatutulong ang paggamit ng
recorder para ang mga datos na hindi malinaw na naitala na maaaring
mabalikan.
h. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. Kinakailangang
nakatala nang maayos ang mga suhestiyon na sinusugan at pinagtibay ng
mga kasapi ng pulong. Mahalaga ring maitala kung kanino nanggaling ang
mosyon at ang mga kasaping sumang-ayon dito.
i. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng samahan gaano man
ito kasimple o kalaking bagay.

5 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
j. Isulat agad nang maayos ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
Mahalagang maisulat agad ang katitikan ng pulong upang hindi makaligtaan.
May tatlong estilo ng pagsulat ng katitikan:
Ulat ng Katitikan – Ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay
nakatala maging ang mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama
ang pangalan ng mga kasaping sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
Salaysay ng Katitikan – Nakalahad lamang ang mahahalagang napag-
usapan sa pulong.
Resolusyon ng Katitikan – Nakalahad lamang dito ang lahat ng isyung
napagkasunduan ng samahan.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
a. Magpasiya sa format ang gagamitin sa paggawa ng katitikan ng pulong.
Nakasaad sa dokumento ang mga dumalo, mga paksang tinalakay, mga
napagdesisyunan at mosyon.
b. Magpasya ng paraang gagamitin para sa pag-record ng pulong; kwaderno,
laptop o tape recorder.
c. Bumuo ng listahan ng mga dadalo sa pulong. Maaaring maging gabay ang
agenda.
d. Gumamit ng template para sa dokumento. Nakalahad sa template ang oras,
petsa, lugar, layunin ng pulong, mga dadalo at mangunguna. Maglaan ng
espasyo sa bawat paksang tatalakayin para sa paglalarawan nito kung paano
tinalakay, napagdesisyunan at mosyon.
e. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon habang nagpupulong. Kung
mayroon ng template, mas magiging madali ang pagtatala.
f. Pagkatapos ng pagpupulong, iberipika ang mga naitala o kaya nama’y
basahin ang mga paksang napagdesisyunan dahil maaaring may ilang
nakaligtaan upang maiwasto ng mga miyembro.
g. Ihanda ang katitikan ng pulong para sa pamimigay ng kopya sa mga dumalo
at liban. Maaaring mawalan ng kabuluhan ang pagpupulong kung hindi agad
maipamamahagi ang kopya nito lalo na’t nakatala sa bawat isyung napag-
usapan ang pagkilos na gagawin at kung sino ang mga sangkot sa gawain.

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

San Juan Dela Cruz Parish Savings and Credit Cooperative


F. Bautista St., Ugong, Valenzuela City

Buwanang Pulong ng mga Opisyales

Pebrero 5, 2020

SJDSPCC Conference Hall

Layunin ng Pulong: Pagpapatayo ng Satellite Office ng Kooperatiba

Petsa/Oras: Pebrero 5, 2020

Tagapanguna: Godofredo Dela Cruz (BOD-Chairperson)

6 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Bilang ng mga Taong Dadalo: 10

Mga Dumalo: Godofredo Dela Cruz - BOD Chairperson

Ma. Regina Del Mundo –Vice Chairperson


Luis Antonio – BOD Leonila Espiritu – BOD
Rodrigo Adriano – BOD Ester Valdellon - BOD
Matilde Dela Rosa – BOD Elvira Magno - CEO
Teodora Cleofas- Ingat Yaman Samgelica Yacub- Kalihim

Liban: Wala

Pagbubukas ng Pulong (Call to Order)

Sa ganap na alas 9:00 ng umaga ay pinasimulan ni Chairperson Godofredo


Dela Cruz ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat.

Panalangin

Ang panalangin ay pinangunahan ni Dir. Leonila Espiritu.


Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Chairperson Godofredo Dela Cruz
bilang tagapanguna ng pulong.

Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong

Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Enero 8, 2020 ay binasa


ni Gng. Elvira Magno. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni Dir.Luis
Antonio at ito ay sinusugan ni Dir. Rodrigo Adriano.

Pagtalakay sa Agenda ng Pulong

Ang sumusunod ay ang mga agenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong


Magsasagawa
Magkakaroon ng
Inihain ni Teodora pagpupulong ang
Cleofas ang arkitekto, Pangungunahan
1. Pondo para sa halagang inhenyero, Board ni Dir. Godofredo
pagtatayo ng nakalaan sa of Directors para Dela Cruz
satellite office pagpapatayo ng sa plano at
satellite office. gastusin sa
itatayong satellite
office
2. Lugar kung Lugar na malapit Makikipag-usap
saan sa PureGold Paso sa may-ari ng lote Elvira Magno CEO
magpapatayo de Blas para proseso na
kinakailangan.

7 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
3. Mga kailangan Marami ang Sasaliksikin ang Dir. Ma. Regina
sa kailangang mga kailangang sa Del Mundo
pagpapatayo ayusin, unahin pagpapatayo ng
ng satellite muna ang mga satellite office Dir. Matilde Dela
office permit. Rosa

VI. Ulat ng Ingat-Yaman


Iniulat ni Gng.Teodora Cleofas ang nalalabing pera ng kooperatiba sa bangko
ay nagkakahalagang 54 milyong piso ngunit may halagang 3 milyong piso na dapat
bayaran sa darating na buwan.

Mosyon: Tinanggap ni Dir. Godofredo Dela Cruz ang ulat na ito ng Ingat-Yaman at
sinang-ayunan ni Dir. Ma. Regina Del Mundo.

VII. Pagtatapos ng Pulong


Sa dahilang wala nang anomang mga paksa na kailangang talakayin at pag-
usapan ang pulong ay nagtapos sa ganap na alas 11:45 ng umaga.

Iskedyul ng susunod na Pulong:


Marso 09, 2020 sa SJDPSCC Conference Hall sa ganap na 9:00 ng umaga.

Inihanda at isinumite ni:

Samgelica Yacub
Kalihim

Sa Aralin 3, Unang Markahan ay tinalakay natin ang Sintesis o Buod. Ito ay


isang uri ng akademikong sulatin kung saan sinasabi ng manunulat o tagapagsalita
ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit komprehensibong paraan. Ang
pagbubuod na ito ay hindi lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari kundi
pagbuo rito bilang isa. Ito ay mas malikhaing paraan kung saan ang mga
pinakamahalagang bahagi ng teksto o sulatin ay naibabahagi sa pamamagitan ng
sariling pananalita ng manunulat.
Ang layunin nito ay makakuha ng mahalaga ngunit maikling sulating
kumakatawan sa kabuoan ng tekstong ibinuod. Taglay nito ang sagot sa
mahahalagang tanong katulad ng “Sino, Ano, Paano, Saan at Kailan” naganap ang
mga pangyayari.

Halimbawa ng Sintesis ng Napag-usapan o Pulong


Pinagbatayan: Halimbawa ng Katitikan ng Pulong ng San Juan Dela Cruz Parish
Savings and Credit Cooperative
Ang buwanang pulong ng mga opisyales ng San Juan Dela Cruz Parish Church
ay ginanap noong ika-5 ng Pebrero 2020 na naglalayong pag-usapan ang

8 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
pagpapatayo ng satellite office ng kooperatiba. Dumalo ang lahat ng opisyales sa
pulong.

Sa ganap na ika-9 ng umaga ay pinasimulan ni Chairperson Godofredo Dela


Cruz ang pulong. Pinangunahan ni Dir. Leonila Espiritu ang panalangin at nagbigay
ng pananalita ng pagtanggap ang kanilang Chairperson na si D. dela Cruz. Ang
katitikan ng pulong noong Enero 8, 2020 ay binasa ni Gng. Elvira Magno habang
ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni Dir. Luis Antonio at sinusugan
naman ito ni Dir. Rodrigo Adriano.

Tatlo ang naging paksa ng pagpupulong. Una, ang pondo para sa pagpapatayo
ng satellite office kung saan inihain ni Gng. Teodora Cleofas ang halagang
kakailanganin sa pagpapatayo nito. Kaugnay nito ay pangungunahan ni Dir.,
Godofredo Dela Cruz ang pakikipag-usap sa arkitekto, inhinyero at Board of Directors
para sa plano at gastusin para sa nasabing satellite office. Ikalawa, ang lugar na
pagtatayuan nito, napadesisyunan na ang lote ay malapit sa Pure Gold Paso de Blas
at ang naatasang makipag-usap sa may-ari nito ay si Gng. Elvira Magno, CEO upang
alamin ang mga prosesong kakailanganin. Panghuli, Ang ilan pang mga
kakailanganin sa pagpapatayo nito tulad ng permit na ang mag-aasikaso ay sina Dir.
Ma. Regina A. Del Mundo at Dir. Matilde Dela Rosa.

Iniulat naman ni Gng. Cleofas, ingat-yaman na 54 milyonng piso ang


nalalabing pera ng kooperatiba sa bangko ngunit may dapat bayaran na 3 milyong
piso sa darating na buwan na sinang-ayunan nina Dir. Dela Cruz at Dir. Del Mundo.

Natapos ang pulong sa ganap na ika-11:45 ng umaga. Ang susunod na pulong


ay gaganapin sa SJDPSCC Conference Hall sa Mayo 9, 2020, ika- 9 ng umaga.

Gawain1. Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Saan ginagamit ang katitikan ng pulong? Sino ang dapat gumawa ng katitikan
ng pulong?
2. Ano-ano o sino-sino ang mga nangangailangan ng katitikan ng pulong?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng katitikan ng pulong?
4. Bakit kinakailangang nakatala maliban sa agenda ang talakayan, aksyon at
mga taong kasangkot?
5. Kailan dapat ipamahagi ang mga katitikan ng pulong?
6. Bakit mas mainam gumamit ng template sa paglikha ng katitikan ng pulong?

Gawain 2. Balikan at suriin ang halimbawa ng katitikan ng pulong sa aralin. Sagutin


ang mga kaugnay na tanong sa ibaba. Gumamit ng sagutang papel.

1. Anong kompanya ang nagsagawa ng pagpupulong?


2. Ano ang layunin ng pagpupulong?

9 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
3. Saan at kailan naganap ang pagpupulong?
4. Ilan ang mga dumalo sa pagpupulong?
5. Magkaugnay ba ang mga paksa sa layunin ng pagpupulong? Bakit?

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang mahahalagng
kaisipang may kaugnayan sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang _________________ ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng tala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon sa isang pagpupulong.
2. Ang ginawang _________________ ng isang pinuno o tagapangulo ng isang
kawani ay nagsisilbing batayan ng katitikan.
3. Ang mga kailangang itala sa katitikan ng pulong ay ang sumusunod: paksa,
_________________, oras ng pagsisimula at pagtatapos ng pulong,
_________________, mga taong dumalo at hindi nakadalo at _________________.
4. Mahalagang mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay
nakasaad sa _________________upang maiwasan na masayang ang oras at
maiwasan ang kalituhan.
5. Pagkatapos ng pagpupulong, _________________ ang mga naitala o kaya nama’y
basahin ang mga paksang napagdesisyunan dahil maaaring may ilang
nakaligtaan at maiwasto ng mga miyembro.

Panuto: Manood ng isang pagpupulong sa YouTube at bumuo ng isang katitikan ng


pulong. Pagkatapos ay sumulat ng isang sintesis ng napag-usapan batay
sa napanood na pulong. Isaalang-alang sa paggawa ang lahat ng
natutuhan. Gumamit ng bukod na papel para sa gawaing ito. Ilakip ang
link ng video.

Organisado at maingat ang paggamit ng wika sa katitikan ng pulong at 10


sintesis.
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong. 10
Wasto ang naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop ang 10
sintesis.
Kabuoan 30

10 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang salitang/mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Kung mali naman, isulat
ang tamang salita/mga salita.

1. Ang lahat ng napag-usapan sa pulong ay mababalewala kung hindi ito


itatala.
2. Nagsisilbing opisyal at legal na dokumento ang katitikan ng pulong sa
paparating na pulong.
3. Sa bahagi ng Pagtatapos makikita ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
4. Gawin ang katitikan habang nagaganap ang pulong.
5. Nakalagay sa heading ang pangalan ng mga dadalo sa pulong
6. Sa Pagtatapos inilalagay ang araw at oras ng susunod na pagpupulong.
7. Maaaring magbigay ng puna at sariling opinyon ang gumagawa ng katitikan
ng pulong.
8. Maaaring atasan na magsulat ng katitikan ang mangunguna sa pulong.
9. Sa Resolusyon ng Katitikan nakasaad ang lahat ng detalyeng napag-
usapan.
10. Malaking tulong ang paggamit ng recorder sa pagbuo ng katitikan ng
pulong.
11. Itala lamang ang mahahalagang paksa at isyung napagdesisyunan ng
Samahan
12. Sa Salaysay ng Katitikan nakalahad lamang ang mahahalagang
napausapan sa pulong.
13. Maglaan ng espasyo sa bawat paksang tatalakayin para sa paglalarawan
nito kung paano tinalakay, napagdesisyunan at mosyon.
14. Maisasagawa nang maayos kung ang magsusulat ng katitikan ng pulong
ay magiging katuwang sa iba pang bahagi ng pagpupulong.
15. Ang katitikan ng pulong ang siyang magsisilbing ebidensiya sa mga
napag-usapan, at sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at
pagkilos.

Panuto: Sa sagutang papel, sumulat ng isang talatang naglalahad ng kahalagahan


ng pagsulat nang maayos na katitikan ng pulong at sintesis nito.

11 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
(AKADEMIK)_ARALIN1
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG 12
Subukin Tayahin
1. D Balikan 1. Tama
2. C Malayang Sagot 2. Tama
3. A 3. Lagda
4. C Tuklasin 4. Tama
5. B Malayang Sagot 5. Mga Kalahok o Dumalo
6. C 6. Talatakdaaan
7. D Pagyamanin 7. Hindi maaaring
8. D Malayang Sagot 8. Hindi maaaring
9. A 9. Ulat ng Katitikan
10. B Isagawa 10. Tama
11. D Malayang Sagot 11. Tama
12. C 12. Tama
13. B Karagdagang Gawain 13. Tama
14. C Malayang Sagot 14. hindi magiging katuwang
15. A 15. Tama
Mga Aklat
Bernales Rolando A. et. al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya
Publishing House Inc. Malabon City

Julian A. B. at Lontoc N. (2016). Pinagyamang Pluma (K-12). Phoenix Publishing


House, Inc. Quezon City

Zafra, G. & P. Constantino (2016) Filipino sa Piling Larangan. REX. Bookstore.


Manila

Mula sa Internet
Canda, L. J. (2017). Katitikan ng Pulong.AVP. Mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=at-F8Mi3Xbo

Rodin, V. (2019). Flame festival katitikan ng pulong. Mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=rW6VUDy82lc

Writing meeting minutes. (2013). Mula sa https://academichelp.net/business-


writing-help/write-meeting-minutes.html

Mga Larawan
Larawan ay sipi mula sa http://rebeccahgiltrow.blogspot.com/2014/02/klwg-
february-2014.html

Larawan ay sipi mula sa


https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/13/katitikan-ng-
pulong-sa-barangay-isang-halimbawa/

Larawan ay sipi mula sa Bitmoji.com

13 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN1
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
(LEARNING AREA)
Ikalawang
(QUARTERMarkahanNUMBER)
Aralin 2: • Pagtukoy sa
(MODULE
Katangian NUMBER)
ng Isang Sulating
Akademiko
• Pagbibigay-kahulugan sa mga
Terminong Akademiko na may
Kaugnayan sa Piniling Sulatin
• Pagtiyak sa mga Elemento ng
Pinanood na Programang
Pampaglalakbay (Lakbay-
Sanaysay)

14 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko


CS_FA11/12PB-0m-o-102
● Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90
● Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang
pampaglalakbay CS_FA11/12PD-0m-o-89

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung tama ang pahayag at ekis (X) kung mali. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang lakbay-sanaysay ay tumutukoy sa mga likhang-isip na kuwento ng may-akda.


2. Hindi kinakailangan ang mga larawan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
3. Kilala rin sa tawag na travelogue ang lakbay-sanaysay.
4. Isa sa mga layunin ng lakbay-sanaysay ay makabuo at makapagbahagi ng gabay
o tips sa mga taong nais bumisita sa isang lugar.
5. Higit na mauunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman ng lakbay- sanaysay
kung ito ay nasa kronolohikal na pagkakasunod-sunod.
6. Ang katawan o nilalaman ang nagbibigay direksiyon sa mga mambabasa ng
pangkalahatang ideya ng akda.
7. Ang lakbay-sanaysay ay nakasalig sa personal na karanasan ng manlalakbay.
8. Mainam na gumamit ng mahaba at maligoy na pananalita sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay.
9. Sa bahagi ng kongklusyon inilalahad ang mga aral o kaisipang natutuhan mula
sa karanasan sa paglalakbay.
10. Gumagamit ng unang panauhan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
11. Inalarawan sa lakbay-sanaysay ang buhay sa isang makatotohanan at masining
na pamamaraan.
12. Ang lakbay-sanaysay ay hindi lamang nagbibigay-aliw sa mga mambabasa sa
halip, ito ay naglalahad din ng mga impormasyong nagbibigay- kaalaman sa mga
mambabasa.
13. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, tanging ang panimulang bahagi lamang ng
akda ang nararapat na maging kawili-wili.
14. Ang tema ay tumutukoy sa unang limang pangungusap ng sanaysay na
naglalahad na may panghihikayat sa mambabasa.
15. Ang lakbay-sanaysay ay isang akda na may layuning maipabatid ang naging
karanasan ng manunulat sa kaniyang paglalakbay.

15 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
Ikatlong Linggo
● Pagtukoy sa Katangian ng Isang
Sulating Akademiko
● Pagbibigay-kahulugan sa mga
Aralin Terminong Akademiko na may
2 Kaugnayan sa Piniling Sulatin
● Pagtiyak sa mga Elemento ng
Pinanood na Programang
Pampaglalakbay (Lakbay-
Sanaysay)

Panuto: Pumili ng 5 mahahalagang bahagi ng Katitikan ng Pulong na iyong


natatandaan batay sa tinalakay sa nakaraang aralin at ipaliwanag ang
nilalaman nito sa tulong ng talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Bahagi ng Katitikan ng Pulong Paliwanag

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang matulungan ang mga mag-aaral na makapagbahagi ng
kanilang samot-saring karanasan at saloobin. Ang pagsulat ng lakbay-
sanaysay ay makatutulong nang malaki upang malayang mailahad ang
kanilang perspektiba at kamalayan sa kanilang naging paglalakbay.

16 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
Panuto: Pumili ng 3 pahayag sa baba na sa iyong palagay ay mabuting naidudulot
ng paglalakbay sa isang tao. Sumulat ng maikling paliwanag kung bakit
ang mga ito ang iyong napili. Gumamit ng sagutang papel.

A. Napabubuti ang kalusugan


B. Nakakilala ng mga kaibigan
C. Nakikilalang mabuti ang sarili
D. Nalilimutan ang mga problema
E. Natututo ng mga bagong kaalaman
F. Nagbibigay ng kapanatagan ng isipan
G. Nakabubuo ng mga alaalang di malilimutan

Lakbay-Sanaysay
Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulating naglalayong mailahad ng
may-akda ang kaniyang mga naranasan at mga natuklasan sa paglalakbay. Ito ay
mas kilala rin sa tawag na travel essay o travelogue na maaaring nasa anyong
pelikula, lathalain, palabas sa telebisyon o anomang anyo ng panitikan na
nagpapamalas ng dokumentasyon hinggil sa mga lugar na napuntahan ng
manlalakbay. Binanggit naman ni Nonong Carandang, isang propesor at manunulat
na ang lakbay-sanaysay ay nangangahulugan ding sanaylakbay. Kinapapalooban
ito ng tatlong kaisipan: sanaysay, sanay at lakbay. Itinuturing niyang
pinakamainam na paraan ng pagtatala ng lahat ng mga naging karanasan ng isang
tao sa paglalakbay ang paglikha ng sanaysay. Mula sa pagsisimula pa lamang ng
paglalakbay hanggang sa naging paulit-ulit na ang gawaing ito, siya ay nagkakaroon
ng kasanayan sa pagpaplano at pag-aayos ng mga dapat isagawa at tandaan.
Kasabay rin nito ang pagpapaunlad ng kasanayan ng isang manlalakbay sa
pagsasalaysay ng mas detalyadong pangyayari upang walang makaligtaan at walang
panghinayangang mga alaala dahil mayroon na siyang maaaring balikan at ito ang
nilikha niyang lakbay-sanaysay.

Mga Elemento ng Lakbay-Sanaysay


Nakapaloob kay Tavishi (2021), Mendoza (2009) ang sumusunod na elemento
sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay sa bawat bahagi:

1. Panimula – ang bahaging ito ang itinuturing na mapa ng sanaysay. Ito ang
nagbibigay direksiyon sa mga mambabasa ng pangkalahatang ideya o overview

17 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
sa nilalaman ng isang akda. Mahalagang sa simula pa lamang ay kawili-wili na
ang paraan ng paglalahad upang mapukaw agad ang interes ng target na
audience.
a. Panimulang kataga – ang nagsisilbing tag ng lakbay-sanaysay na
pumupukaw sa atensyon ng mambabasa.
b. Hook – ang unang limang pangungusap ng sanaysay na naglalahad na
may panghihikayat sa mambabasa.
c. Tema – ito ang nagsisilbing kaligiran ng sanaysay na magiging
direksyon ng paglalahad ng mga lugar.
d. Larawan – ito naman ang mga panghikayat na biswal ng mga lugar,
pagkain, mga tao, kultura at iba pang tampok sa lugar na binisita.

2. Katawan / Nilalaman – Ito ang magtatampok ng mga karanasan at pangyayari


sa isang akda kaya’t kinakailangang organisado at maayos ang pagkakasunod-
sunod ng paglalahad ng mga detalye upang madaling maunawaan ng mga
mambabasa.
a. Karanasan sa paglalakbay – inilalahad dito ang iba’t ibang kakaibang
karanasan o adventure ng taong naglalakbay.
b. Larawan ng mga tampok na lugar - ang mga larawang binisita at
itinatampok sa paglalakbay.
c. Mga petsa at oras – ito ang hudyat ng organisasyon ng sanaysay batay
sa panahon ng pagkakaayos ng paglalahad ng sanaysay.
d. Mga gugulin – ito naman ang mga presyo o halaga ng gastusin ng isang
manlalakbay na nagsisilbing gabay at panghikayat sa mga mambabasa
dahil ito ang malimit na hinahanap sa mga lakbay-sanaysay.
e. Mga transportasyon – ito ang mga pamamaraan kung paano
makararating sa lugar at kung ano-ano pa ang maaaring gamiting
transportasyon habang naglilibot sa lugar.
f. Mga landmark – ito ang mga kilalang lugar na madaling tandaan at
karaniwang alam nang lahat ng mga manlalakbay.
g. Mga tutuluyang pahingahan – malimit na mga hotel o apartel na siyang
tutuluyan ng manlalakbay.
h. Mga tampok na pagkain – ito ang isa sa mga pang-akit ng mga
manunulat at inaabangan ng mga mambabasa sa lakbay-sanaysay.
Nagsisilbing gabay ito sa mambabasa sa pagpaplano ng mga itineraryo
batay sa oras at batay sa kung saan kakain ang mga manlalakbay.

3. Kongklusyon – mahalagang mailahad dito ang mga positibong naidulot ng


paglalakbay tulad ng mga aral at mga kaisipang napulot mula sa mga naging
karanasan na nagpabago at nagpaunlad ng iyong sarili.
a. Pangkalahatang karanasan – naglalaman ito ng pangkalahatang
kinalabasan ng paglalakbay kung naging mabuti ba ang karanasan ng
manunulat o hindi. Malimit na gumagamit ng mga rating ang mga
manunulat upang ilarawan ang kanilang paglalakbay.
b. Rekomendasyon sa mga manlalakbay – ito naman ang mga mungkahi
ng manlalakbay kung paano maglalakbay at gugugulin ang oras sa
paglalakbay na isasagawa ng mga mambabasa.

18 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
Katangian ng Lakbay-Sanaysay
Inilahad sa https://hubpages.com/literature/How-to-Write-a-Travelogue ang
sumusunod na katangiang dapat taglayin ng isang Lakbay-Sanaysay:

1. Kawili-wili- Naglalaman ito ng mga paksang nakapupukaw ng interes ng


mambabasa. Ang paraan ng paglalahad ng mga kaalaman at karanasan ay sa
pamamagitan ng paggamit ng simpleng wika at magaan na tono.
2. Batay sa personal na karanasan- Bagaman ito ay nakasalig sa sariling
kuwento ng karanasan, mababakas pa rin dito ang pagiging makakatotohanan
dahil sa mga patunay na ibinahagi ng may-akda.
3.Impormatibo- Pangkaraniwang bahagi ng lakbay-sanaysay ang magbigay-aliw sa
mga mambabasa, kasabay rin nito ang ganitong uri ng sulatin ay nararapat na
magtaglay ng mga mahahalagang impormasyong makadaragdag sa kaalaman ng
mga mambabasa.
4. Nagsasalaysay sa unang panauhan- Gumagamit ng mga panghalip tulad ng
ako, ko, akin, kami at tayo sapagkat ito ay mga tala ng pansariling kaisipan at
karanasan ng sumulat.
5. Payak na gamit ng wika- Simple at malinaw ang mga salita, kaisipan at
pagpapaliwanag na gagamitin sa pagpapabatid ng nilalaman ng akda.
6. Organisadong Istruktura- Mas madaling unawain at basahin ang akda kung ito
ay may maayos na pagkakasunod-sunod at nakapaloob din ang mga bahagi ng
pagsulat ng sanaysay tulad ng may kawili-wiling simula, katawan at wakas.

Halimbawa ng Lakbay-Sanaysay

Biyaheng Norte
ni Catherine F. Alcantara

Magtatapos pa lamang ang buwan ng Marso noon ay nagpasya na ang aming


pamilya at ilang kamag-anak na magtungo sa norte pagsapit ng bakasyon. Dahil
kaming mag-asawa ay parehong guro, madalas ay abala kami sa aming pagtuturo
at iba pang gawain gayundin naman ang aming anak na pumapasok sa paaralan
kaya’t bibihirang pagkakataon lamang kung kami ay makapagplano ng pamamasyal

19 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
sa malayong lugar sa loob ng mahaba-habang panahon. Dumating na ang araw ng
pagtatapos ng klase. Isang masayang pagkakataon upang kaming mag-anak ay
magkaroon ng mas mahabang oras upang makapagrelaks, magkuwentuhan at
magplano para sa nalalapit naming paglalakbay. Ang lahat ay nananabik na at halos
hilahin na ang araw ng aming pag-alis. Higit ang nakita kong kasiyahan sa mukha
ng aming panganay sapagkat ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon niya na
makasama sa malayuang biyahe maliban sa aming pamamasyal noon sa Palawan.

Abril 17, 2017, maaga pa lamang ay inayos na namin ang mga pinamiling
pagkaing babaunin at ang mga gamit na dadalhin. Inilagay na rin ang mga ito sa
sasakyan upang nakahanda na ang lahat at wala ng makalimutan. Maagang natulog
ang lahat ngunit ang ilan ay hindi yata dalawin ng antok.

Abril 18, 2017, ika-4 pa lamang ng umaga ay umalis na kami sa aming


bahay. Binaybay namin ang kahabaan ng TPLEX. Hindi nawala ang kuwentuhan at
tawanan habang kami ay nasa biyahe. Humigit kumulang walong oras bago namin
narating ang apartment na aming tutuluyan, ang Dos Niños Home na matatagpuan
sa San Julian, Vigan, Ilocos Sur. Maganda, malinis at maaliwalas ang loob nito.
Mayroon itong dalawang malalaking silid at sa loob nito ay may dalawa hanggang
tatlong kama. Kami ay nasa ikalawang palapag at dahil mayroon itong balkonahe,
nalalanghap namin ang sariwang hanging dala ng mga nakapaligid na puno sa
kabila ng mainit na panahon. Matapos kumain, saglit kaming nagpahinga at
inihanda ang aming sarili sa simula ng aming paglilibot. Una kaming nagtungo sa
Baluarte Mini Zoo na pagmamay-ari ng dating gobernador ng Ilocos na si Luis
“Chavit” Singson. Nakita namin dito ang mga hayop tulad ng kabayo, tigre, leon,
zebra, camel at marami pang iba. Dahil aliw na aliw ang mga batang kasama namin
ay nagtanong kami sa mga tagapagbantay kung maaaaring lumapit sa mga ito at
kami naman ay kanilang pinahintulutan. Nalubos lalo ang aming kasiyahan dahil
naabutan din namin ang isang palabas na nagtatampok ng pagpapakitang-gilas ng
mga hayop. Ang ganitong pagtatanghal daw ay napapanood, apat na beses sa isang
araw. Napasok din namin ang Safari Gallery na matatagpuan mismo sa loob ng zoo.
Isa itong museo na kinapapalooban ng mga koleksiyon ng napreserbang mababangis
na hayop na nakuha ng gobernador mula sa kaniyang pangangaso mula sa iba’t
ibang bansa. Tunay na kamangha-mangha ang animo’y buhay na mga imahe at
larawang naroroon. Dahil inabot na kami ng gabi, nasaksihan pa namin ang
pagtatanghal ng mga mahuhusay na fire dancers. Matatagpuan ang mini zoo na ito
sa Brgy. Salindeg, Vigan City, Ilocos Sur at bukas ito mula Lunes hanggang Linggo.
Dala ng pagod sa maghapong paglalakbay, ang lahat ay maagang nakatulog ng may
ngiti sa labi dahil sa masayang karanasan sa unang araw namin sa norte.

Abril 19, 2017, nagpasiya kaming puntahan ang Calle Crisologo na dati’y sa
mga magasin, postcards at larawan ko lamang nakikita. Higit na kaaakit-akit ang
lugar na ito sa personal kaysa sa aking inaakala. Ang Calle Crisologo ay tinaguriang
“The Heritage Village” ng UNESCO dahil mababakas dito ang kasaysayan ng
nakalipas. Pakiramdam ko ay pansamantala akong nabuhay sa panahon ng
Espanyol habang minamasdan ko ang kapaligiran. Sa bungad ng kalyeng ito ay
sinalubong na kami ng bantayog ni Leona Florentino. Siya ay kilala bilang “Ina ng
Literaturang Pangkababaihan at isang makatang Ilokana sa edad na sampu. Ang

20 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
Calle Crisologo ay napalilibutan din ng mga bilihan ng samot-saring produktong
Pilipino mula sa mga walis tambo, hinabing kumot, mantel at pamunas, mga basket,
bag, sombrero, baso, t-shirts at mga kutkutin tulad ng kornik at mani. Waring hindi
nakaramdam ng pagod ang mga batang kasama namin lalo na ng nakita nilang
nagkalat ang mga street foods sa paligid tulad ng dirty ice cream, fish balls, cotton
candy at taho. Pagsapit ng gabi, higit naming napagmasdan ang kagandahan ng
kalapit ng kalyeng ito, ang Plaza Burgos na itinayo upang alalahanin ang
kabayanihan ni Padre Jose P. Burgos, isa sa tatlong paring martir na binitay noong
panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang plaza na ito ay tanyag sa mga
itinitindang katakam-takam na empanada, okoy, bibingka at iba pang pagkaing
lokal. Habang abala kami sa pagkain ng napakasarap na empanada, nabusog din
ang aming mga mata sa pagmamasid sa ibang mga pamilya at magkakaibigan na
masayang nakaupo at nagkukuwentuhan gayundin din sa makulay na fountain light
show na nagbibigay liwanag noong gabing iyon. Bago kami umuwi ay hindi namin
nakaligtaan na magpakuha ng larawan sa mga naggagandahang lugar na naroon.
Ang Calle Crisologo ay bukas mula umaga hanggang gabi at maaaring bisitahin sa
Mena Crisologo St., Meztizo District, Vigan City.

Abril 20, 2017, matapos ang tatlong araw na pananatili namin sa Ilocos Sur
ay dumiretso na kami sa isa pa naming destinasyon. Hindi namin maaaring
palampasin ang pagbisita sa ipinagmamalaking Bangui Windmill Farm na
matatagpuan sa Bangui Bay, Bangui, Ilocos Norte. Ayon sa mga tagaroon, ang tila
mga higanteng bentilador na aming natatanaw ang nagbibigay ng elektrisidad sa
buong Ilocos. Kagila-gilalas ang mga naglalakihang windmill na ito na malapit sa
baybayin kaya’t mas mainam na pumunta dito nang maaga upang makita ang taglay
nitong ganda. Sa paligid, ay may ilang souvenir shops at kainan. At dahil talaga
namang mainit ang panahon noong araw na iyon ay tumuloy na rin kami sa isang
resort sa Pagudpod, Ilocos Norte. Binaybay muna namin ang isa sa mga
pinakamahabang tulay sa Pilipinas, ang Patapat Bridge. Kahit may kahabaan ang
biyahe ay hindi namin gaanong naramdaman dahil sa mga naggagandahang tanawin
tulad ng mga bundok na nasa paligid. Pagsapit namin sa Hannah’s Resort, kumain
muna kami at nagpahinga. Bandang hapon ay lumabas kami upang maligo sa dagat.
Nagulat kami dahil talagang puting buhangin nga ang lalakaran mo at ang tubig ay
napakalinaw. Napakasarap magtampisaw dito kaya’t tila ayaw nang umahon pa ng
mga batang kasama namin.

Abril 21, 2017, umaga pa lang ay naligo na kaming lahat sa dagat dahil aalis
na rin kami sa Pagudpod bago magtanghalian. Makikita man sa mukha ng bawat
isa ang pagod ay naroon pa rin ang kasiyahan dahil sa iba’t ibang karanasan sa
bawat paglalakbay. Muli na naman kaming naghanda sa isang malayong biyahe
patungo sa Cauayan City, Isabela upang saglit na mabisita ang aming kamag-anak
na naroon. Walang katapusang mga puno at bundok ang aming nakita. Hatinggabi
na nang kami ay nakarating sa bahay ng aking tiya. Masayang nagkumustahan ang
lahat, nagkainan at sabay-sabay na ring natulog.

Abril 22, 2017, kinabukasan, hindi na pinalampas pa ng aking tiya na dalhin


kami sa isa sa mga magagandang pasyalan sa kanilang lugar, ito ay sa Callao Cave
na matatagpuan sa Peñablanca, Cagayan. Kinakailangang ihanda mo ang iyong

21 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
sarili dahil medyo matarik at mataas ito ngunit kapag narating mo na ang tuktok,
pakiramdam mo ay abot-kamay mo na ang langit. Matatagpuan sa kuwebang ito ang
isang chapel na ang pinakagitna ay nasisinagan ng araw at ang mga rock formations
na tunay na nakamamangha. Matatanaw mo rin mula sa itaas ang mga kabundukan
na nasa harapan ng kuwebang ito. Talaga namang mawawala sa isip mo kung
anoman ang iyong pinagdaraanan kapag narating mo ang lugar na ito.

Halos anim na araw na paglalakbay na magkakasama kaming mag-anak,


mahabang oras at kung tutuosin ay nakakapagod talaga ang maikling bakasyon na
ito ngunit sa kabila ng lahat, hatid nito ay ang ‘di mapapantayang kaligayahan- ang
malalakas na tawanan, masasaya at ‘di matapos-tapos na kuwentuhan at lalo’t higit
ang mga alaalang kailanma’y ‘di malilimutan…ang mga ito ang aming babalik-
balikan lumipas man ang mahabang panahon.

Gawain 1. Bigyang pagpapakahulugan ang Lakbay-Sanaysay sa tulong ng concept


map. Gumamit ng sagutang papel.

Lakbay-
Sanaysay

Gawain 2. Tukuyin at ipaliwanag ang mga katangiang dapat taglayin ng isang


lakbay-sanaysay na masasalamin sa binasang akda. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

BIYAHENG NORTE
Ni Catherine F. Alcantara

KATANGIAN

PAGSUSURI/PALIWANAG

22 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
Panuto: Isulat sa papel ang mga keywords na matatagpuan sa loob ng kahon na
may kaugnayan sa tinalakay at gamitin ang mga ito sa pagbuo ng kaisipang
natutuhan sa aralin.

I O R G A N I S A D O
M P U P L M A W B I S
P A R A N A S A N O A
O Y O G A R P L Y L N
R A D T U H E A O A A
M K A A L A M A N R Y
A T N P A N I M U L A
T A K A S O N A A W A
I A G L A L A K B A Y
B K A T A W A N W K R
O T A N A W I N R A D
L A R A W A N T U S A

KAISIPAN:

Panuto: Manood ng isang programang pampaglalakbay o vlog sa youtube. Isa-isahin


ang mga elementong nakapaloob dito at magbigay ng mga patunay.
Gumamit ng sagutang papel.

Pamagat ng Programang Pampaglalakbay/Vlog:


Link:
Mga Elemento Patunay

23 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
A. Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Hanapin sa loob ng kahon ang
salitang angkop sa pahayag. Gumamit ng sagutang papel.

impormatibo katawan kawili-wili larawan


matibo
matalinghaga overview pagkakasunod-sunod payak
sanaysay sanaylakbay talambuhay unangg

1. Ang paglikha ng _______________ ng itinuturing na pinakamainam na paraan ng


pagtatala ng lahat ng mga naging karanasan ng isang tao sa paglalakbay.
2. Ang mga _________________ ang nagsisilbing panghikayat na biswal ng mga lugar,
pagkain, mga tao, kultura at iba pang tampok sa lugar na binisita.
3. Mahalagang sa simula pa lamang ng akda ay _______________ na ang paraan ng
paglalahad upang mapukaw agad ang interes ng target na audience.
4. Nagsisilbing mapa ang panimulang bahagi ng lakbay-sanaysay na nagsasaad ng
_____________ ng isang akda.
5. Ang _______________ ang bahaging nagtatampok ng mga karanasan at pangyayari
sa isang akda.
6. Nakatutulong ang _________________ na gamit ng wika upang higit na maging
malinaw mga kaisipang nakapaloob sa akda.
7. Nararapat na maayos din ang _________________ ng mga detalye upang madali
itong maunawaan ng mga mambabasa.
8. Ang pagsasalaysay ng kuwento ay nararapat na nasa punto de vista ng
________________ panauhan.
9. Ang lakbay-sanaysay ay nagtataglay ng katangiang ________________ na
nakatutulong sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga mambabasa.
10. Ayon kay Nonong Carandang, isang propesor at manunulat-ang lakbay-sanaysay
ay nangangahulugan ding _________________.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang salita o mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Kung mali, isulat ang
tamang salita.

11. Ang pananaliksik ay isang uri ng sulatin na ang layunin ay mailahad ng may-
akda ang kaniyang mga naranasan at mga natuklasan sa paglalakbay.
12. Malimit na gumagamit ng mga rating ang mga manunulat upang ilarawan ang
kanilang paglalakbay.
13. Sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay,mahalagang maitala rin ang mga landmark ng
mga kilalang lugar na madaling tandaan at karaniwang alam nang lahat ng mga
manlalakbay.

24 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
14. Ang panimulang kataga ang nagsisilbing tag ng lakbay-sanaysay na
pumupukaw sa atensyon ng mambabasa.
15. Sa pagsulat ng sanaysay nararapat isaalang-alang ang kawili-wiling simula,
introduksiyon at wakas.

Panuto: Sumulat ng isang halimbawa ng lakbay-sanaysay batay sa iyong sariling


karanasan. Isaalang-alang mga elemento at mga katangiang dapat
taglayin ng lakbay-sanaysay.

25 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
(AKADEMIK)_ARALIN2
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG 26
Tayahin Isagawa
Sanaysay
Larawan Malayang
Kawili-wili
Overview Sagot
Katawan o nilalaman
Payak
Pagkakasunod-sunod
Unang
Impormatibo
Sanaylakbay
Lakbay-sanaysay
Karagdagang Tama Isaisip
Gawain Tama
Tama Malayang
Malayang Katawan o nilalaman
Sagot
Sagot
Pagyamanin Tuklasin Subukin
1. X
Malayang 2. X
Gawain 1 3. √
Sagot 4. √
Malayang Sagot
5. √
6. X
7. √
8. X
9. √
Gawain 2 Balikan
10. √
Malayang Sagot 11. √
Malayang 12. √
Sagot 13. X
14. X
15. √
Mula sa mga Aklat

Bernales, Rolando A, et. al. (2017). Filipino sa larangang akademiko. Mutya


Publishing House Inc. Malabon City
Julian A. B. at Lontoc N. (2016). Pinagyamang pluma (K-12). Phoenix Publishing
House, Inc. Quezon City
TAVISHI, PS. (2021). How to Write a Travelogue (Tips for Aspiring Travel Bloggers)
.Maven Media Brands. JAN 11, 2021. https://owlcation.com.

Mula sa Internet
https://www.google.com/search?q=child+thinking+holding+pen+and+paper+cartoo
n&tbm=isch&ved=2ahUKEwikq5PI24DqAhUIBaYKHRrdDXIQ2cCegQIABAA&o
q=child+thinking
https://hubpages.com/literature/How-to-Write-a-Travelogue
https://www.youtube.com/watch?v=ldvoXw_78sE

27 DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN2
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
(LEARNING AREA)
Larang (Akademik)
(QUARTER NUMBER)
Ikalawang
(MODULE Markahan
NUMBER)
Aralin 3: • Pagtukoy sa
Katangian ng Isang Sulating
Akademiko
• Pagbibigay-kahulugan sa
mga Terminong Akademiko na
may Kaugnayan sa Piniling
Sulatin (Pictorial-Essay)

28
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko


CS_FA11/12PB-0m-o-102
● Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

A. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang pahayag.
Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gumamit ng sagutang
papel.
teksto larawan wakas
katawan layunin paksa
kapsyon panimula mambabasa
serye gramatikal lohikal

1. Ang pictorial essay ay binubuo ng _________ng mga larawan na may iba’t ibang
paksa.
2. Bilang manunulat, mahalagang nauunawaan at mayroon kang malawak na
kaalaman sa susulating ___________.
3. Ang mga nakapaloob na larawan sa pictorial essay ay nangangailangan ng
___________ o deskripsiyon.
4. Mga larawan at ___________ ang mahahalagang sangkap na bumubuo sa pictorial
essay.
5. Ang pictorial essay ay kinapapalooban ng malinaw, malaman at kawili-wiling
panimula, katawan at _____________.
6. Kailangan isaalang-alang ng may-akda ang kawastuhang ______________ at iba
pang tuntuning pangwika upang mailahad ang kabuoang kaisipan ng teksto.
7. Malaya ang manunulat na pumili ng anomang materyal, wika at paksa na nais
ngunit kailangan niyang isaalang-alang ang uri ng kaniyang _______________.
8. Ang mga larawan sa pictorial essay ay kinakailangang nasa ____________ na
pagkakasunod-sunod.
9. Nararapat na isaalang-alang ng may-akda ang ____________ ng kaniyang paglikha
ng pictorial essay sa tulong mga larawan.
10. Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga ____________upang maipaabot ng
manunulat ang kabuoang nilalaman ng kanyang akda.

29
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
B. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na katangian ng pictorial essay na inilalarawan
sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

11. Higit na magiging makabuluhan ang akda kung ang mga larawan, paraan ng
paglalahad at pagbibigay-kahulugan sa mensaheng nais ipaabot nito ay
nagmula sa sariling ideya.
A. Sariling likha
B. May kalidad ang kuhang larawan
C. May malinaw na paksa at tiyak na pokus
D. Maingat at mahusay na paggamit ng wika

12. Nararapat na ang mga larawan ay nakaayos ayon sa lohikal na pagkakasunod-


sunod. Kinapapalooban din ito ng malinaw, malaman at kawili-wiling panimula,
katawan at wakas.
A. Organisado
B. May kalidad ang kuhang larawan
C. May malinaw na paksa at tiyak na pokus
D. Maingat at mahusay na paggamit ng wika

13. Siguraduhing nauunawaan at may malawak na kabatiran hinggil sa paksa. Ang


mga larawang nakapaloob dito ay nararapat na may kaugnayan lamang sa isang
kaisipang nais bigyang-diin sa akda.
A. Organisado
B. Sariling likha
C. May malinaw na paksa at tiyak na pokus
D. Maingat at mahusay na paggamit ng wika

14. Hindi lamang ang mga larawan ang nararapat na maging malinaw sa pictorial
essay sa halip maging ang deskripsiyon at kapsiyon din. Kailangang isaalang-
alang ng may-akda ang kawastuhang gramatikal at iba pang tuntuning
pangwika upang mailahad ang kabuoang kaisipan ng teksto.
A. Organisado
B. Sariling likha
C. May kalidad ang kuhang larawan
D. Maingat at mahusay na paggamit ng wika

15. Dahil higit na itinatampok sa pictorial essay ang mga larawan, kinakailangang
ang mga pipiliing imahe ay tunay na may kalidad ang komposisyon at
nagpapahayag ng kahulugan o damdaming maaaring nakabatay sa kulay, ilaw
at artistikong pagkakakuha.
A. Organisado
B. May kalidad ang kuhang larawan
C. May malinaw na paksa at tiyak na pokus
D. Maingat at mahusay na paggamit ng wika

30
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Ikaapat na Linggo
● Pagtukoy sa Katangian ng Isang
Sulating Akademiko
Aralin
3 ● Pagbibigay-kahulugan sa mga
Terminong Akademiko na may
Kaugnayan sa Piniling Sulatin
(Pictorial-Essay)

Panuto: Sa tulong ng Venn Diagram, isulat ang pagkatutulad at pagkakaiba ng


Lakbay-Sanaysay at Pictorial Essay. Gumamit ng sagutang papel.

Lakbay- Pictorial Essay


Sanaysay

Mga Tala para sa Guro


Kinakailangang maipabatid sa mga mag-aaral na sa paglikha ng
pictorial essay ay mahalagang mabigyang pagpapakahulugan ang mga
larawan o imahe sa tulong ng mga deskripsiyon o kapsyon. Sa
pamamagitan nito ay lubos na mauunawaan ng mambabasa ang mga
kaisipan o mensaheng nangingibabaw sa akda.

31
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Panuto: Alalahanin ang mga akdang iyong nabasa at ibigay ang hinihingi sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Magbigay ng isang akda na nakaapekto sa iyo o nag-iwan ng tatak sa iyong
isipan. Ipaliwanag.

2. Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang akda upang maging
mabisa ang paghahatid nito ng mensahe sa mga mambabasa.

Pictorial Essay
Ang pictorial essay ay naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda
sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga
deskripsiyon o kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan
sa mga kaisipang nais iparating ng teksto. Karaniwang umiikot lamang ito sa isang
paksa o tema kaya’t mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay.
Katangian ng Pictorial Essay
Inilahad sa http://justhomeworks.com/ ang sumusunod na mga katangian
ng isang mahusay na pictorial essay.
1. May malinaw na paksa at tiyak na pokus- Siguraduhing nauunawaan at
mayroon kang malawak na kabatiran hinggil sa paksa. Ang mga larawang
nakapaloob dito ay nararapat na may kaugnayan lamang sa isang kaisipang nais
bigyang-diin sa akda.
2. Sariling likha- Higit na magiging makabuluhan ang akda kung ang mga larawan,
paraan ng paglalahad at pagbibigay-kahulugan sa mensaheng nais ipaabot nito
ay nagmula sa sariling ideya.
3. Organisado- Nararapat na ang mga larawan ay nakaayos ayon sa lohikal na
pagkakasunod-sunod. Kinapapalooban din ito ng malinaw, malaman at kawili-
wiling panimula, katawan at wakas.
4. May kalidad ang mga kuhang larawan - Dahil higit na itinatampok sa pictorial
essay ang mga larawan, kinakailangang ang mga pipiliing imahe ay tunay na may
kalidad ang komposisyon at nagpapahayag ng kahulugan o damdaming maaaring
nakabatay sa kulay, ilaw at artistikong pagkakakuha.
5. Maingat at mahusay na paggamit ng wika- Hindi lamang ang mga larawan ang
nararapat na maging malinaw sa pictorial essay gayon din ang deskripsiyon o
kapsyon din. Kailangang isaalang-alang ng may-akda ang kawastuhang
gramatikal at iba pang tuntuning pangwika upang mailahad ang kabuoang
kaisipan ng teksto.

32
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Mga Dapat Tandaan sa Paglikha ng Pictorial Essay
Ang sumusunod ang mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng pictorial essay:
1. Isaalang-alang ang uri ng iyong mambabasa. Ang mga larawan, wikang gagamitin
at paksa ay nararapat na nakabatay sa edad, kaisipan at interes ng target mong
audience.
2. Ang mga larawan ay nararapat gamitin upang matamo ang iyong layunin. Sa
bawat akdang iyong lilikhain ay nakapaloob ang iba’t ibang layunin kaya’t maging
maingat sa pagpili ng angkop na mga larawan.
3. Kumuha ng maraming larawan ngunit siguraduhin ang kaisahan nito. Dahil
walang limitasyon ang pagkuha ng larawan gamit ang camera o cellphone, mainam
na mas maraming larawan ang pagpipilian upang matiyak na ang mensahe ng
pictorial essay ay maipaabot sa tulong ng mga ito.
4. Higit na nakapupukaw ng kawilihan at damdamin ang mga paksang nauukol sa
pagpapahalaga o mga kuwentong nag-iiwan ng aral sa isip at puso ng mga
mambabasa.
5. Gamitin ang mga larawan bilang gabay sa paglikha ng makabuluhang pictorial
essay. Tiyakin na ang mga imaheng ito pa rin ang mangingibabaw sa kabuoan ng
akda.
6. Siguraduhing sistematiko at organisado ang paraan ng pagkakalahad ng
nilalaman ng pictorial essay.

Halimbawa ng Pictorial Essay

Ang mga Guro sa Gitna ng Hamon at Pagbabago


ni Catherine F. Alcantara

Maituturing na isang malaking hamon para sa mga magulang, mag-


aaral lalo’t higit sa mga guro ang epektong dulot ng pandemya sa larangan ng
edukasyon. Napuno man ng takot at pag-aalala ay hindi ito naging hadlang upang
kanilang maipagpatuloy ang pagtataguyod sa karapatan ng bawat batang Pilipino-
ang pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon sa gitna ng malaking pagbabago.
Tunay na isinabuhay nila ang
layunin ng Sulong Edukalidad,
Ang laban para sa bagong normal ay
ang magpatuloy nang sama-
sinimulan sa matinding paghahanda. Samot-
sama, para sa bata para sa bayan.
saring pulong, palihan at pagsasanay ang
inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon para sa
mga gurong handang maglingkod nang buong
puso. Sinikap nilang matutuhan ang iba’t
ibang pamamaraan para sa mas ligtas na
paghahatid ng kaalaman gaya ng zoom at
google classroom. Ang video editing at pagsulat
ng mga modyul bagaman mapanghamon na
gawain ay hindi nila inurungan at sa halip ay
pinag-aralan.

33
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Sa kabila ng banta ng
pandemya ay hindi nagpatinag ang
hanay ng kaguruan. Nakiisa sila sa
pamamahagi ng mga modyul sa
paaralan maging sa tahanan,
bitbit ang lakas ng loob at
marubdob na pagnanais na
makadaupang palad kahit saglit
lamang ang mga magulang at mag-
aaral.

Sa paglipas ng mga araw at buwan ay


patuloy ang paggabay at pagpapahalaga ng mga
guro sa pangangailangan ng mga kabataang
Pilipino. Ang online platforms ang nagsilbing
tulay sa pagitan nila upang magkaroon ng
bukas na ugnayan kahit malayong distansiya
pa ang nakapagitan.

Ayon sa DepEd, walang


batang maiiwan. Upang mabigyang
katuparan ito, sa tuwina ang mga
guro ay nagsasagawa ng home
visitation nang sa gayon ay malaman
at maunawaan din ang sitwasyon ng
iba pang mga mag-aaral. Hindi nila
alintana ang panganib, walang pag-
aanlinlangan sa pagtupad sa tawag
ng tungkulin.

Sa likod ng mga batang


nangangarap ay ang mga gurong handang
umalalay. Katuwang din sila sa
pagsasaayos ng mga kinakailangang
dokumento ng mga mag-aaral habang
unti-unting inaabot ng mga ito ang
kanilang pangarap.

Tunay na isang malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga guro sa


pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya. Ang mga pagsubok na ito sa
kasalukuyan ang kanilang nagsisilbing lakas upang lalo pang maging matatag na
tagahubog ng isipan ng mga kabataan sa hinaharap sapagkat para sa mga guro,
anoman ang sitwasyon, tuloy and edukasyon.

34
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Gawain 1. Magtala ng limang salita/terminong may kaugnayan sa pictorial essay.
Ibigay ang kahulugan ng mga ito. Gumamit ng sagutang papel.

Salita Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2. Sagutin ang sumusunod na tanong hinggil sa halimbawa ng pictorial


essay na binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang paksa ng natunghayan na pictorial essay?


2. Sa paanong paraan naging kawili-wili at kahika-hikayat ang pictorial essay na
nabasa?
3. Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa paglikha ng pictorial
essay?
4. Para sa iyo, kailan nagiging makabuluhan ang paggawa ng isang pictorial essay?
Ipaliwanag.
5. Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung masasalamin ang katangian ng pictorial essay
sa binasang akda at ekis (X) naman kung hindi. Patunayan.

Katangian (√) o (X) Patunay


1. May malinaw na
paksa at tiyak na
pokus
2. Sariling likha
3. Organisado
4. 4. May kalidad ang
5. kuhang larawan
5. Maingat at
mahusay na
paggamit ng wika

Panuto: Ilahad ang mga paraan kung paano nakatutulong ang paggawa ng pictorial
essay sa pagpapaunlad ng pagiging malikhain ng kabataang tulad mo.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

35
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
Panuto: Sumulat ng isang pictorial essay sa tulong ng mga larawan sa baba.
Isaalang-alang ang mga katangian at mga dapat tandaan sa paglikha nito.

Pamantayan Puntos
Sariling-likha 5
Malinaw na paksa at tiyak na pokus 5
May kalidad ang mga kuhang larawan 5
Maingat at mahusay na paggamit ng wika 5
Organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin 5
Kabuoan 25

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang salita/mga salitang
may salungguhit sa pangungusap. Kung mali, isulat ang tamang salita.

1. Layunin ng pictorial essay na maipabatid ang nilalaman ng akda sa tulong ng


mga larawan o imahe.

36
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
2. Higit na magiging makabuluhan ang pictorial essay kung ang materyal na
gagamitin ay sarili mong likha.
3. Ang isang pictorial essay ay naglalaman ng iba’t ibang paksa o tema.
4. Sa pictorial essay higit na itinatampok ang mga larawan sa halip na teksto.
5. Higit na magiging makabuluhan ang akda kung ang mga larawan at paraan ng
paglalahad ay nagmula sa ideya ng ibang tao.
6. Hindi na mahalagang magsaliksik pa at magkaroon ng panimulang kaalaman o
ideya ang manunulat sa paksang nais niyang likhain.
7. Isaalang-alang ang maingat na pagpili sa mga larawan. Nararapat na naaayon sa
paksa ang mga imaheng masasalamin sa pictorial essay.
8. Lahat ng mga kuhang larawan ay maaaring gamitin at maging bahagi ng lilikhaing
pictorial essay.
9. Iangkop ang wika, paksa at iba pang materyal na gagamitin sa uri ng iyong target
na mambabasa.
10. Ang mga larawan ay maaaring hindi naaayon sa pagkakasunod-sunod basta’t
naipaliwanag nang mabuti ang nilalaman nito.
11. Dahil higit na itinatampok sa pictorial essay ang mga larawan, kinakailangan g
ang mga pipiliing imahe ay tunay na may kalidad ang komposisyon.
12. Ang manunulat ng pictorial essay ay nararapat na may limitadong kabatiran
hinggil sa paksa.
13. Higit na nakapupukaw ng kawilihan at damdamin ang mga paksang nauukol sa
pagpapahalaga o mga kuwentong nag-iiwan ng aral sa isip at puso ng mga
mambabasa.
14. Karaniwang umiikot sa maraming paksa o tema ang pictorial essay.
15. Mainam na mas maraming larawan ang pagpipilian upang matiyak na ang
mensahe ng pictorial essay ay maipaaabot sa tulong ng mga ito.

Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng pictorial essay. Suriin ang pagkakabuo


nito batay sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na pictorial
essay. Gawing gabay ang talahanayan sa baba. Gumamit ng sagutang
papel.

Pamagat:
Sanggunian:
Katangian Pagsusuri
1. May malinaw na paksa at tiyak na pokus
1. Sariling likha
2. Organisado
3. 4. May kalidad ang kuhang larawan
5. Maingat at mahusay na paggamit ng wika

37
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
(AKADEMIK)_ARALIN3
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
38
Balikan
Tayahin
1. TAMA Malayang sagot
2. TAMA
3. isang paksa Tuklasin
Subukin
4. TAMA Malayang sagot 1. serye
5. sariling ideya
2. paksa
6. mahalaga Pagyamanin 3. kapsyon
7. TAMA
Malayang Sagot 4. teksto
8. hindi lahat
5. wakas
9. TAMA
6. gramatikal
10. naayon Isaisip
7. mambabasa
11. TAMA Malayang Sagot 8. lohikal
12. malawak
9. layunin
13. TAMA Isagawa 10. larawan
14. isa
Malayang Sagot 11. A
15. TAMA
12. A
Karagdagang Gawain 13. C
14. D
Malayang Sagot
15. B
Mula sa mga Aklat
Bernales, Rolando A, et. al. Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya
Publishing House Inc., 2017
Julian Ailene Baisa at Nestor B Lontoc. Pinagyamang Pluma. Filipino sa piling
larangan (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing, 2016

Mula sa Internet
http://justhomeworks.com/

39
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN3
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
(LEARNING AREA)
Larang (Akademik)
(QUARTER NUMBER)
Ikalawang Markahan
(MODULE NUMBER)
Aralin 4: Pagtukoy sa
Katangian ng Isang Sulating
Akademiko
• Pagbibigay-kahulugan sa
mga Terminong Akademiko na
may Kaugnayan sa Piniling
Sulatin (Panukalang Proyekto)

40
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko


CS_FA11/12PB-0m-o-102
● Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa kasulatang nagmumungkahi ng mga plano ng gawain.


A. Katitikan ng Pulong C. Posisyong Papel
B. Panukalang Proyekto D. Replektibong Sanaysay

2. Ito ay listahan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawain, ang petsa at bilang ng


araw ng pagsasagawa ng mga naitalang gawain.
A. Plano ng Dapat Gawain C. Pagsasagawa ng mga Gawain
B. Pagtatalaga ng Dapat Gawain B. Pagsasakatuparan ng mga Gawain

3. Ito ay kalkulasyon ng mga gagastusin sa pagsasagawa ng proyekto.


A. Badyet C. Talaan ng mga Gastos
B. Kabuoang Gastos D. Halaga ng mga Gagamitin

4. Ang “Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan ang Panukalang Proyekto” ang


nagsisilbing ______________ ng panukala kung saan tinutukoy ang mga taong
makikinabang ng proyekto at mga dahilan kung bakit nararapat na ito ay
pahintulutan.
A. introduksyon B. katawan C. kongklusyon D. panimula

5. Makikita sa “Nagpadala” ang ________________ o lugar na pinagtatrabahuhan ng


sumulat ng panukalang proyekto.
A. pangalan B. tirahan C. pangalan at tirahan D. pangalan o tirahan

6. Sa “Petsa” mababasa ang panahon ng ____________ng panukalang papel.


A. pagpapasa B. pagpaplano C. pagsasagawa D. pagsasakatuparan

7. Nilalaman nito ang mga bagay na nais matamo ng panukala.


A. Kongklusyon B. Layunin C. Rasyunal D. Paglalahad ng Suliranin

41
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
8. Isa ito sa mga katangian ng layuning nagsasaad ng paraan kung paano
makakamit ang proyekto.
A. Immediate B. Logical C. Practical D. Specific

9. Ito ang katangian ng layunin na nakasaad ang mga bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto.
A. Immediate B. Logical C. Practical D. Specific

10. Ito ang wastong pagkakasunod-sunod ng tatlong bahagi ng panukalang


proyekto.
A. Katawan, Kongklusyon, Panimula C. Panimula, Katawan, Kongklusyon
B. Kongklusyon, Panimula, Katawan D. Panimula, Kongklusyon, Katawan

11. Ang sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin ng layunin ng panukalang


proyekto maliban sa_______________.
A. immediate B. practical C. simple D. specific

12. Ang sumusunod ay makikita sa Plano ng Dapat Gawin maliban sa _________.


A. iskedyul ng gawain
B. halaga ng gugugulin
C. hakbang sa pagsasagawa ng proyekto
D. mga taong kasangkot sa pagsasagawa ng gawain

13. Ang sumusunod ay kabilang sa mga dapat na isaalang-alang sa pagsulat ng


badyet maliban sa __________________.
A. maging tapat sa paglalatag ng badyet
B. gawing simple ang paglalatag ng badyet
C. maghanap muna ng murang mabibilhan
D. huwag ilagay ang aktwal na halaga ng aytem

14. Gumamit ng _______________ upang maging organisado ang paglalatag ng


badyet.
A. graph B. larawan C. talahanayan D. tsart

15. Dapat na maging maingat sa pagsulat ng panukalang proyekto dahil


nangangailangan ito ng kaalaman, kasanayan at _____________.
A. kabisaan B. kabuluhan C. kahusayan D. katapatan

42
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Ikalimang Linggo
● Pagtukoy sa Katangian ng Isang
Sulating Akademiko
Aralin
4 ● Pagbibigay-kahulugan sa mga
Terminong Akademiko na may
Kaugnayan sa Piniling Sulatin
(Panukalang Proyekto)

Panuto: Sa tulong ng dayagram, magbigay ng apat na katangian ng pictorial essay.

Mga
Katangian
ng Pictorial
Essay

Mga Tala para sa Guro


Ang wastong paggabay sa mga mag-aaral sa pagsulat ng
panukalang proyekto ay lubusang makatutulong sa kanila sa pagsulat ng
isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na uri ng sulating ito.
Mahalagang bigyang-diin sa pagtalakay ang mga bagay na dapat na
isaalang-alang sa pagsulat ng tatlong mahahalagang bahagi - ang
panimula, katawan at kongklusyon. Gayundin, ang pagsusuri sa ibinigay
na halimbawa ay magsisilibing gabay sa pagsulat ng isang maayos, wasto
at angkop na paggamit ng wika sa panukalang proyekto.

43
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Panuto. Magbigay ng pinakamainam na solusyon sa mga suliraning inilatag sa
talahanayan. Pagkatapos, ipaliwanag ang dahilan sa pagpili ng
iminungkahing solusyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Suliranin Solusyo Paliwanag


n
Pagtaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID 19 sa
inyong lugar
Pagkawala ng hanapbuhay dulot ng COVID 19
Kakulangan ng gadget/smartphone at kawalan ng
internet access ng mga mag-aaral para sa online
classes

Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon tungkol sa panukalang


proyekto sa baba.

Panukalang Proyekto

Tayong lahat ay naninirahan sa isang pamayanan at mahalagang bahagi tayo


nito. Mahalagang bahagi rin ng ating buhay ang mga taong nakakasalamuha natin
sa ating pamayanan. Dahil dito, tayo ay gumagawa ng mga bagay na magiging
kapaki-pakinabang para sa ating pamayanan. Tayo ay nakikiisa at
nakikipagtulungan sa mga programang inilulunsad ng barangay council katulad ng
feeding program, clean up drive at iba pa. Bilang mag-aaral, sinusuportahan natin
ang lahat ng mga programang pang-edukasyong isinasagawa sa paaralan.
Bukod sa mga nabanggit na gawain ay maaari ka ring makapaglunsad o
makapagsagawa ng isang makabuluhang proyekto sa iyong paaralan o pamayanan.
Magiging posible ito kung makikipag-ugnayan ka sa mga kinauukulan at malaking
tulong dito ang pagsulat ng isang maayos na panukalang proyekto.
Ayon kina Julian at Lontoc (2016) ang panukalang proyekto ay isang
kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Ayon naman kay Besin Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project
Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga

44
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
inihaing gawaing naglalayong lumutas sa isang problema o suliranin. (Julian at
Lontoc, 2016)
Dapat na maging maingat sa pagsulat ng panukalang proyekto.
Nangangailangan ito ng kaalaman, kasanayan at katapatan. Kailangan itong
magbigay ng sapat at tapat na impormasyon at makahikayat sa positibong pagtugon
mula sa pinag-uukulan nito. Isipin na ang pangunahing layunin nito ay makatulong
at makalikha ng mga gawaing kapaki-pakinabang para sa lahat.

Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

A. Panimula ng Panukalang Proyekto


Ang unang mahalagang hakbang bago isulat ang kabuoang panukalang
proyekto ay ang pag-alam at pagsusuri sa mga pangangailangan ng komunidad,
organisasyon o samahang pinag-uukulan ng iyong panukala. Maaaring magmasid sa
paligid o kaya ay magsagawa ng panayam sa mga kinauukulang makapagsasabi ng
mga suliraning nararanasan upang maging akma at nararapat ang mga solusyong
ilalatag sa panukalang proyekto. Makatitiyak na ang mga ito ay talagang
makatutugon sa kanilang pangangailangan at ang pangangailangang ito ang
magsisilbing batayan sa pagbuo ng panukalang proyekto.
Ang gabay na mga tanong sa baba ay makatutulong sa pagsulat ng unang
bahagi ng panukala:
1. Ano-ano ang mga suliraning nararapat lunasan?
2. Ano-ano ang mga pangangailangan ng komunidad o samahang gustong
latagan ng panukalang proyekto?
Mula sa mga sagot sa mga ibinigay na tanong ay makakuha ka ng mga
impormasyong maaaring magamit sa pagsisimula sa pagsulat ng panimulang
bahagi. Ilang halimbawa nito ay ang sumusunod:
Sa Barangay Ugong, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga
mamamayan ay ang sumusunod:
a. Maraming kabataan ang walang hilig sa pagbabasa
b. Pagtaas ng bilang ng mga batang kulang sa sustansiya
Mula sa mga nakatala ay magbigay ng mga mungkahing lunas sa mga suliraning
nararanasan ng Barangay Ugong.
1. Maraming kabataan ang wala nang hilig sa pagbabasa
a. Pagsasagawa ng storytelling sa paaralan o barangay at pamamahagi ng
mga aklat pambata
b. Pagibigay ng seminar sa mga magulang ukol sa wastong paggabay sa mga
anak sa pag-aaral lalong-lalo na sa pagbabasa

2. Pagtaas ng bilang ng mga batang kulang sa sustansiya o kulang sa timbang


a. Pagsasagawa ng school-based feeding program o feeding program sa
barangay
b. Pagrarasyon ng mga masusustansyang pagkain sa tirahan ng mga batang
kulang sa sustansya
Kung susuriin ang mga ibinigay na halimbawa, maraming mungkahing lunas
ang maaaring gamitin ngunit sa pagbuo ng panukalang proyekto ay pag-isipang
mabuti kung alin sa mga iyon ang tunay na makakapagbigay ng solusyon. Kapag

45
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
natukoy na ang sa palagay mong pinakamabisa, maaari ka nang magsimula ng
pagsulat ng panimula ng panukala.

B. Katawan ng Panukang Proyekto


Pagkatapos na maisulat ang panimulang bahagi ng panukalang proyekto ay
gawin na ang pinakakatawan nito. Ito ay binubuo ng layunin, plano ng dapat gawin
at badyet.

1. Layunin- Makikita rito ang nilalayong gawin ng panukala. Ayon kina Jeremy
Miner at Lynn Miner (2006) sa aklat nina Julian A. at Lontoc, N. (2016) na ang
layunin ay kailangang maging SIMPLE:

Specific- nakasaad ang mga bagay na nais makamit o mangyari sa


panukalang proyekto.
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
Practical-nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto

2. Plano ng Dapat Gawin- Nakikita rito ang talaan ng mga gawain na naglalaman
ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Nararapat na ito ay
makatotohanan at talagang kayang isakatuparan. Isaalang-alang ang badyet at
ang kronolohikal na pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kasangkot sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Mas makabubuti kung
isasama sa iskedyul ng gawain ang petsa kung kailan matatapos ang bawat
bahagi at kung ilang araw ito gagawin. Kung hindi tiyak ang mismong araw na
maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang kahit linggo o
buwan.

3. Badyet- ito ay talaan ng kalkulasyon ng mga gastusing kakailanganin sa


pagsasagawa ng proyekto. Maituturing na isa ito sa pinakamahahalagang bahagi
ng anomang panukalang proyekto sapagkat isa ito sa mga nagiging matibay na
batayan sa pag-aapruba ng panukala kaya dapat na wasto at tapat ang paglalatag
nito. Makatutulong ang masusing pag-aaral at pagpaplano nito upang makatipid
sa gastusin. Mahalagang maghanap muna ng murang bilihan ngunit hindi
naman makokompromiso ang kalidad ng mga kagamitang kakailanganin. Gawing
simple at malinaw ang paglalatag upang maunawaan ng kinauukulang mag-
aapruba nito. Ang paggamit ng talahanayan sa pagpapangkat ng mga aytem ay
makatutulong upang mas maging organisado at mapadali ang pagtutuos nito.
Tiyaking tama ang pagtutos at ilagay ang aktwal na halaga ng aytem upang
maipakita ang katapatan.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Matapos na maisulat ang panimula at katawan ng panukalang proyekto,
gawin ang huling bahagi nito- ang katapusan o kongklusyon. Nilalaman nito ang
tungkol sa kung paano mapakikinabangan ng pamayanan o samahan ang proyekto.

46
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw na nakasaad
dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa
kanila.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- Hango ito sa tugon o lunas sa suliraning
inilahad sa panukalang papel.
2. Nagpadala- Naglalaman ito ng pangalan at tirahan o lugar na pinagtatrabahuhan
ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa – Makikita rito kung kailan ipinasa ang panukalang papel at haba ng
panahon ng pagsasagawa ng proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- Nakasaad dito ang pangangailangang nais tugunan
ng proyekto at kahalagahan nito.
5. Layunin – Nakasaad dito ang mga bagay na nais matamo ng panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin- Makikita rito ang listahan ng pagkakasunod-sunod ng
mga gawain, ang petsa at bilang ng araw ng pagsasagawa ng mga naitalang gawain
7. Badyet- Ito ang kalkulasyon ng mga gagastusin sa pagsasagawa ng proyekto
8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto- Ito
ang kongklusyon ng panukala kung saan tinukoy ang mga taong makikinabang
ng proyekto at mga dahilan kung bakit nararapat na ito ay aprubahan.

Tunghayan ang halimbawa ng Panukalang Proyekto:

Panukala sa Pagsasagawa ng Isang Gawaing Pangkomunidad na Pinamagatang


“Handog na Libro sa Masining na Pagkukuwento”

Mula kina G. Alfredo R. Alcantara Jr. at mga Guro sa Senior High Shoool
Sitero Francisco Memorial National High School
Sta. Monica Subdivision
Ugong, Valenzuela City

Ika-1 ng Agosto, 2018


Haba ng Panahong Gugugulin: 3 buwan at kalahati

I. Paglalahad ng Suliranin
Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino at
kaisipan. Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang
makapagbubukas ng daan ng lahat ng karunungan at disiplina tulad ng Agham
Panlipunan, Siyensya, Matematika, Pilosopiya, Sining at iba pa. (Bernales, et. Al:
2000).
Sa pagbabasa ay nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang sapagkat
nagiging sapat ang kaniyang kaalaman sa mga kapaki-pakinabang na gawaing
nagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa lipunang kaniyang ginagalawan. Kaya’t
ganoon na lamang ang pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon na ang kasanayang
ito ay tunay na matamo ng mga mag-aaral. Ito ay masasalamin sa mga estratehiyang
ginagamit ng mga guro sa loob at labas ng silid-aralan.

47
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Sa kabila ng pagpupursigi ng mga guro na matulungan ang mga mag-aaral na
payabungin ang nabanggit na kasanayan ay kapansin-pansin pa ring marami sa
kanila ang tila walang hilig sa pagbabasa dahil na rin sa mga sagabal tulad ng
kakulangan sa mga babasahin at pagkahilig sa paggamit ng social media na nagiging
sanhi ng paggugol nila ng mahabang oras dito at nawawalan na ng panahon sa mga
gawaing-pampaaralan gaya ng pagbabasa.
Dahil sa kalagayang napansin, ang mga batang mag-aaral ay nangangailangan
ng tulong at gabay na nakatira malapit sa Sitero Francisco Memorial National High
School. Isa na rito ang ipinapanukalang proyekto upang mamulat sila sa
kahalagahan ng pagbabasa at maipakita sa kanila na ang pagbabasa ay isang
makabuluhan at kawili-wiling gawain.

II. Layunin
Makapagsagawa ng isang gawaing-pangkomunidad na pinamagatang “Handog
na Libro sa Masining na Pagkukuwento” sa darating na ika-29 ng Nobyembre 2018
na naglalayong ipamulat sa mga batang mag-aaral ang kahalagahan at pagmamahal
sa pagbasa. Bahagi sa pagsasagawa ng Masining na Pagkukuwento ay ang
paghahandog ng mga aklat-pambata, mga papremyo at mga pagkain para sa mga
kalahok.

III. Plano ng Dapat Gawin


Gawain Panahon

Pagpasa ng panukalang proyekto Unang Linggo ng


Agosto, 2018

Pagbuo at pagpapamigay ng mga liham-solisitasyon sa


mga kompanya, politiko at mga taong maaaring
mahingian ng tulong. Ang mga hihilingin: mga aklat Ikalawa-Ikatlong
pambata, mga pagkain para sa 40 bata at mga kasamang Linggo ng Agosto, 2018
magulang, mga raffle item at mga give away, mga tent at
mga upuan

Pagtukoy sa 40 batang kalahok, na may edad na 7-9 na Una- Ikalawang Linggo


nakatira malapit sa paaralan (maaaring kapatid ng mga ng Agosto, 2018
mag-aaral sa baitang 11-12)

Pagtukoy sa mga guro at mga mag-aaral na magsagawa Unang Linggo ng


ng pagkukuwento (2 guro at 2 mag-aaral mula sa baitang Setyembre, 2018
11 at 12)

Ikalawang Linggo ng
Pagpa-follow-up sa mga liham-solisitasyon Setyembre- Ikaapat na
Linggo ng Nobyembre,
2018

Pagbuo at pagpapamigay ng programa at imbitasyon sa Ikatlong Linggo ng


mga kalahok Nobyembre, 2018

48
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Pagsasaayos ng lugar na pagdarausan ng gawain Nobyembre 28-29,
(covered court at entablado) 2018

Pagdaraos ng “Handog na Libro sa Masining na Nobyembre 29, 2018,


Pagkukuwento” Ika-3:00 ng hapon

Una- Ikalawang Linggo


Pagsasagawa ng ulat-dokumentasyon ng Disyembre 2018

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga

Mga aklat-pambata (40 piraso) Php 4,000.00

Pampa-raffle at pagkain Php 2,500.00

Token para sa mga kuwentista Php 420.00

Mga candy para sa mga bata Php 350.00

Pamasahe para sa pagpa-folllow-up sa liham-solisitasyon Php 150.00

Loot bags Php 70.00

Papel para sa sertipiko Php 70.00

Kabuoan Php 7,560.00

IV. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Proyekto


Ang pagsasagawa ng “Handog na Libro sa Masining na Pagkukuwento” ay
magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng kalahok lalong-lalo sa mga batang mag-
aaral na nakatira sa Barangay Ugong. Mararanasan nilang makinig ng mga
kuwentong pambata sa masining na paraan, mahahandugan sila ng mga aklat-
pambata at mga papremyo. Sa ganitong paraan ay maitatanim sa kanilang murang
puso at isipan ang kahalagahan at kabuluhan ng pagbabasa sa kanilang pag-aaral
at sa pang-araw-araw na buhay.

Gawain 1: Sa tulong ng graphic organizer,


isa-isahin ang mga katangiang
dapat taglayin ng panukalang
proyekto. Bigyan ng paliwanag ang
bawat sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Mga Katangian ng
Panukang
Proyekto

49
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Gawain 2: Ibigay ang sariling pagpakahulugan ng mahalagang termino/salita sa
pagsulat ng panukalang papel. Gumamit ng sagutang papel.

Mahalagang Termino/Salita Kahulugan


sa Pagsulat ng Panukang
Proyekto
1. Panukalang Proyekto
2. Pagpapahayag ng Suliranin
3. Layunin
4. Plano ng Dapat Gawin
5. Badyet

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang mahahalagang
kaisipang may kaugnayan sa pagsulat ng panukalang proyekto. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang __________________ ay kasulatang nagmumungkahi ng mga plano ng mga


gawaing iniharap sa tao o sa samahang pinag-uukulan nito na siyang
tatanggap at mag-aapruba nito.
2. Ang tatlong pangunahing bahagi ng panukalang proyekto ay ____________,
___________________, at _________________.
3. Ang unang mahalagang hakbang bago isulat ang kabuoang panukalang
proyekto ay ang pag-alam at pagsusuri sa mga ___________ ng komunidad o
samahang pinag-uukulan nito.
4. Ang Layunin, Plano ng Dapat Gawin at Badyet ay bahagi ng ___________ ng
panukalang proyekto.
5. Kinakailangang ang layunin sa panukala ay gawing _______________.
6. Mahalaga ang masusing pag-aaral at pagpaplano ng __________upang
makatipid sa gastusin.
7. Maghanap muna ng murang bilihan ngunit hindi naman makokompromiso
ang ________________ ng mga kagamitang kakailanganin sa proyekto
8. Makikita sa ________________________ ang talaan ng mga gawain na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
9. Nararapat na malinaw na nakasaad sa kongklusyon ng panukalang proyekto
kung sino-sino ang _______________ sa proyekto at kung paano ito magiging
kapaki-pakinabang sa kanila.
10. Ang wastong pagkakasunod-sunod ng balangkas ng panukalang proyekto ay
Pamagat ng Panukalang Proyekto, ______________, Petsa, _______________,
Layunin, _________________________, Badyet at _____________________________.

50
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Panuto: Naatasan kang manguna sa paggawa ng isang proyekto na sa iyong palagay
ay kailangang-kailangang maisakatuparan. Pumili ng isang proyektong
nais mong maipatupad sa iyong pamayanan o paaralan. Bilang unang
hakbang ay dapat na sumulat ka muna ng isang panukalang proyekto
upang mahikayat mo ang kinauukulang aprubahan o sang-ayunan ito.
Isaalang-alang ang mga natalakay sa araling ito para sa gagawing sulatin
partikular ang pagiging matapat lalo na sa pagbibigay ng badyet para sa
proyekto. Gumamit ng bukod na papel.

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Organisado at kapani-paniwala ang sulatin 10
Batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika sa sulatin 10
May batayang pananaliksik ang sulatin ayon sa pangangailangan 10
Kabuoan 30

A. Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay hango sa tugon o lunas sa suliraning inilahad sa panukalang papel.


A. Layunin C. Plano ng Dapat Gawin
B. Paglalahad ng Suliranin D. Pamagat ng Panukalang Proyekto

2. Ito ang dapat taglayin sa pagsulat ng layunin ng panukalang proyekto.


A. Creative B. Innovative C. Meaningful D. Practical

3. Ito ay tumutukoy sa nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.


A. Evaluable B. Logical C. Pratical D. Specific

4. Sa pagsulat ng badyet, ang paggamit ng __________ sa pagpapangkat ng mga aytem


ay makatutulong upang mas maging organisado at mapadali ang pagtutuos nito.
A. graph B. larawan C. talahanayan D. simbolo

5. Sa aling bahagi ng panukalang proyekto mailalapat ang pagsisiyasat ng suliraning


nararanasan ng komunidad?
A. katawan B. kongklusyon C. panimula D. wakas

51
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
6. Ito ang mga bahaging nabibilang sa katawan ng panukalang proyekto.
A. Layunin, Plano ng Dapat Gawin, Badyet
B. Petsa, Pagpapahayag ng Suliranin, Layunin
C. Nagpadala, Plano ng Dapat Gawin, Layunin
D. Pagpapahayag ng Suliranin, Layunin, Badyet

7. Ang sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng panukalang proyekto


maliban sa ____________________.
A. makatotohanan ang badyet sa panukalang proyekto
B. maging malinaw na nakasaad sa panukala kung sino-sino ang
makikinabang sa proyekto
C. makatotohanan ang mga hakbang na isasagawa at talagang kayang
maisakatuparan ang mga ito
D. maghanap muna ng murang mabibilhan ng mga kagamitang
kakailanganin na hindi isinasaalang-alang ang kalidad ng mga ito

8. Ito ang unang hakbang bago isulat ang kabuuang panukalang proyekto.
A. Pagbibigay ng lunas sa suliranin
B. Pagtukoy sa halaga ng mga gugugulin
C. Pag-iisa-isa sa mga hakbang na isasagawa
D. Pag-alam sa pangangailangan ng komunidad

9. Nakikita rito ang talaan ng mga gawaing naglalaman ng mga hakbang na


isasagawa upang malutas ang suliranin.
A. Plano ng Dapat Gawain C. Pagsasagawa ng mga Gawain
B. Pagtatalaga ng Dapat Gawain D. Pagsasakatuparan ng mga Gawain

10. Dito makikita ang nilalayong gawin ng panukalang proyekto.


A. Layunin C. Plano ng Dapat Gawin
B. Panimula D. Pagpapahayag ng Suliranin

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang salita/mga salitang
may salungguhit sa pangungusap. Kung mali, isulat ang tamang salita.

11. Ang Badyet ang isa sa pinakamahahalagang bahagi ng panukalang proyekto


sapagkat isa ito sa mga nagiging matibay na batayan sa pag-aapruba ng
panukala.
12. Ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kahit hindi malinaw na nakasaad
dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong
sa kanila.
13. Ang katawan ng panukalang proyekto ay binubuo ng layunin, plano ng dapat
gawin at badyet.
14. Ang huling hakbang bago isulat ang kabuuang panukalang proyekto ay ang pag-
alam at pagsusuri sa mga pangangailangan ng komunidad, o samahang pinag-
uukulan ng iyong panukala.
15. Nangangailangan ng kaalaman, kasanayan at katapatan ang pagsulat ng
panukalang proyekto.

52
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
Panuto: Ipagpalagay na ikaw ang pangulo ng samahan ng mga mag-aaral sa inyong
paaralan. Nakita mong may suliranin at pangangailangan ang mag-aaral sa
Drinking Fountain. Gumawa ng isang panukalang proyekto hinggil sa
pagkakaroon ng Drinking Fountain sa inyong paaralan. Gamitin ang
balangkas na nasa baba. Isulat ito nang maingat, wasto at angkop ang
paggamit ng wika. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto
_____________________________________________________________________
2. Nagpadala
_____________________________________________________________________
3. Petsa
_____________________________________________________________________
4. Pagpapahayag ng Suliranin
_____________________________________________________________________
5. Layunin
_____________________________________________________________________
6. Plano ng Dapat Gawin
_____________________________________________________________________
7. Badyet
_____________________________________________________________________
8. Pakinabang ng mga Mag-aaral sa Panukalang Proyekto
_____________________________________________________________________

53
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
(AKADEMIK)_ARALIN4
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
54
Tayahin
Isagawa
1. C
2. D
3. A
4. C Malayang
5. C Sagot
6. A
7. D
8. D
9. A
10. A
11. TAMA Isaisip
12. kung malinaw
13. TAMA 1. panukalang proyekto
14. unang 2. panimula, katawan,
15. TAMA kongklusyon
3. pangangailangan
4. katawan
5. SIMPLE
Pagyamanin Tuklasin Subukin
1. B
Malayang Malayang 2. A
Sagot Sagot 3. A
4. C
5. C
6. A
7. B
8. A
9. D
10. C
11. C
12. B
13. D
14. C
15. D
Aklat

Julian Ailene Baisa at Nestor B Lontoc. Pinagyamang Pluma. Filipino sa Piling


Larangan (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing, 2016

Aksyong Pananaliksik

Alcantara, Alfredo R. Jr. Paggamit ng Lokalisadong Kagamitan tungo sa Kolaboratibong


Pagsulat ng Panukalang Proyekto ng mga Mag-aaral sa Baitang 12. Aksyong
Pananaliksik. SDO-Valenzuela, 2019

Mula sa Internet

https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/paghahanda-ng-isang
simpleng-panukalang-proyekto.pd. (Nakuha 16 Hulyo, 2020)

55
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN4
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
(LEARNING AREA)
Ikalawang Markahan
(QUARTER NUMBER)
Aralin 5: • Pagsulat ng
(MODULE
Organisado, NUMBER)
Malikhain, Kapani-
paniwalang Sulating batay sa
Maingat, Wasto at Angkop na
Paggamit ng wika
• Pagbuo ng Sulating may
Batayang Pananaliksik ayon sa
Pangangailangan
• Pagsasaalang-alang sa Etika sa
Binubuong Akademikong Sulatin
(Posisyong Papel)

56
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
● Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
CS_FA11/12PU-0p-r-94
● Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit
ng wika CS_FA11/12WG-0p-r-93
● Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan CS_FA11/12PU-0p-r-95
● Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
CS_FA11/12EP-0p-r-40

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang posisyong papel maliban sa


___________.
A. mapaggiit C. naninindigan
B. mapanghimok D. nagmamalaki
2. Ang sumusunod ay mga layunin ng pagsulat ng posisyong papel maliban
sa ___________.
A. magpahayag ng paninindigan ukol sa mahalagang isyu
B. maglathala ng sipi sa limitadong bilang ng mambabasa
C. himukin ang mga mambabasang umayon sa isang paninindigan
D. maglahad ng mga ebidensyang magpapatibay sa inilahad na panig

3. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel.


I. Pagpili ng paksa
II. Pagbuo ng balangkas
III. Pagsulat ng posisyong papel
IV. Pagsasagawa ng paunang pananaliksik
V. Pagtatala ng katwiran at kontra-katwiran
VI. Pagsasagawa ng mas malalim na pananaliksik
A. I, II, III, IV, V, VI C. I, IV, V, VI, II, III
B. I, IV, V, II, VI, III D. I, II, IV, VI, V, III

4. Ang sumusunod na sulatin ay halimbawa ng posisyong papel maliban sa


_______.
A. anunsyo B. editoryal C. talumpati D. liham sa editor

57
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
5. Ang ____________ ang magsisilbing direksyon ng isinusulat na posisyong
papel.
A. argumento B. balangkas C. layunin D. paksa

6. Ang sumusunod ay mga nararapat sa pagsulat ng posisyong papel maliban


sa ____________.
A. ipamalas ang tiwala sa sarili
B. ipakitang tama ang iyong posisyon
C. ipagmalaki ang mga inilahad na katwiran
D. ilahad ang mga argumento sa subhetibong paraan

7. Ang sumusunod ay mga konsepto tungkol posisyong papel maliban sa ito


ay ____________.
A. proseso ng paninimbang
B. natatapos sa pagsulat lamang
C. subhektibo at may kinikilingan
D. may ambag sa magandang pagbabago sa lipunan

8. Mahalagang magsagawa ng paunang pananaliksik tungkol sa paksa ng


posisyong papel upang __________________.
A. mapalawak ang nilalaman ng posisyong papel
B. magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa paksa
C. malaman ang opinyon ng tao sa komunidad tungkol sa isyu
D. malaman kung may matibay na ebidensiyang susuporta sa iyong
paninindigan

9. Ang ________________ang maaaring maging matibay na ebidensya para sa


argumento sa posisyong papel.
A. sariling karanasan ng manunulat
B. mga impormasyon mula sa balitang napanood
C. opinyon ng taong pinagtanungan ukol sa paksa
D. mga datos mula sa sari-saring website sa internet

10. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, kailangang magbigay ng


matalinong pangangatwiran at solidong ________________ upang
suportahan ang kaniyang posisyon.
A. ebidensiya B. opinyon C. pananaw D. testimonya

11. Ito ay isang katangian ng posisyong papel na ipinaliliwanag ang


kahulugan at kabuluhan ng isyung paninindigan.
A. angkop na tono C. malinaw na paksa
B. solidong posisyon D. mapangumbinsing argumento

12. Sa katangiang ito ng posisyong papel ay isinasaalang-alang ang


nagsasalungatang argumento na maaaring sang-ayunan at kontrahin.
A. angkop na tono C. solidong posisyon
B. malinaw na paksa D. mapangumbinsing argumento

58
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
13. Sa pagsulat ng posisyong papel, kinakailangan ang pagsasagawa ng
paunang _______________ upang mapalalim ang pagkaunawa sa paksa.
A. obserbasyon C. pananaliksik
B. pag-aaral D. paglalahad ng katwiran

14. Alin ang may wastong pagkakasunod-sunod sa pagbabalangkas ng


posisyong papel?
I. Ipakilala ang iyong paksa.
II. Pagtibayin ang sariling katwiran
III. Isa-isahin ang mga sariling katwiran.
IV. Itala ang mga katwiran ng kabilang panig
V. Lagumin ang mga katwiran at igiit ang iyong posisyon.
A. I, II, III, IV, V C. I, IV, II, III, V
B. I, IV, III, II, V D. I, III, IV, II, V

15. Ang sumusunod ay gamit ng posisyong papel ayon kina Constantino at Zafra
maliban sa ___________________.
A. pagkakataon ito para sa may akda na tipunin at organisahin ang
mga datos
B. naipakikilala ang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman
sa nasabing usapin
C. maipahayag ang pagtutol o pagsang-ayon ng may akda tungkol sa
isang napapanahong isyu
D. nakatutulong ito upang maging malayang mga tao sa magkakaibang
pananaw

59
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
Ikaanim-Ikapitong Linggo
● Pagsulat ng Organisado,
Malikhain, Kapani-paniwalang
Sulating batay sa Maingat, Wasto
Aralin at Angkop na Paggamit ng wika
5 ● Pagbuo ng Sulating may Batayang
Pananaliksik ayon sa
Pangangailangan
● Pagsasaalang-alang sa Etika sa
Binubuong Akademikong Sulatin
(Posisyong Papel)

Panuto: Sa tulong ng Venn Diagram, isulat ang pagkakatutulad at pagkakaiba ng


Panukalang Proyekto at Posisyong Papel. Gumamit ng sagutang papel.

Panukalang Posisyong
Proyekto Papel

Mga Tala para sa Guro


Ang pagkakaroon ng paninindigan sa isyung panlipunan at
kasikhayan sa pananaliksik ang mahahalagang salik tungo sa pagsulat
ng mabisang posisyong papel. Mapagtitibay ang isang paninindigan ng
mga ebidensyang nagmumula sa pananaliksik. Nararapat na hikayatin
ang mga mag-aaral na magsagawa ng pananaliksik upang maging
epektibo ang kanilang paglalahad ng mga katwiran. Ang posisyong papel
ay isang uri ng sulating akademiko na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan tungkol sa makabuluhan o napapanahong isyu.

60
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
Gawain 1. Pagmasdan ang mga editoryal kartun sa baba. Pumili ng isa at tukuyin
ang mahalagang isyung binibigyang-diin dito. Ilahad din ang iyong
opinyong pinaninindigan tungkol dito. Gawing gabay sa pagsagot ang
talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mula sa www.philstar.com Mula sa www.philstar.com

Opinyon at Paliwanag:

Gawain 2. Basahin at unawain ang pahayag sa loob ng kahon, Ilahad ang iyong
pananaw tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Kapag may Katwiran,


Ang Aking Pananaw:

Ipaglaban Mo”

Ang Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang sulating akademiko na nagsasaad ng tiyak na


paninindigan ng manunulat tungkol sa isang mahalaga at napapanahong isyu. Ito
ay inilalathala sa akademya, politika, batas at iba pang larangan. Naglalayon itong
himukin ang mga mambabasa na pumanig o sumang-ayon sa manunulat sa
pamamagitan ng mga inilahad na katwiran o ebidensya.

61
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
Ang posisyong papel ay may iba’t ibang anyo. Ang pinakasimpleng anyo ay
ang liham sa editor na nagsasaad lamang ng mga pananaw ng manunulat hinggil sa
balita o artikulong kaniyang nabasa mula sa pahayagan o magasin. Samantala, ang
pinakakomplikadong pormat naman ay ang pang-akademikong posisyong papel na
naglalahad ng mga argumento at ebidensya upang paniwalaan ang paninindigan ng
manunulat.

Gamit ng Posisyong Papel


(Constantino at Zafra)

1. Pagkakataon ito para sa may akda na tipunin at organisahin ang mga datos at
bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa.
2. Naipakikilala ang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing
usapin
3. Para sa lipunan, nakatutulong ang posisyong papel upang maging malayang mga
tao sa magkakaibang pananaw ukol sa usaping panlipunan.

Katangian ng Posisyong Papel

Mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na mga katangian ng posisyong


papel.

1. Malinaw na paksa. Ang paksa sa posisyong papel ay ang mga isyung


napapanahon at pinagtatalunan ng tao. Mahalagang maipaliwanag nang mabuti ang
kahulugan at kabuluhan ng isyung paninindigan.

2. Solidong Posisyon. Sa pagsulat ng posisyong papel, hindi lamang ang sariling


katwiran ang dapat na ilahad kundi gayundin ang kasalungat na katwiran.
Kailangang timbangin ang magkabilang panig, subalit sa kabuoan ng posisyong
papel ay kinakailangang mangibabaw ang iyong posisyon. Dapat mong patunayan
sa tulong ng mga ebidensya at katibayan na ang iyong paninindigan ang dapat na
sang-ayunan.

3. Mapangumbinsing Argumento. Ang paglalatag ng sariling katwiran, gayundin


ang kasalungat ay dapat na may pinagbabatayan at hindi lamang nagmula sa iyong
haka-haka. Banggitin ang pinagbatayan ng mga katwiran. Kailangang isaalang-
alang ang nagsasalungatang argumento na maaaring sang-ayunan at kontrahin.
Ipaliwanag ang mga puntong sumusuporta sa paninindigan. Iwasan ang
pagmamalaki o pagmamayabang sa oposisyon.

4. Angkop na Tono. Ang respeto at tiwala ng mambabasa ay nakabatay sa tono ng


wikang iyong gagamitin sa pagsulat ng posisyong papel. Gumamit ng mga salitang
direkta at payak ngunit hindi balbal upang madaling maunawan ang iyong sulatin.
Kadalasang ginagamitan ng pormal na pananalita ang mabibigat at seryosong isyu
o paksa. Mahalagang isaalang-alang ang bigat ng isyu, target na mambabasa at

62
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
layunin ng pagsulat upang maiangkop ang tonong gagamitin sa isusulat na
posisyong papel.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


(batay sa “How to Write a Position Paper” ni Grace Fleming)

1. Pagpili ng Paksa. Pinakasentro ng iyong posisyong papel ang paksang


sinusuportahan ng pananaliksik. Mahalagang interesado, nauunawaan at malawak
ang iyong kaalaman sa paksang iyong napili upang mapagtibay ang iyong
pinaninindigang opinyon o posisyon. Gumamit ng mga datos, opinyon, estadistika
at iba pang anyo ng katibayan upang maging kapani-paniwala at
mapagkakatiwalaan ng mambabasa.

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik. Kinakailangan ang paunang pananaliksik


upang mapalalim ang pagkaunawa sa paksa. Sa pamamagitan nito ay iyong
malalaman kung may mga katibayan o ebidensyang sumusuporta sa iyong
paninindigan. Magbasa ng mga aklat, pahayagan at mga nailathalang pag-aaral.
Maaaring magsagawa ng interbyu o pagtatanong sa mga taong may awtoridad sa
paksa. Maaari ring kumuha ng datos mula sa internet, ngunit tiyaking ito ay
nagmumula sa mga mapagkakatiwalaang website, tulad ng mga educational site
(.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno
(.gov).

3. Hamunin ang iyong napiling paksa. Alamin at unawain ang kabaliktaran ng


iyong pananaw. Alamin ang lahat ng posibleng hamon upang mapagtibay ang iyong
paninindigan. Maaaring itala sa papel ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong
posisyon at sa katapat naman ay ang mga kasalungat na punto. Alamin ang walang
katapat o hindi pa nasasagot. Timbangin kung alin sa dalawang magkasalungat na
posisyon ang mas mahusay.

4. Ipagpatuloy ang pangangalap ng matibay na ebidensiya. Matapos mong


matukoy ang posisyong susuportahan at kahinaan ng kabilang panig ay magpatuloy
pa sa mas malalim na pananaliksik. Maaaring sumangguni sa mga aklat at
akademikong babasahin. Makipanayam sa mga taong eksperto o dalubhasa sa
paksang pinagtatalunan.

5. Bumuo ng Balangkas. Sa pamamagitan ng pagbabalangkas ay makikita ang


direksiyon ng posisyong papel na iyong isusulat.

Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel:

A. Ipakilala ang iyong paksa. Talakayin sa introduksiyon ang maikling


kaligirang impormasyon tungkol dito. Gumawa ng pahayag na tesis na
iginigiit ang iyong posisyon.

63
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
B. Itala ang mga katwiran ng kabilang panig. Maiksing ipaliwanag ang
bawat katwiran. Banggitin ang mga pinagbatayang sanggunian ng mga
katwirang ito.

C. Isa-isahin ang mga sariling katwiran. Tiyaking may katapat na katwiran


ang bawat isa sa kabilang panig. Maaari ring maglahad ng iba pang katwiran
na walang katapat upang mapatunayang pinakamahusay at pinakamainam
ang iyong posisyon.

D. Pagtibayin ang sariling katwiran. Palawakin pa ang mga paliwanag sa


iyong sariling katwiran. Maglahad pa ng karagdagang ebidensiya upang mas
kapani-paniwala ang iyong katwiran.

E. Lagumin ang mga katwiran at igiit ang iyong posisyon. Ipaliwanag na


ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at karapat-dapat na paniwalaan.

6. Isulat ang iyong posisyong papel. Isulat nang may kumpiyansa sa sarili ang
posisyong papel. Ipahayag nang may awtoridad at kaalaman ang usapin. Patunayan
na ang iyong paninidigan ang tama at karapatdapat na sang-ayunan.

Tandaan na walang saysay ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi
sa publiko. Mahalagang ipaalam sa komunidad, ahensiya o awtoridad ang
paninindigan. Maglathala ng maraming kopya at ipamahagi. Maaaring magbigay ng
kopya sa mga estasyon ng radyo at telebisyon. Sa kasalukuyan, isang mabisang
paraan din ang paggamit ng social media sa pagpapalaganap nito. Narito ang
halimbawa ng isang posisyong papel:

Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano


Departamento ng Filipino, DLSU

Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Dahil sa pagbura sa


asignaturang Filipino sa kolehiyo bunsod ng Commission on Higher Education/CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, nagpasya ang Departamento ng
Filipino na gawing higit na katangi-tangi ang paggunita sa Buwan ng Wika sa taong
ito sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga adbokasiyang pangwika. Magsasagawa
ang Departamento ng mga gawaing naglalayong imulat ang ating komunidad sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo
lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles
ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas.
Malaki ang pangangailangan sa paglilinaw at pagsusulong ng adbokasiyang
pangwika sapagkat mula pa noong Enero 2013 ay nakikipagdiyalogo na ang
Departamento sa administrasyon ng pamantasan upang hilingin na panatilihin sa
kurikulum ng DLSU ang asignaturang Filipino, ngunit hanggang sa kasalukuyan,
sa kabila ng lahat ng ating pagsisikap na ipaliwanag ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi pa rin isinama ng Komite
sa New Lasallian Core Curriculum (NLCC) ang asignaturang Filipino. Gayunman,

64
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
sinusuportahan ng Komite sa NLCC ang opsyonal na paggamit ng wikang Filipino
bilang wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong kurikulum. Dapat
bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang
wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang
sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas dahil na rin sa ating pinagdaanang malalim
at matagal na kolonisasyon ng mga Amerikano. Hindi rin magiging mabisang wikang
panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham
Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na
magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
paggamit nito sa intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik.
Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay
matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring
disenyo sa kolehiyo.
Sa ganitong diwa, hinihiling namin sa komunidad ng ating pamantasan na
suportahan ang adbokasiya ng Departamento na adbokasiya rin ng libo-libong
mamamayan sa buong bansa at maging sa ibayong-dagat.
Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay
nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating
pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa
ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa
bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng
mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang
Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga
pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan. Ang
wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na
ating pinaglilingkuran.
Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto
ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa
daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano
haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili? Ang pagbura sa espasyo ng
wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa
espasyo nito sa ibang bansa.
Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o
kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100
hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga
kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang
bansa.
Ikaapat, kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo
at pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng
rekognisyon ng CHED sa Departamento ng Filipino bilang Center of Excellence (COE),
ang kaisa-isang Departamento ng Filipino sa buong bansa na may ganitong
karangalan. Mahalagang komponent ng pagiging COE ng Departamento ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may mataas na antas. Kaugnay nito, ang

65
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
Departamento rin ang nagpapatakbo sa operasyon ng Malay, isa sa iilang
multidisiplinaring journal sa Filipino na may rekognisyong internasyonal. Dagdag
pa, kinikilala sa larangan ng malikhaing pagsulat at pananaliksik ang
Departamento, gaya na rin ng pinatutunayan ng mga de-kalidad na publikasyong
inilalathala ng mga guro nito.
Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-iral nito, malaki na ang naiambag
ng Departamento sa pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng
Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International
Conference, na nakapagdulot ng positibong impact ‘di lamang sa ating pamantasan,
kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at lumalahok sa mga ito.
Hinggil sa usaping pangwika, ang Departamento ang isa sa pinakamasigasig sa mga
grupong nagbuo sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL
WIKA) na ngayo’y nangunguna sa pakikipaglaban para sa wikang Filipino sa antas
tersyarya sa buong bansa. Matatandaang sa inisyatiba ng Departamento at sa
pagsuporta ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ay isinagawa sa DLSU-Manila ang
asembliya ng pagtatatag ng TANGGOL WIKA noong ika-21 ng Hunyo. Mananatiling
matatag ang Departamento sa pag-aambag sa mga nabanggit na inisyatiba kung
magkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, na magtitiyak sa patuloy na pag-
iral at pag-unlad nito.
Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong
pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na Lasalyano sa
mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya
ng Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng paglinang ng
Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad
ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan gaya ng Inhenyeriya,
Sikolohiya, Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing pananaliksik.
Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may
sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang
ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong
pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa
ibang pamantasan.
Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding
pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa. Sa
kabutihang-palad, tuloy ang pagsusulong ng adbokasiyang makabayan sa wika at
edukasyon ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa. Maging ang
administrasyon ng ilang unibersidad gaya ng University of the Philippines, University
of Asia and the Pacific, Philippine Normal University, Polytechnic University of the
Philippines, National Teachers’ College, Assumption College, Mapua Institute of
Technology, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Xavier University, De La Salle-
College of St. Benilde, De La Salle University-Dasmariñas, Technological University
of the Philippines, at iba pa, ay nagpahayag ng suporta sa pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo sa pamamagitan ng paglagda sa mga posisyong
papel na inihanda ng kani-kanilang mga Departamento ng Filipino, o kaya’y
paglalahad ng komitment na magdaragdag ng required na asignaturang Filipino.
Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang
adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng

66
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-
pakinabang na mamamayan ng ating bansa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng
ating sama-samang pagkilos, ang makabayang adbokasiya sa wika at edukasyon ng
ating unibersidad na nagluwal na ng mga makabayang lingkod-bayan gaya ni
Senador Lorenzo M. Tañada at mga makabayang edukador gaya ni Br. Andrew
Gonzalez, FSC, ay patuloy na mananatiling buhay ngayon at magpakailanman.
Hanggang sa mangyari iyon ay ipagluluksa natin ang pagkamatay ng asignaturang
Filipino sa ating pamantasan. Ipagluluksa natin ang katotohanan na sa kasaysayan
ng ating pamantasan, sa ating henerasyon ay namatay ang ating wikang pambansa.
Sa ganitong diwa, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa
mga panawagan ng Departamento ng Filipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim
na damit o itim na ribbon araw-araw ngayong buwan ng Agosto. Ang gawaing ito ay
simula pa lamang ng ating tuluy-tuloy na pakikibaka para sa kapakanan ng wikang
Filipino at nasyonalistang edukasyon.
Para sa regular na update hinggil sa pambansang pakikibaka para sa wikang
Filipino at makabayang edukasyon, hinihikayat din ang lahat na bisitahin ang
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Isulong ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo!


Gamiting wikang panturo ang Filipino sa iba’t ibang asignatura!
Itaguyod ang makabayang edukasyon!

Etika sa Pagsulat
Ang etika sa pagsulat ay nagsisilbing batayan o gabay ng manunulat sa mga dapat
niyang gawin bilang kaniyang obligasyon, pananagutan at karapatan sa pagsulat.
A. Copyright – Nakapaloob sa sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang
Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng manunulat, gayon din
ang paggamit sa mga likha ng mga siyentipiko, imbentor, artista at iba pang
mamamayan sa kanilang intelektwal na pag-aari at mga nilikha. Sa pagsisipi at
pagbubuod, dapat na kilalanin ng manunulat ang kaniyang pinaghanguan ng
mga datos, petsa at ang orihinal na may akda ng impormasyon o ideyang ginamit.
B. Plagiarism – Ito ay ang maling paggamit at pagnanakaw ng mga ideya,
pananaliksik, lenggwahe at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito. Upang
maiwasan ang plagiarism, dapat banggitin ang may-akda ng bahaging sinipi at
ideyang kinuha. Lagyan ng panipi ang hiniram na direktang salita o pahayag.
Gumamit ng sariling pananalita at paghahalaw o paraphrasing sa pagbubuod ng
akda.
C. Paghuhuwad ng Datos- Ang pag-iimbento, pagbabawas at pagmomodipika ng mga
datos ay labag sa etikal na pagsulat.

67
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
Gawain 1. Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong at sagutin ang mga
ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Ilahad ang sariling pagpapakahulugan sa posisyong papel batay sa sarili


mong pag- unawa.
2. Isa-isahin ang mga layunin sa pagsulat ng posisyong papel.
3. Ilarawan ang mga mahahalagang katangian ng posisyong papel.
4. Isa-isahin ang nililinang na mga kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel.
5. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng mambabasa sa pag-
sulat ng posisyong papel.

Gawain 2. Balikan ang halimbawa ng isang posisyong papel na pinamagatang


Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano mula sa
Departamento ng Filipino, DLSU. Sagutin ang sumusunod na tanong sa
baba. Gumamit ng sagutang papel.

1. Ano ang nais ipabatid ng binasang posisyong papel?


2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
3. Ano-ano ang mga ebidensya o katwiran tungkol sa isyu?
4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
5. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong paninindigan sa isyu?

Panuto: Tukuyin ang salitang nakatago sa ginulong mga letra upang mapunan ang
patlang sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Alamin ang lahat ng _____________________ upang mapagtibay ang iyong


paninindigan. p s b l n g e i o hmnoa

2. Pinakasentro ng iyong ____________________ ang paksang sinusuportahan ng


pananaliksik. p s s y n g o i o pplae

3. Kinakailangan ang paunang ____________________ upang mapalalim ang


pagkaunawa sa paksa. p n n l k s k i i a a a

68
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
4. Maaaring magsagawa ng interbyu o pagtatanong sa mga taong may _____________
sa paksa. w t o r d a i a a

5. Naipakikilala ang ____________________sa komunidad ng mga may kinalaman sa


nasabing usapin. d r k l b d d e a i i i

6. Sa pamamagitan ng pagbabalangkas ay makikita ang _______________ ng


posisyong papel na iyong isusulat. d r k s y o n e i

7. Tandaan na walang saysay ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa
____________________. p l k b o i u

8. Ang posisyong papel ay isang sulating akademiko na nagsasaad ng tiyak na


_____________________ ng manunulat tungkol sa isang mahalaga at
napapanahong isyu. n n n d g n p i i i a a

9. Naglalayong itong ______________ ang mga mambabasa na pumanig o sumang-


ayon sa manunulat sa pamamagitan ng mga inilahad na katwiran o ebidensya.
hmkniiu

10. Ang pinakasimpleng anyo ay ang ______________ na nagsasaad lamang ng mga


pananaw ng manunulat hinggil sa balita o artikulong kaniyang nabasa mula sa
pahayagan o magasin. i a h l m a s d t i r o e

Gawain 1. Pumili ng napapanahong usapin na may kaugnayan sa iyong strand.


Tiyakin na ang pipiliing usapin ay may magkaiba o makasalungat na
panig. Pagkatapos ay gawan ito ng sariling balangkas upang makabuo
ng posisyong papel. Sundin ang gabay sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

__________________________________________________
Pamagat
Introduksiyon:
I. _____________________________________________________________________
II. _____________________________________________________________________
Katawan:
I. ______________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
II. ______________________________________________________________________
A. ______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________

69
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
III. _____________________________________________________________________
A. _______________________________________________________________
B. _______________________________________________________________
Kongklusyon:
I. ______________________________________________________________________
II. ______________________________________________________________________

Gawain 2. Mula sa binuong balangkas, sumulat ng sariling posisyong papel batay


sa ipinaliwanag na mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Sundin
ang pamantayan sa baba. Gumamit ng sagutang papel.

Pamantayan Puntos
Nakapaghanay ng sariling at kasalungat na katwiran 5
Nakabuo at solidong naipaliwanag ang paninindigan 5
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin 5
Nakasulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na 5
paggamit ng wika
Nakabuo ng sulating may batayang pananaliksik 5
Naisasaalang-alang ang etika sa binuong akademikong sulatin 5
Kabuoan 30 puntos

A. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang katangian ng posisyong papel na


inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A. angkop na tono C. solidong posisyon


B. malinaw na paksa D. mapangumbinsing argumento

1. Napapanahon at pinagtatalunan ng tao


2. Batayan ng respeto at tiwala ng mambabasa
3. Hindi nagmamalaki o nagyayabang sa oposisyon
4. May ebidensya at katibayan ang bawat katwiran
5. Naipaliliwanag ang kahulugan at kabuluhan ng isyung paninindigan.
6. Parehong inilalahad ang sariling katwiran gayundin ang kasalungat na katwiran.
7. Ang paglalatag ng sariling katwiran, gayundin ang kasalungat ay dapat na may
batayan.
8. Isinasaalang-alang ang nagsasalungatang argumento na maaaring sang-ayunan
at kontrahin.
9. Kadalasang ginagamitan ng pormal na pananalita ang mga mabibigat at seryosong
isyu o paksa
10. Gumagamit ng mga salitang direkta at payak ngunit hindi balbal upang madaling
maunawan ang iyong sulatin

70
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
B. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na proseso. Tukuyin ang hakbang
sa pagsulat ng posisyong papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Pumili ng paksa.

B. Hamunin ang napiling paksa.


C. Magsagawa ng paunang pananaliksik.

D. Ipagpatuloy ang pangangalap ng matibay na ebidensiya.

11. Magbasa ng mga aklat, pahayagan at mga nailathalang pag-aaral.


12. Alamin ang lahat ng posibleng hamon upang mapagtibay ang iyong paninindigan
13. Matapos mong matukoy ang posisyong susuportahan at kahinaan ng kabilang
panig ay magpatuloy pa sa mas malalim na pananaliksik.
14. Gumamit ng mga datos, opinyon, estadistika at iba pang anyo ng katibayan
upang maging kapani-paniwala at mapagkakatiwalaan ng mambabasa.
15. Pumili ng paksang batay sa iyong interes, nauunawaan at may malawak na
kaalaman upang mapagtibay ang iyong paninindigang opinyon o posisyon.

Panuto: Sundin ang sumusunod na mga hakbang sa baba upang maisagawa ang
gawain sa bahaging ito. Gumamit ng sagutang papel.
1. Humanap ng limang tao na kapapanayamin. Maaaring mga kamag-aaral o
kaibigan na maaring makapanayam sa pamamagitan ng Facebook Messenger o
anomang uri ng social media. Kung walang internet, maaaring kapamilya na
kasama sa bahay.
2. Alamin ang kanilang panig kung sila ba ay tutol o sang-ayon sa paksang nasa
baba. Hingin ang kanilang paliwanag kung bakit ito ang kanilang panig.
Paksa: “Tuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.”
3. Gumawa ng kongklusyon ukol sa mga nakalap na sagot. Sa kongklusyon ay
dapat na mailahad din ang iyong paninindigan. Sundin ang gabay sa ibaba.

Kongklusyon: ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

71
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
(AKADEMIK)_ARALIN5
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
72
Isaisip
Subukin
Balikan
Tayahin 1. posibleng hamon
Malayang 1. D
2. posisyong papel
Sagot 2. D
1. B 3. pananaliksik
2. A 4. awtoridad 3. C
3. D 5. kredibilidad Tuklasin 4. A
4. C 6. direksiyon Malayang 5. B
5. B 7. publiko Sagot 6. D
6. C 7. B
8. paninindigan
7. D Pagyamanin 8. D
9. himukin
8. D Malayang 9. B
10. liham sa editor
9. A Sagot 10. A
10. A 11. C
Karagdagang 12. D
11. C Isagawa
Gawain 13. C
12. B Gawain 1 at 2
13. D Malayang Sagot 14. B
Malayang
14. A 15. C
Sagot
15. A
Aklat

Constantino, P. et al., (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Manila: Rex


Book Store.

Bernales, R. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya


Piblishing House Inc.

Garcia, F. (2016). Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larangan (Akademik).
Quezon City: Sibs Publishing House.

Website

Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Posisyong Papel ng Kagawaran ng


Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad, Maynila: Sta. Mesa, Manila.Web. Hunyo 20, 2014. Makikita ang
dokumento sa https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-
segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-
pagtatanggal-ng/727134210658842/

Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila. Pagtatanggol sa Wikang


Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano, Maynila: Taft, Manila.Web. Marso 25
2015. Makikita ang dokumento sa
http://www.manilatoday.net/pagtatanggol-sa-wikang-filipino-tungkulin-ng-
bawat-lasalyano/

Fleming, Grace. How to Write a Position Paper. Hulyo 20, 2019. Makikita ang
dokumento sa https://www.thoughtco.com/how-to-write-a-position-paper-
1857251

PhilStar. EDITORIAL - Another law vs terrorism, Pebrero 28, 2020. Makikita ang
editoryal kartun sa https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com
/opinion/ 2020/02/28/1996625/editorial-another-law-vs-terrorism/amp/

PhilStar Pang-Masa. EDITORYAL – Sa mga unibersidad at kolehiyo: H’wag kitlin ang


Wikang Filipino. Hunyo 3, 2019. Makikita ang editoryal kartun sa
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2019/06/03/1923084/editoryal-sa-mga-unibersidad-at-kolehiyo-hwag-
kitlin-ang-wikang-filipino/amp/

73
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN5
SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling
(LEARNING
Larang AREA)
(Akademik)
(QUARTERMarkahan
Ikalawang NUMBER)
(MODULE
Aralin NUMBER)
6: • Pagsulat ng Organisado,
Malikhain, Kapani-paniwalang
Sulating batay sa Maingat, Wasto at
Angkop na Paggamit ng wika
• Pagbuo ng Sulating may
Batayang Pananaliksik ayon sa
Pangangailangan
• Pagsasaalang-alang sa Etika sa
Binubuong Akademikong Sulatin
(Replektibong Sanaysay)

74
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin


CS_FA11/12PU-0p-r-94
● Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit
ng wika CS_FA11/12WG-0p-r-93
● Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan CS_FA11/12PU-0p-r-95
● Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
CS_FA11/12EP-0p-r-40

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay pasulat na presentasyon o kritikal na pagmumuni-muni tungkol sa isang


tiyak na paksa.
A. Lakbay Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Panukalang Proyekto D. Replektibong Sanaysay

2. Ang nilalaman ng isang repleksyong papel ay katulad ng isang _______________.


A. dayari o journal C. pinangangatwiranan
B. karanasan D. proyekto

3. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, ang manunulat ay gumagamit ng


panghalip na nasa_________
A. unang panauhan C. ikatlong panauhan
B. ikalawang panauhan D. una at ikalawang panauhan

4. Ito ay patuloy na proseso na humahantong sa komitment upang mapagbuti


ang isang pansarili o propesyunal na gawain
A. pag-iisip C. pakikipagtalo
B. pangangatwiran D. pagmumuni-muni

5. Bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ang


replektibong sanaysay ng ___________ o patotoo batay sa iyong mga
naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging
mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
A. kabuluhan C. pangangatwiran
B. kagandahan D. patunay

75
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
6. Isa sa mga gabay sa pagsulat ng repleksyong papel ay ang _______ na
naglalarawan sa isang reaksyon at pagsusuri sa iyong nabasa at kaalaman.
A. buod C. iniisip at reaksyon
B. kongklusyon D. organisasyon

7. Nakapaloob sa bahaging ito ng replektibong sanaysay ang tuwiran o di tuwirang


pahayag ng paksa.
A. katawan C. simula
B. kongklusyon D. wakas

8. Sa bahaging ito matatagpuan kung paano gagamitin ng may- akda ang


kanyang mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
A. katawan C. simula
B. kongklusyon D. wakas

9. Layunin kung bakit kailangang magnilay o magkaroon ng repleksyon.


A. Makabuo ng panukala
B. Makapaglahad ng posisyon
C. Maproseso ang ating sariling pagkatuto
D. Makabuo ng isang posisyong papel na pangangatwiranan

10. Ang sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay maliban


sa____________.
A. isulat ito gamit ang ikatlong panauhan ng panghalip
B. gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata
C. gumamit ng pormal at konbersasyunal na pananalita sa pagsulat
D. magkaroon ng isang tiyak na paksa na iikutan ng nilalaman ng sanaysay

II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang salita/mga salitang
may salungguhit sa pangungusap. Kung mali, isulat ang tamang salita.

11. Nais iparating ng posisyong papel ang pansariling karanasan ng manunulat.


12. Sinasabing sa etika ng pagsulat dapat may mga batayan, sinusunod na
pamamaraan, ideya at mga gawi sa larangan ng pagsulat.
13. Dapat na mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa sa bahaging panimula
ng replektibong sanaysay.
14. Gawing lohikal at organisado ang pagsulat ng mga talata sa replektibong
sanaysay.
15. Ang replektibong sanaysay ay naglalahad ng mga pangyayaring magaganap pa
lamang

76
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
Ikawalong Linggo
● Pagsulat ng Organisado,
Malikhain, Kapani-paniwalang
Sulating batay sa Maingat, Wasto
Aralin at Angkop na Paggamit ng wika
6 ● Pagbuo ng Sulating may Batayang
Pananaliksik ayon sa
Pangangailangan
● Pagsasaalang-alang sa Etika sa
Binubuong Akademikong Sulatin
(Replektibong Sanaysay)

Panuto: Sagutin ang tanong sa baba. Gumamit ng sagutang papel.

Bakit kailangang may batayang pananaliksik ang pagsulat ng


Posiyong Papel?

Mga Tala para sa Guro


Ang wastong paggabay sa mga mag-aaral sa pagsulat ng
replektibong sanaysay ay lubusang makatutulong sa kanila sa pagsulat
ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na uri ng sulating ito.
Mahalagang bigyang-diin sa pagtalakay ang mga bagay na dapat
naisaalang-alang sa pagsulat ng tatlong mahahalagang bahagi - ang
panimula, katawan at kongklusyon. Gayundin, ang pagsusuri sa ibinigay
na halimbawa ay magsisilbing gabay sa pagsulat ng isang maayos, wasto
at angkop na paggamit ng wika sa replektibong sanaysay.

77
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, ilahad ang iyong pang-unawa sa
sanaysay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Replektibong Sanaysay

Sa pagtahak ng tao sa landas ng kaniyang buhay sa araw-araw, may mga


suliranin o pagsubok siyang nararanasan na minsan ay kailangan niyang suriin o
iproseso upang mapagtagumpayan. Dito makatutulong ang pagsulat ng replektibong
sanaysay.

Ang replektibong sanaysay o repleksyong papel (tinatawag ding Reflective


Paper o Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagbabalik-tanaw tungkol sa isang tiyak na paksa (Bernales et. al,
2017).

Ito ay naglalahad ng mga pangyayaring naganap na. Masining itong pagsulat na


may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa mga nangyayari sa buhay.
Ito ay isang pagsasanay sa pagninilay. Sa pamamagitan nito, nababatid natin ang
ating iniisip, damdamin o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao at kung
paano naaapektuhan ang mga ito.

Nais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at


natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na
mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung
maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian (brainly.ph/question).

78
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
Ang repleksyong papel ay isang sanaysay na nangangailangan ng mga
sumusunod: 1) Introduksyon 2) Katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong
nadarama at 3) Kongklusyon. Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo,
kami) sa repleksyong papel dahil nirerekord dito ang mga sariling kaisipan,
damdamin at karanasan. Ito ay tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang
bagay. Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-aanyaya ng self-reflection o
pagmumuni-muni. Ang repleksyong papel ay tala ng mga kaalaman hinggil sa isang
bagay. Kung gayon, ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap
mula sa labas (libro, lektyur, karanasang pampaaralan at iba pa at ng inyong
internal na pang-unawa at interpretasyon sa mga ideyang iyon.
(http//www.une.edu)

Binanggit sa aklat nina Bernales R. A. et. al. (2017) na si Maggie Mertens ay


nagbigay ng mga gabay sa pagsulat ng replektibong sanaysay:

1. Mga Kaisipan at Reaksyon. Kapag nagsusulat ng isang repleksyong papel


tungkol sa panitikan o sa karanasan, mahalagang isama ang iyong mga
saloobin at reaksyon sa binasa o karanasan. Maaari mong ilahad ang iyong
mga naging damdamin hinggil sa binasa o karanasan. Maaari ka ring
gumamit ng repleksyong papel sa pagsusuri sa iyong nabasa. Tulad ng iba
pang papel o sanaysay, nararapat na magtaglay ito ng kaisahan. Tukuyin ang
mga bahagi ng binasa o karanasang nagbigay ng inspirasyon sa damdaming
inilarawan sa repleksyong papel. Maaari mong isama ang personal na
karanasan ngunit huwag umasa sa mga ito, dapat naibatay ang iyong mga
reaksyon at repleksyon sa materyal na kung saan ay ang iyong paksa.

2. Buod. Ang pagsulat ng repleksyong papel ay hindi simpleng pagbubuod ng


binasa o karanasan. Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng
sanaysay na naglalarawan sa iyong reaksyon at pagsusuri sa iyong nabasa o
karanasan. Gayunman, ito ay mas pormal kaysa journal entry kaya hindi
naangkop ang impormal na wika at anyo.

3. Organisasyon. Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng


iba pang pormal na sanaysay. Maglaan ng introduksyon katulad halimbawa
ng paglalarawan ng iyong mga inaasahan bago magbasa o gawin ang isang
bagay. Ang katawan naman ng papel ay maaaring magpaliwanag sa mga
kongklusyong nabuo mo at kung bakit at paano, batay sa mga kongkretong
detalye mula sa pagbabasa o karanasan. Maaaring tapusin ang papel sa
pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga natamo mula sa binasa o
karanasan. Maaaring iugnay iyon sa iyong mga inilahad na inaaasahan o
humantong sa ibang kongklusyon ng binasa o karanasan kaugnay ng iyong
mga damdamin at reaksyon.

Ayon kay Moon (1999) (https//www.coursehero.com) may mga layunin kung


bakit kailangang magnilay o magkaroon ng repleksiyon. Nagninilay o nagkakaroon
tayo ng repleksiyon upang:

79
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
● Maproseso ang ating sariling pagkatuto.
Magbalik-tanaw sa ilang bagay-sariling asal, mga nagawa, o produkto ng
inasal ng isang indibidwal mula sa ibang tao (halimbawa sanaysay, aklat,
pagpinta at iba pa).
Makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan.
Mapaunlad ang sarili.
Magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin.
Mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal.

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula
Sa bahaging ito sinisimulan ang pagpapakilala sa paksa o gawain. Maaaring
ipahayag nang tuwiran o di-tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay
mabigyang panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw sa interes ng
mambabasa.

2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang
maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at
natutuhan. Ipinaliliwanag din ang mga bagay ang nais ng mga manunulat na
baguhin sa karanasan, kapaligiran o sistema.

3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at
kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.
Dito na rin niya masasabi ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng
katauhan at kaalaman para sa lahat.

Ayon kina Julian A. B. at Lontoc N. B. (2017), may mga dapat na isaalang-


alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay:

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.


2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang
mga panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa
personal na karanasan.
3. Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang
magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo
ang pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa
akademikong sulatin.

80
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling
maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang
maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
introduksiyon, katawan at kongklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

Sa pagsulat din ng replektibong sanaysay mahalaga na maunawaan natin ang


tinatawag na etika ng pagsulat. Ito ay ang sistemang kinapapalooban ng
responsibilidad sa larangan ng pagsulat, ang konsepto ng paggamit ng wasto at
maling pananalita, at mga batayan ng pangangatwiran.
Sinasabing sa etika ng pagsulat ay dapat may mga batayan, sinusunod na
pamamaraan, ideya at mga gawi.

Halimbawa ng Replektibong Sanaysay


Kalabang Hindi Nakikita
Ni: Nimfa G. Dalida

Maaga pa’y gumising na ako upang makinig ng balita kung may pagbabago
na sa sitwasyon ng buong bansa. Inaalam ko ang kalagayan ng mga “frontliners”,
mga OFW at mga kababayang katulad ko ay naapektuhan hinggil sa kalabang hindi
nakikita na kinatatakutan at nilalabanan ng buong mundo kaya dapa’t lang sundin
ang paalalang Stay Home, Save Lives!

Matapos kong mag-agahan ay inayos na ang ilang tanim na gulay sa likod


bahay na dati ay hindi ko binibigyang-pansin. Napatingin ako sa paligid, tahimik at
walang ingay na nagdaraang sasakyan sa kalsada. Mag-iisang buwan na ring ganito
ang takbo at larawan ng buhay. Nalulungkot, nababahala sa nangyayari sa mundo.

Sa kabilang banda minsan napapaisip at nangingiti kapag nakikita ang


kagandahan, katahimikan ng paligid, nakakalanghap ng sariwang hangin, at
maaliwalas ang kalawakan, walang polusyon at magkakasama ang pamilya na ang
ilan ay noon pa lamang nadiskubre ang kahinaan at kalakasan ng bawat miyembro
na dulot ng lockdown, GCQ, ECQ at iba pang katawagan hinggil sa virus na ito na
nagpatigil sa pagiging abala ng mundo. Sa kabila ng banta ng kalabang hindi
nakikita, sa katawagang COVID 19, Delta Variant at ang bagong Lambda Variant ay
sama-sama ang sambayanan, kapit-bisig, wika nga upang ito ay labanan. Walang
hindi makakaya na laging napapatunayan kapag may mga suliranin at kalamidad
na sumusubok sa pagkakaisa ng sambayanan. Sabi nga sa awiting “Pagbangon” ni
Julie Anne San Jose’ “isang bayan tayo’y aahon walang maiiwan sa pagbangon
isang lakas, isang pag-asa patungo sa bagong umaga’’ at sigaw ng sambayanan
Heal as One. Kung pagsubok man ito, may Panginoon na aalalay at hindi tayo
pababayaan.

Marahil ay isa ka rin sa nakararanas ng kalungkutan dahil sa isa na namang


suliranin na kinakaharap ng bansa at nananalangin na dumating na ang panahon

81
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
na ito ay malunasan. Kapit lang at maniwalang may Panginoon na magliligtas sa
ating lahat.

Gawain 1. Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng replektibong sanaysay.


Sagutin ang mga kaugnay na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Tahimik na Martsa ng Tagumpay


ni Eshelle Dado
(ABM Student/Valenzuela National High School)

Nakaupo sa may beranda ng aming bahay naghihintay sa iaanunsiyo ng


presidente kung hanggang kailan ang “Community Quarantine”. Siyempre, isa ako
sa mga mag-aaral na nanalangin na matapos na ito dahil ang inaasam kong Araw
ng Pagtatapos ay malapit na. Matagal ko rin itong hinintay. Naalala ko pa ang unang
araw ko bilang isang mag-aaral sa ikalabing isang baitang, maaga kong inihanda
ang aking mga kagamitan sa kadahilanang ako ay nasasabik sa panibagong mukha
at yugto ng pag-aaral. Pagpasok ko pa lamang sa aming silid-aralan ramdam ko na
ang kagalakan sa bawat isa. Inaasahan ko nang magiging mahirap ngunit masaya
ang aking mga pagdadaanan dito.

Sa unang quarter pa lamang ng klase, kitang-kita ko na, na kaming lahat ay


nagtitiyaga at patuloy na nagsusunog ng kilay upang makakuha ng mataas na
marka. Ngunit bago ko makuha iyon, marami akong pinagdadaanang pagsubok at
hirap. Nagkaroon kami ng pagsusulit sa isa sa aming mga asignatura, nawala sa
aking isip ang mag-aral dahil sa labis na atensyong inilaan ko sa mga di
makabuluhang bagay gaya ng paggamit ng cellphone. Umaasa ako sa aking “stock
knowledge” kaya ako’y nakakuha ng mababang marka, dahil sa pangyayaring iyon,
mayroon akong natutuhan gaya ng huwag ipagsawalang bahala ang pag-aaral bago
sumapit ang pagsusulit at alamin ang limitasyon sa paggamit ng mga gadget.

Lumipas ang mga araw at buwan, mas lalong humirap ang aking mga
pinagdaanan, nagpatong-patong ang mga gawain, mga presentasyon na dapat
paghandaan sa iba’t ibang asignatura, mga biglaang pagsusulit, nakaabang na mga
aralin at dumagdag pa ang mga tungkulin at responsibilidad ko bilang presidente ng
aming klase. Dedikasyon at motibasyon mula sa aking mga kaibigan at pamilya ang
naging sandata ko laban sa puyat, pawis at pagod sa unang taon ko bilang isang
senior high school student na nagbigay sa akin ng karangalan.

Sa aking pangalawa at panghuling taon, may mga bago na namang


asignaturang kailangang pag-aralan. Mas tumindi ang mga naging pagsubok na
kinaharap ko, mas dumami ang mga gawain at presentasyon at mas humirap ang
mga aralin, dumating pa sa punto na papasok ako ng walang sapat na tulog at

82
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
pahinga ngunit dahil sa kagustuhan kong makapagtapos ng may matanggap
parangal, hindi ako sumuko at patuloy na lumaban, ngunit sa kabilang banda,
natutuhan ko rin na balansehin ang oras sa pag-aaral, sa aking sarili, kaibigan at
pamilya.

Hindi ko malilimutan ang mga makabuluhang diskusyon naming sa klase,


hinggil sa marka, tinalakay namin ang kasabihan “ang marka ay mga numero
lamang”, bawat isa sa amin ay nagpahayag ng kanilang mga saloobin at opinyon
ukol dito. Dahil sa diskusyong ito, marami akong natutuhan, ang grado o marka ay
hindi numero lamang ito ay representasyon at resulta ng iyong pagtitiyaga,
dedikasyon at paghihirap. Ito ay ang silid para sa pag-unlad, ang pinagmamalaki at
pinakamagandang silid na dapat mong pasukin, parati nating naisin ang ikakaunlad
at ikakabuti ng bawat isa.

Nalalapit na ang aming pagtatapos ngunit nagkaroon ng hindi inaasahang


pangyayari. Humarap sa isang malaking pagsubok ang buong bansa at dahil hindi
ito natuloy, naudlot ang aming kagalakan at napuno ng kalungkutan ang bawat isa,
dahil ang pagtatapos ang pinakahihintay ng lahat. Ako rin ay dumaan din sa labis
na pagkadismaya at kalungkutan dahil sa mga pangyayari, ngunit kahit di man kami
makapagmartsa, nakapagsuot ng toga, nakakanta ng awitin para sa aming
pagtatapos at nakaakyat sa entablado para sabitan ng medalya, may natitira pa ring
kagalakan sa akin dahil natamo ko ang karangalang with highest honors na aking
pinakamimithi. Mahirap man ang naging karanasan ko gaya ng aking inaasahan,
hindi ko ito makakalimutan. Ang sarap din ng pakiramdam na matapos kayong
magdiskusyon sa ginagawang pananaliksik ay may katatagan kayong haharap sa
panel upang idepensa ang naturang gawa. Ika nga ni Betong, “Amazing.” Marami
itong naituro sa akin, na dadalhin at tatandaan ko hindi lamang sa pagtuntong sa
kolehiyo kundi pati na rin sa laban ng buhay. Habang buhay kong karangalan ang
aking mga natutuhan ngayon sa tahimik na martsa ng tagumpay.

1. Ilarawan ang naramdaman ng may-akda sa panibagong yugto ng kaniyang pag-


aaral.
2. Ano-ano ang mga pangyayaring kakikitaan ng pagiging positibo ng sumulat?
3. Isa-isahin ang mga karanasan ng may akda sa pagtatamo ng tagumpay.
4. Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat na “Tahimik na Martsa ng Tagumpay”.
5. Taglay ba ng akda ang katangian ng mahusay na replektibong sanaysay?
Patunayan.

Gawain 2. Magbigay ng tatlong mahahalagang kaisipang nakuha mula sa binasang


teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kaisipan 1
Kaisipan 2
Kaisipan 3

83
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang mahahalagang
kaisipang may kaugnayan sa pagsulat ng replektibong sanaysay. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang replektibong sanaysay ay tinatawag ding ________________________.


2. Ang replektibong sanaysay ay hindi dayari o _____________, bagaman ito ay
maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga repleksyon.
3. Ang repleksyong papel ay nag-aanyaya ng ______________________ o pagmumuni-
muni.
4. Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa ______________ at ___________
kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon.
5. Sa pagsulat ng repleksyong papel kailangang hanggang dalawa o __________
pahina lamang.

Panuto: Bumuo ng isang replektibong sanaysay na may kaugnayan sa iyong mga


karanasan sa pag-aaral o mga pangyayari sa buhay. Sikaping maging
maikli ngunit malaman at makabuluhan na may pagsasaalang-alang sa
layunin at mga hakbang sa pagbuo ang iyong susulatin. Lapatan ito ng
makatawag pansing pamagat. Gumamit ng sagutang papel.

Rubriks Sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Pamantayan Puntos
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. 5
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na 5
paggamit ng wika.
Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa 5
pangangailangan.
Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin. 5
Kabuoan 20

84
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na


kuro- kuro ng may akda.
A. Balita B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Talambuhay

2. Iba pang mga katawagan sa Replektibong Sanaysay.


A. Persuasive or Reflective Essay C. Journal or Reflective Entry
B. Contemplative or Reflective Paper D. Diary or Reflective Paper

3. Tekstong _________________ ang ginagamit sa pagsulat ng replektibong


sanaysay.
A. naglalahad B. naglalarawan C. nangangatwiran D. nagsasalaysay

4. Ito ay bahagi ng replektibong sanaysay na nag-iiwan ng kakintalan sa mga


mambabasa.
A. katawan B. kongklusyon C. opinyon D. panimula

5. Ang halimbawa ng replektibong sanaysay na ang nilalaman ay hinggil sa


pagtitiyaga at sikap sa pag-aaral.
A. Finish Line C. Tahimik na Martsa ng Tagumpay
B. Kalabang di Nakikita D. Manalangin at Gumawa Para sa Kapwa

6. Ang sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay maliban sa


____________.
A. paggamit ng mga pormal na salita
B. pagkakaroon ng isang tiyak na paksa
C. paggamit ng unang panauhan ng panghalip
D. pagtataglay ng patunay batay sa mga obserbasyon

7. “Marami ang nakadama ng takot sa kalabang di nakikita.” Ang kahulugan ng


kalabang di nakikita ay ___________
A. kaaway na lihim C. nagtatagong mikrobyo
B. isang uri ng sakit D. sakit na dala ng virus

8. Ang sumusunod ay kabilang sa layunin ng pagsulat ng replektibongsanaysay


maliban sa __________.
A. mapaunlad ang sarili
B. maresolba ang sariling suliranin
C. maproseso ang sariling pagkatuto
D. magbigyang puna ang mga pangyayari

85
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
9. Ang sumusunod ang mga bahagi ng repleksyong papel maliban sa _____.
A. panimula B. katawan C. reyalisasyon D. kongklusyon

10. Dito inilalahad ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay


niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.
A. katawan B. kongklusyon C. opinyon D. panimula

II. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI ang isinasaad ng
pangungusap.
11. Ang replektibong sanaysay ay naglalahad ng mga pangyayaring naganap na.
12. Sa pagtatapos sa pagsulat ng replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng
isang kakintalan sa mambabasa.
13. Ipinaliliwanag sa panimula ng replektibong sanaysay ang mga bagay na nais
ng manunulat na baguhin sa kanyang karanasan o kapaligiran.
14. Nararapat na magtaglay ng kaisahan ang replektibong sanaysay.
15. Itinatampok sa replektibong sanaysay ang karanasan ng ibang tao na
isinusulat ng isang manunulat.

Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng replektibong sanaysay sa internet.


Isulat ang buod gamit ang tatlong bahagi ng sanaysay. Ilahad din ang
kaisipan o mensaheng nakapaloob dito. Gumamit ng sagutang papel.

Pamagat
Sanggunian
Panimula

86
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
(AKADEMIK)_ARALIN6
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
87
Tayahin
Pagyama
C Tuklasin
nin
Karagdagang B
Gawain A Malayang
Malayang
B
Malayang Sagot Sagot
C Sagot
C
D
D
C
B
Tama
Tama
Mali
Tama
Mali
Subukin
1. D 6. D
Isagawa 2. A 7. C
Isaisip
3. A 8. B
4. D 9. C
1. contemplative paper
5. D 10. A
2. dyornal
MalayangS 11. Replektibong Sanaysay
3. self reflection
agot sa 12. Tama
4. panitikan at karanasan
13. Kongklusyon
5. tatlong
14.Tama
15. naganap na
Aklat
Bernales, Rolando A., Elimar A. Ravina, at Ma. Esmeralda A. Filipino sa larangang
akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2017
Julian Ailene-Baisa at Nestor B. Lontoc Pinagyamang pluma (K-12) Quezon City:
Phoenix Publishing, 2016.
Internet site
Kinuha sa https://brainly.ph. Kinuha noong Hunyo 15, 2020
Kinuha sa https://elcomblus.com. Kinuha noong Hunyo 15, 2020
Kinuha sa h.mwikipidia:org. Kinuha noong Hunyo16,2020
Kinuha sa https;www.coursehero.com

Kinuha sa http//wwo.une.edu Kinuha noong Hunyo 16,2020

Kinuha sa https//prezi.com. Kinuha noong Hunyo15,2020

Kinuha sa Error! Hyperlink reference not valid. Academic.edu/356606

Kinuha sa https//brainly.ph

88
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City

Telefax: 02-292-3247

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

89
DO_Q2_FILIPINOSAPILINGLARANG
(AKADEMIK)_ARALIN6

You might also like