You are on page 1of 11

Kagamitang Pampagkatuto 11- FPL-AKADEMIK-Q4-003

Kahulugan ng mga Terminong Pang- Akademiko na may


Aralin Kaugnayan sa Piniling Sulatin
3 (Linggo 11-13)

Panimula

Ang araling ito ay tungkol sa kahulugan ng mga terminong akademiko na may


kaugnayan sa piniling larang kung saan magagamit ng mga mag -aaral ang kalikasan ng
wika sa pagbuo ng mga sulatin. Pasulat man o pasalita, ang mga mag -aaral ay inaasahang
makasusuri at makasusulat ng sulating akademiko na may kaugnayan sa piniling larang sa
hinaharap.
Inaasahan ang mga mag-aaral na:
 Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90)
ALAMIN!
Paunang Pagtataya
Panuto : Basahin at unawain ang bawat pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay maaaring gawin ng kalihim, typist, o mag-uulat sa korte.
a. Katitikan ng pulong
b. Sintesis
c. Bionote
d. Naratibong pag-uulat
2. Maikling lagom ng isang pananaliksik, tisis, rebyu, daloy ng kumperensya o anomang
lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina.
a. Katitikan ng pulong
b. Sintesis
c. Bionote
d. Abstrak
3. Pagpapahayag ng kaisipan, pananaw, saloobin ng isang tao sa harap ng madla.
a. Talumpati
b. Sintesis
c. Bionote
d. Abstrak
4. Ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong
maresolba ang isang tiyak na problema.
a. Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

1
5. Isang talaan ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong.
a. Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong
6. Ito ay nagsisimula sa pangalan ng samahang nagsagawa ng pulong, lugar, petsa,
talaan ng mga taong dumalo, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng tagapanguna
sa pagpupulong at napag-usapan sa pagpupulong.
a. Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong
7. Sa bahaging ito inilalahad ang maikling deskripsyon ng proyekto, ang panlahat at
tiyak na layunin nito,
a. Pamamaraan ng Proyekto
b. Deskripsyon ng Proyekto
c. Kategorya ng Proyekto
d. Rasyonal ng proyekto
8. Sa bahaging ito, pinapakita ang detalyadong pagkukunan ng badyet na gagamitin sa
proyekto.
a. Benepisyo dulot ng proyekto
b. Panukalang badyet
c. Kategorya ng proyekto
d. Rasyonal ng proyekto
9. Ito ang unang makikita sa bahagi ng panukalang proyekto.
a. Deskripsyon ng proyekto
b. Proponent ng proyekto
c. Kategorya ng proyekto
d. Pamagat ng proyekto
10. Ito ay puwedeng gawin ng kalihim, typist/encoder o reporter sa korte.
a. Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong

Pagpapaunlad

A. Kuwentuhan Tayo!
1. Nakadalo ka na ba sa isang pagpupulong? Anong pagpupulong ang
nadaluhan mo na? Isulat ang mga pahayag na ginamit sa pagdalo mo sa
pagpupulong? Ano ang napansin mo sa mga pahayag na ibinigay?
2. Naranasan mo na bang mamuno sa isang pagpupulong? Ano ang inihahanda
ng namumuno sa pagpupulong kapag nagpatawag siya ng pulong? Ano
naman ang inihahanda ng kalihim pagkatapos ng pagpupulong? Isulat sa
sagutang papel ang mga inihahanda ng namumuno at ng kalihim. Ano ang
isinasaalang -alang sa ganitong paghahanda?
3. Mahalaga ang pagpupulong sa isang samahan /pangkat/ organisyasyon
upang maipahayag ang kailangang ipabatid at makapagbahagi ng kani-
kanilang mga opinyon para sa ikatatagumpay ng kanilang samahan/
organisasyon. Kinakailangan ang ibayong paghahanda upang
maisakatuparan at maging matagumpay ang pulong. Kaugnay nito, ang

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

2
sumusunod ay mga terminong ginagamit upang mas lalong maunawaan ang
mga pagpupulong:

A. Katitikan ng Pulong / “Minutes of the Meeting”


Ang katitikan ng pulong ay puwedeng gawin ng kalihim, typist/encoder
o reporter sa korte. Maaaring gumamit ng shorthand notation, pagkatapos ay
ihanda at ipamigay sa mga kalahok. Maaari rin namang ang pulong ay video
- recorded. (Maraming ahensya ng pamahalaan ang gumagamit ng minutes
recording software upang irekord at ihanda ang lahat ng katitikan sa tamang
panahon).Sa mga pribadong organisasyon, madalas na ang katitikan ay
maikli at tuwiran kaya’t maaaring lagom lamang ng talakayan at mga
desisyong napagkaisahan. Ang katitikan ay nagsisimula sa pangalan ng
samahang nagsagawa ng pulong, lugar, petsa, talaan ng mga taong dumalo,
ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng tagapanguna sa pagpupulong at
ang mga nilalaman o napag-usapan sa pagpupulong.
Adyenda/ Agenda
• Talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
• Mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw
nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, at ang mga
mangunguna sa pagtatalakay.

B. Ang Panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng


mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.
Nagpapakita ng detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa
proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing resources
(Nebiu, 2002).

Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

Proponent ng Pangalan ng indibidwal o organisasyong naghaharap ng


Proyekto panukalang proyekto, adress, telepono o cellphone, e-mail at lagda
Pamagat ng Dapat na tiyak, maikli at malinaw
Proyekto
Kategorya ng Maaaring serbisyo, produkto, worksyap, seminar/kumperensya,
Proyekto patimpalak
Rasyonal ng Ilahad ang background at kahalagahan ng proyekto
Proyekto Ipaliwanag kung anong pangangailangan o problema ang ibig
mong bigyan ng kalutasan gamit ang proyekto at bakit ito karapat-
dapat dito.
Bigyan ito ng maikling kaligiran at kasaysayan.
Hindi dapat humigit sa isang pahina.
- Isama ang reperensya sa proyekto ng mga papel-pananaliksik at
artikulo.
Deskripsyon ng Ilahad ang maikling deskripsyon ng proyekto, ang panlahat at tiyak
Proyekto na layunin nito,
Mga Ilahad dito kung sino at ano ang benepisyong makukuha
Benepisyong pagkatapos maisakatuparan ang proyekto
Dulot ng
Proyekto
Pamamaraan Dito ibinibigay ang detalye kung paano matatamo ang layunin ng
ng Proyekto proyekto. Ilahad din dito ang mga populasyon at kung paano
haharapin ang inaasahang suliranin.

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

3
Plano ng Ilahad dito ang detalyadong paraan ng pagsasakatuparan ng
Implementasyon proyekto at ang detalyadong petsa kung kailan isasagawa ang
at Timeframe bawat hakbang at ang petsa ng inaasahang kumplesyon ng
proyekto.
Plano ng Ilahad dito ang detalyadong iskedyul ng pagsasakatuparan ng
Pagsubaybay at proyekto at kung sino-sino ang mga taong involved sa
Pagtataya pagsasagawa nito. Ilahad din dito ang paraan at petsa ng
monitoring ng mga gawain bilang pagtataya sa progress ng
proyekto.
Mga Pangako Ilahad dito ang ibang pangkat ng tao o organisasyon na maaaring
ng Tambalan maging partner o suporta sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Panukalang Itala ang detalyadong line-item budget. Hatiin ito sa mga kategorya
Badyet tulad ng sahod, fringe benefits, paglalakbay, supplies at
equipments. Siguraduhing isama rin ang anomang overhead costs
na tinatawag ding indirect costs na maiuugnay sa proyekto.
Ilahad din dito ang detalyadong pagkukunan ng badyet na
gagamitin sa proyekto.
Apendiks Dito kailangang maglagay ng karagdagang mga tsart, grap, ulat at
iba pang binanggit sa proposal pero hindi angkop na ilagay sa
pangunahing katawan ng dokumento.

Pakikipagpalihan

A. Magbasa Tayo

KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG PARENTS TEACHERS ASSOCIATION (PTA)


NG PAARALAN NG TAL-UT NATIONAL HIGH SCHOOL

Ika-19 ng Setyembre, 2017


Ika- 3 ng hapon
Sa Covered Court ng Tal-ut National High School

Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id - Kagawad
Kgg. Judith Bacus - Ingat-yaman ng Brgy. ng Valencia, Carcar
City
G. Jekell L. Dela Cerna - Punongguro ng Tal-ut NHS
G. Ruben S. Duterte - Guro
G. Johnrey M. Rafols - Guro
G. Jurren B. Lacson - Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe - Guro
Gng. Angeline D. Amistad - Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra - Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo - Guro
Gng. Jonave A. Manayaga - Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang
hanggang Ika-sampung- Baitang
Di Dumalo
Kgg. Bienvinido Lauronilla - Education Committee ng Brgy. ng Valencia

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

4
Panukalang Adyenda
1. Palarong Panlungsod 2017
2. Kabkaban Festival 2017

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Jekell L. Dela Cerna, ang Punongguro ng TNHS sa
ganap na ika-3:00 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City Hymn (audio). Kasunod ay ang roll-call
na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos ay ipinahayag na mayroong quorum.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong


Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldo ang
Kalihim ng Faculty ng TNHS ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Hunyo
21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa mga tuntunin sa paaralan lalo na para sa mga
transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong opisyales ng PTA.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L. Dela Cerna sa
kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng Barangay para sa
kaunlaran ng paaralan.
- Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina Hon. Bonifacio
Yam-id at Hon. Judith Bacus sa magandang maibubunga ng pagsuporta ng mga
magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t ibang gawain ng paaralan.
- Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong Panlungsod 2017.
Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Tal-ut NHS ay sasali sa Palarong
Panlungsod ngayong Setyembre 28, 2017 hanggang Oktubre 1, 2017. Sa
panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng Mr. and Ms. Palarong
Panlungsod na lalahukan nina Jevy Christy Java at James Brian Banag kapwa
mag-aaral sa TNHS. Ang nasabing contest ay hindi madali sapagkat
nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang kasuotan, make-up,
trainor at transportasyon. Nangangailangn ng 6,000 pesos (package).
Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang paaralan ay wala nang badyet sapagkat
ginastos na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang Pangulo ng PTA na si Gng
Marieta Lauron, ay nanguna sa paghingi ng suhestiyon sa mga magulang sa
nasabing problema. Nagkaroon ng iba’t ibang suhestiyon ang mga magulang at
sa huli ay iminunghaki nilang hahatiin ang pera sa bilang ng mga mag-aaral.
Narito ang resulta
6000 Php (package- costumes, make-up, trainors fee, transpo)
262 bilang ng mag-aaral

= 23.00 bawat bata ang ibabayad

Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.


- Kabkaban Festival 2017- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ruben S. Duterte
sa darating na Kabkaban Festival ngayong Nobyembre 19, 2017 para sa
kapistahan ng lungsod ng Carcar. Inanyayahan ang paaralan na sumali, at
maganda sanang lumahok sapagkat mararanasan ng mga mag-aaral sa unang
pagkakataon ang makasali sa nasabing malaking festival, at malilinang ang
kanilang kasanayan sa pagsasayaw. Ngunit dagdag pa ni G. Duterte na kaakibat
ng malaking responsibilidad ang gawaing ito sapagkat nangangailangan ng
suporta ng magulang at barangay lalong-lalo na sa kaunti lang ang puwersa ng
mga guro. Isa pang suliranin ay ang badyet na gagamitin. Maglalaan ang City
Hall ng pera (150,000 pesos) na ilalaan sa costumes, props, pagkain at iba pa
ngunit maaaring kulangin ang pera at kinakailangan ang tulong ng magulang at
Barangay.

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

5
Hiningan ni G. Duterte ng opinyon at suhestiyon ang mga magulang kung sang-
ayon ba sila sa pagsali ng paaralan. Maraming magulang ang may gusto.
Nagpahayag naman si Kgg. Judith Bacus na sana ang lahat ng opisyales ng
barangay ay tumulong at magkaisa kahit na magkaiba ang partidong
sinusuportahan dahil ang barangay ang may malaking papel sa gawaing ito. Sabi
pa niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang bulsa ay
gagawin nila. Dala ng mga bata sa kanilang pagsali ang pangalan ng Barangay
Valencia kaya nararapat na magkaisa sila.
Sinabi ni G. Duterte na hindi pa pinalano ang pagsali ng paaralan, ngunit sana ay
maging possible.
- Pupunta si G. Dela Cerna at Kgg. Boni Yam-id sa konseho upang sabihin na
lalahok ang paaralan ng Tal-ut sa Kabkaban Festival.

- Magkakaroon din pagpupulong ang barangay ng Valencia kaugnay nito, at


iminungkahi ng Kgg. Bacus na dumalo ang mga magulang para marinig nila ang
plano ng mga opisyales ng Barangay

- Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay sa Kabkaban Festival.

IV. Iba Pang Pinag-usapan

-Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2017. Kalahok nito ay


mga PTA Officers, LGU’s, guro at SSG Officers.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong

- Wala pang petsa.

VI. Pagtatapos ng Pulong

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng Hapon.

Inihanda ni:

KAREN THERESE G. REMOCALDO


Kalihim- Teacher I

Nagpatotoo:

MARIETA C. LAURON
PTA President

Inaprubahan ni:

JEKELL L. DELA CERNA


Punongguro

Pamprosesong tanong;

1. Ano ang napansin mo sa impormasyong ibinigay batay sa katitikan ng pulong?


2. Narinig mo na bang gamitin ang mga pahayag na ito sa karaniwang usapan?
3. Ano-ano ang mga isinasaalang -alang sa ganitong mga pagpupulong?

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

6
Halimbawa ng Panukalang Plano/ Proyekto

Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng ANSHS


-ni Rebecca Aira Baliton at Jean Marie Pael

I. PROPONENT NG PROYEKTO:
ANSHS PTA
II. PAMAGAT NG PROYEKTO:
Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng Aurora National
Science High School
III. PONDONG KAILANGAN:
Php. 237 000
IV. RASYONAL
Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong silid-aklatan sa
Aurora National Science High School.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

· Deskripsiyon :
Pagsasaayos at a-apdeyt ng silid aklatan ng ANSHS.
Layunin ng Proyekto:
Mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya
ang mga mag-aaral ng ANSHS.

VII. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyektong ito ang sumusunod:


· ABC Construction & Renovation Co.
· ANSHS School Library
· ANSHS PTA

VIII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang mga mag-aaral ng ANSHS ay sinasanay na sa mga kakayahang kailangan sa


pananaliksik mula pa sa ika-pitong baitang hanggang sa huling taon ng Senior High.
Kasama pa rito ang mga karagdagang kompetensiyang pinapantayan sa isang Science High
School. Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng mga sangguniang
may mataas na kredibilidad, tulad na lamang ng mga aklat. Bukod sa mataas na kalidad ng
sanggunian, ang pagkakaroon ng mas maayos na silid-aklatan ay makapagbibigay rin ng
tahimik na espasyo sa mga mag-aaral lalo na sa mga nangangailangan ng karagdagang
panahon para matuto.

IX. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinatakda ang sumusunod na mga


gawain o hakbangin.
Tunghayan ang mga hakbangin sa sunod na pahina.

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

7
XI. GASTUSIN NG PROYEKTO
Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang paaralan ng kabuoang halagang Php. 100 000 na
inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

8
Inihanda ni:

JEAN MARIE PAEL


Estudyante ng ANSHS

REBECCA AIRA S. BALITON


Estudyante ng ANSHS

Iminungkahing Pagtibayin:

G. ALBERTINE R. DE JUAN JR.


Gurong Tagapayo

Pinagtibay:

GNG. EDELWINDA S. MONTERO


Punong Guro- ANSHS

Pamprosesong tanong;
1. Bakit mahalagang planuhin muna ang proyekto bago ito ipatupad?
2. Ano ang pinakamahalagang bigyan ng konsiderasyon kapag bubuo ng proyektong
pampaaralan, pambaranggay, pangkabataan man o iba pa?
3. Bakit kailangang bigyang-diin ang kapakinabangang maaaring idulot ng isang
panukalang proyekto?

Paglalapat

A. Natutuhan mo ! Ibahagi mo!


Panuto : Paghambingin ang mga pagkakaiba ng agenda/adyenda, katitikan at
panukalang proyekto gamit ang talahanayang nasa ibaba.

Pagkakaiba ng Adyenda/Agenda, Katitikan at panukalang Proyekto


Adyenda/ Agenda Katitikan Panukalang Proyekto

B.Subukan Natin!
Panuto: Bumuo ng isang napapanahong panukalang proyektong makakatulong
sa inyong paaralan .

Pamantayan sa Pagmamarka:
Titulo ng proyekto – 5 puntos
Hakbang o plano sa paggawa – 10 puntos
Organisasyon/ Kayusan ng proyekto – 10 puntos

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

9
REPLEKSYON

A.Isapuso natin!
Panuto: Punan ang bawat patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Nauunawaan ko na ang katitikan ng pulong ay ___________________


Malaki ang ambag na maaaring maibigay ng panukalang proyekto
dahil___________________________________________

PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay nagsisimula sa pangalan ng samahang nagsagawa ng pulong, lugar, petsa,
talaan ng mga taong dumalo, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng
tagapanguna sa pagpupulong at napag-usapan sa pagpupulong.
a. .Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong
2. Sa bahaging ito inilalahad ang maikling deskripsyon ng proyekto, ang panlahat at
tiyak na layunin nito,
a. Pamamaraan ng Proyekto
b. Deskripsyon ng Proyekto
c. Kategorya ng Proyekto
d. Rasyonal ng proyekto

3. Sa bahaging ito, pinapakita ang detalyadong pagkukunan ng badyet na gagamitin sa


proyekto..
a. Benepisyo dulot ng proyekto
b. Panukalang badyet
c. Kategorya ng proyekto
d. Rasyonal ng proyekto
4. Ito ang unang makikita sa bahagi ng panukalang proyekto.
a. Deskripsyon ng proyekto
b. Proponent ng proyekto
c. Kategorya ng proyekto
d. Pamagat ng proyekto
5. Ito ay puwedeng gawin ng kalihim, typist/encoder,o reporter sa korte.
a. Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong
6. Ito ay maaaring gawin ng kalihim, typist, o mag uulat sa korte.
a. Katitikan ng pulong
b. Sintesis
c. Bionote
d. Naratibong pag uulat

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

10
7. Maikling lagom ng isang pananaliksik, tisis, rebyu, daloy ng kumperensya o anomang
lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina.
a. Katitikan ng pulong
b. Sintesis
c. Bionote
d. Abstrak
8. Pagpapahayag ng kaisipan, pananaw, saloobin ng isang tao sa harap ng madla.
a. Talumpati
b. Sintesis
c. Bionote
d. Abstrak
9. Ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong
maresolba ang isang tiyak na problema.
a. .Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong
10. Isang talaan ng mga paksang tatalakayin sa pagpupulong.
a. .Panukalang proyekto
b. Adyenda
c. Katitikan
d. Pulong

SANGGUNIAN

Elektroniko:

https://philnews.ph/2020/02/08/katitikan-ng-pulong-ano-ang-mga-ito-at-mga-
halimbawa/
https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong
https://www.academia.edu/37753019/Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik
https://sites.google.com/view/e-portfolio-sa-flipino/mga-halimbawa-ng-panukalang-
proyekto/panukalang-plano-sa-pagsasaayos-ng-silid-aklatan-ng-anshs
https://www.panitikan.com.ph/panukalang-proyekto-halimbawa-kahulugan-katangian-
layunin-pagsulat

Property of CID - DepED Lipa City under Learning From Home Scheme 2020

11

You might also like