You are on page 1of 26

Pagsulat ng

Panukalang
Proyekto
Iniulat nila: Jezel Atun at John Karlos Del Rosario
Layunin
• Matutuhan kung ano ang Panukalang
Proyekto at ang mga nilalaman nito

• Matutuhan kung paano makabuo ng isang


epektibong panukalang proyekto
Panukalang Proyekto
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication
Empowerment Collective, ang panukalang proyekto ay isang
proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para
sa isang komunidad o samahan

Nangangahulugang ito'y kasulatan ng mungkahing


naglalaman ng mga planong gawain na ihaharap sa mga tao o
samahang pag-uuukulan nitong siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
Panukalang Proyekto

Ayon naman kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang


detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin

ITO'Y ISANG NAKASULAT NA MUNGKAHI AT SIYANG


IHAHARAP SA MGA TAONG MAKAKATULONG SA
PAGKAMIT NG LAYUNIN PARA SA PAMAYANAN.
Tandaan!
Kailangan na ang mga dokumento sa
gagawing panukalang proyekto ay
MATAPAT na ang pangunahing
layunin ay makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago.
Tandaan!
Walang lugar sa sulating ito
ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang,
bagkus ito'y marapat na
maging totoo sa layunin
Mga Dapat Gawin sa
Pagsulat ng Panukalang
Proyekto
Ang panukalang papel ay dapat magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi:

1. Panimula
2. Katawan
3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at
ang mga Makikinabang nito
1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad o ng samahan upang makatulong


at makalikha ng positibong pagbabago.

Gawing tiyak, akma, at napapanahon ang gagawing panukalang proyekto

Pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala

Makikita rito ang magiging paksa ng panukalang proyekto. Dito tutukuyin ang
kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan.

Maikli lang dapat ang bahagi na ito. Marapat na nakapaloob dito ang
paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paano makakatulong sa
pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay
2. Pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto

Ito ay binubuo ng mga


sumusunod:
1. Layunin
2. Plano ng dapat gawin
3. Badyet
1. Layunin
Kailangang maging tiyak at isulat batay sa
inaasahang resulta ng panukalang
proyekto. Ayon kina Jeremy Miner at
Lynn Miner, ang layunin ay kailangang
maging SIMPLE
1. Layunin SIMPLE
Specific- bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto

Immediate: tiyak na petsa kung kailan ito matatapos

Measurable- may batayan o patunay na masasakatuparan ang nasabing


proyekto
Practical- solusyon sa suliranin

Logical- paraan kung paano makakamit ang proyekto

Evaluable- nasusulat kung paano makakatulong ang proyekto


2. Plano ng dapat gawin
Nakapaloob dito ang mga hakbang na gagawin upang malutas ang suliranin

Dapat na maiplano nang mbauti ayon sa pagkakasunod-sunod ng


pagsasagawa nito, kasama ang mga taong kakailanganin upang
maisakatuparan ang gawain

Dapat ay MAKATOTOHANAN at ikonsodera ang badyet sa


pagsasagawa nito.

Makakatulong ang paggamit ng tsart o kalendaryo para markahan


ang ang pagsasagawa ng bawat gawain
3. Badyet

Pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto

Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan


ng layunin.

Mahalagang mapag-aralan nang mabuti


upang makatipid sa mga gagastusin at upang
maigamit ng wasto ang pondo
Sa paghahanda ng panukalang badyet, isaisip ang mga sumusunod:

1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet


2. Ayusing mabuti ang panukala
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng
mga proyekto at alamin ang mga bagay na kailangan sa panukala
at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang
iyong panukala sa kanilang itataguyod.
4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo.
5. Siguraduhing tama ang iyong ku-kuwentahin.
4. Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at ang makikinabang nito

Sa bahaging ito ay maaaring ilagay ang dahilan kung bakit


dapat maaprubahan ang ipinasang panukalang proyekto

Maaari na rin dito isama ang katapusan o kongklusyon


ng iyong panukala.

Mahalagang maging espisipiko sa tiyak na grupo ng


tao o samahang manginginabang kapag
naisakatuparan ang panukalang proyekto
Balangkas ng
Panukalang Proyekto
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto

Hinango sa inilahad na pangangailangan bilang


tugon sa suliranin

2. Nagpadala

tirahan ng sumulat mg panukalang proyekto


3. Petsa
petsa kung kailan ipinasa ang papel at kung gaano katagal
ang proyekto

4. Pagpapahayag ng suliranin
nakasaad ang suliranin at ang dahilan kung bakit dapat
matugunan ang pangangailangan
5. Layunin

dahilan o kahalagahan bakit isinigawa ang panukala

6. Plano na dapat gawin

talaan ng mga pagkakasunod-sunod ng mga gawain para


sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at
bilang ng araw na gagawin ang bawat isa
7. Badyet

talaan ng mga gagastusin sa pagsasagawa ng proyekto

8. Paano makikinabangan ng pamayanan o ng samahan ang


panukalang proyekto

konklusyon ng panukala kung saan makikita kung sino-sino


ang makikinabang sa proyekto at kung anong benepisyo
ang kanilang makukuha mula rito

You might also like