You are on page 1of 2

ARALIN 7

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO, KATITIKAN NG PULONG AT AGENDA


LAYUNIN:
1. Natutukoy ang layunin, gamit, katangian at anyo ng panukalang proyekto, katitikan ng pulong at agenda.
2. Makagawa at magamit ang nabuong panukalang proyekto, katitikan ng pulong at agenda.

Paunang Gawain: Nakadalo ka na ba ng mga pagpupulong? Isalaysay kung anu-ano ang ginagawa sa pagpupulong.
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

KAALAMAN:
PANUKALANG PROYEKTO
Bago magtangkang sumulat ng isang panukalang proyekto kailangan munang masagot ang mga sumusunod na tanong:
 Ano ang gagawin mong proyekto?
 Bakit mo ito gagawin?
 Sino ang gagawa nito?
 Saan mo ito isasagawa?
 Gaano katagal ito isasagawa?
 Magkano ang halaga ng pagsasagawa nito?
ANG KALIGIRAN NG PROYEKTO
Ipaliwanag kung anong pangangailangan o problema ang ibig mong bigyan ng kalutasan gamit ang proyekto at bakit ito
karapt dapat dito. Kailangan mo rin bigyan ito ng maikling kaligiran at kasaysayan. Hindi ito kailangang humigit ng isang pahina.
Isama ang reperensya sa proyekto ng mga papel-pananaliksik at artikulo. Ang impormasyong ito ay maaaring ilagay sa mga indeks sa
huli.
MGA LAYUNIN NG PROYEKTO
Ilahad ang mga mithiing ibig matamo. Isulat ang pangunahing layunin ng proyekto, isama ang pangalawa at pangatlong
layunin ng proyekto. Ito ay upang makita ang kahalagahan ng naturang proyekto.

METODOLOHIYA NG PROYEKTO
Ito ang magbibigay ng detalye kung paano matatamo ang layunin ng proyekto. Madalas ay nagsisimula ito sa paglalarawan
ng pangkalahatang lapit. Pagkatapos ay nagbibigay larawaan sa metodolohiya, sa populasyong gagamit at kung paano haharapin ang
mga inaasahang suliranin.
1. Ang Lagom ng Lapit sa Proyekto
Sumulat ng ilang maikling talata o bullet points sa iyong pangkalahatang lapit sa proyekto. Isama kung paanong ang mga
kasangkot sa proyekto ay oorganisahin, anong mga kasangkapan sa development at kolaborasyon ang gagamitin, at kung paanong ang
plano ay susubaybayan habang nagpapatuloy.
2. Ang Pagtigil sa Gawain at Paglalaan ng Oras sa mga Gawain
Bumuo ng detalyadong iskedyul ng proyekto. Gumawa ng listahan na kailangang pagtuunan sa proyektong ito. Siguraduhing
ang talaan ay detalyado at ang gampanin ay pinaghahati-hati nng sapat upang ipakita ang pakikipagsapalaran at makagawa ng
makatuwirang pagtantiya sa oras na kailangang ipagsilbi ng isang tao.
3. Mga I-dedeliver kaugnay ng Proyekto
Gumawa ng talaan ng mga i-dedeliver sa mga kliyente sa katapusan at habang nagpapatuloy ang proyekto. Ito ay maaaring
mga produktoo, ulat at iba pang mahahalagang impormasyon. Tiyaking isama ang paglalarawan sa mga i-dedeliver at ang
tinatantiyang petsa ng pagdedeliver.
4. Pakikipagsapalaran sa Pamamahala ng Proyekto
Bigyang pansin ang mga pangunahing pakikipagsapalaran kaugnay ng proyekto at nagpapakita sa mga plano para masugpo o
makontrol ito. Siguraduhing mabigyang pansin ang bawat isang pakikipagsapalaran upang hindi na muling maganap, ganoong din ang
epekto nito sa proyekto at sa organisasyon.
a. Plano sa pamamahala ng pakikipagsapalaran
Ito ay detalyadong plano ng gagawin upang mapigil ang mga salik pakikipagsapalaran na maaaring kaharapin habang
nagpapatuloy ang proyekto.
b. Ang talaan ng pakikipagsapalaran
Siguraduhing isama ang line-item list ng pakikipagsapalaran at counter efforts.
5. Halaga ng Proyekto
Isuma ang pangkalahatang halaga ng proyekto.
a. Badyet ng Proyekto
Ang detalyadong line-item budget ay kailangang hatiin sa mga kategorya tulad ng sahod, fringe benefits, paglalakbay,
supplies at equipments. Isama din ang mga overhead costs na tinatawag ding indirect costs na maiuugnay sa proyekto.
b. Paglalarawan sa Badyet
Ang paglalarawan sa badyet ay talaan ng mga komentaryong kailangan upang linawin at patunayan ang pigura sa badyet.
c. Karagdagang Pahayag Pinansyal
May mga mungkahing proyekto na maaaring mangailangan ng karagdagang pinansyal na statement tulad ng tubo at lost
statement, recent tax return, at annual report o talaan ng mga pinagkukunan ng pondo.
6. Konklusyon
Pagsama-samahin sa lagom na magpapaliwanag sa potensiyal na kahalagahan ng proyekto at mabibigyang diin sa feasibility.
7. Appendix
Maglagay ng mga karagdagang mga tsart, graphs, ulat at iba pa na binanggit sa proposal pero hindi angkop na ilagay sa
pangunahing katawan ng dokumento.
AGENDA
Ang AGENDA ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong. Ang agenda ng pagpupulong ay mahalagang
bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, mga
mangunguna sa pagtatalakay, at ang haba ng bawat isa. Malilikha ang agenda sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
1. Sabihan ang mga dapat dumalo.
2. Buuin ang mga agenda na naglalaman ng mga tatalakaying paksa.
3. Ipakita sa mga nangunguna kung sinang-ayunan nila ang nabuong agenda.
4. Tinganang mabuti kung nangangailangan pa ng pagwawasto ang agenda.
5. Ipamigay ang agenda sa mga dadalo.
KATITIKAN NG PULONG
Ang KATITIKAN ay maaaring gawin ng kalihim, typist/encoder o reporter sa korte. Maaaring gumamit ng shorthand
notation, pagkatapos ay ihanda at ipamigay sa mga kalahok. Maaari rin naman ang pulong ay video-recorded. Maraming ahensya ng
pamahalaan ang gumagamit ng minutes recording software upang irecord at ihanda ang lahat ng katitikan sa tamang panahon.
Sa mga pribadong organisasyon, madalas na ang katitikan ay maikli at tuwiran kayat maaaring lagom lamang ng talakayan at
mga desisyong napagpasyahan. Itinuturing na legal na dokumento ang katitikan kaya kailangan nakatago sa mga talaan.
Sa pangkalahatan, ang katitikan ay nagsisimula sa pangalan ng samahang magsasagawa ng pulong, lugar, petsa, talaan ng
mga taong dumalo at ang oras ng pagsisimula ng tagapanguna sa pagpupulong. Ang katitikan ay naglalaman ng mga sinabi sa
pagpupulong. Ang pagtatapos ng pulong ay maaaring sa pamamagitan ng pagsasabi ng oras ng pagtatapos.

TANDAAN!!!
KATITIKAN AGENDA PANUKALANG PROYEKTO
 Nakatago sa mga  Talaan ng mga  Malinaw
talaan paksang tatalakayin  Tumpak
 Pinag-uusapan sa  Mahalagang bahagi ng  May pokus
pulong pagpapatakbo at  May talaan ng mga taong
 Mga tugon o desisyon pagpaplano ng pulong kasangkot
 Maaaring video  Nililinaw ang layunin  Nakasaad ang dahilan ng
recorded at detalye ng paksa pagsasagawa o layunin
 Maikli o tuwiran  May sipi ang mga  Pagpapaliwanag ng paraan ng
 Legal na dokumento dadalo pagsasagawa
 Mahalaga  Ipinapakita ang mga  Lugar ng pagsasagawa
 Nilalaman mangunguna sa  Tagal ng pagsasagawa
- Samahang pagtalakay
nagsasagawa
- Lugar
- Petsa
- Talaan ng mga
dumalo
- Oras ng pasimula

Inihanda ni: Sanggunian aklat: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko at Sining)
JOAHNA ESPERANZA O. AZORES Nina LOLITA T. BANDRIL at VOLTAIRE M. VILLANUEVA
Guro sa Asignaturang Pagsulat Ng Vibal Group, Inc.

You might also like