You are on page 1of 4

Aralin 7: Pagsulat ng Panukalang Proyekto, Katitikan ng Pulong, at Agenda

Agenda
Ang agenda ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong. Ang agenda
ng pagpupulong ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong
dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, mga mangunguna sa
pagtalakay, at ang haba ng bawat isa.
Hakbang sa paggawa ng Agenda:
1. Sabihin ang mga dapat dumalo.
2. Buuin ang mga agenda na naglalaman ng mga tatalakaying paksa at ang mga
mangunguna.
3. Ipakita sa mga nangunguna kung sinang-ayunan nila ang nabuong agenda.
4. Tingnang mabuti kung nangangailangan pa ng pagwawasto ang agenda.
5. Ipamigay ang agenda sa mga dadalo.

Katitikan
Ang katitikan ay puwedeng gawin ng kalihim, typist/encoder, o reporter sa korte. Maaaring
gumamit ng shorthand notation, pagkatapos ay ihanda at ipamigay sa mga kalahok.
Maaari rin namang ang pulong ay video-recorded. Maraming ahensiya ng pamahalaan
ang gumagamit ng minutes recording software upang irekord at ihanda ang lahat ng
katitikan sa tamang panahon.
 Madalas na ang katitikan ay maikli at tuwiran kaya’t maaaring lagom lamang ng
talakayan at mga desisyong nakapag-isahan.
 Legal na dokumento na nakatago sa mga talaan
 Nagsisimula sa pangalan ng samahang magsasagawa ng pulong, lugar, petsa,
talaan ng mga taong dumalo, at ang oras ng pagsisimula ng tagapanguna sa
pagpupulong.
 Naglalaman ng mga sinabi sa pagpupulong
 Nagtatapos sa pamamagitan ng pagsasabi ngoras ng pagtatapos.

Panukalang Proyekto
Paggawa ng panukalang proyekto sa malinaw, tumpak at nakapokus.
 Itala ang pangalan ng mga taong kasangkot sa proyekto na maaaring makontak.
Isama ang kanilang pangalan, titulo, tungkulin sa proyekto, bilang ng telepono at e-
mail address, at ang lagom ng nilalaman.
 Pagpapahayag ng mga dahilan sa pagsasagawa ng proyekto at mga layunin nito.
 Pagsagot sa mga sumusunod na tanong bago ka magsimula:
 Ano ang gagawin mong proyekto?
 Bakit mo ito gagawin?
 Paano mo ito isasagawa?
 Sino ang gagawa nito?
 Saan mo ito isasagawa?
 Gaano katagal ito maisasagawa?
 Magkano ang halaga ng pagsasagawa nito?
Kaligiran ng Proyekto
 Ipaliwanag ang pangangailangan o problema na ibig mong bigyan ng kalutasan
gamit ang proyekto at bakit ito karapat-dapat dito.

Mga layunin ng Proyekto


 Paglalahad ng mithiing nais matamo.
 Ilista ang pangunahing layunin ng proyekto. Isama ang ikalawa at pangatlong layunin
ng proyekto.

Metodolohiya ng Proyekto
 Nagbibigay ng detalye sa kung paano matatamo ang layunin.
 Nagsisimula sa paglalarawan ng lapit.
 Pagbibigay ng larawan sa metodolohiya, sa populasyong gagamitan, at kung paano
haharapin ang mga inaasahang suliranin.
1. Ang Lagom ng Lapit sa Proyekto
-sumulat ng pangkalahatang lapit sa proyekto
-paano oorganisahin ang mga kasangkot sa proyekto
-anong kolaborasyon at kasangkapan sa development ang gagamitin
-paano ang plano susubaybayan
2. Ang pagtigil sa Gawain at Paglalaan ng Oras sa mga Gawain
-paggawa ng detalyadong iskedyul ng proyekto.
-lista ng mga kailangang pagtuunan ng pansin sa proyekto
-may detalyadong paghahati-hati ng mga gawain
3. Mga I-dedeliver kaugnay ng Proyekto
-paggawa ng talaan ng mga i-dedeliver sa mga kliyente
-ang mga i-dedeliver ay maaaring mga produkto, ulat, at iba pang
mahahalagang impormasyon
-dapat may kasamang paglalarawan ang i-dedeliver
4. Pakikipagsapalaran sa Pamamahala ng Proyekto
-nagbibigay pansin sa mga pakikipagsapalaran kaugnay ng proyekto at
nagpapakita sa mga plano para masugpo o makontrol ito.
 Plano sa pamamahala ng pakikipagsapalaran
-detalyadong plano ng gagawin upang mapigil ang mga salik
pakikipagsalaparan na maaaring kharapin habang nagpapatuloy ang
proyekto.
 Ang talaan ng pakikipagsapalaran
-Siguraduhing isama ang line-item list ng pakikipagsapalaran at counter
efforts.
5. Halaga ng Proyekto
Sa seksiyong ito kailangang masuma ang pangkalahatang halaga ng proyekto.
A. Badyet ng Proyekto
Ang detalyadong line-item budget ay kailangang hatiin sa mga kategorya
tulad ng sahod, fringe benefits, paglalakbay, supplies, at equipments.
Siguraduhing isama ang overhead costs na tintawag ding indirect costs na
maiuugnay sa proyekto.
B. Paglalarawan sa Badyet
-talaan ng mga kkmentaryong kailangan upang linawin at patunayan ang
pigura sa badyet.
C. Karagdagang Pahayag Pinansiyal
May mga mungkahing proyekto na maaaring mangailangan ng karagdagang
pinansiyal na statement tulad ng tubo at loss statement, recent tax return, at
annual report o talaan ng mga pinagkukunan ng pondo.
6. Konklusyon
Sa seksiyong ito ay kailangan mong pagsama-samahin sa lagom na
magpaliwanag sa potensiyal na kahalagahan ng proyekto at mabibigyang diin
sa feasibility.
7. Appendix
Dito ay kailangan mong maglagay ng karagdagang mga tsart, graphs, ulat, at
iba pa na binanggit sa proposal pero hindi angkop na ilagay sa pangunahing
katawan ng dokumento.
Talumpati
 Ang talumpati ay pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng
isang tao sa harap ng madla. Ang layunin nito ay humikayat, magbahagi ng
katotohanan, mangatuwiran, at magbigay kaalaman o impormasyon.
 Sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita sa harap ng mga
tagapakinig.
 Nagdudulot ng sigla o lugod, magbigay papuri, o magpahayag ng katuwiran
 Mauuri ayon sa pagkakataon, okasyon, o pagdiriwang.
 May tatlong bahagi: panimula, katawan o kaalaman, at katapusan
 Panimula-pupukaw sa interes o matawag ang pansin
 Katawan o kaalaman-sa bahaging ito gumagamit iba’t ibang kaparaanan
para mapagtibay ang kanyang ideya, kaisipan, at paninindigan.
-Paglalahad, pangangatuwiran pagbibigay halimbawa, paggamit ng mga
batayan at estadistika, pagsasalaysay.
 Katapusan-nililinaw ng mananalumpati ang kaniyang mga paninindigan,
tinitiyak na nag-iiwan ng kakintalan o impresyon.
 Isaalang-alang ang pagpili ng paksa at pangangalap ng mga datos upang
matiyak na magiging malaman ang pagtalakay.
 Makatutulong ang pagbabalangkas para matiyak ang kaayusan ng saklaw at
pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagtatalumpati:
 Kaaya-ayang personalidad
 Malinaw na pananalita
 Malawak na kaalaman sa paksa
 Maayos at angkop na kumpas
 May ugnayan sa tagapanood
Editoryal
 kumakatawan sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan
 kaluluwa ito ng publikasyon
 layuning magbigay ng kuro-kuro upang magpabatid, magpakahulugan, magbigay
kahulugan, magbigay puri at magpasya.
 Binibigyang linaw ang pagkalito ng mga tao ukol sa kasalukuyang isyu o usapin.
 May tatlong bahagi: panimula, katawan, at wakas
 May iba’t ibang uri: pagsasalaysay, paglalahad, pangangatuwiran, paglalarawan,
pagtutol, nang-aaliw
 Panimula-dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin
-dapat ay maikli ngunit makatawag pansin
-nakabatay sa balita o mahalagang pangyayari
-gumagamit ng tanong at tuwirang sabi
 Katawan- nagpapaliwanag, nagbibigay ng tala, pangyayari, halimbawa
 Pangwalkas- naglalagom ukol sa mahahalagang puntong binigyang-pansin
at bumubuo ng konklusyon.
Kolum
 Regular na lathalain
 Serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pang kauri nito
 May kilalang heading at byline ng manunulat
 Nagbibigay komento sa isang lawak ng interes, politika, teatro, at iba pa.
 Kolumnista ang tawag sa manunulat
 Makikita sa pahayagan, magasin, at iba pang publikasyon
 Maaaring isulat ng isang grupo o pangkat na gumagamit ng pangalan

Pakikipanayam
 Nangangalap ng impormasyon sa pakikipag-usap sa isang dalubhasa
 Maaaring isahan o grupo pangkat kapanayamin
 Ang pagtatanong ay maaaring tiyakin, di-tiyakin o mga tanong na ang kasagutan ay
mga opinion at saloobin

Karikatura
 Gumagamit ng pagpapayak o pagmamalabis na paraan
 Mapang-insulto at mapagbigay papuri
 Ginagamit sa layuning political o manlibang
 Maaaring nagbibigay-puri o nagbibigay ng kritisismo
 pagpapakita ng tao sa tunay na buhay
 cartoon fabrication/fiksyunal na tauhan

Bionote
 maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan
 madalas inilalakip sa naisulat
 isinisulat ng patalata
 mga dapat lamanin ng bionote: personal na impormasyon, kaligirang pang-
edukasyon, ambag sa larangang kinabibilangan

You might also like