You are on page 1of 4

Gawain 1: Layag-Diwa

Basahin ang sumusunod na seleksiyon hinggil sa political dynasty at korapsiyon sa Pilipinas. Pagkatapos
basahin, magtalakayan kayo at mamili ng posisyon kung sa tingin ninyo ay nakasasama o nakabubuti ang
political dynasty sa bansa. Maaari ding maging punto ng argumentasyon kung talaga bang nagiging resulta ng
political dynasty ang korapsiyon o walang kinalaman ang dalawa. Gumawa ng tekstong argumentatibo at
ibahagi sa klase ang kinalabasan ng pagsisiyasat.
Political Dynasty at Korapsiyon sa Pilipinas
Ilan sa mga itinuturong dahilan sa hindi mapatdang krisis pampolitika at korapsiyon sa Pilipinas ang
political dynasty. Tatalakayin ng seleksiyong ito ang kalagayan ng political dynasty at korapsiyon sa bansa.
May ugnayan kaya dalawang ito o sa halip na kahirapan at korapsiyon ay maaaring magdulot ng mabuti ang
political dynasty sa bansa?
Political Dynasty sa Pilipinas
Ayon sa Free Dictionary, ang politikal na dinastiya o political dynasty ay nangangahulugan ng sunod-sunod
na pamumuno ng mga politico na nagmumula sa iisang pamilya o angkan sa isang tiyak na lugar. Kung kaya
nangangahulugan ito na ang isang pamilya o angkan ang may hawak ng kapangyarihan na kumokontrol sa
estado sa magkakasunod na henerasyon. Maaaring inookupa ng magkakapamilya angiisang posisyon sa
magkakasunod na termino o kaya ay sabay-sabay na nakaupo ang mga miyembro ng iisang pamilya o angkan sa
magkakaibang posisyon.
Kung titingnan ang mga pananaliksik sa agham panlipunan kaugnay ng political dynasty, makikitang sa
antas ng lokal na pamahalaan ay hindi naiiwasan ang konsentrasyon ng kapangyarihan at kawalan ng
kompetisyon sa sistemang politikal. Dahil sa kawalan ng kompetisyon na nagdudulot ng pagpapahusay sa uri ng
pamumuno, nagiging balakid ito sa pag-unlad, pagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay, at pagpapatupad mga
reporma upang solusyonan ang kahirapan. Gayunpaman, may ilang pananaw rin na nakabubuti ang mga
political dynasty sa pagpapatupad ng mga sosyo-ekonomikong reporma sa pangmatagalang panahon. Dahil kasi
sa pagpapasa-pasa ng kapangyarihan sa mga kapamilya o kamag-anak, mas naipaplano at natitiyak na
maipatupad ang mga reporma sa pangmatagalang panahon at mas malawak na saklaw. Mula sa dalawang
argumentong inilahad, ang epekto ng political dynasty ay mapatutunayan lamang sa mga aktwal na karanasan at
empirical na datos.
Ang politika sa Pilipinas ay nasa control ng iilang kilala at mayayamang pamilya. Sa lipunang ito, normal
lamang na tumakbo para sa posisyon ang anak, asawa, kapatid, o iba pang kamag-anak ng isang politiko para sa
katulad na posisyon o kaya ay sa iba pang opisina ng gobyerno. Kilala ang gawaing ito bilang political dynasty,
kapantay ng oligarkiya sa agham pampolitika.
Mauugat ang political dynasty sa panahon pa lamang ng kolonyalismong Espanyol kung kalian pinapaburan
ang mga pamilyang may lahing mestiso o kaya ay mga ilustrado upang maging gobernadorcillo o alkalde. Dahil
dito, naging maimpluwensiya ang mga pamilyang ito sa kanilang mga komunidad.
Sa maagang bahagi ng pamumuno ng mga Amerikano sa Pilipinas, ang mga ilustradongg mula sa
kolonyalismong Espanyol ay sumali sa demokratikong prosesong ipinakilala ng mga Amerikano. Ipinakilala ito
sa pamamagitan ng Philippine Bill of 1902. Sa panahong ito, ang mga apelyidong Cojuangco, Lopez, Marcos,
Osmeña, at Aquino ay naglitawan bilag kinikilalang politiko ng bansa sa tiningala na ng bawat pamilyang
Pilipino.
Sa Artikulo II, Seksyon 26 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, tinitiyak ang sumusunod na probisyon: “The
state shall guarantee equal acces to oppurtunities for public service, and prohibit political dynasties as may be
defined by law.” Ngunit sa kabila ng pagtukoy na ito, nanatili ang impluwensiya ng mayayaman at
makapangyarihanng mga pamilya sa politika ng Pilipinas dahil wala pang batas na naipapatupad kaugnay nito.
Sa kongreso, marami ang nananawagan na ipasa na ang Anti-Dynasty Law ngunit pinagpasa-pasahan lamang
mula sapa noong 1987. Paano nga naman ipapasa ng isang kongreso Anti-Dynasty Law na makakasagasa sa
interes ng karamihan sa mga kongresistang nagmula rin sa mga angkan ng mga makapangyarihang politiko sa
kani-kanilang lalawigan at distrito. Sa kabila nito, marami ang bumabatikos at nagsasabing ang ugat ng
suliraning sa korapsiyon ng Pilipinas ay oligarkiya.
Tinukoy ang 169 prominenteng pamilya sa politika ng Pilipinas sa isang pananaliksik na ginawa ni Dante
Simbulan, dalubhasa sa agham pampulitika. Ayon sa kaniya, sa buong kasaysayan, ang mga pamilyang ito ay
nakapagluwal 584 pampublikong opisyal, kasama ang pitong president, dalawang bise president, 42 senador, at
142 mambabatas. Sa ika-14 na kongreso ng Pilipinas (mula Hulyo23, 2007 hanggang Hunyo 4, 2010), naitala sa
sarbey na mahigit 75% ng mga mambabatas ay miyembro ng mga matagal nang kilalang pamilyang politika.
Korupsiyon sa Pilipinas
Ang korupsiyong politikal ay ang paggamit ng kapangyarihan ng mga opisyal na gobyerno upang pribadong
makapag-ari. Masasabing ilegal at matatawag lamang na korupsiyon ang ginawa ng isang politiko kung ito ay
direktang may kaugnayan sa kanilang opisyal na gawain at ginawa sa pamamagitan ng kanilang impluwensiya.
Kabilang sa mga porma ng korupsiyon ang panunuhol, pangingikil, kronismo, nepotismo, graft, at paggamit ng
kagamitan ng gobyerno para sa pansariling interes.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may malalang suliranin sa korupsiyon. Ayon sa pag-aaral ng World Bank
noong 2008, pinakamalala ang korupsiyon sa Pilipinas sa Silangang Asya at siyang kinakikitaan din ng
pinakamabagal na implementasyon ng mga reporma sa pamahalaan. Ayon sa 2009 Corruption Perception
Index, ikatlo ang Pilipinas sa 180 bansang kalahok sa may pinakamalalang korupsiyon sa buong mundo. Halos
kahanay natin ang mga bansang Pakistan, Bangladesh, at Baltic State o Belarus.
May korupsiyon sa halos lahat ng antas ng gobyerno ng Pilipinas lalong-lalo na sa mga opisyal na mataas
ang posisyon, ayon sa US Department of State Investment Climate Statement 2013. Sa kalakhan ay nawawalan
ng tiwala ang mga kompanya sa sistema ng pagsasabatas sa Pilipinas dahil sa napakabagal na pagproseso sa
mga kaso sa hukuman.
Maging ang ilang nasa pinakamataas na posisyon ng gobyerno ay naparatangan at napatunayan na sa salang
korupsiyon. Noong 2004, nasaksihan natin ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na humarap sa
pampublikong paglilitis sa kasong impeachment, si
Gawain 1: Lambat-Likha
Pagbibigay ng argumento sa isang balita o isyu
Nililinaw ng nakaraang aralin ang mga layunin at katangian ng isang tekstong argumentatibo. Humanap ng
anumang kliping sa diyaryo na naglalaman ng balita, editorial, o iba pang uri ng artikulo na tumatalakay sa mga
napapanahong lokal, Pambansa, o pandaigdigang isyu. Pumili lamang ng isang artikulo na may paksang
interesante sa iyo.
Gumawa ng isang presentasyon (MS Word) na maglalahad ng iba’t ibang proposisyon sa isyu at argumento
tungkol dito. Tiyaking malalim ang pagsusuri sa isyu.
Tatayain ang iyong presentasyon batay sa sumusunod na batayan.
Batayan ng Grado Kaukulang Grado
Puntos
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit sa 10 ________________
pagtalakay
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa 10 ________________
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi 10 ________________
ng presentasyon
Matalas ang paraan ng argumentasyon at gumagamit ng 10 _________________
mahahalagang ebidensya
Sumunod sa mga panuntunan ng maayos na pagbibigay ng 10 _________________
argumentasyon
_________________
Kabuuan: (50)

You might also like