Professional Documents
Culture Documents
Pumili ng paksa ayon sa interes upang mapagtibay ang paninindigang opinion o posisyon. Gumamit ng mga
datos, opinyon, estadistika, at iba pang anyo ng mga katibayan upang maging kapanipaniwala at
mapagkakatiwalaan ng mambabasa.
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:
a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon (background
c. Ipakita ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
d. Pangatwiranang pinakamahusay at nakakatayo parin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na
kontra argumento.
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.
f. Sa pagsulat ng posisyong papel, ipahayag ang iyong opinion nang may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon.
Tayo bilang praktikal na pilipino,mas pinipili natin ang pagpunta sa ibang bansa dahil ang katwiran natin ay mas malaki
ang kita doon.Maraming mga studyante na nagtatapos o magtatapos palang ay pinaplano na na mangibang bansa, kung
kaya’t walang pag-unlad na nagaganap sa ating bansa.Oo maraming pilipino ang walang trabaho at ang isa sa mga
dahilan nito ay ang pangingibang bansa ng mga negosyante.Sa halip na sa ating bansa na lamang magtayo ng negosyo
upang masolusyunan ang suliranin ng kakulangan sa trabaho.Sa halip na sa sariling bansa maglingkod ay mas pinipiling
sa hindi natin sariling bansa.Lumalaki ang kita natin bilang isang indibiduwal ngunit paano naman ang ibang tao sa ating
bansa? Ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga ganitong gawain
walang iuunlad ang ating bansa,maraming magugutom at maghihirap sa halip na umunlad tayong mga pilipino.Dapat
nating tangkilikin at isipin o isaalang alang ang ikauunlad ng ating bansa hindi lang sa pansariling kapakanan kundi para
sa nakararami.
Ayon sa aswer.yahoo.com na kalakip ng pangingibang bansa ay napapalayo ang nangingibang bansa sa kanilang pamilya
,kinakailangan din na mabago ang systema ng pamumuhay ng isang pamilya dahil nga napalayo ang isang meymbro nito
.
Ayon sa moneytis.com nakakapagpadala ang mga kababayan natin ng pera taon taon sa kanilang pamilya kaya’t mas
gumaganda ang kanilang pamumuhay .Ang ating bansa ay nakakapagpadala ng halos 29 billiyon US dollars noong 2015
ayon sa World Bank . atang Pilipinas ang panagtlo sa mga bansa na tumatangap ng padalang pera sa buong mundo .
Nakakatulong ang ibang bansa sa atin upang mapanatili ang pagunlad ng bansa. Bagamat maraming mga magagandang
epekto ang pangingibang bansa sa ating bansa.
Assessment:
Balikan ang binasang posisyong papel. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa paninindigan ng
sumulat.
- marami pa ding mga Pilipino ang hindi nagiging maganda ang kapalaran sa ibang bansa ,idagdag mo pa ang
pangungulila nila sa kanilang pamilya. Naandon na tayo na kumikita tayo ng malaki ngunit napapalayo naman sa ating
mga mahal sa buhay. Nakikita dito na napakalaki ng epekto ng pangingibang bansa ng bawat Pilipino sa ating
bansa .Walang kaularang nagaganap sa ating bansa dahil sa halip na mapabuti ay mas lalo lang nagiging mahirap ang
buhay ang buhay natin ,katulad nalang ng mga kababayan nating kinikitil ang buhay sa ibang bansa ng kanilang amo
maging ang gobyerno doon.
-sa ating bansa na lamang magtayo ng negosyo upang masolusyunan ang suliranin ng kakulangan sa trabaho.
3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
- mga studyante na nagtatapos o magtatapos palang ay pinaplano na na mangibang bansa, kung kaya’t walang pag-
unlad na nagaganap sa ating bansa.
-.Dapat nating tangkilikin at isipin o isaalang alang ang ikauunlad ng ating bansa hindi lang sa pansariling kapakanan
kundi para sa nakararami.
-Iba-iba ang dahilan kung bakit umaalis sa bansa ang ating manggagawa. Maaring may mga kababayan tayo na
naging biktma ng ng mga kalamidad, sakuna, o giyera sa ating sariling bansa ngunit hindi lamang ang pag-alis
at pagpunta sa ibang bansa ang paraan upang makaahon at makaalpas sa mga suliranin.
Enrichment Activities:
Pumili ng isang editorial cartoon mula sa local na pahayagan. Pagkatapos idikit ito sa isang bond paper. Tukuyin
ang mahahalagang isyu na binibigyang diin ditto. Bumuo ng mga argumento at ipaliwanag ng matibay at
mapanghikayat ang iyong pinaninindigang opinion. Iayos ang detalye upang makabuo ng posisyong papel.
-Para tulungan ang pamilya. Kadalasan, mas malaki ang nakukuhang sahod ng isang OFW kumpara sa ordinaryong manggagawa sa
Pilipinas. Of course, mas maganda talaga kung malaki ang sweldo ng tatay, nanay o sinumang nagtataguyod sa pamilya. Hindi na
magiging mahirap paglaanan ang maraming household expenses: renta, tubig, kuryente, pagkain, damit, o kahit konting luho gaya ng
pamamasyal o pagbili ng mga gadgets. Para sa kinabukasan ng anak. For many Filipinos, talagang wala na tayong pamanang
maibibigay sa ating mga anak kundi ang edukasyon. Kaya nga ang mga OFWs, kapag mga tuition fee at iba pang school expenses ang
kailangan, walang alinlangan na pagkagastusan. Para magpundar sa kinabukasan. May mga OFWs na gustong iangat ang buhay ng
buong pamilya para sa hinaharap. Kaya bukod sa edukasyon para sa mga anak, nagiging goal rin nila ang pag-invest sa stocks, bonds,
at iba pang financial instruments. Yung iba naman, nag-iipon para magtayo ng sarili nilang negosyo para eventually, babalik sila sa
Pilipinas para dito na manirahan. Imbes na magtrabaho pa sila para sa ibang employer, sila na ang magiging employer at business
owner. Siyempre naiplano rin nila yung maging homeowner. Malaking accomplishment para sa isang OFW ang makapagpatayo ng
sariling bahay o kaya makabili ng condo unit. Para humanap ng mas magandang opportunity. May mga OFW naman na hindi lang
mataas na sweldo ang habol. Gusto nilang makahanap ng mga trabaho at opportunities para sa kanilang professional growth.
Halimbawa, may mga OFWs na nagsimula lang bilang isang housekeeper o kaya crew sa isang fast food chain pero dahil sa magandang
opportunities abroad, nag-level up sila at mga managers at executives na ngayon. Para makapag-migrate. May mga OFW rin na may
long-term na pangarap na mag-migrate sa ibang bansa. May mga sinuswerte naman na, after working many years in a foreign country,
nagiging permanent resident or naturalized citizen sila ng bansang iyon. Marami ring matutulungang pamilya dahil sa pagiging OFW
nang kanilang kamag-anak. Nariyan iyong, nakapagtapos dahil sa umalis ang nanay papunta Saudi, mayroon din ‘yong nakapagpatayo
na ng bahay, o di kaya naman, mayroon nang business. Whatever the reason is for becoming an OFW, sigurado na ang mga rason ay
yung makakabuti para sa mga mahal sa buhay. Makikita rito na ang pagiging OFW ay isang selfless act of sacrifice para sa mga
Pilipinong tinatawag nating mga bagong bayani. Skyla Charlize Mirandilla 09/01/20 - FILI
Replektibong Sanaysay
● Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli komporma sa ibang anyo nito tulad ng maikling
kuwento at nobela
● Isang likas na tinatampok ng sanysay ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinion
ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang inters o damdamin (Baello, Garcia,
Valmonte 1997).
● Hindi naman ito nangangahulugang ang ibang uri ng pagsasalaysay ay malaya mula sa opinion o pagsusuri
ng manunulat.
● Ang tahas na katangian ng sanysay ay maaring makapagdulot ng kalituhan sa ibat ibang uri ng sanysay at
kayarian ng mga ito.
● Ang replektinong sanysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi
na nangangailangan pa ng mahabang pagaaral.
● May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng
manunulat opangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997).
● Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na tumatalakay sa buhat ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong
sanaysay ay naglalayong bigyang katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin
ang halaga nito o and maidudulot nito.
● Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng
paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay an inilatag ng manunulat para sa
mambabasa.
Assessment:
Naalala mo pa ba ang mga pangyayari sa iyong buhay nang ikaw ay 10 taong gulang? Itala ang tatlong
mahahalagang karanasan na hindi mo malilimutan. Ipaliwanag kung bakit hindi mo malilimutan ang mga ito at ano
ang nagawa ng mga ito sa iyong sarili.
Ang aking natutuhan ay : di ka perfecto perfecto buhay ko pero basta ang importante na bubuhay kami ng maayos
hindi man kami mayaman importante mag kakasama parin kami .
Enrichment Activities:
Manuod ng isang pelikula o dokumentaryo tungkol sa isang isyung panlipunan. Tukuyin ang espesipikong
suliraning panlipunang itinatampok sa pelikula o dokumentaryo. Pagkatapos sa isang pirasong papel sumulat ng isang
replektibong sanaysay.
FILI
Replektibong Sanysay
1. Panimula
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang halaga ang maigting na
damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi
ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din ditto kung anong mga bagay
ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanysay, dapat magiwan ng isang kakintalan sa
mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang
pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng
kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.
Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay
sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit
sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at
kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong
Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating
lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan
pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng
salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na
pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay
maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol
ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang
paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking
buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa
aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng
pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga
karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin
ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako
ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking
daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na
marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang
makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding
paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan
ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong
ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado
kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang
aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan.
Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit
ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-
unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring
nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.
Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang
pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong
kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam
sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay
nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa
panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit
dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang
pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman
ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng
pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang
dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay
na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking
mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa
aking mga pangarap sa buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais
matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan
sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga
pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at
makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at
sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.
Assessment:
Balikan ang binasang replektibong sanaysay. Pagkatapos, tukuyin ang mahahalagang aral na pumukaw sa
iyong isipan at bigyan ng repleksiyong pansarili sa pamamagitan ng nasa kabilang pahina.
FILI