You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NG PAG-AARAL

Lubos nating di inasahan ang biglaang pagdating ng pandemya sa ating bansa.

Dahil dito ay napilitan tayong pasukin ang makabagong paraan sa edukasyon. Ang

“New Normal System of Education.” Dahil hindi maaaring lumabas ang mga tao dahil sa

Covid 19 virus na kumakalat ay ito ang ginamit na paraan ng pagtuturo sa buong

bansa. Sa “New Normal System of Education,” ang pagtuturo ay isinasagawa online o

sa pamamagitan ng internet. Sa paraang ito ay maaari nang magklase ng hindi

lumalabas ng ating mga tahanan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang kabutihan at di

kabutihang idinudulot ng "New Normal System of Education" sa mga mag-aaral sa

ikalawang taon ng kursong "Civil Engineering" sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal,

Pasig Campus. Ang paksang ito ang aming napili dahil sa ito ay napapanahon at

maraming estudyante ang nakararanas ng “New Normal System of Education” ngayon

at naririnig din naming ang mga iba’t ibang komento o saloobin ng mga estudyante ukol

sa bagong sistema ng edukasyon na ito. Nais naming malaman ang iba’t ibang dulot ng

makabagong sistemang ito sa mga estudyante ngayon may pandemya.

Sa pagpili ng paksang ito, amin ding isinaalang-alang ang kahalagahan ng pag-

aaral na ito. Sinimulan naming ito dahil naniniwala kaming masasagot ang bawat

tanong na sumisibol sa aming isipan patungkol sa makabagong paraan ng pagtuturo na

ito. Gamit ang mga makakalap naming datos at impormasyon ay siyang magiging
batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na aming pinagaralan sa pananaliksik na

ito.

Inaasahan naming na magiging epektibo ang mga solusyon na ilalatag namin

kapag natapos ang pananaliksik na aming isnasagawa sa loob ng paaralan kaya kami

ay humihingi ng tulong sa mga estudyante ng ikalawang taon ng kursong "Civil

Engineering" sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Campus upang matapos

ang aming pag-aaral.

Balangkas Konseptwal

Ang konseptwal na balangkas o “Conceptual Framework” ng

pananaliksik na ito sa ginamitan ng “input-process-output” model.

Inilalahad ng input frame ang propayl ng mga taga tugon tulad ng edad,

kasarian at ngalan. Mga karanasan sa pag gamit ng “New Normal Sytem of

Education” at kung nakabubuti o hindi ito nakabubuti. Ang process frame

ay tumutukoy sa habang na gagawin ng mananaliksik ukol sa pagkuha ng

mga datos saklaw ang interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na

resulta. Ang output frame ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap

na datos at ang kabutihan at di kabutihang dulot ng “New Normal Sytem of

Education” sa mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong "Civil

Engineering" sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Campus.


Input Process Output
1.Propayl ng mga 1. Pagpapasagot sa 1.Pagkokolekta, pagsusuri

Respondente sa kanilang: propayl ng mga at pagtatally sa propayl ng

a.kasarian respondent. mga respondent.

b.edad

2. Talatanungan hinggil sa 2. Pagpapasagot sa 2.Pagkokolekta, Pagsusuri

mga kabutihan at di talatanungan hinggil sa at pagtatally ng mga

kabutihang idinudulot ng mga opinion ng mga mag- kasagutan ng mga

"New Normal System of aaral ng Senior High respondent sa

Education" sa mga mag- School hinggil sa mga talatanungan.

aaral sa ikalawang taon ng mabuti at masamang

kursong "Civil Engineering" epekto ng paggamit ng

sa Pamantasang balbal na salita sa wikang

Teknolohikal ng Rizal, Filipino

Pasig Campus.

Larawan 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Suliranin ng Pag-aaral
Ang Pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita kabutihan at di kabutihang

idinudulot ng "New Normal System of Education" sa mga mag-aaral sa ikalawang taon

ng kursong "Civil Engineering" sa Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Campus.

At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga taga tugon base sa kanilang Edad at Kasarian?

2. Ano ang “New Normal Sytem of Education?”

3. Anu-ano ang mga kabutihang dulot ng “New Normal Education System?”

4. Anu-ano ang mga di kabutihang dulot ng “New Normal Education Sytem?”

5. Ano ang maidudulot ng “New Normal Education System” sa paraan ng

pagtuturo sa bansa?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Napakahalagang malaman kung ano ang mga kabutihan at di kabutihang dulot

ng “New Normal System of Education.” Kung epektibo bai to bilang paraan ng pagtuturo

o kung ito ay nakakdagdag lamang sa alalahanin ng mga estudyante at guro. Kaya ang

pag aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga estudyante. Upang malaman kung ano ang mga dapat at di dapat gawin

at ang mga dapat isaalang alang sa pagpasok sa “New Normal System of Education.”

Sa mga guro. Ito ay magsisilbing gabay sa kanilang pagtuturo sa “New Normal

System of Education.” Kung ano ang mga dapat nilang gawin upang kagiliwan ng mga

estudyante ang pakikinig sa ganitong estilo ng pagtuturo.


Sa mga departamento ng edukasyon. Maaari ito maging panimula ng

panibagong pananaliksik sa paghahanp ng ibang alternatibong paraan ng pagtuturo.

Sa susunod na henerasyon. Maaari nilang balikan ang pag-aaral na ito upang

pagkunan ng ideya sa gagawin nilang pananaliksik ukol sa “New Normal System of

Education.”

Lawak at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang magbigay kaalaman

tungkol sa kabutihan at di kabutihang dulot ng “New Normal System of Education.” Sa

pag-aaral na ito ay may mga limitasyong dapat isaalang-alang, ang dahilan nito ay

upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik.

Aming sinikap na maisagawa ang pag-aaral na ito upang makalap ang kaalaman

o pananaw mula sa mag-aaral ng ikalawang taon ng kursong "Civil Engineering" sa

Pamantasang Teknolohikal ng Rizal, Pasig Campus. Taong panuruan 2019-2020,

patungkol sa kabutihan at di kabutihang dulot ng “New Normal System of Education.”

Inaasahang matatapos ang pananaliksik sa ikatlong lingo ng Disyembre 2020

Kahulugan ng Termino

New Normal System of Education - Ito ay tumutukoy sa isang modality kung saan

nagaganap ang pag-aaral sa pagitan ng guro at ng mga nag-aaral na malayo sa

heograpiya mula sa bawat isa habang nagtuturo. Ang modality na ito ay mayroong

tatlong uri, katulad ng: Modular Distance Learning, Online Distance Learning, at

Instruction na Batay sa Telebisyon / Radyo-Batay.


Pandemya - Ang pandemya ay isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat

sa pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon.

Covid19 - Ay sakit na dulot ng isang virus na maaaring kumalat mula sa isang tao

patungo sa ibang tao. Ito ay lubhang nakakahawa at nakamamatay.

You might also like