You are on page 1of 6

PANGALAN: ISKOR: /50

Petsa: SEKSYON:

Panuto: I. A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng Globalisasyon?

A. Pagkakaroon ng Malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa


gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pang-kultural.
B. Kawalan ng trabaho ng mga taong may wastong gulang at mabuting
pangangatawan ay isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang bunga ng kawalan
ng oportunidad.
C. Tumutukoy sa paglipat ng tao sa ibang lugar upang doon manirahan. Migrante ang
tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.
D. Lahat ng nabanggit

2. Sino ang may akda ng librong “The world is flat” na nailimbag noong 2006, na nagpahayag
na kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon ay malawak, mabilis, mura
at malalim?

A. Paul Collier C. Joseph Stiglitz


B. George Ritzer D. Thomas Friedman

3. Saan nagsimula ang konseptong Globalisasyon?

A. Nagsimula ito noong panahon ng Neolitiko.


B. Nagsimula noong pananakop ni Alexander the Great.
C. Nagsimula ito noong buksan ang Suez Canal noong 1869.
D. Nagsimula ito noong magkaroon ng kalakalan ang mga Tsino sa iba’t-ibang
bansa.

4. Paano nagkaroon ng konseptong globalisasyon sa Pilipinas?

A. Nang magkaroon ng Kulturang Hellenistik.


B. Nang sakupin ng mga Espanyol ang Pilipinas.
C. Nang magkaroon ng Industriyal na Rebolusyon.
D. Nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

5. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap noong 19 na siglo sa panahon ng


Rebolusyong Industriyal?

A. Lumawak ang malayang kalakalan at sumibol ang Information Age.


B. Umunlad ang transportasyong panghipapawid, nagkaroon ng telepono, at
malawak na koreo.
C. Nagkaroon ng sari-sari at makabagong imbensiyon, mga industriya,
at mga makabagong makinarya.
D. Wala sa nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod anh HINDI perspektobo o pananaw tungkol sa
kasaysayan at simula ng globalisasyon?

A. Ang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang


mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
B. Ang pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o
panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).
C. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring
naganap sa kasaysayan.
D. Ang simula ng globalisasyon ang naging daan upang lahat ng bansa sa buong
mundo ay yumaman at walang naghirap.

7. Ano ang pangunahing layunin ng outsourcing?

A. Ito ay isang kompanyang nagmamamay-ari ng mga assets o capital sa mga


bansa maliban pa sa bansang pinagmulan nito.
B. Mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng
pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
C. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na
naniningil ng mas mababang bayad.
D. Natutulungan ng mga ito ang pagpapabilis sa daloy ng komersyo sa isang pook.

8. Kung gagawing batayan ang layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang


siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, Alin sa mga sumusunod ang uri ng serbisyo?

A. clearshoring, farshoring, bankshoring


B. loanshoring, debitshoring, moneyshoring
C. nearshoring, offshoring, onshoring
D. bankshoring, nearshoring, loanshoring

9. Paano napabilis ang paghahatid ng mga produkto at serbisyo simula ng globalisayon?

A. Mobility B. Paglalayag C. Barter D. Pamilihan

10. Alin sa mga sumusunod ang solusyon sa pagharap ng hamon ng


globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig?

A. Bank Trade C. Costumized Trade


B. Fair Trade D. Incentive Trade

B.Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pumili ng tamang sagot sa kahon at


isulat ito sa patlang bago ang bilang.

International World Trade Guarded


World Bank Onshoring
Monetary Fund Organization Globalization
Business
Anthony Immanuel
Process Integration De-Localization
Giddens Wallerstein
Outsourcing

11. Ayon sa kanya ang globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay


ng kapitalismo sa mundo. Ito raw ang pagkakahati-hati ng
mga trabaho sa mundo.

12. Ito ay ang pagbabawas ng mga gawaing lokal at pag-usbong ng mga


gawaing pandaigdigan bilang kapalit nito.

13. Tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya.


14. Tumutukoy sa pagsasam-sama ng iba’t-ibang element upang
maging isang bagay.

15. Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng


pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob
ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.

16. Ang tawag sa organisasyong binubuo ng iba’t ibang nasyon na


may layuning pamahalaan ang international trade.

17. Ito ang nagbabantay sa ekonomiya ng buong mundo. Sila


rin ay nagbibigay ng pautang para kumalat ang kalakalan.

18. Ito ang nagbibigay ng pautang sa iba’t ibang bansa para sa mga
proyektong pampubliko.

19. Isang sosyolohista, ang globalisasyon ay hindi lamang penomenong


pang-ekonomiya kundi isang panlipunang ugnayan ng mga
pamayanan sa iba pang pamayamanan sa daigdig.

20. Ito ay pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na


naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang
proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante.

Panuto: II. A. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago
ang bilang.

21. Ang malaking populasyon ay itinuturing na isa sa mga sanhi ng unemployment.

22. Maraming mga Pilipino ang hindi nakakakuha ng tenure o benepisyo sa trabaho.

23. Sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya, mas marami ang mga babaeng walang trabaho
kaysa sa mga lalaki.

24. Ang kawalan ng trabaho ang pangunahing sanhi ng kahirapan sa bansa.

25. Ang migrasyon ay kalagayan ng isang taong aktibong naghahanap ng trabaho ngunit
hindi makahanap ng trabaho.

26. Isa sa mga solusyon sa unemployment ay paglinang sa mga kasanayan ng isang


manggagawa.

27. Naaapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng isang tao kapag
wala siyang trabaho.

28. Ayon sa Pulse Asia, 100% ng mga Pilipino ang naniniwalang lalong bumaba ang
pambansang kalidad ng buhay sa nakaraang 12 buwan (2014 survey).

29. Ayon sa International Labour Organization (ILO), ang Pilipinas ang may pinakamataas
na unemployment rate (7.0%) sa Asya.

30. Underemployed ang mga taong nagtatrabaho nang mas mababa sa 40 oras sa isang
linggo at mga taong hindi sapat ang kinikita at nais kumita nang higit pa.
B.Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. Ilagay sa patlang ang mga sagot.

 Ibigay ang mga uri ng Unemployment

31.

32.

33.

34.

35.

36.

 Magbigay ng apat (4) na dahilan ng unemployment sa Pilipinas

37.

38.

39.

40.

Panuto: III. Isulat sa patlang ang salita o terminong hinihingi ng bawat bilang.

41. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar


o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente.

42. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa


isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.

43. Ito ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili


sa bansang nilipatan.

44. Terminong ginagamit kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang


ng pumasok sa isang bansa.

45. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,


walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa
bansang pinuntahan.

46. Mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa


ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa
piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.

47. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng isang bansa naaapektuhan


kapag nagkakaroon ng balakid sa wika at pagkawala sa kultura ng
Pagkakakilanlan dahil sa migrasyon?

48. Sa lugar na inalisan, anong aspekto ng pamumuhay ng bansa ang


naaapektuhan kapag nababawasan ang lakas-paggawa na
makakaapekto sa pamumuhunan at paglago ng ekonomiya?
49. Sa lugar naman o bansang pinuntahan, anong aspekto ng
pamumuhay ng bansa ang naaapektuhan kapag nagkakaroon
ng mga batas o patakaran para sa matipid at matalinong paglinang
ng mga likas na yaman bunga ng pagdami ng bilang ng mga tao.

50. Sa top 10 destinations/countries na pinupuntahan ng mga Filipino


nangunguna ang bansang ito na may pinakamaraming OFWs.

You might also like