You are on page 1of 23

My Learning Episodes

Yunit 2: Akademikong pagsulat para sa pagtatrabaho

Module 6:Pagsulat ng katitikan ng Pulong

Nilalaman (Content ) Katitikan ng Pulong

Pamantayang Pangnilalaman  Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng
( Content Standard ) piling sulating akademiko.

Pamantayan sa Pagganap Pagkatapos ng aralin, Ang mga mag-aaral ay;

( Performance Standards )  Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
anyo na nakabatay sa pananaliksik .
Mga kasanayang Pampagka-  Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa
tuto( Learning Competencies isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-
usapan.

Sangguniang Aklat PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN:

AKADEMIK-Mar Anthony Simon dela Cruz

 Time Allotment Week 9-10

Paksa: Katitikan ng Pulong

Specific Learning Outcomes: Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:

Matukoy ang mahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong sa
Pamamagitan ng ;
a. Pagtalakay ng mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong
b. Pagsunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng katitikan ng pulong.
c. pagkikilala ng mga gabay sa pagsulat ng maayos at mahusay na katitikan ng pulong.

My Introduction

 Paano mo itinatala ang lektyur ng iyong guro o diskusyon sa klase?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
 Ano-ano ang mga bagay na isinaalang –alang mo kapag ikaw ay nagtatala?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
 Bakit ka nagtatala sa klase?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 1

Filipino sa Piling Larang
Mga Mahahalagang Pag-aaral (Mga Paksa)

Katitikan ng pulong- ay ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.

Kahalagahan ng katitikan ng Pulong:

Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong , nakadalo o di
nakadalo , ang mga nangyari dito; kalian at saan ito nangyari, sino-sino ang mga dumalo, sino-sino ang
lumiban at ano-ano ang kanilang mga dahilan, ano ang pinag-usapan, ano ang mga desisyon , at iba pa.
Sa pamamagitan ng mga katitikan ng pulong, maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya
ng mga nangyaring komunikasyon. Sa paglipas ng panahon , maaaring maging mahalagang dokumen
tong pangkasaysayan ang isang katitikan ng pulong. Halimbawa rito ang katitikan ng mga pulong na
nilahukan ni Andres Bonifacio at iba pang opisyal ng katipunan.
Isa pa sa mga kahalagahan ng pagkakaroon ng katitikan ng pulong ang pagiging hanguan nito ng
mga impormasyon para sa susunod na pulong. Maaari itong gawing sanggunian , halimbawa, kapag may
malaking epekto ang ginanap sa mga susunod na proyekto o gawain sa loob ng organisas
yon .magagamit ang katitikan ng pulong bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o
higit pang indibidwal o grupo.
Ginagamit din ang katitikan ng pulong upang ipaalaala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel
o responsibilidad sa isang particular na proyekto o gawain.Isa rin itong batayan ng kagalingan ng
indibidwal . Ilang beses siyang lumiban o nahuli sa dating sa mga pulong ? Anong magagandang ideya ang
kaniyang inihain? Gaano siya kabukas sa mga mungkahi at ideya ng mga kasama sa trabaho?

Gabay sa Pagsulat ng katitikan ng pulong

 Bago ang pulong- Bago pa man magsimula ang pulong , basahin na ang inihandang agenda upang
madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong. mangalap na rin ng mga
impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong. Sa pama-
magitan nito, hindi na mahihirapang unawain kung ano ang nangyayari sa pulong .
Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop, o tape recorder.
 Habang nagpupulong- Hindi kailangang itala ang bawat salitang marinig sa pulong.
Hindi iyon ang kahingian ng pagsulat ng katitikan ng pulong. Nagsusulat nito upang
Ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sabihin
ng mga kalahok.Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desis-
yon o rekomendasyon , Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito hindi pagkatapos.
 Pagkatapos ng pulong- Repasuhin ang isinulat. Maaaring magdagdag ng mga komento.
Kung may mga bagay na hindi naintindihan , lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang
namahala rito o ang iba pang dumalo.Gawin ito habang

My Learning Activities

A.Independent Practice
Activity 1. Manood ng isang video ng pagpupulong At Bumuo ng isang katitikan ng pulong batay
Sa napanood na video.

MIT-Senior High School Page 2

Filipino sa Piling Larang
B. My Map (Graphic Organizer)
Panuto: Isulat sa nakalaang espasyo ang mga gabay sa pagsulat ng maayos at mahusay na katitikan
ng pulong.

Bago ang pulong Habang nagpupulong Pagkatapos ng pulong

C. My Reflections and Analysis (Enrichment)

Processing Questions:Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga kailangan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?

_______________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang pagbasa ng agenda sa pagsulat ng katitikan
ng pulong?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bakit hindi na kailangang isulat ang lahat ng sabihin ng bawat tao sa pulong?
________________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 3

Filipino sa Piling Larang
Rubrics

Napakahusay Napakahusay Katamtaman Di- gaanong Puntos

20 15 Mahusay
10

Impormasyon Sapat ang Hindi gaanong Kulang ang

impormasyon sapat ang impormasyon
ukol sa katitikan impormasyon ukol sa katitikan
ng pulong ukol sa katitikan ng pulong
ng pulong
Lohikal at Lohikal ang ayos Hindi gaanong Hindi lohikal ang
Organisasyon o pagkakasunod- lohikal ang ayos o ayos o
sunod ng mga pagkakasunod- pagkakasunod-
kaisipan sunod ng mga sunod ng mga
kaisipan kaisipan
Paggamit ng Napakahusay ng Paulit- ulit ang Kulang sa
salita bokabularyo na bokabularyo imahinasyon ang
nagbibigay ng ngunit maaring mga salitang
malinaw na ayusin ginamit
larawan sa
mambabasa

Pagsusuri

Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag sa bawat bilang.:

__________1. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong kailangang pairalin ang talas ng pandinig.

__________2. Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong.
__________3. Ang katitikan ng pulong ay hanguan ng mga impormasyon para sa susunod na
pulong.
__________4. Habang nagpupulong basahin ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan
ang magiging daloy ng mismong pulong.
__________5. Pagkatapos ng pulong repasuhin ang isinulat.
__________6. Ginagamit din ang katitikan ng pulong upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang
mga papel o Responsibilidad.
__________7. Sa paglipas ng panahon maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan
Ang katitikan ng pulong.
__________8. Habang nagpupulong kailangang itala ang bawat salitang maribig sa pulong.
__________9. Hindi na kailangang repasuhin muli ang isinulat pagkatapos ng pulong.
__________10.Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan ng pulong.

MIT-Senior High School Page 4

Filipino sa Piling Larang
My Learning Episodes

Yunit 2: Akademikong pagsulat para sa pagtatrabaho

Module 7: Pagsulat ng Posisyong Papel

Nilalaman (Content ) Posisyong Papel

Pamantayang Pangnilalaman
( Content Standard )  Nagagamit ang angkop na pormat at teknik ng pag-
Pagsulat ng akademikong sulatin.
Pamantayan sa Pagganap Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay ;:
( Performance Standards )  Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin
Mga kasanayang Pampagka-
tuto( Learning Competencies  Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.
 Nabibigyang –kahulugan ang mga terminong
akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.

Sangguniang Aklat PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN:

AKADEMIK- Mar Anthony Simon dela Cruz

 Time Allotment Week 11-13

Paksa: Posisyong Papel

Specific Learning Outcomes: Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong :

Makasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang posisyong papel sa pamamagitan ng:
a. Pagtukoy ng mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel.
b. Pagkilala ng mga katangian ng mahusay na posisyong papel.

My Introduction

 Ano-ano ang mga kasalukuyang isyu sa lipunan ang Alam mo?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
 Paano nakaaapekto ang mga isyung ito sa iyong buhay?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 5

Filipino sa Piling Larang
Mga Mahahalagang Pag-aaral ( Mga Paksa)

Pagsulat ng Posisyong Papel

Ano ang posisyong Papel ?

Ang posisyong papel- ay sanaysay na naglalahad ng mga opinion tungkol sa particular na paksa o
usapin .Dito, kailangang pumosisyon sa isang panig.
Hal. Naniniwala kung nakagagamot ang marijuana kaya isinusulong mo ang paggamit
nito sa medisina. O kaya , pro-choice ka kaya pabor ka sa aborsiyon. Anuman ang
posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at matatag na mga argumento at mga
makatuwirang ebidensiyang susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel.
Ang layunin ng posisyong papel ay kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang
argumentong inihain sa kanila. Sa lohika , ang argumento ay pahayag na ginagamit
upang manghikayat at mangimpluwensiya ng iba o upang ipaliwanag ang mga dahilan
sa pagkiling sa isang posisyon. Mahalagang ipaalam sa mga mambabasa ang kasapatan ng
kaalaman tungkol sa paksa.

Ang posisyong papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa editor o kaya naman ay sanay-
say . Maaari din namang mas masalimuot (complex) ang anyo nito , tulad ng akademi-
kong posisyong papel o opisyal na pahayag na binabasa sa mga pandaigdigang kum-
perensiya . Karaniwang ginagamit ng malalaking organisasyon ang posisyong papel
upang isapubliko ang kanilang opisyal na paniniwala, posisyon, o rekomendasyon.

Mga katangian ng Posisyong papel

 Naglalarawan ng posisyon sa isang particular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito
 Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa
mga inilalatag na argumento
 Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig
 Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad
 Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa kabilang
Panig.
 Pinaglilinian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at nagmumungkahi ng mga maaaring
gawin upang matamo ang layunin
 Gumagamit ng akademikong lengguwahe

Pagsulat ng Posisyong papel

 Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon
ng papel .
 Kapag malinaw na ang paksa , Magpasiya kung ano ang magiging posisyon.
 Sa introduksiyon, talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong posisyon o
ang tesis ng sanaysay.
 Isulat ito sa paraang nakapupukaw ng atensiyon.

MIT-Senior High School Page 6

Filipino sa Piling Larang
My Learning Activities

A. Independent Practice
Activity 1.Sagutin ang mga sumusunod:

1.Paano mo mapatitibay ang iyong mga argumento sa posisyong papel?

2.Maari bang gamitin ang personal na atake upang mapahina ang mga argumento ng kabilang
Panig? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3.Ano- ano ang mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

B. My Map (Graphic Organizer)

Panuto: Magbigay ng sariling opinyon hinggil sa mga isyu.

Paksa Pabor Di-pabor Bakit

Aborsiyon
Marijuana bilang
medisina

C. My Reflections and Analysis (Enrichment)

Processing Questions:

PANUTO: SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Bilang estudyante , ano ang nakilala mong kahalagahan ng pagsulat ng posisyong papel?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 7

Filipino sa Piling Larang
2. Kung ikaw ang pagsusulatin ng iyong guro ng posisyong papel at Malaya kang mamili
Kung ano ang isyu, tungkol saan ito at bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ano ang posisyon mo sa napiling usapin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Paano mo hihikayatin ang iba na pumanig sa iyong posisyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrics

Mga Napakahusay Mahusay Katamtaman Di- gaanong puntos

pamantayan 4 3 2 mahusay
1
Buo ang May kaisahan Konsistent Kulang ang
Nilalaman kaisipan, at may sapat ang kaisipan, detalye
konsistent, na detalye kulang ang
kumpleto ang detalye
detalye
Malinaw May malinaw Di- gaanong Di- malinaw
Impormasyon (Hindi na na intensyon malinaw ang ang intensyon
manghuhula intensyon
pa ang
mambabasa
kung ano ang
layunin ng
sumulat
Paggamit ng Napakahusay Paulit- ulit Kulang sa Payak na
salita ng ang imahinasyon payak ang
bokabularyo bokabularyo ang mga bokabularyo
na nagbibigay ngunit salitang
ng malinaw na maaring ginamit
larawan sa ayusin
mambabasa

MIT-Senior High School Page 8

Filipino sa Piling Larang
Pagsusuri:

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________1. Ito ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa particular na paksa

O usapin.
_______________2. Mahalagang katangian ng tao ang pagkaroon ng ________.
_______________ 3. Sa__________, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin ang
Introduksiyon at katawan ng papel
_______________ 4. Ang kasagsagan ng debate tungkol sa panukalang batas sa reproductive health ay
halimbawa ng __________.
_______________ 5. Layunin ng posisyong papel ay ____________ang mga mambabasa na may saysay
at bisa ang mga argumentong inihain sa kanila.
_______________ 6. Ito ay pahayag na ginagamit upang manghikayat at mang-impluwensiya ng iba o
upang ipaliwanag ang mga dahilan sa pagkiling sa isang posisyon.
_______________ 7. Mahalagang ipaalam sa mga mambabasa ang kasapatan ng kaalaman tungkol sa paksa
_______________ 8. Hind dapat gumamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang ______.
_______________ 9. Ang posisyong papel ay maaaring nasa _______anyo ng liham sa editor.
_______________10. Isusulat ang posisyong papel sa paraang nakapupkaw ng ________.

MIT-Senior High School Page 9

Filipino sa Piling Larang
My Learning Episodes

Yunit 2: Akademikong Pagsulat para sa Pagtatrabaho

Module 8: Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Nilalaman (Content ) Lakbay Sanaysay

Pamantayang Pangnilalaman  Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng
( Content Standard ) piling sulating akademiko.
 Nagagamit ang angkop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin..
Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay:
( Performance Standards )  Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
anyo na nakabatay sa pananaliksik.
 Nakagagawa ng palitang pangkikritik ( dalawahan
O pangkatan ) ng mga sulatin.
Mga kasanayang Pampagka-  Natutukoy ang katangian ng isang sulating
tuto( Learning Competencies akademiko.
 Nabibigyang- kahulugan ang mga terminong
akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.
 Natitiyak ang mga element ng pinanood ng
programang pampaglalakbay.

Sangguniang Aklat PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN:

AKADEMIK- Mar Anthony Simon dela Cruz

 Time Allotment Week 12-13

Paksa: Lakbay sanaysay

Specific Learning Outcomes: Sa modyul na ito,inaasahang magagawa mong:

Makabuo ng sulatin batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika sa pamamagitan ng :
a. Pagsulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang lakbay- sanaysay.
b. Pagtukoy sa mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay’
c. Pagbabahagi ng mga karanasan sa paglalakbay

My Introduction

Sagutin ang mga sumusunod:

 Ano- ano ang mga lugar na iyong napuntahan?

MIT-Senior High School Page 10

Filipino sa Piling Larang
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
 Isulat ang iyong karanasan sa paglalakbay.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Mga Mahahalagang Pag-aaral (Mga Paksa)

Ano ang Lakbay Sanaysay?

Ang lakbay -sanaysay – ay isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay.Ngunit
hindi lamang ito tungkol sa paglalarawan ng mga lugar o tao.Ang sulating ito ay tungkol sa kung ano ang
natuklasan ng manunulat tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya, at higit sa
lahat , tungkol sa kaniyang sarili , kung gayon , ang pagsulat ng lakbay sanaysay ay isang paraan ng
pagkilala sa sarili.
Ang lakbay – sanaysay ay hindi diary: Hindi basta lamang isusulat ang lahat ng nakita, nalasahan,
narinig, naamoy, naramdaman, o naisip sa paglalakbay.Hindi ito record o simpleng pagdudugtong – dugtong
ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na pagkaunawa at perspektiba
tungkol sa naranasan habang naglalakbay ( O’ Neil, 2005).
Sa pagsulat ng lakbay –sanaysay, kailangang sagutin ng manunulat ang mga sumusunod: Ano? Saan?
Kailan? Sino ? bakit? Paano?

Tungkol saan o kanino ang Lakbay –Sanaysay?

Ang lakbay- sanaysay ay tungkol sa lugar. Ang tuon dito ay sa lugar na pinuntahan. Ano –ano ang
mga kilalang destinasyon dito? Nagpunta kaba sa mga di-gaanong pinupuntahan ng mga turista ?
Nagandahan
Ka ba sa arkitektura at pampublikong eskultura? Buhay na buhay ba ang lungsod? Masarap ba ang pagkain?
Kumain ka ba ng kakaibang putahe? Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at
naramdaman sa lugar na pinuntahan.

Ang Lakbay-sanaysay ay tungkol sa ibang tao. Kumusta ang mga tao sa iyong pinuntahan? Ano –ano
ang mga nagustuhan at inayawan mo sa kanila? Katulad ba sila ng mga Pilipinong palangiti, magalang, at
magiliw sa mga panauhin? Ano ang mga katangi-tangi sa kanila ? Anong karanasan mo na kasama sila ang
hindi mo malilimutan? Sino-sino ang mga nakasama mo sa paglalakbay ? Sila ba ay kapamilya , kaibigan,
kasintahan, o katrabaho? Kumusta naman ang naging relasyon mo sa kanila habang kayo ay naglalakbay?
May bago ka bang natuklasan sa kanila? Sinasabi na ang paglalakbay labas sa comfort zone ang susukat sa
relasyon sa iba.

Ang Lakbay-sanaysay ay tungkol sa sarili. Higit sa lahat, ang lakbay – sanaysay ay tungkol sa sarili ,
Paano ka kumilos sa lugar na iyong pinuntahan? Ano ang natuklasan mo sa sarili? Paano ka nabago ng
iyong paglalakbay? Ano-ano ang mga bagay na ginawa mo na karaniwan mong hindi ginawa? Ano ang
Natutuhan mo sa pagpunta sa ibang lugar? Paano naimpluwensiyahan ng iyong paglalakbay ang iyong
Pananaw sa buhay? Ano-ano ang mga pinahahalagahan mo ngayon?

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Paano magsulat ng isang mahusay na lakbay sanaysay ?
 Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan.
 Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito.
 Maging pamilyar sa politika, ekonomiya, at mga tradisyon at relihiyon sa pupuntahang lugar.
 Makapagbibigay ito ng mga kaalamang tiyak na magagamit kapag naglalakbay na.

Habang naglalakbay , danasin ang lahat ng nasa paligid. Amuyin ang mga bulaklak , tikman ang
tsaa, pakinggan ang tunog ng lengguwaheng hindi pamilyar, damhin ang init ng araw o lamig ng nyebe.
MIT-Senior High School Page 11
Filipino sa Piling Larang
Maglakad- lakad. Kausapin ang mga local na tao, kilalanin ang sariling kultura. Ibahagi rin sa kanila ang
sariling kultura.
My Learning Activities

A. Independent Practice
Activity 1. Pagsulat ng Lakbay- Sanaysay

Panuto: Magsulat ng Lakbay- Sanaysay batay sa iyong karanasan sa paglalakbay (200-300) na

salita.

B. My map (Graphic organizer )

Panuto: Ibigay ang pagkakatulad ng lugar na iyong napuntahan sa lugar kung saan ka nakatira.

Lugar na iyong napuntahan Lugar kung saan ka nakatira

P
A
G
T
U
T
U
L
A
D

C. My Reflection & analysis ( Enrichment )

Processing Questions:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Mag-isip ng isang lugar ( sa loob o sa labas ng Pilipinas) na iyong napuntahan. Ano-ano

Ang mga nagustuhan at hindi mo nagustuhan dito?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Ano ang natuklasan mo sa sarili sa iyong paglalakbay?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sang -ayon ka ba sa obserbasyong kailangang mong lumayo upang lubos na makilala ang
Iyong pinanggalingan ? Pangatuwiran ang sagot.

MIT-Senior High School Page 12

Filipino sa Piling Larang
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubrics

Puntos Antas Katangian ng Proyekto

10 Napakahusay Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang

detalye.
Malinaw ( Hindi na manghuhula pa ang
mambabasa kung ano ang layunin ng mambabasa )
Gumamit ng wastong bantas
8 Mahusay May kaisahan at may sapat na detalye
May malinaw na intension

6 Katamtaman Konsistent ang kaisipan , kulang ang detalye

Di gaanong malinaw ang intension
Gumamit ng wastong bantas
4 Mahina Hindi wasto ang bantas na ginamit
Kulang ang detalye
Di- malinaw ang intension
Hindi wasto ang bantas na ginamit
2 Napakahina Hindi buo at konsistent, walang sapat na detalye
Malabo ang intension
di- wasto ang bantas

My Evaluation

A. Checking for Understanding

Quiz (Pag-iisa isa)
Panuto: Ibigay ang mga sumusunod:

1-6 Anu-ano ang mga kailangang sagutin ng mga manunulat sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
____________________________ ______________________________
____________________________ ______________________________
____________________________ ______________________________
7-9 Tungkol saan at kanino ang lakbay sanaysay.
____________________________
____________________________
____________________________
10-15 Isa-isahin ang mga lugar na iyong napuntahan.
____________________________ ______________________________
____________________________ ______________________________
____________________________ ______________________________

MIT-Senior High School Page 13

Filipino sa Piling Larang
My Learning Episodes

Yunit 2: Akademikong Pagsulat para sa trabaho.

Module 9: Pagsulat ng Repleksibong Sanaysay

Nilalaman (Content ) Repleksibong Sanaysay

Pamantayang Pangnilalaman  Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng
( Content Standard ) piling sulating akademiko.
 Nagagamit ang angkop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin.
Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay :
( Performance Standards )  Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
anyo na nakabatay sa pananaliksik
 Nakagagawa ng palitang pagkikritik ( dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin
Mga kasanayang Pampagka-  Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-
tuto( Learning Competencies paniwala.
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasyo, at
angkop na paggamit ng wika.
 Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik
Ayon sa pangangailangan
 Naisasaalang – alang ang etika sa binubuong
akademikong sulatin

Sangguniang Aklat PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN:

AKADEMIK- Mar Anthony Simon dela Cruz

Week 14-15
Time Allotment

Paksa: Repleksibong sanaysay

Specific Learning Outcomes: sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong:

Makasulat ng isang organisado , malikhain at kapanipaniwalang repleksibong sanaysay sa
pamamagitan ng :
a. pagbibigay kahulugan ng mga terminong akademiko na may kaugnayan sa pagsulat ng repleksibong
sanaysay.
b. pagkilala ng mga katangian ng mahusay na repleksibong sanaysay.
c. Pagtukoy ng mga hakbang sa pagsulat ng repleksibong sanaysay.

My Introduction (PAGGANYAK)
Sagutin ang mga sumusunod:
 Paano mo bibigyan ng solusyon ang isang problema?

MIT-Senior High School Page 14

Filipino sa Piling Larang
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
 Sa palagay mo, may kakayahan ka bang suriin ang sarili mong pag-iisip at damdamin?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________-

Mga Mahahalagang Pag-aaral ( Mga Paksa))

Ano ang Repleksibong sanaysay?

Ang repleksibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay.
sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin , o opinyon tungkol sa isang paksa,
pangyayari , o tao, at kung paano naapektuhan ng mga ito.
Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay isang gawaing humahamon sa mapanuring pagiisip. Ang
sulating ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong papel, o
learning log.

Kahalagahan ng Repleksibong Sanaysay

Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay proseso rin ng pagtuklas. Sa pamamagitan din nito,
natutukoy natin ang ating mga kalakasan at kahinaan , at nakaiisip tayo ng mga solusyon sa mga
problemang hinaharap natin.
Sa pag-aaral nina Di Stefano, Gino, Pisano, at Staats (2014) , magiging mas mabisa ang pagkatuto
mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon. Pinakita nila na ang repleksibong
Gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto. Sinang –ayunan nila ang mga pahayag ng
amerikanong pilosopo, sikologo, at edukador na si John dewey: “ hindi tayo natututo sa karanasan….
natututo tayo sa pagbubulay sa ating karanasan,”

Mga katangian ng Repleksibong Sanayasy

Personal ang repleksibong sanaysay. Sa sulating ito, sinasagot ng manunulat ang mga repleksibong
tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa kaniyang paksa.
Hal. Ano ang iyong naging reaksiyon sa pinanood mong teleserye? Ano ang paborito mong asignatura sa
paaralan at bakit? Paano mo iuugnay ang sarili sa pangunahing tauhan ng binasa mong nobela? Ano ang
kalakasan at kahinaan mo sa pagsulat?
Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa paglalarawan o paglalahad ng
kuwento. Nangangailangan din ito ng mas mataas na kasanayan sa pag-iisip .

Pagsulat ng Repleksibong sanaysa

Paano ba magsulat ng repleksibong sanaysay?

 Bago ito simulan, tanungin muna ang sarili: ano ang pakiramdam ko sa paksa? Ano kaya ang
magiging epekto nito sa akin? Kung maapektuhan ako nito, bakit? Kung hindi man , bakit? Tanungin
ang sarili ng mga personal na tanong . Magtanong nang magtanongKapag nasagot amg mga ito,
maaari nang simulant ang pagsulat.
 Ilista ang mga sagot sa mga tanong at ibuod ang mg ito. Ang mga ito ay magsisilbing pangunahing
ideya o tesis na gagabay sa pagsulat ng repleksibong sanaysay.Ilahad ang mga ito sa talata na siyang
bubuo ng papel. Gumamit ng mga ebidensiya o makatotohanang pahayag sa mga talata upang
mapatatag ang mga inilalatag na opinyon.
 Sa konklusyon, ibuod ang pangunahing ideya o tesis ng sanaysay . Kapag tapos na isulat ang papel ,
balikan ang mga unang tinanong sa srili. Ang mga pagtatanong na ito ay paraan upang masiguro
ang katapatan ng pagsulat ng repleksibong sanaysay.

MIT-Senior High School Page 15

Filipino sa Piling Larang
My Learning Activities

A.Independent Practice
Activity 1.Sagutin ang mga sumusunod:
1. Kung ikaw ay magsusulat ng repleksibong sanaysay, at Malaya kang makapamili ng paksa, tungkol
saan ito ? Bakit
________________________________________________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang pinakamalaking hamon sa iyo sa pagsulat ng isang repleksibong sanaysay?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

B. My Map (Graphic Organizer)

Panuto: Isulat ang pamagat ng pelikula na iyong napanood.Iugnay ang iyong sarili sa
pangunahing tauhan.

Pamagat

Reflection

C. My Reflections and Analysis (Enrichment)

Processing Questions:Basahin at sagutin

Basahin ang repleksibong sanaysay na may pamagat na “ ang plato: Repleksiyon sa
katotohanan ng buhay.” Makikita ang babasahing ito sa http://gracefeinocentes,
blogspot.com/2015/05/plato-repleksiyon-ng-buhay.html. Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong .

1.Ano ang pangunahing mensahe ng binasang akda?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga ideya ang inilatag ng may akda sa kaniyang sanaysay?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 16

Filipino sa Piling Larang
3. Paano niya ginamit ang imahen ng plato sa pagtalakay ng kaniyang paksa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4.Nauunawaan mo ba ang saloobin ng may-akda batay sa kaniyang paksa?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5.Sa kabuuan , nagustuhan mo ba ang sanaysay ? Pangatuwiran ang sagot.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrics

Puntos Antas Katangian ng Proyekto

10 Napakahusay Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang

detalye.
Malinaw ( Hindi na manghuhula pa ang
mambabasa kung ano ang layunin ng mambabasa )
Gumamit ng wastong bantas
8 Mahusay May kaisahan at may sapat na detalye
May malinaw na intension

6 Katamtaman Konsistent ang kaisipan , kulang ang detalye

Di gaanong malinaw ang intension
Gumamit ng wastong bantas
4 Mahina Hindi wasto ang bantas na ginamit
Kulang ang detalye
Di- malinaw ang intension
Hindi wasto ang bantas na ginamit
2 Napakahina Hindi buo at konsistent, walang sapat na detalye
Malabo ang intension
di- wasto ang bantas

Pagsusuri:

A. Checking for Understanding

Quiz (Pagpapaliwanag)

Ano ang ibig sabihin ng pahayag ni John Dewey “ Hindi tayo natututo sa karanasan….natututo tayo
sa pagbubulay sa ating karanasan”. Ipaliwanag

________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 17

Filipino sa Piling Larang
My Learning Episodes

Yunit 2: Akademikong Pagsulat para sa Pagtatrabaho

Module 10: Pagsulat ng Agenda

Nilalaman (Content ) Agenda

Pamantayang Pangnilalaman  Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng
( Content Standard ) piling sulating akademiko.
 Nagagamit ang ankop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin.
Pamantayan sa Pagganap  Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
( Performance Standards ) anyo na nakabatay sa pananaliksik.
 Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin.
Mga kasanayang Pampagka-  Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-
tuto( Learning Competencies paniwalang sulatin.
 Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika.
 Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik
ayon sa pangangailangan.
 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong
akademikong sulatin.

Sangguniang Aklat PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN:

AKADEMIK- Mar- Anthony Simon dela Cruz

 Time Allotment Week 16

Paksa: Agenda

Specific Learning Outcomes: Sa modyul na ito, inaasahang magagawa mong :

Makabuo ng sulating agenda sa pamamagitan ng:
a. Pagtukoy sa kahalagahan ng paghahanda ng agenda.
b. Paglista ng nilalaman ng agenda.
c. pagtukoy ang mga salik na kailangang isaalng-alang sa pagsulat ng agenda.

My Introduction ( PAGGANYAK)
 Ano ang kailangan sa pagpupulong?

MIT-Senior High School Page 18

Filipino sa Piling Larang
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

 Ano ang dapat isaalang –alang bago simulan ang pag-pupulong?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mga Mahahalagang Pag-aaral (Mga Paksa)

Kahulugan ng Agenda.
Ang agenda ay ang listahan ng mga tatalakayin ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang pormal
na pagpupulong.Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang
Tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon. Nakasaad din ditto ang mga aksiyon o
rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong.

Kahalagahan ng paghahanda ng Agenda

Bakit kailangan ang agenda?
Ang pagkakaroon ng mahusay na agenda ay magsisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at
ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksiyon.Mas mabilis natatapos ang pagpupulong kung alam
Ng lahat ang lugar na pagdarusan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos. Ang mga kailangang talakayin at
ang mga maaaring kalabasan ng pulong.

Nilalaman ng agenda
1. Saan at kalian idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos? Kailangan itong
malaman ng mga kalahok upang makarating sila sa itinakdang oras at lugar at upang makapagsimula
na ang pulong sa lalong madaling panaho.
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Sa bahaging ito ng agenda, sinasagot
ang tanong Bakit tayo magkakaroon ng pagpupulong? Maghahalal ban g bagong opisyal?
Kailangang malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng bawat kalahok ang mga mangyayari sa
pulong.
3. Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin? Maaaring maikli lamang o detalyado ang nahaging
ito. Depende sa pangangailangan.
Ang mga sumusunod ay mga paksang madalas tinatalakay sa isang pagpupulong na balangkas din ng
karaniwang agenda:
 Pag-apruba sa katitikan ng nakaraang pagpupulong o minutes of the meeting.
 Mga isyu o usapin sa katitikan ng nakaraang pagpupulong na kailangang linawin o iwasto.
 Regular na report
 Mga pangunahing puntong tatalakayin
 Iba pang bagay na nais pag-usapan
 Petsa ng susunod na pagpupulong.
4. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulongTanging mga taong talagang kailangang umupo sa
pagpupulong ang dapat na nasa listahan.

Isang halimbawa ng agenda:

PETSA: Ika-15 ng Hunyo 2015

PARA SA : MGA RESIDENT FELLOW NG SMP>
RE: BUWAN NG PULONG
MULA KAY: DR. ROSARIO HERNANDEZ
Direktor
Mang yaring dumating sa ating buwanang pagpupulong sa Hunyo 22, ika -12 ng tanghali sa SMP
Conference Room. Ang SMP na ang magdadala n gating pananghalian.

MIT-Senior High School Page 19

Filipino sa Piling Larang
AGENDA

1. Pagsisimula
2. Pag-apruba ng agenda
3. Pag-apruba ng katitikan ng Nakaraang Pulong
4. Mga isyu sa katitikan ng Nakaraang pulong
5. Postmortem: Outreach Program
6. Update sa mga planong proyekto at Gawain
a. Tulaan at Kuwentuhan
b. Haraya Manawari
c. Pambansang KUmperensiya
d. Isabela Outreach Program
7. Iba pang gawaing wala pang Iskedyul
a. Career talk
b. Paglulunsad ng mga aklat
c. Seminar-workshop sa pagsulat ng personal na sanaysay
8. Mga paalala para sa mga Residence Fellow
9. Iba pang bagay
10. Petsa ng susunod na buwanang pulong: ika -20 ng agosto 2015

My Learning Activities

A. Independent Practice
Activity 1-Ikaw ay presidente ng isang institusyon at malapit na ang inyong annibersaryo.
kailangan mong magpatawag ng isang pormal na pulong na lalahukan ng mga
empleyado .Magsulat ka ng agenda ng pulong na iyong ipamahagi bago ang pulong
upang makapaghanda ang mga lalahok.

PETSA:
PARA SA:
RE:
MULA KAY:

AGENDA:

MIT-Senior High School Page 20

Filipino sa Piling Larang
B. Graphic organizer:
Panuto: Isulat sa nakalaang ispasyo ang mga nilalaman ng agenda na ginawa mo sa inyong
pagpupulong..
Saan at kailan Mga layunin Paksa Sino-sino ang mga
kalahok

C. My Reflections and Analysis (Enrichment)

Processing Questions:
1. Ano-ano ang mga kahalagahan ng pagsulat ng malinaw na agenda?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano ang karaniwang nangyayari kapag walang malinaw na agenda? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Bakit kailangang nakasaad ang eksaktong araw, oras,at lugar ng pagpupulong?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 21

Filipino sa Piling Larang
Rubrics

Mga Napakahusay Katamtaman Di- Gaanong Puntos

pamantayan 4 3 Mahusay
2
Impormasyon Sapat ang Hindi gaanong Kulang ang
impormasyon sapat ang impormasyon
ukol sa impormasyon ukol sa
pagsulat ng ukol sa pagsulat ng
agenda pagsulat ng agenda
agenda
Lohika at Lohikal ang Hindi gaanong Hindi lohikal
Organisasyon ayos o lohikal ang ang ayos o
pagkakasunod- ayos o pagkakasunod-
sunod ng pagkakasunod- sunod ng mga
kaisipan sunod ng mga kaisipan.
kaisipan
Pagkukusa Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita
ng lubusang sa malalim na ng kakaunting
pagkakaunawa pagkakaunawa pagkakaunawa
sa gawain sa gawain sa gawain

Pagsusuri:

a. Checking for Understanding

Pagsusulit: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang Agenda?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan ang Agenda?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga nilalaman ng Agenda?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

MIT-Senior High School Page 22

Filipino sa Piling Larang
MIT-Senior High School Page 23
Filipino sa Piling Larang

You might also like