You are on page 1of 5

Santa Monica Institute of Tech.

Andrada Bldg. Poblacion, Iligan City


Modyul 6
Linggo
7 at 8
Senior High School
Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Semestre ng Taong Panuruan 2020-2021 Guro: Ceasar Ian H. Mundala

Nilalayong mga Resulta ng Pagkatuto


FPL(Akademik)MODULE

A. Nalalaman ang kahulugan ng terminong pulong.


B. Nakikilala ang tatlong element ng pulong.
C. Nakapagsasagawa ng isang halimbawa ng memorandum at adyenda ng pulong.

Aktibidad

Nakapagsusuri ng mga larawan

Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang pagpupulong. Suriin kung anong uri ng
pagpupulong ang makikita rito at saka sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Business meeting sa opisina

1. Ano-anong pagpupulong ang


makikita sa larawan?
2. Anong mga bagay ang dapat na gawin o ihanda bago ang pulong?
3. Ano ang mga bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-usapan sa pagpupulong?
4. May ideya ka ba sa paggawa ng adyenda at katitikan ng pulong?
5. Kung mayroon, ibahagi ang iyong nalalaman sa paggawa nito.

Pagtalakay sa Aralin

Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o organisasyon.
Kung walang maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang
kaayusan.

1
Gayundin naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing naming pinakapuso at
isip nito ay ang pagpupulong.

Sa pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng


samahan ang mga mithiin at nais tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang
maayos, organisado, at sistematikong pagpupulong ito man isang business meeting, one-on-one
meeting, o company meeting.

Pagsulat ng Memo , Adyenda at Katitikan ng Isang Pulong


FPL(Akademik)MODULE

PAGPUPULONG O MITING

 Pangkaraniwang gawain ng mga samahan o anumang institusyon


 Layunin: pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtatrabaho bilang
Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong

 May tatlong mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos, organisado, at epektibo ang
isang pulong. Ito ay ang memorandum, agenda, at katitikan ng pulong. Bilang isang mag-aaral,
mahalagang matutuhan mo kung ano-ano at kung paano ginagawa ang mga ito. Tatalakayin natin ang
dalawa sa elemento ng pulong ang memorandum at agenda.

Memorandum

Ang MEMORANDUM ay nagmula sa Latin na salita,'memorandum est' na ang ibig sabihin sa Ingles


ay "It must be remembered (that)".

Ang pinaikli o abbreviation ng salitang ito ay "memo".

Isa itong kasulatan (note), dokumento o iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na tumutulong para ipaalala
ang ilang bagay, tao, mga pangyayari, paksa, hinggil sa negosyo o trabaho sa opisina at marami
pang iba.
MGA DAPAT TAGLAYIN NG MEMO
Prof. Ma. Rovilla Sudprasert

1. Letterhead
 logo at pangalan ng organisasyon Halimbawa ng isang
 lugar o address Memorandum:
 telephone number
2. Para sa/kay/kina:

2
3. Mula kay:

4. Petsa
 spelled out month, date, and year
 iwasan ang paggamit ng mga numero
lamang → upang hindi malito kung alin ang
buwan at araw

5. Paksa
 payak, simple, and tuwiran
 malinaw at nauunawaan
FPL(Akademik)MODULE

6. Mensahe
 maikli
 kung detalyado, kailangang naglalaman ng:
 sitwasyon - layunin ng memo
 problema - suliraning dapat bigyan ng
pansin
 (optional)
 solusyon - inaasahang gagawin ng
nakatanggap
 paggalang at pasasalamat

7. Lagda (Perma)

AGENDA O ADYENDA

Ayon kay Sudprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi sa matagumpay na pulong.
Napakahalaga maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

Mga kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda:


1. Ito ang nagsasaad ng:
a) mga paksang talalakayin.
b) mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa.
c) oras na itinakda para sa bawat paksa.
2. Ito ang nagtatkda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin
at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisislbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.
5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:


1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na

3
magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitiong araw, oras, at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-
mail naman, kinakailangan magpadala sila ng kanilang tugon. Ipalawang din sa memo na sa mga
dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng adyenda o paksa ay
nakalatag sa talahayanan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong
magpapaliwag at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda
FPL(Akademik)MODULE

ay kailangan maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumitang paksa ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong. Kung sakaling ito ay malayo sa paksang pag-uusapan, ipagbigay-alam sa taong
nagpadala nito na ito ay maaaring talakayin sa susunod na pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang
paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong, at kung kalian at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

Ang larawan sa ibaba ay halimbawa ng isang adyenda:

Pagtataya

Gawain A. Bumuo ng grupo na may 3-4 na miyembro. Basi sa napag-aralan sa itaas. Mag Brainstorming at
gumawa ng sariling pangalan ng paaralan. Gawan din ito ng logo sa https://www.freelogodesign.org/ o gumuhit
4
ny inyong sariling logo.

Gawain B. Pagkatapos gawin ang Gawain A. Basi sa halimbawa sa itaas ay gumawa ng inyong sariling
Memorandum at Adyenda tungkol sa paghahanda sa isang pagdiriwang sa inyong paaralan. Pumili ng isang
paksa mula sa mga naka lista sa ibaba. Pwede rin kayong gumawa ng inyong sariling paksa. Isali sa adyenda ang
tungkol sa budyet.

 Pgdiriwang ng buwan ng wika


 Pagdiriwang ng anibersaryo ng paaralan
 Araw ng mga puso

*Kung walang mahanap na ka grupo ay maaring gawing ito ng mag isa.


FPL(Akademik)MODULE

Mga Pinagkunan

 John Paul Ferreras, Agenda o Adyenda (Aug 24, 2019). Mula sa:
https://www.scribd.com/document/422985107/Agenda-o-Adyenda
 Mary Mae Sinet ,Ano ang kahulugan ng memorandum? (Tagalog) (Oct 05, 2019), Mula sa:
https://www.scribd.com/document/428839916/Memo

You might also like