You are on page 1of 9

Santa Monica Institute of Tech.

Modyul
Andrada Bldg. Poblacion, Iligan City

Senior High School


Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Semestre ng Taong Panuruan 2020-2021 Guro: Ceasar Ian H. Mundala

Nilalayong mga Resulta ng Pagkatuto


FPL(Akademik) MODULE

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo.
CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93
Aktibidad

Magtala ng lima hanggang sampung salitang may kaugnayan sa PAGSULAT.

Pagtalakay sa Aralin

TEKSTONG BABASAHIN : Iba’t ibang anyo ng sulatin sa mga piling larangan

Pagsulat : Kahulugan at pilosopiya


A. Isang paraan ng pakikipag-ugnayan ng manunulat sa mambabasa.

B. Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
(Bernales et al., 2002)

C. Ayon naman kina Peck at Buckingham ang pagsulat ay ang ekstensyon ng wika at karanasan na natamo
ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. (sa Bernales, 2009)

D. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang
ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kungsaan maari itong mulingmakuha nang walang
interbensyon ng nagsasalita.

E. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolongginagamit upang kumatawan sa
mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na
maaaring makuha o mabigyang kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang
sinusunod sa pag-eenkoda.
F. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapangmaaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag
ang nasa kanyangisipan.

G. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha atmakagawa ng maayos na sulati;
isang kasanayan.

H. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na


nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gatingnadarama na di natin kayang sabihinf.
FPL(Akademik) MODULE

I. i. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalamanat makumbinsi ang
ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.

J. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay ng
pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan.

K. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at kaisipan ng tao.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang
panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan atnagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napananatiling
buhay sa pamamagitan nito.

Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin ang kasaysayan ngating lahi; ang mga
paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; atang mga pagbabago at pagsulong ng ating
bansa.

PAGSULAT

AWTOR MENSAHE MAMBABASA

OPINYON O KAALAMAN

TITIK O MGA SIMBOLO

PILOSOPIYA NG PAGSULAT

1. Isang Proseso Nangangahulugang mayroong sinusunod na sistema.


- Ang mga nasabing sistema ay ang masinsinang pag-iisip, mga katanungan sa isip ng mga manunulat,
mga nais isulat, paggamit ng balangkas, pagwawasto o paguulit. Ito ang mga hakbang sa proseso na
kailangan mong maiangkla sa iyong kakayahan at sensibility bilang isang manunulat.
2. Isang Proseso at Produkto
- Ang mga nabuong proseso ay laging mayroong produkto at ang naturang produkto ay madedebelop
sa pamamagitan ng pagsulat ng teksto hanggang sa mabuo o maisulat ang pinal na teksto na handa ng
malathala.

Unang burador> gagawan ng rebisyon> pagwawasto > muling pagsulat ng teksto > maisulat ng pinal
na teksto

3. Pagbuo ng Isang Pagpapasya


- Dapat pagpasyahan ng isang manunulat ang simula at hangganan ng kanyang tekstong isinusulat
FPL(Akademik) MODULE

upang higit na maayos ang kanyang pagkakalahad ng mga pahayag.

4. Isang Pagtuklas
- Ang isang manunulat ay patuloy na nananaliksik upang higit na mapaunlad at maging makabuluhan
ang mga impormasyong ibinabahagi sa kanyang mambabasa.

5. Isang Kasagutan
- Lumilikha ang mga manunulat upang bigyang katugunan ang mga katanungan sa isipan ng mga
mambabasa, upang makamtan nila ang kanilang hangarin sa pagbabasa.

6. Sariling pagkatuto
- Magkakaron ng kabatiran ang isang tao sa pagsulat kapag personal niya itong ginawa o inaplay at
pagyayamanin sa pamamagitan ng paglinang nito.

7. Ang pagsulat ay pakikipag ugnayan


- Sa pamamagitan ng pagsulat naipapahayag ang lahat ng nais sabihin ng manunulat sa kanyang
mambabasa.

8. Isang panghulma ng katauhan


- Kailangan taglayin ng isang manunulat ang mga sumusunod:
 Maparaan
 maharaya o malikhain pagiisip
 may lubos na kaalaman sa paksa
 may sistema
 marunong magpigil sa sarili.

9. Isang Mapanghamon
- Sinusubok ng pagsulat ang iyong pagiisip sa nilalaman ng paksang iyong susulatin at ang lalim ng
iyong kaalaman sa iyong teksto

10. Nangangailangan ng mahabang panahon


- Kailangan may nakalaan na mahabang panahon sa pagsulat. Tiyaga at disiplina ang kailangan upang
mabuo ang iyong teksto, kalimitan may mga bagay na isinasantabi muna para maisakatuparan ang
pagsulat at maipasa sa natakdang panahon.

Sulating Akademik: Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat

Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol


sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na
magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong
pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat
ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang
paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap,
FPL(Akademik) MODULE

talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng
mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na
karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na
nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng
akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, repiektibong
sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng
manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng
mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng
gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-
akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na
mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga
sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

Halimbawa ng mga Akademikong Sulatin


Mga Tinipon at Iba pang halimbawa
Akademikong Sanaysay Sulating pang-ensayklopedya
Nilagom na mga Form na pang-
Mga Karaniwang Anyo
Pamanahong Papel Artikulo kaalaman administratibo Opinyon
Konseptong Papel Bibliografiya Annonated na Mga rebyung pampanitikan
Tesis Katalog o aklat
Disertasyon Panunuring Pampanitikan Position Paper
Papel pang-kumperensya Antolohiya Awtobiograpiya Artist’s
Abstrak Pasalitang testimonya Mga book Memoir
Book Report Pagsasaling- Tinipong Sulatin Konseptong Mga Sulating ekspositori
Wika Papel
Aklat
Rebyu
Katangian ng Akademikong Pagsulat
 Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
Kompleksidad ng gramatika.

 Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita.


FPL(Akademik) MODULE

 Tumpak -Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o
kulang

 Obhetibo - Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

 Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang
bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words"

 Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa pag
gamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat

 Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lao na sa paglalahad ng mga


ebidensiya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng
impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista.

 Malinaw na layunin - Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan ang mga tanong kaugnay
ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nag bibigay ng layunin.

 Malinaw na pananaw - Akademikong pag sulat ay di lamang listahan ng mga katotohanan o facts at
pag lalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay nag lalahad ng ideya at saliksik ng iba,
layunin ng kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pag iisip ‘’ Punto de bista ‘’ ng manunulat.

 May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag.
Kailangan iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon

 Lohikal na organisasyon- Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na


hulwaran. Ang karamihang akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat
talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata

 Matibay na suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa
pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts,
figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.

 Malinaw at kumpletong eksplanasyon - Bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa


tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw
at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat

 Epektibong pananaliksik- Kailangan gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan


ng mga impormasyon. Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pag sulat. Mahalangang
maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitqn ngbdokumentasyon ng datos. Ang
dokumentasyon ay iminumungkahe gamit ang estilo A.P.A

 Iskolarling estilo sa pag sulat-Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging
madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalaaq na maiwasan ang mga
pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo. Pag nag kamali ay nag papahiwatig ng
kawalan ng pag iingat o kakulangan sa kaalaman ng wika

Mga Uri ng Akademikong Sulatin

1.akademikong sanaysay
FPL(Akademik) MODULE

2. Konseptong Papel
3. Abstrak
4. Ulat Aklat
5. Posisyong Papel
6.Lakbay Sanaysay
7.Replektibong Sanaysay

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa


ng ulat.

Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa


pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals,
almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang
paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang
wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng
impormasyon mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga
impormasyon o plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng
bibliyograpiya, kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging
nakapanghihikayat ang pagbasa ng pag-aaral o sulatin.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.

Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita
ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng
pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor.
Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang
pagkilos.ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda


kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-


aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan,
nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin
para sa ikabubuti ng kanyang sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag-aaral.

Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng


kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri
sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na
magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng
akademikong sulatin.
FPL(Akademik) MODULE

Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa


larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo


ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na
pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito,
lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging
malikhain para sa kanyang mambabasa.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng


portfolio.

Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong


Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-
aaral sa kanyang sarili.

Mga salik na isaalang-alang sa pagsulat

 Ang manunulat at ang kanyang layunin

Manunulat- May kakayahang bumuo ng mga ideya

Layunin: magpahayag at mag-ulat , mag-analisa at magbuo ng malinaw na pananaw.

Suliranin ng manunulat:
Ano ang paksang kanyang isusulat? Paano sisimulan?
Paano ipapahayag? Paano tatapusin?

 Ang magbabasa at ang paksa

Mambabasa: isaalang-alang ang kakayahan ng babasa at kakayahang bumuo ng mga konsepto.

Layunin: Magbigay alam o kumuha ng impormasyong gagamitin sa pagsulat ng research paper

Paglalapat
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang
A. May pokus B. Tumpak C. Kompleks D. Pormal

2. Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lao na sa paglalahad ng mga ebidensiya,


patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng impormasyong
kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista

A. May pokus B. Responsable C. Eksplisit D. Matibay na suporta


FPL(Akademik) MODULE

3. Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais
gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

A. Obhetibo B. May pokus C. Wasto D. Eksplisit

Tama o Mali. Isulat ang salitang TAMA sa nakalaang espasyo bago ang bawat numero kung ang tama ang
pangungusap at isulat ang tamang sagot sa espasyo kung mali ang pangungusap.

_______1.Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.


Kompleksidad ng gramatika. → Tumpak

_______2. Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita → Tumpak

_______3. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangan
iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon → Obhetibo

Pagtataya

Magsaliksik tungkol sa kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

Pagmumuni-muni

A. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong pagsulat?

B. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng
Akademikong Pagsulat?

Mga Pinagkunan

 Miguel Dolores (2016),Akademikong Pagsulat, mula sa:


https://www.slideshare.net/MiguelDolores/akademikong-pagsulat

 Iron Man (2016), Mga pilosopiya ng pagsulat, mula sa: https://www.slideshare.net/gharrylester/mga-


pilosopiya-ng-pagsulat

 elcomblus.com, Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat, mula sa:


https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/
FPL(Akademik) MODULE

You might also like