You are on page 1of 2

3. Ang isang halimbawa ng akademikong pagsulat ay ang abstrak.

Ang isang
abstrak ay isang maikling buod ng ng isang nakumpletong pananaliksik. Layon ng
abstrak na ilarawan ang ginawang pananaliksik nang hindi nagdedetalye. Ang mga
abstracts ay dapat na nakapaloob sa sarili at konsepto, na nagpapaliwanag ng iyong
gawain nang maikli at malinaw hangga't maaari. Maaari kang sumulat ng abstract
para sa iba't-ibang dahilan. Ang abstracts ay dapat naglalaman ng mga keyword at
parirala na nagpapahintulot para sa madaling paghahanap. Mahalagang bahagi ng mga
papel ng pananaliksik at kung minsan ay pangakademikong tungkulin. Ang abstract
ay madalas na ang huling item na iyong isinulat, ngunit ang unang nabasa ng mga tao
kung nais nilang magkaroon ng isang mabilis na pangkalahatang ideya ng buong
papel. Ang pagsulat nito ay dapat na ginagawa sa huling bahagi, dahil magkakaroon
ka ng isang mas malinaw na larawan ng lahat ng iyong mga natuklasan at konklusyon.

Ang isang magandang abstract ay gumagamit ng isang mahusay na nabuong


talata na magkakaugnay ito ay maiksi maiksi lamang, at kayang tumayo nang mag-
isa. Ang abstrak ay isang bahagi ng impormasyon na sumasakop sa lahat ng
mahahalagang elemento ng buong papel ng pananaliksik, katulad ng background,
layunin, focus, pamamaraan, resulta at konklusyon. Nagbibigay ng lohikal na mga
koneksyon sa pagitan ng materyal at paraan. Hindi dapat nagdagdag ng bagong
impormasyon na wala sa papel

Ang mga abstract ay isang sanggunian para sa mga mananaliksik o mag-aaral na


nagtatrabaho sa kanilang gagawing pananaliksik, lalo na kanilang susuriing mga
literatura at ibang pag-aaral. Ito ay isang maikling pangkalahatang ideya ng
pagsisiyasat upang mabilis na maunawaan ng mga mananaliksik ang nilalaman ng
pagsasaliksik. Ang impormasyong ibinigay sa abstract ay dapat sapat upang
matulungan ang mananaliksik na magpasya kung ang gawain ay may kaugnayan sa
kanyang larangan o hindi. Dapat gawin itong maikli ngunit hindi nagkukulang ng
mahahalagang detalye na kinakailangan para sa pag-unawa sa isinagawang
pananaliksik. Ang abstract ay makakatulong din sa mananaliksik na magpasya kung
babasahin ang papel ng pagsasaliksik sa kabuuan o hindi.

4. Katangian ng mananaliksik/nanunulat

 Ang pagsasaliksik ay hindi basta-bastang gawain kaya nararapat lang na taglay


natin ang mga katangian ng isang magaling na mananaliksik. Una sa mga
katangian na dapat taglay ng isang mananaliksik ay ang pagiging matiyaga. Ang
pagsasaliksik ay nangagailangan ng napakaraming oras kaya dapat tiyagain
nating kunin ang mga datos upang makuha natin ang ating inaasahang resulta.
Bilang isang mananaliksik dapat tayo rin ay sistematiko, dahil dapat may
sinusunod tayong sistema sa pagsasaliksik ng hindi masayang ang ating oras at
pagod. Sa pananaliksik ay kailangan din nating maging maingat at kritikal sa
pangalapa t paglalatag ng mga datos. At ang isa sa pinakaimportanting katangian
ng mananaliksik/manunulat ay ang pagiging matapat. Matapat sa mga ideyang
kukuhanin o gagamitin sa pagsasaliksik. Dapat matapat din ang isang
mananaliksik sa kanyang ibibigay na resulta at konklusyon sa kanyang pag-aaral
o sinusulat.

Etika at resposibilidad ng mananaliksik/manunulat


 Ang etika ay pagpapahayag ng kung paano tayo dapat kumilos bilang mga
indibidwal at bilang isang lipunan. Ang mga ito ay mga paghuhusga sa moral na
maaaring gawin sa mga partikular na sitwasyon. Ang etika ay isang importating
bahagi ng isang tao upang matulungan tayong gumawa ng mga desisyon at
gabayan ang ating mga pag-uugali. Ito ay bahagi na ng ating kultural na pananaw.
Dapat alam din ng isang mananaliksik ang kanyang responsibilidad, pananagutan
at hanggat maari subukang igalang at respetohin ang mga panukala sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Nangangailangan ng angkop na kasanayan sa mga
etika at responsibilidad ang isang mananaliksik o manunulat.

Pag-iwas sa plagiarism
 Isang pinaka importanting malaman ng isang mananaliksik o manunulat ay ang
pag-iwas sa plagiarismo. Ayon sa mesacc.edu “ang plagiarismo ay kapag ang
mga mag-aaral ay sadyang naglalahad ng wika ng ibang tao o mga ideya (o
papel) na para bang ito ay kanilang sariling gawa” Bilang isang mag-aaral ng
HUMSS dapat alam natin ang mga dapat gawin upang maiwasan ang
plagiarismo. Hindi man maiiwasan ang pagkuha ng mg aideya ay nararapat lang
na bigyan ng tamang pagkilala ang nag lathala nito. Maaring mahalintulad ang
plagiarismo sa pagnanakaw.

You might also like