You are on page 1of 85

DAY 1

&2
Pagsagot sa mga Tanong sa
Nabasa o Napakinggang
Pagpupulong (pormal at di-
pormal), Katitikan
(minutes) ng Pagpupulong
Ano ang editorial cartoon?
Ano ang kahalagahan
nito?
Ano ang nilalaman ng
editorial cartoon?
Ang inyong mga
magulang ba ay
regular na dumadalo
sa pagpupulong sa
paaralan?
Sa inyong palagay
paano kaya isinasagawa
ang pagupupulong bago
ito isagawa?
Basahin ang
dayalog sa
ibaba.
Gng. Rendon: Magandang
umaga, at salamat sa pagdalo
sa ating ikalawang
pagpupulong ukol sa
kalagayan at pag-unlad ng
ating mga anak. Lahat ba ay
dumalo dito ngayon?
Gng. Tao-on:
Opo, nandito na
po ang lahat,
Gng.Rendon:
Gng. Rendon: Mabuti
kung ganun, maari
na natin umpisahan
ang pagpupulong.
Sa pagpupulong na ito,
nais kong humingi ng
suhestiyon kung
anong paraan ng pag-
aaral ang nais niyo para
sa inyong mga anak.
G. Pacite: Gng. Rendon,
para sa akin, pipiliin ko
ang Online Class para sa
anak ko para mas
matuto siya nang mabuti
sa kanyang leksyon.
Gng. Varquez: Magandang
umaga po Gng. Rendon, sa
palagay ko mas mabuti ang
modular na klase sa anak
naming lalo wala kaming
internet connection na
magagamit.
Gng. Rendon: Kung
ganoon, maaari bang
itala ang pangalan ng
mga bata kung sino
ang nais mag Online
Class
at sino ang mga
Modular Class? Gng.
Tao-on, maaari mo
bang kunin ang mga
pangalan?
1. Ano ang paksa sa
ginagawang
pagpupulong?
2. Bakit mahalaga
ang pagsasagawa
ng isang pulong?
3. Ano-ano ang mga bagay
na dapat gawin upang
matandaan ang pinag-
uusapan sa
pagpupulong?
4. Ano-anong uri ng
pangungusap ang
ginamit sa
pagpupulong?
5. Ano ang
iyong opinyon
tungkol sa isyu?
Ang pulong ay grupo ng mga
tao na nagtitipon sa isang
lugar at takdang oras para
talakayin ang isang bagay at
makagawa ng desisyon
tungkol dito.
Ang Katitikan ng Pulong
ay mga dokumento
kung saan nakasaad ang
mga mahahalagang
diskusyon at desisyon.
Bahagi ng
Katitikan ng
Pulong
1. Heading -naglalaman
ng pangalan ng
kompanya, samahan,
organisayon, o
kagawaran
- makikita ang petsa,
ang lokasyon, at maging
ang oras ng
pagsisimula ng pulong
2. Mga kalahok o
dumalo -nakalagay
kung sino ang nanguna
sa pagpapadaloy ng
pulong
gayundin ang pangalan
ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga
panauhin
-nakatala rin dito
ang pangalan ng
mga liban o hindi
nakadalo
3. Pagbasa at pagpapatibay
ng nagdaang katitikan ng
pulong -makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng
pulong ay napagtibay o may
mga pagbabagong isinagawa
4. Action items o usaping
napagkasunduan - kasama
sa bahaging ito ang mga
hindi pa natapos o nagawang
proyektong bahagi ng
nagdaang pulong
- makikita ang mahahalagang
tala hinggil sa mga paksang
tinalakay -nakalagay kung sino
ang taong nanguna sa
pagtalakay ng isyu at maging
ang desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas
-hindi laging makikita sa
katitikan ng pulong ngunit
kung mayroon mang pabalita
o patalastas mula sa mga
dumalo
tulad halimbawa ng mga
suhestiyong agenda para
sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay.
6. Iskedyul ng susunod
na pulong -itinatala
kung kailan at saan
gaganapin ang susunod
na pulong.
7. Pagtatapos -
Inilalagay kung anong
oras nagwakas ang
pulong.
8. Lagda -mahalagang
ilagay ang pangalan ng
taong kumuha ng katitikan
ng pulong at kung kailan
ito isinumite.
A. Panuto: Basahin
ang Katitikan ng
Pulong sa ibaba
Sagutin ang mga
tanong kaugnay rito.
Homeroom PTA Meeting
Hunyo 2, 2020 (Martes)
9:00 ng Umaga
Silid-aralan ng UES
Republic of the Philippines
Department of Education
Division of Taguig and Pateros
Cluster 1
USUSAN ELEMENTARY
SCHOOL
I. Mga Dumalo:
Dumalo: 35 magulang, 2
na Guro, mula Elem.
Hindi Dumalo: 2
magulang
A. AGENDA:
Pagpupulong ng
Magulang at Guro
1. Polisya o
Alituntunin ng Paaralan
2. Iskedyul ng klase
3. Panukalang
Proyekto ng PTA
4. Iba pang bagay
II. Oras na
Magsisimula: 9:00
ng umaga
III. Mga Natalakay:
A. Natalakay ng
guro ang tungkol sa
polisya o alituntunin
ng paaralan. Katulad ng
hindi mahuhuli sa klase
ang mga bata sa
paaralan. Dapat
nakauniporme pagpasok
sa paaralan. Kung may
kailangan sa guro ang
mga magulang, dapat
hindi itaon sa oras ng
klase.
B. Natalakay ng guro
ang tamang iskedyul ng
klase ng mga bata at
ang mga magiging guro
sa bawat asignatura.
C. Natalakay ng guro
ang tungkol sa
panukalang proyekto ng
PTA para maging
maaliwalas at maayos
Ang silid na gagamitin
ng mga bata, at
napagkasunduan ng
mag-aambag para
makabili ng
Karagdagang electric
fan
D. Natalakay ng guro
ang mga
napagtagumpayan
ng mga bata sa
paligsahan, at mga
proyektong natapos na.
IV. Oras ng Pagtatapos:
10:00 ng umaga
Pinagtibay ni:
RIZA RENDON
Gurong Tagapayo
Inihanda ni:
JANICE PACITE
Kalihim
1.Tungkol saan
ang ginanap na
pulong?
2. Kailan at
saan ginanap
ang pulong?
3. Sino – sino
ang dumalo sa
pagpupulong?
4. Ano-ano ang
mga tinalakay
sa pulong?
5. Sino ang gumawa
ng katititkan ng
pulong?
Mahalaga ba ang
pagdalo sa isang
pagpupulong?
Bakit?
Ano ang magandang
maidudulot ng
pagdalo sa
pagpupulong?
Madaling masasagutan
ang mga tanong mula sa
nabasa o napakinggang
pagpupulong kung bawat
isa ay pakikinggan.
Mahalaga ding
unawain ang bawat
bahagi ng katitikan
ng pulong.
A. Panuto:
Basahin at unawain ang di
pormal na pagpupulong,
sagutin ang mga tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
Pagpupulong
ng MAPEH
CLUB
Ang pamunuan ng Mapeh
Club sa Paaralang Zeferino
Arroyo ay naghahanda para
sa darating na School
Intramurals. Tumawag agad
ng pulong ang pangulo
kaugnay nito.
Tagapangulo:
Magandang hapon.
Tumahimik na ang
lahat at magsisimula
na tayo.
Liza: Nais ko na
magkaroon tayo ng
Zumba Dance.
Upang
makalikom ng pondo.
Paula: Sang-ayon
ako besh sa
mungkahi mo.
Sigurado marami
ang sasali rito.
Raul: Tagapangulo, tutol
ako sa mungkahi ni Liza.
Mas maganda kung
magkaroon na lamang
tayo ng Basketball
Tournament.
Tagapangulo: Mga besh
magaganda ang inyong
mga mungkahi. Puwede
namang gawin natin ito
pareho. Sang-ayon ba
kayo?
Lahat: Sang-
ayon ang lahat.
Sonny: Maaasahan ninyo
ang aking pakikiisa,
puwedeng tapusin na
natin ang pulong,
hinahanap na ako ni
erpat.
1. Sino ang nagpatawag
ng pagpupulong?
a. Paula
b. Sonny
c. Tagapangulo
d. Raul
2. Ano ang pinag -
usapan sa
pagpupulong?
A. mga paaran upang
maiwasan ang pagkalat
ng COVID
B. paghahanda sa darating
na School Intramurals
C. pagtatanim ng gulay sa
bakuran
D. pagbabawal ng paggamit
ng plastic
3. Kaninong
mungkahi ang
tinutulan ni Raul?
a.Tagapangulo
b.Paula
c. Liza
d.Sonny
4. Ano-anong mga
gawain ang
iminungkahi upang
makalikom ng
pondo?
A. magkaroon ng Zumba at
Folk Dance
B. magkakaroon ng Zumba at
Basketball Tournament
C. magbebenta ng mga tanim
na gulay
D. magtatayo ng eksibit sa
paaralan
5. Paano ipinakita
ng bawat
miyembro ang
pagsuporta?
A. pagtutol sa mga mungkahing
ibinigay
B. umalis ng walang paalam
C. natutulong habang
nagsasalita ang tagapangulo
D. pagsang-ayon sa mga mungkahi
Takdang Aralin:
Panuto: Sumulat ng minutes ng
pagpupulong gamit ang
impormasyon na nasa loob ng
kahon. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
• Pagpupulong Para sa Buwan
ng Nutrisyon
• Bilang ng dumalo: 20
miyembro
• Inihanda Ni: FELICITY O.
LANIOG
Kalihim
• Lugar ng pinagdausan: Silid
ng Home Economics
• Pinangunahan ni Gng. Ana,
pangulo ng Samahan ang
pulong
Sinang-ayunan ng lahat ng
dumalo ang ilang
mungkahi para sa patimpalak.
Pinagtibay naman ito ng
pangulo. Huling tinalakay ang
iba pang mga bagay.
Natapos ang pagpupulong sa
ganap na ika-10 ng
umaga.
• Petsa: Hunyo 13, 2020
• Oras ng Simula: ika-8 ng
umaga

You might also like