FILIPINO4WS Q4 Week6

You might also like

You are on page 1of 7

RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo

Aralin: Pagsagot sa mga tanong sa nabasang Katitikan ng Pagpupulong at Pagsulat ng


Katitkan ng Pagpupulong

MELC: Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang pagpupulong (pormal at


di pormal katitikan (minutes) ng pagpupulong F4PN-IVd-g-3.3
Nakasusulat ng katitikan (minutes) ng pagpupulong. F4PU-IVg-2.3

Susing Konsepto

Ano ang katitikan ng pagpupulong?


Ito ay isang mahalagang dokumento na isinusulat kung ano
ang mga tinatalakay sa isang pagpupulong. Nakasulat dito ang kung
sino-sino ang mga dumalo at di dumalo, anong oras nagsimula at
nagwakas, gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang
nagsisilbing tala ng isang organisasyon upang maging batayan at
sanggunian ng mga bagay na tinalakay sa ginawang pagpupulong.
Ang pagsulat ng katitikan ng pulong ay ginagamitan ng mga pormal
na pananalita.

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Hanapin at bilugan ang mga nakatagong salita sa palaisipan sa ibaba.

P A G P U P U L O N G E R W Y O
H I F D G R T U H Y O P P I J O
N M Q K A T I T I K A N O N L U
H I D G H H T G G G T R R A O M
J N C Q W E I R T Y U M M K O P
U U S Z X C N M N B V A A A S A
M N Q H Y U A M L I D L L S A E
S G W R T O Y U L J I O P A F V
D K D D C B O L K J H J I N O O
K A L I H I M A A S D F G H J K
D H P I N A G K A S U N D U A N
C I M P I N A S I M U L A N O
P I N A G T I B A Y P O I U Y T

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang katitikan ng pagpupulong na nasa kahon. Sagutan ang mga tanong
pagkatapos nito.

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Marinduque
Distrito ng Timog Sanrta Cruz
PAARALANG ELEMENTARYA NG KAGANHAO
Kaganhao, Santa Cruz, Marinduque
KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG YOUNG ENVIRONMENTALISTS SOCIETY NA
GINANAP SA BULWAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG KAGANHAO –
IKA-15 NG ENERO, 2020
IKAWALO NG UMAGA
MGA DUMALO
Ramon Darryl R. Marquez Pangulo
Clarissa M. Palomares Pang. pangulo
Rachelle T. Malalad Kalihim
Joseph John L. Rodelas Ingat-yaman
Ana Lissa P. Rodelas Tagasuri
Ma. Hazel P. Constantino Tagapagbalita
Ryan Jose P. Genaro Tagapamayapa
HINDI DUMALO Wala
Ang pagpupulong ay itinayo ni Ramon Darryl R. Marquez, ang pangulo ng
samahan sa ganap na ika 8:00 ng umaga. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng
Pambungad na Panalangin na pinangunahan ni Ana Lissa P. Rodelas, ang Tagasuri at
kasunod nito ay ang pag-awit ng isang Makabayang Awitin.
Nagbigay ng Pambungad na Pananalita ang Pangulo. Matapos basahin ng
kalihim ang katitikan ng naunang pagpupulong at pagtibayin ng mga kasapi ay
nagpatuloy ang Pangulo, sa pagtalakay ng adyenda o layunin ng pulong. Isinanggguni
niya sa mga sa mga kasapi ang tungkol posibleng proyekto ng samahan na maaaring
isagawa sa paaralan. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng dalawang proyekto; 1)
Computer sa sa bawat silid-aralan 2) Balde para sa Paaralan at sa Kalikasan.
Nanguna bilang may pinakamaraming boto ang proyektong” Balde para sa Paaralan
at sa Kalikasan” na iminungkahi ni Ryan Jose P. Genaro, ang Tagapamayapa. Ayon
sa kanya, mahalagang matuto ang bawat mag-aaral na magtapon ng basura sa
tamang tapunan at magkaroon ng pagbubukod-bukod ng mga basura.

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na paglalagakan ng proyektong


napili, at ang pondo na maaaring mapagkunan nito. Muling nagkaroon ng botohan sa
pagitan ng dalawang mungkahing lugar; 1)Mga Lugar sa Loob ng Paaralan at 2) Mga
Lugar sa Labas ng Paaralan. Nanguna sa botohan ang “Mga Lugar sa Loob ng
Paaaralan na iminungkahi ni Ma. Hazel P. Constantino at ayon sa kanya, mas Mabuti
nang simulan ang ganitong gawain sa loob ng paaralan. Napagkasunduan din na
isakatuparan ang proyekto sa kasunod na linggo.
Sa kadahilanang wala ng iba pang pag-uusapan, ang pagpupulong ay winakasan
sa ganap na ika-9:00 ng umaga.
Inihanda at isinumite ni:
RACHELLE T. MALALAD
Kalihim

Mga Tanong
Panuto: Basahin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
______1. Ayon sa iyong binasa, anong pangkat o grupo ng mga-aaral ang nagkaroon ng
pagpupulong?
A. Boys and Girls Society C. Young Environmentalists Society
B. School Pupil Government D. Youth Leaders Association
_____2. Bakit kailangang isangguni sa mga kasapi ang proyektong ng isang samahan.?
A. Upang mapag-usapan ng lahat
B. Upang malaman ng lahat ng kasapi
C. Upang hindi masisi ang pangulo
D. Upang mapag-usapan at mapagkasunduan kung ano ang nararapat
_____3. Ano ang layunin ng proyektong “Balde para sa Paaralan at Kalikasan”
A. Pag-iipon ng mga basura sa mga balde
B. Pagpaparami ng mga balde sa mga paaralan
C. Paglalagay ng mga basket sa bawat sulok ng paaralan
D. Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan at pagbubukod-bukod ng basura
_____4. Bilang isang mag-aaral, ano ang maiaambag mo sa proyekto ng nasabing
samahan?
A. Sumuporta at sumunod sa kanilang layunin
B. Sumama sa pangongolekta ng basura
C. Ipamalita ang proyekto ng samahan.
D. Makinig sa kanilang pagpupulong.
_____5. Sa paanong paraan makatutulong ang nasabing proyekto sa paaralan at
kalikasan?
A. Mababawasan ang nagkalat ng basura sa loob ng paaralan
B. Makapag-ipon ng maraming basura sa bawat sulok ng paaralan.
C. Magkakaroon ng hanap buhay sa pagbebenta ng mga basurang plastic.
D. Magkakaroon ng malinis na paaalan at makatututulong upang maiwasan ang
pagkasira ng ating kalikasan
6. Sa iyong palagay, magiging matagumpay kaya ang proyektong gagawin ng
Youth Environments Society? Paano?

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Gawain 3
Panuto: Pag-aralan ang script ng isang pagpupulong sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
kaugnay nito.

Buwanang Pagpupupulong ng Pamunuan ng mga Mag-aaral (Supreme Pupil


Government SPG) ng ____________, Ika-29 ng Abril, 2021 -Ika-1ng Hapon-
Silid-aralan ng Mag-aaral-Baytang 6
Tagapagtukoy: Upang pormal na pasimulan ang ating pagpupulong, ang lahat
ay magsitayo para sa isang panalangin sa pamumuno ni Luisa
P. Marquez (ang Musa ng Samahan). Ito din ay susundan ng
pag-awit ng Pambansang Awit.
Tagapagtukoy: Maaari na pong magsiupo ang lahat. Maaari na din mag check
ng Attendance ang ating Kalihim
Kalihim: Roll Call (Tatawagin ang lahat ng mga kasapi at itatala ang mga
dumalo at hindi dumalo)
Tagatukoy: Tinatawagan po ang Pangulo ng ating Samahan upang opisyal
na pasimulan ang pagpupulong.
Pangulo: Ngayon ay opisyal ko nang pasisimulan ang ating pagpupulong
sa ganap na Ika-1:30 ng hapon . Maari nang basahin at
pagtibayin ang katitikan ng naunang pagpupulong
Kalihim: (Babasahin ng kalihim ang katitikan ng naunang pagpupulong at
pagtitibayin ng mga Kasapi kung wala namang tumututol at nais
pang baguhin.)
Pangulo: Ngayon naman ay ilalahad ko na ang adyenda o layunin ng
ating pagpupulong - Adyenda: Pagkakaroon ng gulayan sa
paaralan o “Project Green ng SPG” (Tinalakay ng pangulo ang
layunin nito na makapagparami ng pananim na gulay sa
paaralan hindi lang upang may maiuwi sa tahanan kundi
mapagkunan din ng mapagpagkakakitaan.

Matapos mapagkasunduan kung saan at kalian gagawin ang proyekto ang


pagpupulong ay nagtapos sa ganap na ika- 2:30 ng hapon.

Tanong:

1. Ano ang paksa ng binasang script ng pagpupulong?


2. Paano isinulat ang katitikan ng pagpupulong na iyong binasa?
3. Isulat ang Katitikan ng Pagpupulong sa ibang anyo gamit ang mga datos sa
itaas. Tandaan ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa sa pagsulat ng
katitikan ng isang pulong. Maaaring gawing gabay ang sumusunod
na pormat sa kasunod na pahina. Maaari ring gumamit ng mga pangalan
ayon sa inyong nalalaman o nakikilala sa sariling organisasyon sa paaralan.

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Sangay ng ________________
Distrito ng ________________
PAARALANG ELEMENTARYA NG _____________
___________________________
______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
(Pamagat)

_________________
1. ________________________________ _____________________________
2. ________________________________ _____________________________
3. ________________________________ _____________________________
4. ________________________________ _____________________________
5. ________________________________ _____________________________
6.________________________________ _____________________________
7. ________________________________ _____________________________
8. ________________________________ _____________________________
___________________ ______________________

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Inihanda at isinumite ni :
_____________________________
Kalihim

5
6
Gawain 1
P A G P U P U L O N G W
I P I O
M K A T I T I K A N O N L
I T R A
N I M K
U N U A A
N A D L S
G Y A
K O N
K A L I H I M
H
I P I N A S I M U L A N
P I N A G T I B A Y
Gawain 2:
1. C 2. D 3. D 4. A 5. D
Gawain 3
1-2. Depende sa sagot ng bata
3. Rubrik sa pagsulat ng katitikan ng pulong
RUBRIK SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PAGPUPULONG
5 4 3 2 1
Wasto ang mga datos o nilalaman ng katitikan
Gumamit ng angkop na pananalita sa pagsulat
Sumunod sa tamang pormat
Malinis at walang bura ang bura ang sinulat nakatitikan
5- Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4- Mahusay 3. Nangangailangan ng mga pantulong na pagsasanay
3- Katanggap-tangap
Mga Gabay na Tanong: Depende sa sagot ng mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Sanggunian:

https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong

https://brainly.ph/question/684306

https://www.google.com/search?q=ano+ang+katitikan+ng+pulong?&tbm=isch&hl=en&chips=q:ano+ang+k
atitikan+ng+pulong,online_chips:kahulugan:N0xrKnEZQM8%3D&bih=620&biw=1353&sa=X&ved=2ahUKEw
jG_vfU75bwAhXaAogKHcBSBHMQ4lYoAXoECAEQHA#imgrc=Ic4MFcBtPIzQOM

https://www.teacherspayteachers.com/Product/Katitikan-ng-Pagpupulong-Script-4626272

Inihanda ni:
Roselie P. Peregrin

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni/nina:


Maria Cecilia R. Par
Florie M. Regencia

Sinuri ni/nina:
Mariam B. Rivamonte

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph
7

You might also like