You are on page 1of 13

 8







Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module

Kagawaran ng Edukasyon–
i Sangay na Palawan
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8
Redeveloped Division Initiated - Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Angkop na Kilos upang Mapaunlad ang
Pakikipagkaibigan.
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo sa Muling Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronalyn B. Conales
Manunulat: Ronalyn B. Conales Editor: Rheyzamee P. Ladao
Editor: Rheyzamee P. Ladao Tagaguhit: Ronalyn B. Conales
Tagaguhit: Ronalyn B. Conales Tagalapat: Ronalyn B. Conales
Tagalapat: Ronalyn B. Conales Tagasuri: Ma. Luz N. Darjuan, Joy E.
Tagasuri: Ma. Luz N. Darjuan, Joy E. Galgo, Cristy R. Temple, Elma C. Palen
Galgo Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez Rosalyn C. Gadiano
Rosalyn C. Gadiano Rodgie S. Demalinao
Rodgie S. Demalinao Allyn G. Gonda, PhD
Learning Area EPS Clemencia G. Paduga
Department of Education: MIMAROPASangay na Palawan

Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City


Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

iii
Edukasyon sa Angkop na Kilos upang
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Mapaunlad ang
Ikaapat na Linggo
Pakikipagkaibigan

MELC:

➢ Ang Pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na


pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan.

➢ Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting


pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at
pagtatamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.

➢ Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan


at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at
pagpapaunlad ng pakikipagkapwa. EsP8PIId-6.3

➢ Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang


pakikipagkaibigan (hal. Pagpapatawad) EsP8PIId-6.4

Layunin:

1. Nakikilala ang mga katangian ng mga mabubuting kaibigan.


2. Nakabubuo ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan.

Subukin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang-papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangunahing sangkap


ng pagkakaibigan?
A. Katapatan
B. Presensiya
C. Katapangan
D. Paggawa ng bagay na magkasama

2. Bakit maituturing na birtud ang pagkakaibigan?


A. Dahil ito ay bunga ng pagtanggap
B. Dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan
C. Dahil ito ay halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
D. A at C

1
3. Ano ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan ng tao?
A. Kaibigan
B. Katapatan
C. Presensiya
D. Pakikipagkaibigan

4. Ayon sa kaniya “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang


matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng
pakikipag-ugnayan”.
A. Barrack Obama
B. John F. Kennedy
C. Abraham Lincoln
D. George Washington

5. Ito ay nangangahulugang pagtulong sa kaniyang kaibigan sa kaniyang pag-


unlad.
A. Katapatan
B. Pag-aalaga
C. Presensiya
D. Paggawa ng bagay na magkasama

Para sa bilang 6-15


Panuto: Hanapin ang sampung (10) salitang may kaugnayan sa pakikipagkaibigan.
Ilan sa mga ito ay pahalang, pababa at pahilis (diagonal). Isulat ang iyong mga
makikitang salita sa iyong sagutang-papel.

P A G K A T A P A T A N L P
D A W A T A P A P G A P R E
D L G A K A P W A X Y E R S
U A S G S Q P C B M S A A U
T N K I M B A S F E D B M S
A G P A G P O P N T A W A S
R I K A I T Y S P A A N O P
I T T I E B I A S L N L A N
B J B P B Y I Y A C I B M A
G P S G A B I G G K P Z H N
A E P A G A A Y A N O Y R U
R P A G N I N I L N Y Q L P
P A G M A M A H A L R G S I
S A K R I P I S Y O M K D L

2
Ating Alamin at Tuklasin
Natatandaan mo ba kung ano-ano ang tatlong uri ng pagkakaibigan ayon kay
Aristotle? Alin sa mga iyon ang naranasan mong pakikipagkaibigan?

Sa nagdaang aralin, sinabing ang ating kapwa ay nakatutulong upang maging


ganap ang ating pagkatao at mas higit sa mga ito ay ang ating tunay na kaibigan.
Iyong tandaan na ang isa sa pangunahing katangian ng isang tunay na kaibigan ay
ang kaniyang pagkakaroon ng kakayahang palaguin ang iyong pagkatao.

Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap. Hindi makabubuo


nang malalim na ugnayan kung hindi matututo ang tao na maglaan ng panahon,
pagmamahal, sakripisyo, at isabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga. Dahil dito,
natututo ang isang tao na ilayo ang kaniyang atensiyon sa kaniyang sarili lamang
dahil natututo siyang magbigay para sa kaniyang kapwa. Ito ang simula ng
pakikipagkapwa, ang tanggapin na may ibang tao maliban sa iyong sarili at ang
maging bukas ang mata na mayroong ibang tao na maaari mong unahin kaysa sa
iyong sarili para sa kabutihan.

Ang pagkakaibigan ay maituturing na isang birtud ayon kay Sto. Tomas de


Aquino. Ito ay dahil isa rin itong nakagawiang kilos na nagpapahalaga sa katarungan
at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa. Ang pagbibigay ng nararapat sa lahat
ng tao tulad ng kaniyang karapatan, respeto, pagmamahal at pag-unawa ay
tumatahak sa landas ng katuwiran at makatarungang pamumuhay. Sa mabuting
pagkakaibigan, walang kondisyon ang ugnayang inilalarawan. Hindi naghihintay ng
anomang kapalit o papuri ang ginagawang pagbabahagi ng sarili.

Ang pagkakaibigan ang pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang


kalikasan ng tao at ito rin ang pinakamatibay na pundasyon ng anomang lipunan.
Naniniwala si St. Augustine na unti-unting magiging perpekto ang isang lipunan
kung ito ay magiging lipunan ng malalim at makabuluhang pagkakaibigan. Kaya
nga, iniukol ng Diyos ang tao upang mamuhay kasama ng kaniyang kapwa na
makatutulong sa pagtugon ng kaniyang pangangailangan sa lipunang
kinabibilangan (De Torre 2000).

Ayon kay Andrew Greeley (1970), isang sosyolohista, ang mabuting


pagkakaibigan ay matibay na pundasyon at mabisang sangkap sa maraming uri ng
ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan. Ang suliranin tungkol sa hindi
pagkakapantay-pantay, hidwaan at maging ang polusyon na kinakaharap ng
lipunan sa kasalukuyan ay malulunasan kung magkakaroon ng pagbabago sa
pananaw at pag-uugali ng mga taong namumuhay rito; taong ang lakas at tiwala ay
nag-uugat sa malakas na suporta ng pagkakaibigan, may kakayahang magtiwala sa
kaniyang kapwa at may kakayahan ding makakuha ng tiwala mula sa lahat ng taong
kaniyang nakasasalamuha.

3
Mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan

Ang sumusunod ay hango sa aklat ni James at Savary na The Heart of Friendship


(1976).

Presensiya. Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensiya ng isa’t isa. Ang


magkaibigan ay nangangailangan ng panahon na magkasama, ng pisikal na
presensiya. Katanggap-tanggap na maaari ring iparamdam ang presensiya sa
pamamagitan ng sulat, tawag sa telepono o sa pagbibigay ng regalo.

Paggawa ng bagay nang magkasama. Maraming pagkakaibigan ang nagsisimula


sa pagitan ng mga taong naglalaro o gumagawa nang magkasama. Ang paggawa ng
maraming bagay nang magkasama ay daan din upang magkaroon ang magkaibigan
ng oras para sa isa’t isa.

Pag-aalaga. Sa pagitan ng magkakaibigan, ang pag-aalaga ay nangangahulugang


pagtulong sa kaniyang kaibigan sa kaniyang pag-unlad o paglago. Ito ay lumilitaw
sa mga gawaing nagpapakita ng mainit na pagtanggap at pag-aaruga na ginagawa
sa isa’t isa.

Katapatan. Ang katapatan sa pagkakaibigan ay hindi nangangahulugan ng ganap


na pagbubukas ng sarili sa kaibigan. Ang katapatan sa magkakaibigan ay may
kalakip na kapwa pagbabahagi ng mga hangarin o pananaw tungkol sa
pagkakaibigan. Ang matapat na pagkakaibigan ay may pahintulot na masabi sa isa’t
isa ang kanilang tunay na niloloob ng hindi mabibigyan ng hindi magandang
kahulugan.

Kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality) at pagiging tapat (loyalty).


Ang isang tunay na kaibigan ay nakahandang ingatan ang lihim ng isa pa. Mahalaga
ito upang tunay na makuha ang tiwala ng isang kaibigan. Hindi mahuhubog ang
pagkakaibigan kung wala nito. Tunay na iingatan ng isang tao ang isang kaibigang
may pagtitimpi na ibahagi sa kapwa ang mga bagay na alam niyang nararapat na
manatili lamang sa kaniya dahil siya ay pinagkatiwalaan.

Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy). Ang pag-


unawa ay nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong kinalalagyan ng
kaibigan. Ito ay nangangailangan ng malinaw na komunikasyon o ugnayan. Madalas
na tayo ang naglalagay ng salita sa bibig ng iba kung kaya nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan.

Sabi nga ni George Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan


muna sa ilang matitinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na
antas ng pakikipag-ugnayan.” Hindi nga natin makikilala nang lubos ang mga
kaibigan kung hindi natin mararanasan ang ilang krisis kaugnay sa
pakikipagkaibigan. Lahat ay nagkakamali. Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi
kahinaan kundi kalakasan ng isang tao. Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin
ng kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa
katotohanan, handang ipakita ang kababaang-loob at magpatawad. Sapagkat
nararapat lamang na sabihin at tanggapin na ang isa sa atin ay nagkamali,
makabubuti sa pakiramdam na malaman natin na ang isang kaibigan ay may

4
pagnanais na maiayos at mapanatili ang binuong pagkakaibigan sa matagal na
panahon.

Minamahal natin ang ating kaibigan katulad ng pagmamahal natin sa ating


sarili ngunit hindi nararapat na mas mataas pa o mas mababa pa rito. Ang pagtingin
sa tunay na pagkakaibigan ay hindi tumitingala o yumuyuko sa kaibigan,
tinitingnan mo siya at kayo ay nakatingin sa iisang direksiyon, patungo sa
kabutihan; gamit ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos bilang gabay.

Tayo’y Magsanay

Gawain 1: HULAAN MO!


Panuto: Punan ng mga letra ang kahon upang makabuo ng salitang tumutukoy sa
pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

1. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng sulat, tawag sa telepono o sa pagbibigay


ng regalo.
R E Y

2. May pahintulot na masabi sa isa’t isa ang kanilang tunay na niloloob.


A P

3. Pinakamataas na ekspresyon ng panlipunang kalikasan


P K I N

4. Pagtulong sa kaniyang kaibigan


G - L G

5. Laging nariyan sa lungkot at saya ng ating buhay.


K B A

Gawain 2: HALINA’T ATING ALAMIN!

Panuto: Tukuyin kung ang ipinahahayag ay nagpapakita ng mabuting


pakikipagkaibigan. Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay tama at ekis naman
(X) kung mali.

Mga Pahayag / X
1. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi
naghihintay ng kapalit sa mga bagay na hatid ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa.
2. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng
pamantayan at inaaasahan sa kanila na makatutulong sa
pagpapabuti ng pagkatao.

5
3. Ang isang tunay na kaibigan ay nakahandang ingatan ang
lihim ng bawat isa.
4. Ang pag-aalaga ay nangangahulugang pagtulong sa pag-
unlad o paglago ng kaniyang kaibigan.
5. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na
intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.

Ating Pagyamanin
Gawain 1: MASUBOK NGA!
Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyong nasa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

Maliliit pa lamang sina Lyn at Emem ay mag-bestfriend na ang kanilang turingan


sa isa’t isa. Sila ay mahilig manood ng sine, kumain sa carinderia at nagtutulungan
sa lahat ng bagay. Isang araw, may nakilalang kaibigan si Lyn; si John. Mula noon,
bihira ng magsama sina Lyn at Emem sa kanilang madalas gawin, ang manood ng
sine at iba pa.

1. Anong angkop na kilos ang pakikipagkaibigang mayroon sina Lyn at Emem?


2. Sa palagay mo, tama ba ang ginawa ni Lyn na binalewala ang pinagsamahan
nila ni Emem? Pangatwiranan ang sagot.
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Lyn, gagawin mo rin ba ang iwanan ang
iyong bestfriend? Pangatwiranan ang sagot.
4. Sa palagay mo, ano ang maaaring gawin ni Lyn para manumbalik ang
kanilang pagkakaibigan?

Rubrik sa pagbibigay ng sagot


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Kaangkupan ng Nakapagbigay ng 4 Nakapagbigay ng 3 Nakapagbigay ng 2
Sagot na tamang sagot sa na tamang sagot sa na tamang sagot sa
apat na apat na apat na katanungan
katanungan katanungan

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng isang liham pangkaibigan sa isang taong itinuturing mong


tunay na kaibigan. Isang liham pasasalamat sa mga angkop na kilos na ipinakita
upang mapaunlad pa ang inyong pagkakaibigan. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.
Pamantayan sa Pagmamarka
Krayterya Higit na inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi
(10 puntos) inaasahan nakamit ang nakamit
(8 puntos) inaasahan ang
(5 puntos) inaasahan
(2 puntos)

6
Nilalaman Komprehensibo ang Kompleto ang May ilang Maraming
nilalaman ng liham mga bahagi ng kakulangan sa kakulangan
at kompleto ang nilalaman ng mga bahagi at sa mga
mga bahagi nito. liham. Wasto nilalaman ng bahagi ng
Wasto ang lahat ng ang lahat ng liham. May ilang liham at sa
impormasyon. impormasyon. maling nilalaman
impormasyon. nito.

Kabuoan

Ang Aking Natutuhan

Gawain: 3- 2- 1
Panuto: Kopyahin at punan ang graphic organizer. Isulat ang sagot sa isang
malinis na papel.

Karanasan sa aralin

2 Kaalamang nais ibahagi

Tanong tungkol sa aralin


1

7
Ating Tayahin

Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ito ay nagpapanatili ng


mabuting pakikipagkaibigan at malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang-papel.

____1. Sinusunod nila Mikay at Celia ang safety health protocols ng kanilang
barangay.
____2. Suportado ni Donny ang kaibigang si Anie sa kahit anong patimpalak na
kaniyang sinasalihan.
____3. Naiingit si Rita dahil may bagong cellphone ang kaklase niyang si Alysa.
____4. Dahil may sakit at hindi makaalis ng bahay si Shine, hinahatiran ko na lang
siya ng pagkain sa kanilang boarding house.
____5. Tanggap ni Amie ang buong pagkatao ni Tin.
____6. Kaibigan kita dahil kailangan kita.
____7. Pinakokopya ni Andre si Herbert sa kanilang pagsusulit dahil bibigyan siya
nito ng pagkain.
____8. Laging may suot na facemask ang magkaibigang Nina at Merla.
____9. Tuwang-tuwa si Cyrus sa bagong kaibigan dahil nasusunod ang lahat ng
kanyang kagustuhan.
____10. Nasaktan man si Presila sa nagawa ng kaniyang kaibigan ay pinatawad
niya pa rin ito.

8
9
ATING TAYAHIN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
SUBUKIN NATIN
8.
1. C
9.
2. C
10 3. D
4. B
GAWAIN 1 5. B
1. PRESENSIYA PARA SA BILANG 6-15
2. KATAPATAN
3. PAGKAKAIBIGAN
4. PAG-AALAGA
5. KAIBIGAN
GAWAIN 2
1. /
2. X
3. /
4. /
5. X
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Bognot, Regina Mignon C., Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie


Aiellen S. Lagarde, Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Pasig City:
Department of Education. 2013.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

10

You might also like