You are on page 1of 10

6 Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BILIRA
CULABA DISTRICT

Edukasyon sa Pagpapakatao 6

SANAYANG PAPEL
Ikalawang Markahan

Linggo 1- Aralin 3

1
Aralin
3 Pagiging Matapat

Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsible sa kapwa:

4.3 Pagiging matapat EsP6P-IIa-c– 30

Simulan mo!

Ang aralin dito ay nagpapahayag ng tungkol sa pagpapakita ng kahalagahan ng


pagiging responsible sa kapwa at itinuturo ito sa Unang Linggo ng Ikalawang Markahan
ng taon.

Alam Mo ba?

Tingnan ang sumusunod na mga larawan.

2
a. Anong katangian ang ipinapakita ng bata sa kanang direksiyon? Sa kaliwang
direksiyon?
________________________________________________________________

b. Ano ang nagiging epekto sa ipinapakitang katangian ng bata?


________________________________________________________________

c. Kung ikaw ang bata sa larawan, aling direksiyon ka tutungo?


________________________________________________________________

d. Ang bata sa kanang direksiyon ay nagpapakita ng kaugaliang pagiging


matapat.

e. Basahin ang palaisipan sa ibaba tungkol sa pagiging matapat na bata.

“Ang batang matapat, mahal ng lahat!”

Ang Pagiging Matapat

Ang pagiging matapat ay ang paggawa nang tama. Ito ay ang pagsasabi at pagkikilos
nang totoo o tunay at walang halong kasinungalingan. Ito ay isang kaugalian na dapat isabuhay
ng bawat isang Pilipino sapagkat isa ito sa mga maraming paraan upang maipakita ang
pagmamahal sa bayan, pagkakaroon ng disiplina sa sarili, at pagpapakita ng paggalang sa
kapwa.
Ang pagkamatapat ay isa sa mga katangiang dapat ipagmamalaki. Ang taong
nagpapakita ng ganitong ugali saanman at kailanman ay makakamtan ang tunay na
kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos, payapa at maunlad na pamumuhay.

Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung ano ang


nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo:
 Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat ay may
pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang magpanggap,
nakakikilos siya ng tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay
pumipili kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito.
 Ang katapatang ito ay nagiging kitang- kita. Mula sa pagiging kitang- kita,
ito ay kaniyang ikinikilos. Mula sa kaniyang ikinikilos, ito ay nagiging
maningning. Dahil sa maningning, naaapektuhan nito ang iba. Dahil
naapektuhan ang iba, sila ay nababago nito. Dahil nababago sila nito,
nagiging ganap itong pagbabago. Siya lamang na nagtataglay ng
kompletong katapatan ang maaaring manatili sa langit upang
makapagbago nang tuluya

3
GAWAIN 1.

Anong kasabihan na unang nabanggit ni Benjamin Franklin na sa wikang


Filipino ay nangangahulugang “ Ang katapatan ay ang pinakamahusay na patakaran”?
Ito ay nagpapahiwatig na ang pagiging tapat o totoo ay ang pinakamagandang
alituntunin na dapat nating sundin at gawin.

Panuto: Buuin ang kaisipan sa pamamagitan ng paglalagay ng titik sa kahon sa


ibabaw ng bilang. Gamitin ang alpabetong may katumbas na bilang sa ibaba upang
mabuo ang kaisipan.

A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

N O P Q R S T U V W X Y Z

14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Halimbawa:

A K O A Y M A T A P A T

1 11 15 1 25 13 1 20 1 16 1 20

19 20 25 9 19 20 8 5 2 5 19 20

8 15 14 5 16 15 12 9 3 25

4
GAWAIN 2.
Pag- aralan ang sumusunod na tsart.

• Pag- amin ng kamalian at pagsasalita ng katotohanan


Katapatan • Hindi pagsasalita ng mga bagay tungkol sa kapwa na hindi totoo
sa Salita

• Paggawa ng tama at pag- iwas sa paggawa ng masasama


Katapatan
sa Gawa

• Pakikinig at pagpapahalaga sa sarili


• Tapat sa sariling nararamdaman
Katapatan • Pagpapakatotoo
sa Sarili

Panuto: Tukuyin kung anong katapatan ang ipinapakita sa sumusunod na mga


sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Katapatan sa Salita B. Katapatan sa Gawa C. Katapatan sa Sarili

_____ 1.Isinauli ko ang sobrang sukli sa tindera.


_____ 2.Inamin ko sa aking mga magulang na ako ang nakabasag ng aming
pinggan.
_____ 3.Ipinaliwanag ko ang tunay at totoong nangyari.
_____ 4.Inilalahad ko ang tunay kong opinyon at nararamdaman tungkol sa isang
bagay.
_____ 5.Ibinalik ko ang labis na allowance o baon na bigay ng aking mga magulang.

5
GAWAIN 3.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng
sumusunod na mga pangungusap.

katapatan matuto
malaman pagtitiwala
matibay tutularan

1. Ang pagiging matapat ay natatanging paraan upang _______________ ang


tunay na mga pangyayari at _______________ ng aral mula rito.
2. Kung ikaw ay naging matapat sa iyong kapwa ay susuklian ka rin nito
ng_______________.
3. Mas madali mong makukuha ang _______________ ng nakararami kung
ipaparamdam mo sa kanila ang iyong pagiging matapat.
4. Ang pagkamatapat ay nagiging daan upang magkaroon ng _______________na
relasyon ang bawat isa.
5. Ikaw ay nagpapakita ng kabutihang asal na_______________ ng iba.

TANDAAN:

Ang pagiging matapat ay ang paggawa ng mga bagay na tama. Ang taong matapat ay
nagsasabi at kumikilos ayon sa katotohanan, hindi siya mapagpanggap. Ang paggawa ng
katapatan ay pwedeng maipakita sa pamamagitan ng Katapatan sa Salita, Katapatan sa
Gawa, at Katapatan sa Sarili. Ang kaugaliang ito, kapag naisabuhay, ay pwedeng makaapekto
sa iba upang sila ay gumawa rin ng tama.
Ang isang taong matapat ay mapagkakatiwalaan ng lahat. Isa rin ito sa mga paraan
upang maipakita natin ang pagmamahal sa bayan, pagkakaroon ng disiplina sa sarili, at
pagpapakita ng paggalang sa kapwa.

6
Tayahin!

Isulat ang M kung ang gawain ay nagpapakita ng pagiging matapat at HM


naman kung hindi matapat.
________1. Paghiram at pagkuha ng mga gamit na hindi nagpapaalam sa tunay na
may-ari.
________2. Inaamin ang iyong pagkakamali kahit alam mo na ikaw ay pagagalitan.

Piliin ang gawain na nagpapakita ng pagiging matapat sa sumusunod na


sitwasyon. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang. Sagutin
nang buong katapatan.

_____ 3. Nakakita ka ng isang daang piso sa loob ng inyong silid-aralan. Walang


ibang nakakita kundi ikaw lamang. Ano ang iyong gagawin?
a. Kukunin ko ang pera at itatago hanggang sa may maghahanap.
b. Kukunin ko ang pera at ibibigay sa aking guro upang ipaalam na may
nakawala ng pera.
c. Hindi ko gagalawin ang pera at hayaang ang ibang makakita ang
magsasauli.
d. Hindi ko gagalawin ang pera upang madatnan muli ng may-ari ang pera
sa lugar na pinag-iwanan nito.
_____ 4. Sa araw ng pagsusulit nakiusap sa iyo ang matalik mong kaibigan na
hayaan siyang kopyahin ang iyong sagot kasi hindi siya nakapag-aral ng
inyong leksyon. Bilang kapalit ay bibigyan ka niya ng pagkain kasi alam
niyang wala kang dalang baon. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin?
a. Hahayaan ko siyang mangopya kasi matalik ko naman siyang kaibigan.
b. Tutulungan ko siyang makasagot nang tama sa pagsusulit para may
makain ako sa oras ng rises.
c. Hindi ko siya papansinin at hahayaan ko siyang gawin anuman ang
kaniyang gusto.
d. Pagsasabihan ko siya na masama ang mandaya at mag-aral na siya sa
susunod.

Sagutin ng buong husay ang tanong.


5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagiging responsable sa
kapwa gaya ng pagiging matapat? Magbigay ng isang halimbawa ng gawain
ng pagiging matapat?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag sa bawat bilang ay tama at M naman
kung mali.

_____ 1. Ang pagiging matapat ay ang paggawa ng tama.


_____ 2. Ikaw ay matapat kung ikaw ay nagsasabi at kumikilos ng totoo at tunay.
_____ 3. Hindi magiging maunlad ang pamayanan kung may katapatan ang
bawat isa.
_____4. Magiging maayos ang iyong pamumuhay kung ipaiiral moa ng iyong
pagiging tapat
sa kapwa.
_____ 5. Susuklian ka ng katapatan ng iyong kapwa kung ikaw ay hindi tapat sa
kanila.

8
9
Magtulungan tayo!
Gawain 1
HONESTY IS THE BEST POLICY
Gawain 2
1. B
2. A
3. A
4. C
5. B
Gawain 3
1. Malaman, matuto
2. Katapatan
3. Pagtitiwala
4. Matibay
5. tutularan
Tayahin! Karagdagang Gawain
1. HM 1. T
2. M 2. T
3. B 3. M
4. D 4. T
5. Maaring iba- iba ang sagot ng mga 5. M
Mag- aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
 Most Essential Learning Competencies (MELCs) EsP6P-IIa-c– 30, pahina 86
 Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Kagamitan ng Mag- aaral, pahina 29

Developer:

RECHELLE L. RELAMPAGO – T-I


Pinamihagan Integrated School

Quality Assurance Team/Evaluators:

HELEN M. PAGADOR – MT -II


Culaba Central School
(District Level)

EVELYN S. RAMIREZ, T-III


Balaquid Elementary School
(Division Level)

ABEGAIL A. DADIZON, T –II


JD Garcia Elementary School
(Division Level)

Noted:

JUDITH F. FIEL – HT- III


School Head
Pinamihagan Integrated School

Approved:

ROCLEO A. PLECERDA
Public Schools District Supervisor
Culaba District

10

You might also like