You are on page 1of 2

IMMACULATE HEART OF MARY ACADEMY – KITCHARAO, INC

P-2 Songkoy, Kitcharao, Agusan del Norte, Caraga, Philippines

Final Examination for Junior High


ESP 3rd Quarter

Name: Grade/Section: St. Mark


Subject Teacher: Rainerius C. Samson Date:

I. Basahin at unawain ang mga tanong at bilugin ang tamang sagot.

1. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya.


a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang Mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
2. Palakasin ang loob ng kausap na ituloy ang gusting sabihin.
a. Liwanagin
b. Ulitin
c. Himukin
d. Pagnilayan
3. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa
isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakakatulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyonan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging Mabuti sa pakikipagkapwa.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
4. “Kapg matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
5. Sabihin sa iyong sariling pananaw ang iyong pagkakaunawa sa kaniyang iniisip o nararanasan.
a. Liwanagin
b. Ulitin
c. Himukin
d. Pagnilayan
6. Sinabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi
nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang , ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing lingo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
8. Alin sa sumusunod napahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng
edukasyon para sa panlipunang buhay(social life)?
a. Ang pamilya ang isang may katungkulan nap ag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumabay at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan
d. Ang mga magulang ang pinangmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
9. Tanungin ang kausap upang linawin ang narinig mula sa kaniya.
a. Liwanagin
b. Ulitin
c. Himukin
d. Pagnilayan
10. Sabihin ulit ang sinabi ng kausap batay sa iyong pagkaunawa.
a. Liwanagin
b. Ulitin
c. Himukin
d. Pagnilayan
II. Identipikasyon:

__________1. Ikaw ay may kalayaang pumili. May kalayaan kang magalit at mahiganti o umunawa at
magpatawad.
__________2. Ayon sa mga mananaliksik maraming negatibong epekto sa kalusugan ng tao ang pagtatanim ng
sama ng loob sa iba.
__________3. Ang kautusan ng Diyos na patawarin ang nagkasala sa atin ay isang malaking hamon.
__________4. Kapag ikaw ay hindi nagpatatawad nakararanas ka ng matinding emosyon gaya ng pagdurusa o
pighati.
__________5. Isa sa mga mabuting epekto ng pagpapatawad ay ang mapayapa, matiwasay, at masayang
pakiramdam sa iyong puso na dati-ratiy poot, kahinaan, at paghihiganti lamang ang siyang laman.
__________6. Ang hindi pagpapatawad ay tanda ng kagustuhan mong manatiling biktima ng iyong galit.
__________7. Kung ikaw ay may pagpapahalaga sa relasyon sa iba sikapin mong matutong magpatawad sa
pamamagitan ng pagpagunawa na ang lahat ng tao ay nagkakamali.
__________8. Ang kasanayang ito ay ang pagkilatis o pagmumuni-muni sa sariling niloloob.
__________9. Kailangan ding matutuhan ang makatarungang paraan ng paglaban sa iba.
__________10. Pinahahalagahan nito ang paghahayag ng mga suliranin o kapintasan sa malumanay at hindi
agresibo o marahas na paraan.
__________11. Ang pagpapahalaga at pagkukumento ng mga sariling damdamin ay kailangang gawing malinaw.
__________12. Ang pagiging bukas at pagkakaroon ng tiwala sa iba ay nakakabuti.
__________13. Positibong damdamin o paghihintay sa isang magandang mangyayari sa hinaharap.
__________14. Masidhing damdamin ng kasiyahan, kaligayahan o katuwaan.
__________15. Damdaming matanggap ang inaalay o ibinigay, o damdaming matiwasay dahil sa pagtanggap ng
iba.
__________16. Masidhing damdamin ng pagka-inis o pagkasuklam sa ibang tao o bagay.
__________17. Pagkahapis o pagdadalamhayi kaugnay ng pagkawala ng mahal sa buhay o isang mahalagang
bagay.
__________18. Damdaming dulot ng isang biglaang pangyayari o bagay na hindi inaasahan.
__________19. Ito ay pagkilala sa mga emosyon at nararamdaman ng isang tao.
__________20. Pagkabahala sa sarili na masaktan, totoo man o haka-hakang panganib at pag-akalang walang
kakayahang malampasan ang panganib.

III. Sanaysay:

1. Isulat ang isang paninilay tungkol sa ginawang pamamaraan ng pamamahala ng emosyon. (10pts)

2. Pagnilayan kung ano ang mga maaari mong gawin upang maisagawa angpagpapatawad. Gumawa ng mga tiyak
at tuwirang hakbang tungo sa tunay na pagpapatawad. Gamiting gabay ang talahanayan. (10pts)
MGA HAKBANG TUNGO SA TUNAY NA PAGPAPATAWAD

Prepared by:
Mr. Rainerius C. Samson
Checked by:
Mrs. Remedios Paradela

You might also like