You are on page 1of 8

RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

FILIPINO 4
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin 1: Pagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon

MELC: Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon (F4PS-Iva-8.7)
____________________________________________________________________

Susing Konsepto

• Ang panuto ay tagubilin sa pagsasagawa ng isang gawain.


Sa pagbibigay nito, tandaan ang sumusunod:
1. Gawin itong maikli at madaling maintindihan.
2. Gumamit ng mga simpleng salitang madaling maunawaan.
3. Gawin itong maayos at may pagkakasunod-sunod.
4. Maging tiyak sa direksyon na gagamitin sa panuto
• Tinatawag na pangunahing direksyon ang silangan, kanluran, hilaga at timog
samantalang pangalawang direksyon ang tawag sa hilagang- silangan, hilagang-
kanluran, timog- silangan at timog- kanluran.
. H

HK HS

K S

TK T TS

Halimbawa:

Para maihatid ng courier kay Rene ang kanyang modyul, ibinigay niya ang
sumusunod na mga panuto.

1. Mula sa paaralan, tahakin mo ang landas pakanluran.


2. Pagdating mo sa tapat ng kapilya, lumiko ka sa kaliwa.
3. Ang ikatlong bahay na may kulay puting gate ang aming tahanan. Doon mo
ibibigay ang module ko.

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Gawain 1
Panuto: Basahin ang tula. Sagutin ang mga tanong.

Matatagpuan Din
ni: Enrico Rivamonte

Anumang hinahanap ay matatagpuan.


Bagay man o tao, kahit nga ang lunan,
Basta’t malinaw ang panutong ibinigay
Tiyak na masusumpungan ang lugar na pakay.

Mas masusundan ko ang mga panuto mo


Kung ang salitang ginamit ay maiiintindihan ko
Simple o payak ay mas mauunawaan ko
Mahahanap koi to kahit saan mang dako.

Gagamitin ko nang wasto ang mga direksyon


Sa paghahanap ko’y gabay ang mga iyon
Walang patutunguhan ang aking pagtunton
Kung hindi malinaw, saan ako susulong?

Silangan at Kanluran, Timog at Hilaga


Mga direksyong ito’y lubhang mahalaga
Pangalawang direksyo’y gagamitin ko nang tama
Para hindi maligaw sa dagat man o lupa.

Mga tanong:

1. Anong uri ng mga salita ang dapat gamitin sa pagbibigay ng panuto?


A. Banyaga B. Katutubo C. Payak D.Tambalan
2. Bakit kailangang maging simple o payak ang mga salitang gagamitin sa pagbibigay ng
direksyon?
A. Kailangang maging simple o payak ang mg salitang gagamitin upang masagot ang
tanong
B. Kailangang maging simple o payak ang mg salitang gagamitin upang makakalap ng
datos
C. Kailangang maging simple o payak ang mg salitang gagamitin upang matukoy kung
alin ang tamang lugar
D. Kailangang maging simple o payak ang mg salitang gagamitin upang ganap na
maunawaan ang mensahe

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

3. Ano-ano ang mga pangunahing direksyon?


A. Silangan, Kanluran, Timog, Hilaga
B. Silangan, kanluran, Hilaga , Timo- Kanluran
C. Timog, Timog-Silangan, Timog-Kanluran, Silangan
D. Timog-Silangan, Hilagang- Kanluran, Hilaga,Timog-Kanluran

4. Ano-ano ang mga pangalawang direksyon?

5. Bakit kailangang nauunawaang mabuti ang mga direksyong ito?

Gawain A

Panuto: Magbigay ng panuto na may tatlo o higit pang hakbang gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon upang marating ni Belinda ang simbahan.

SM S

M
Tanda: S- Simbahan
M- Munisipyo
O- Ospital
SM- Super Market

Mga Panuto:

1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

B. Panuto: Magbigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon upang makapamili sa SM ang mag-anak na
Moreno.
H

Mga Panuto:

1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________
4. ____________________________________________

4
5
+apat=na+hakbang
https:/www.google.com/search?q=pagbibigay+ng+panuto+na+may+tatlo+hanggang
Website
2020. Ebook
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes
Company, 2017
Antonio, Sheryl D. et al . Yamang Filipino 4.Quezon City: Rex Printing
Aklat
Sanggunian:
Gawain 1
1. C
2. D
3. A
4. Hilagang-Silangan, Hilagang-Kanluran, Timog-Hilaga, Timog-Kanluran
5. Kailangang lubos na nauunawaan ito upang maayos na maibigay ang panuto at tumpak ang direksyong pupuntahan ng taong tatanggap nito.
(Tanggapin ang iba pang katulad na sagot)
Gawain A
1. Tahakin ang landas pasilangan.
2. Huwag liliko sa kalye patimog na nasa tapat ng SM
3. Dumiretso sa may intersection at tumawid sa kabilang panig malapit sa ospital.
4. Maghintay ng tamang pagkakataon at lumipat sa kabilang panig kung nasaan ang simbahan.
Gawain B
1. Tahakin ang landas pasilangan
2. Huwag liliko sa alinmang kalye pagdating sa unang intersection. Magpatuloy lang.Madaraanan mo ang paaralan.
3. Pagdating sa ikalawang intersection, lumiko patimog.
4. Lagpasan mo ang Pure Gold. Kasunod na nito ang SM.
Susi sa Pagwawasto
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Aralin 2: Pagsagot sa mga tanong sa napanood na patalastas


MELC: Nasasagot ang mga tanong sa napanood na patalastas (F4PD-IVf-89)
____________________________________________________________________

Susing Konsepto

Ano-anong patalastas ang iyong napapanood?

• Ang patalastas ay isang anyo ng media na ang layunin ay hikayatin ang mga tao o
mamimili na bilhin o tangkilikin ang isang partikular na serbisyo o produkto.
• Dahil sa dami ng mga produktong lumalabas, kailangang mag-anunsyo upang
ipakilala ang isang produkto sa madla, o kaya`y higit na magkaroon ng matingkad na
reputasyon ang produkto. Isang karaniwang obserbasyon na kapag mahusay ang
patalastas, tataas ang benta ng produkto, bagamat mahirap ang tuwiran relasyon
nito.
• Ang panonood ng patalastas ay nangangailangan ng matamang atensyon upang
maunawaan ang mensahe nito.

Gawain 1

Panuto: Basahin ang sumususunod na patalastas. Sagutin ang mga tanong.

Don Enrico: Softdrink Ko ‘to

Pakinggan natin si Darriel Ricohermoso.

Darriel: Ngayong summer, huwag magtiis sa init ng panahon. Iwasan ang init ng ulo. Uminom
ng softdrink na nakasanayan mo.Don Enrico! Ito ang softdrink na swak ang lasa. Patok na
patok sa masa. Kahit saan ka magpunta laging nakahain sa mesa. Hinahanap-hanap ng
lahat lalo na ng mga bata. Oh kids, anong masasabi nyo?

Kids: Basta softdrink, walang ibang hahanapin pa. Mga mommy at daddy ayaw namin sa
iba. Ito lang talaga. Huwag nang magtry bigyan kami ng iba dahil iisa ang patok sa aming
panlasa.

Lahat: Don Enrico, titibhaw ka pa

6
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Mga Tanong:

1. Anong produkto ang ipinakilala?


a. Ambo Cola c. Don Enrico
b. Biggies Softdrink d.Don Pablo
2. Anong uri ng produkto ito?
a. Alcohol c. Juice
b. Energy Drink d. Soft Drink
3. Alin kaya ang nakatulong upang maging popular ang produktong ito?
a. artista c. patalastas
b. Batang gumanap d. tatak nito

4. Bakit kaya mga bata ang ginamit sa patalastas?

5. Aling bahagi sa patalastas ang mas naibigan mo? Bakit?

Karagdagang Gawain
Panuto: Panoorin ang patalastas na ito. Sagutin ang mga tanong.

https://www.youtube.com/watch?v=YyK-dorQK

Mga Tanong:

1. Ano ang trabaho ng pangunahing tauhan?


a. Barista c. kusinera
b. Manikurista d. kahera
2. Ilarawan ang pangunahing tauhan.
a. Magalang at matiyaga c. mabait at matulungin
b. Magalang at maagap d. masikap at madasalin
3. Bakit kaya lagi siyang pinupuna ng matandang customer?
a. Dahil naiinis ito sa kanya c. dahil gusto nitong mapansin
b. Dahil nababagalan ito sa kanya d.may napapansin itong mali
4. Ano ang kaugnayan ng matanda sa kahera?
5. Ano ang mensahe ng patalastas na ito?

7
RO_MIMAROPA_WS_Filipino4_Q4

Susi sa Pagwawasto

Mapagmahal at handang gumabay ang lola. (Tanggapin ang iba pang sagot) 5.
Ang matanda ay lola ng kahera 4.
A 3.
A 2.
D 1.

Katagdagang Gawain

( Iba-iba ang maaaring sagot) 5.


Mahilig ang mga bata sa softdrink.
Madaling maakit ang mga bata ng patalastas. 4.
C 3.
D 2.
D 1.

Gawain 1

Sanggunian:

Agarrado, Patricia Jo C. et al. Alab Filipino 6. Valenzuela City:Bloombooks


Inc.2016
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes 2020. Ebook
Website:
https://orangemagazine.ph/2016/latest-kwentongjollibee-kahera-tugs-at-the-
heartstrings-of-pinoys/

Inihanda ni

ENRICO P. RIVAMONTE

Tiniyak ang kawastuhan nina:

MARIA CECILIA R. PAR


FLORIE REGENCIA

Sinuri ni:
MA. JENNILYN M. MADEJA
MARIAM B. RIVAMONTE

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph
8

You might also like