You are on page 1of 4

R epublicof the P hilippines

D epartment of Education
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

Learning Activity Worksheets (LAW No.4)


MTB -MLE 2
Pangalan:______________________________________________________________________ Petsa:______________ Score:__________
Paggamit nang Wasto sa Pang-abay na Pamaraan

PAGSASANAY 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na parirala. Tukuyin kung ang pang-abay na ginamit ay pang-abay na pamaraan. Isulat ang O kung oo
at H kung hindi.
____1. taimtim na nagdasal
____2. sa ilalim ng puno
____3. matuling tumakbo
____4. bukas makalawa
____5. mabilis magsalita

PAGSASANAY 1

Panuto: Salungguhitan ang pang abay na ginamit sa pangungusap.


1. Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.
2. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Ikapito at Ikawalong Linggo
Kasanayan: Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamaraan at dalas. MT2GA-IVh-i-2.5

Tala sa Guro :
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)
3. Itinahi nang mahusay ni Aling Thelma ang mga bestida.
4. Ang mga apo ni Ginoong Sanchez ay magalang na nakikipag-usap sa mga panauhin.
5.Masigasig nilang ibinalot ang mga pagkain para sa mga nasalanta
PAGSASANAY 3

Panuto: Salunguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap. Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay.
1. Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.
2. Ang dyanitor ay nagmamadaling umakyat ng hagdan.
3. Ang mga mag-aaral ay pumapasok nang maaga sa paaralan.
4. Dahan-dahang naglakad ang lalaki papasok ng silid.
5. Maingay na pumasok ang mga mag-aaral sa silid aralan.

PAGSASANAY 4

A. Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan kung paano isinagawa ang kilos.

lubhang masaya
dahan-dahan

matiyaga maingat

1. _____________masama ang pakiramdam ni Ana kaya siya ay nagsusuka.

2. Tinanggap nang ___________ng mga bata ang pamasko ng mga ninong at ninang nila.

3. ____________siyang pumasok ng kuwarto upang hindi magulat ang kaniyang ina.

4. ____________ niyang inilagay sa kahon ang mga babasaging plato.

5. _____________niyang binabantayan ang kaniyang lolang maysakit.


Paggamit nang wasto sa mga Pang-abay na Pamanahong Nagsasaad ng Dalas

PAGSASANAY 1

Panuto: Kulayan ng dilaw ang mga salitang tumutukoy sa pamanahong nagsasaad ng dalas .
1. taun-taon
2. buwan-buwan
3. bukas
4. araw-araw
5. kanina

PAGSASANAY 2
Panuto : Salungguhitan ang tamang pang-abay na pamanahon na nagsaaad ng dalas sa loob ng panaklong.

1. Si Minda ay (araw-araw, taun- taon) na kumakain ng paborito niyang prutas.

2. Kami ay naliligo sa dagat (gabi-gabi, araw-araw).

3. Si Ana ay (palaging, paminsan- minsan lang) nanunuod ng hindi niya masyadong gustong palabas sa telebisyon.

4. Sila ay nagbabakasyon sa probinsya (araw-araw, taon-taon).

5. Si Nora ay naliligo (araw-araw, linggo – linggo).


PAGSASANAY 3

Panuto: Isulat ang angkop na pang-abay na pamanahong nagsasaad ng dalas.


tuwing alas-6 ng gabi
araw-araw tuwing Biyernes

taun-taon palaging

Si Yza ay nagrorosaryo ______. Siya ay __________ pumupunta sa simbahan upang magdasal. Siya ay nanunuod ng misa sa
Youtube ______________ . Nagpupunta rin siya sa simbahan ng Quiapo ________________upang magsimba. ___________________ din
siyang nagpupunta sa Simbahan ng Manaog sa Pangasinan. Tunay ngang maka-Diyos si Yza kaya naman siya ay laging pinagpapala.

PAGSASANAY 4

Panuto: Isulat ang angkop na pang-abay na pamanahong nagsasaad ng dalas.


gabi-gabi Dalawang beses
Tuwing Tuwing Biyernes

Taun-taon Palagi

1. ____________ buwan ng Mayo ipinagdiriwang ang Flores de Mayo.


2. ____________ sa loob ng isang araw ako nagsisipilyo ng ngipin.
3. ____________ kaming naglalaro ng aking matalik na kaibigan.
4. ____________ silang umuuwi sa probinsiya.
5. Nag-aaral si Yna ng kanyang mga aralin ______________.

You might also like