You are on page 1of 8

Guro: __________________________ Baitang at Seksiyon :One-

Petsa : APRIL 15, 2024__________ Oras: __________________

Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN 1


Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)

l. LAYUNIN : Naipakikita sa mapa ang labas ng tahanan.


ll. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mapa sa Loob at Labas ng Bahay
Sanggunian: Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral , internet
Kagamitan: TV monitor/ video presentation, Laptop, chalk board
III. PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain
1.Pambungad na panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban
B. Panlinang na Gawain:
Gamitin ang mapa ng bahay ni Ana at sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Anong lugar ang makikita sa kanang bahagi ng bahay nu Ana?
2. Anong lugar ang makikita sa kaliwa ng bahay ni Ana?
3. Anong lugar ang makikita sa harap ng bahay ni Ana?
4. Anong lugar ang makikita sa likod ng bahay ni Ana?

1. Balik-Aral: Ano-ano ang mga bahagi at lugar sa loob ng isang tahanan?


2. Subukan Natin:

Narito ang mapa ng labas ng bahay ni Lena.


1. Batay sa mapa, saang barangay nakatira si Lena?
2. Saang bahagi ng mapa makikita ang paaralan?
3. Anong gusali naman ang nasa bandang kanan ng bahay ni Lena?
4. Anong makikita sa harap ng bahay ni Lena?

C. Pagganyak: Pakinggan ang awiting “Tuloy sa Bahay”


https://youtu.be/ZNxVw7CwIPg
D. Pagtatalakay: Maliban sa kaliwa, kanan, itaas , ibaba, harapan at likuran ay mayroon din tayong apat na
pangunahing direksyon na nakatutulong sa pagtukoy ng lokasyon sa pagitan ng mga gamit at lugar sa mapa.

Pag-aralang mabuti ang mapa. Tukuyin ang mga gusali na nakapaligid dito.
1. Ang bahay ni Ana ay nasa ____________________
2, Ang paaralan ay nasa _____________ ng bahay ni ana.
3. Ang simbahan ay matatagpuan sa ______________ bahagi ng Kalye Rosas.
4. Si Ana ay nakatira malapit sa ______________
5. Ano-ano ang matatagpuan sa bandang itaas ng bahay ni Ana batay sa mapa?
________________
Ang isang mapa ay maaari ring gamitan ng mga pananda upang mas madali nating maintindihan at maunawaan ang
nakalagay dito. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

Narito ang ilang halimbawa ng mapa sa labas ng bahay:

F. Paglalapat
Paano mo ilalarawan ang iyong dinaraanan mula sa iyong tahanan patungong paaralan?
Mailalarawan ang dinaraanan mula sa tahanan patungo sa paaralan sa pamamagitan ng mapa.
Ano ang mapa?
Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa kinalalgyan ng mga bagy o lugar.

G. Paglalahat

IV. Pagtataya: Ito ay isang mapa ng labas ng bahay. Tukuyin ang mga gusalu na nakapaligid dito. Ilarawan ang
lokasyon at distansya ng kinarorooonan ng bawat isa mula sa bahay. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
1. Ang aming bahay ay nasa ______________ng bookstore.
2. Ang istasyon ng pulis ay nasa ____________ng aming bahay.
3. Angpaaralan ay matatagpuan sa ______________ng bangko
4. Ang aming bahay ay nasa ___________ ng istasyon ng pulis.
5. Ang bangko ay makikita sa gawing __________ng istasyon ng pulis.
V. Takdang Aralin
Gumawa ng mapa ng labas ng iyong tahanan. Iguhit ito sa inyong kwaderno. Gamitin ang mga panandang:
Paaralan palengke pamilihan /mall simbahan
Parke kainan/ restaurant bahay Ospital

Guro: __________________________ Baitang at Seksiyon :One-


Petsa : APRIL 16, 2024__________ Oras: __________________
Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN 1
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)

l. LAYUNIN : Nakagagawa ng payak na mapa mula sa tahanan patungo sa paaralan.


ll. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mapa
Sanggunian: Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral , internet
Kagamitan: TV monitor/ video presentation, Laptop, chalk board
III. PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain
1.Pambungad na panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban
B. Panlinang na Gawain

1. Balik-Aral: Ano ang mapa? (batay sa mga naunang talakayan?)

2. Subukan Natin:
1. Anong lugar ang nasa hilaga? a. Bahay b. paaralan c. tindahan
2. Saang dako makikita ang bahay? A. kanluran b. Silangan c. timog
3. Saang lokasyon matatagpuan ang simbahan? A. Hilaga b. kanluran c. silangan
4. Ano ang nasa timog? A. Bahay b. paaralan c. tindahan
5. Anong guhit ang may sagisag upang mapadali ang paghahanap ng isang bagay o lugar?
a. direksyon b. guhit c. mapa

C. Pagganyak: Awitin ang “Mga Direksyon” https://youtu.be/hVR6mupmv1U


D. Pagtatalakay
Basahin ang maikling kwento.
Si Kaley ay nasa unang baitang. Malayo ang kanyang dindaaanan bago makarating sa paaralan. Ang nasa harapan ng
kanilang bahay ay malaking puno na una niyang dadaanan. Kasunod ang tindahan na malapit sa kalsada. Bago tumawid
tumingin muna siya sa kaliwa at kanan. Mabilis ang kanyang paglakad at narating niya ang malaking simbahan na nasa
tapat ng kanilang paaralan.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang batang tinutukoy sa kwento?
2. Ano ang mga lugar na nadadaanan niya mula sa bahay patungo sa paaralan?
Ang mapa ay ginagamit sa paghahanap ng isang bagay o lugar. Ito ay may pananda o sagisag upang mapadali ang
paghahanap ng isang pook o bagay.
(Ano ang mga pangunahing direksyon sa mapa?) Ang mapa ay may apat na pangunahing direksyon, ito ay ang hilaga,
timog, Silangan , at kanluran. (sumisikat ang araw sa silangan at lumulubog sa kanluran.
Sagutan:
1. Ano ang nasa likuran ni Kaley?
2. Ano ang nasa harapan ni Kaley?
3. Ano ang nasa hilaga ng simbahan?
F. Paglalapat:
Pag-aralan ang mapa at sagutin ang mga katanungan:
1. Ano ang makikita sa hilaga ng mapa?
2. Ano ang makikita sa silangan ng mapa?
3. Ano ang makikita sa timog ng mapa?
4. Ano ang makikita sa kanluran ng mapa?

G. Paglalahat
Iguhit ang mga pananda sa kahon gamit ang mga sumusunod na pananda/legend:

Tandaan: Ang mapa ay ginagamit sa paghahanap ng isang bagay o lugar. Ito ay may pananda o sagisag upang mapadali
ang paghahanap ng isang pook o bagay.
Ang mapa ay may apat na pangunahing direksyon, ito ay ang hilaga, timog, Silangan , at kanluran. (sumisikat ang araw
sa silangan at lumulubog sa kanluran.
IV. Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Ang tawag sa kanluran, silangan , hilaga at timog ay___________.
a. pangunahing direksyon b. simbolo c. mga tao
______2. Saang direksyon lumulubog ang araw?
a. hilaga b. kanluran c. silangan
______3. Anong direksyon ang katapat ng timog?
a. hilga b. kanluran c. silangan
______4. Para mapadali ang paghahanap ng isang lugar o bagay, ano ang kinakailangan?
a. dieksyon b. mapa c. pananda
_______5. Aling mapa ang may tamang direksyon?

V. Takdang Aralin
Gumawa ng mapa mula sa inyong tahanan patungong paaralan. Iguhit ito sa inyong kwaderno. Gamitin ang mga
panandang:

Guro: RAZEL O. VALDELLON Baitang & Pangkat: ONE-LAVENDER


Petsa: APRIL 17, 2024 Oras: 3:20 PM-4:00 PM
Subject: ARALING PANLIPUNAN 1 Kwarter/Linggo/Araw: 4TH Q/WEEK 3/DAY 3
DAILY LESSON PLAN

l. LAYUNIN : Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga istruktura mula sa tahanan patungo sa paaralan
ll. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mga Estrukturang Nadaraanan mula Bahay Patungong Paaralan
Sanggunian: Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral , internet
Kagamitan: TV monitor/ video presentation, Laptop, chalk board
III. PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain
1.Pambungad na panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban
B. Panlinang na Gawain:
Iguhit ang masayang mukha kung tumutukoy sa kahalagahan ng istruktura at malungkot na
mukha kung hindi.
_______1. Nakatutulong ang mga ito upang hindi maligaw.
_______2. Makakapamasyal bago pumasok sa paaralan.
_______3. Magkakaroon ng masusulatan na mga dingding gamit ang mga istrukturang
madaraanan.
_______4. Nagiging gabay kung gaaano kalayo ang paaralan mula sa tahanan.
_______5. Matutulungan ang mga kapwa bata sa kanilang daan.

1. Balik-Aral: Ano ang mapa? Ano- ano ang mga nakikita ninyo mula sa bahay patungong
paaralan?
2. Subukan Natin: Pagmasdang mabuti ang bawat larawan. Piliin ang tamang sagot sa mga salita na nasa loob ng
kahon.

C. Pagganyak: Awitin ang “Mga Direksyon” https://youtu.be/hVR6mupmv1U


D. Pagtatalakay:
Basahin ang maikling kwento.
Si Ben ay nasa unang baitang. Araw-araw ay hinahatid at sinusundo siya ng kanyang nanay sa
kanyang pagp[asok sa paaralan.Lagi niyang pinagmamasdan ang mga estruktura sa kanilang
dinaraanan. Ipinapaliwanag ng kanyang nanay na kailangna tandaan niya ang mga estruktura na
kanilang dinaraanan pagpasok mula sa tahanan hanggang sa paaralan.

Gabay na mga tanong:


1. Ano-ano ang mga istruktura na nadaanan ni Ben pagpasok sa paaralan?
2. Anong istruktura ang pinakamalapit sa kanyang paaralan? Sa kanyang tirahan?
3. Paano nakatutulong ang mga ito sa kaniya?
4. Mahalaga bang malaman ang mga istrukturang ito, Bakit?

F. Paglalapat:
Ano-ano ang inyong nakikita sa daan patungong paaralan?
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawang ng mga nakikita nila sa kanilang dinadaanan
tuwing papasok o pauwi sila mula sa paaralan.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral upang magkuwento tungkol sa
mga nakikita nila sa
kanilang dinadaanan.

Mga tanong:
1. Ano-ano ang istruktura na nadadaanan ng bata sa pagpasok sa paaralan?
2. Anong estruktura ang palatandaan na malapit na siya sa paralan?
3. Pag-uwi naman niya, anong istruktura sa tabi ng bahay nila ang kanyang palatandaan?

G. Paglalahat
Tandaan: Nakatutulong ang mga bagay at istruktura na makikita sa iyong dinadaanan mula sa
iyong bahay patungo sa iyong paaralan. Ang mga ito ay maaaring gabay mo upang hindi ka
maligaw.

.IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng mga istruktura patungo sa paaralan?
a. gabay upang makapunta sa paaralan.
b. para makapunta sa iba’t ibang lugar.
c. Nakatutulong para makapaglaro.
d. wala sa mganabanggit

2. Bilang isang mag-aaral , Alin sa mga sumusunod na istruktura ang mahalaga na iyong
puntahan?
a. barangay Hall b. mall c. Palaruan d. tindahan

3. Ang mga sumusunod ay maaari nating makita sa pagpasok sa paaralan maliban sa isa.
a. mga bahay b. mga tindahan c. mga bundok d. simbahan

4. Hindi kailangang alamin ang mga istruktura patungo sa paaralan.


a. tama b. mali c. pwede d. maaari

5. Hindi tayo maliligaw sa pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan kung alam natin ang mga
istruktura saating dinaraanan.
a. tama b. mali c. pwede d. maaari

V. Takdang Aralin
Iguhit ang mga istruktura na makikita mula sa inyong tahanan patungong paaralan. Gawin ito sa Kwaderno.

Guro: RAZEL O. VALDELLON Baitang & Pangkat: ONE-LAVENDER


Petsa: APRIL 18, 2024 Oras: 3:20 PM-4:00 PM
Subject: ARALING PANLIPUNAN 1 Kwarter/Linggo/Araw: 4TH Q/WEEK 3/DAY 4
DAILY LESSON PLAN

l. LAYUNIN : Naiisa-isa ang mga bagay na nakikita sa nadadaanan mula sa tahanan patungo sa paaralan.
ll. PAKSANG ARALIN:
Paksa: : Mga Estrukturang Nadaraanan mula Bahay Patungong Paaralan
Sanggunian: Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral , internet
Kagamitan: TV monitor/ video presentation, Laptop, chalk board
III. PAMAMARAAN :
A. Panimulang Gawain
1.Pambungad na panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban
B. Panlinang na Gawain
Suriin ang mapa na nagpapakita ng bahay ni Maria at ang daan patungo sa kanyang paaralan. Sabihin ang mga
istrukturang kanyang nadaraanan.

1. Balik-Aral:
Lagyan ng (/) ang puso kung ang latawan ay makikita sa loob ng bahay ay (x) naman kung hindi.

2. Subukan Natin:
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung kayang gawin at malungkot na mukha kung hindi kayang gawin .
__________1. Nasasabi ang lokasyon ng aking tahanan.
__________2, Nakakapunta sa paaralan mag-isa.
__________3. Natutukoy ang mga bagay o istrukturang nadadaanan
__________4. Naipagmamalakai ko ang aking paaralan.
__________5. Natutukoy ko ang aking tirahan.

C. Pagganyak: Awitin ang “Mga Direksyon” https://youtu.be/hVR6mupmv1U


D. Pagtatalakay: Basahin nang masigla ang tula.
Pagpasok sa Pararalan
Ni: Marjorie D. Pilan
Sa pagpasok po sa aking paaralan
Sari-saring bagay ang aking nadadaananan
Mga malalaki at maliliit na bahay ng aming pamayanan
Maging ang luntiang bukid na kaygandang pagmasdan
Nadadaanan ko din ang mga tindahan
Computer shop, water station at ang simbahan
Maging ang palaruan na punong-puno ng bata
Tunay ngang kayganda ng aming pamayanan
Makulay, tahimik at nakatutuwang pagmasdan
Malinis ang daanat kahit saan pa man
Dahil ang mga tao’y may bayanihan.

Gawin: Piliin ang mga lugar o estruktura na nadaanan ng bata sa pagpasok sa paaralan.
Palengke simbahan ospital computer shop
Talipapa bangko palaruan Mall
Tindahan paaralan bukid water station

May mga bagay at estruktura na makikita sa daan mula tahanan p[atungong paaralan. Magkaiba ang mga istruktura at
bagay na nakikita batay sa inyong lokasyon. Ang mga nasa siyudad ay madalas na nakakakita ng mga palengke, ospital, mga
gusali, bangko, at mall. Samantalang bukid, mga bahay, dagat at ilog naman ang mga nasa probinsya. Mahalaga na malaman mo
ang mga nadadaanang mga bagay at istruktura mula sa inyong bahay papunta sa paaralan upang mas madali mong matukoy ang
lokasyon ng iyong bahay at paaralan.
F. Paglalapat:
Pag-aralan ang mapa. Sagutin ang mga katanungan
1. Ano ang unang nadadaanan ni Carla pagpasok sa paaralan?
2. Ang pangalawang istruktura na madadaanan ni Carla ay _________
3. Pagkatapos ng ospital, ano ang susunod na madadaanan ni Carla?
4. Ano ang pinakahuling lugar ang madadaanan niya bago makarating sa
paaralan?
5. Alin ang hindi maadadaanan ni Carla pagpasok sa paaralan?
G. Paglalahat
Tandaan: May mga bagay at estruktura na makikita sa daan mula
tahanan p[atungong paaralan. Magkaiba ang mga istruktura at bagay na
nakikita batay sa inyong lokasyon Mahalaga na malaman mo ang mga
nadadaanang mga bagay at istruktura mula sa inyong bahay papunta sa paaralan upang mas madali mong matukoy ang lokasyon
ng iyong bahay at paaralan.
IV. Pagtataya:
Tama o mali
______1. Ang ospital ay isang halimbawa ng istruktura.
______2. Hindi nabago ang estruktura at bagay sa magkakaibang lokasyon.
______3. Magkakaiba ang lokasyon ng ating bahay.
______4. Halos lahat ng bagay na makikita sa paligid ay pare-pareho.
______5. Huwag bigyang halaga ang mga bagay at istruktura sa paligid ng bahay.
V. Takdang Aralin
Iguhit ang mapa mula sa inyong tahanan patungo sa inyong paaralan kasama ang mga bagay at estrukturang nadadaanan.

You might also like