You are on page 1of 15

AP

Nakagagawa ng payak na mapang loob at labas ng


tahanan
AP1KAP- IVb-4
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
makagagawa ka ng simple o payak na
mapa na nagpapakita ng loob at labas
ng bahay
Talakayin natin:
Tukuyin kung ano-anong gamit/lugar ang maaaring makita sa loob ng
bahay ni Ana at ang lokasyon ng bawat bahagi

1. Ano-ano ang mga gamit sa bahay ang makikita sa


kanang bahagi
2. Ano ang mga gamit sa bahay na nasa kaliwang
bahagi?
3. Ano-anong mga gamit sa bahay ang nasa harapang
bahagi ni Ana?
4. Bakit mahalaga na alam natin ang bawat lugar o
bahagi sa ating bahay?

● Ang bahay ay binubuo ng iba’t ibang


mga bahagi at mga lugar na may kani-
kaniyang lokasyon.
Gamit ang mapa ng bahay sa itaas,
sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Anong lugar ang makikita sa
kanang bahagi ng bahay ni Ana? 2.
Anong lugar ang makikita sa kaliwa
ng bahay ni Ana?
3. Anong lugar ang makikita sa
harap ng bahay ni Ana?
4. Anong lugar ang makikita sa
likod ng bahay ni Ana?
Iguhit ang sariling tahanan at iguhit din ang sarili na nasa
loob ng tahanan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano-ano ang mga gamit sa bahay ang makikita sa
kanang bahagi
2. Ano ang mga gamit sa bahay na nasa kaliwang
bahagi?
3. Ano-anong mga gamit sa bahay ang nasa
harapang bahagi ni ninyo?
May mga salitang maaaring gamitin sa
pagtuturo ng direksyon, Ano ano ang mga
ito?

Paano tayo matutulungan ng isang


mapa?
Tandaan: (Copy)
Ang direksyon ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o
lugar. Maraming salita ang maaaring gamitin sa pagtuturo ng
direksyon. Kabilang na dito ang kanan, kaliwa, harapan, at
likuran.

Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa kinalalagyan ng


mga bagay o lugar. Ito ay
nakatutulong sa paghahanap sa kinaroroonan ng isang bagay o
lugar. Ipinakikita nito ang anyo ng bagay o lugar kung
titingnan ito mula sa itaas.
Gamit ang mapa sa itaas, sagutin ang sumusunod na tanong.
(Sagot lang)
1. Anong lugar ang makikita sa kanang bahagi ng
bahay ng bata?
2. Anong lugar ang makikita sa kaliwa ng bahay ng
bata?
3. Anong lugar ang makikita sa harap ng bahay
ng bata?
4. Anong lugar ang makikita sa likod ng bahay
ng bata?
DAY 2
Talakayin natin:
Tignan at pag-aralan ang larawan. Sabihin kung ano-anong
lugar ang maaring makita sa bahay ni Ana at ang lokasyon ng
bawat bahagi.
Makikita sa loob ng bahay ni Ana ang iba’t ibang
bahagi nito.
Sa unang palapag ay makikita sa kaliwa ang sala. Sa
gitna nito ay ang kusina at kainan. Sa kanan naman ay ang palikuran o banyo.
Sa ikalawang palapag,makikita sa kaliwa ang silid ni Ana.
Nasa gawing kanan naman ang silid ng kanyang tatay at nanay.
Gumawa ng simpleng mapa ng inyong tahanan
Ipakita sa iyong larawan ang tamang kinalalagyan ng
bawat silid o bahagi nito.

You might also like