You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ESP

INIHANDA NI:

ANUDDIN, JENNIE D.
ROCAMORA, RICELL JOY B.
HAJA, AL-CASABI C.
ENSO, JOANNA MARIE B.
QUIROS, BON EDCEL JOHN
ROJAS, KYLA KATE B.
I. KOMPETENSI
Nakapagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin at pamantayang itinakda sa loob ng
tahanan
 Paggising at pagkain sa tamang oras
 Pagtapos ng mga gawaing bahay
 Paggamit ng mga kagamitan
 At iba pa
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng 45 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang
a. Matukoy ang mga gawain sa tahanan.
b. Napahahalagahan ang pagsasagawa ng mga gawain sa tahanan.
c. Maisasagawa ang mga natutunang gawaing bahay sa tahanan.
II. NILALAMAN
PAKSA: Pagsasagawa ng mga Gawaing Bahay
SANGGUNIAN: Teaching Guide (ESP)
Aralin 3
Activity Sheets
Gintong Landas 1
KAGAMITAN:
Cartolina
PowerPoint Presentation
Mga Larawan
SUBJECT INTEGRATION:
a. EPP
b. FIIPINO
VALUES INTEGRATION:
a. Pagkamasunurin
b. Pagtutulungan

III. PAMAMARAAN
1. PANIMULA
A. PANALANGIN
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Tumayo at nagsimulang
manalangin)
B. PAGBATI
Magandang umaga mga bata (Magandang umaga rin po maam/sir)
C. PAGTALA NG LIBAN
Naririto ba ang lahat? (Opo ma’am/sir)
a. Pagtakda ng mga Pamantayan
Mga bata, bago natin simulan ang ating diskusyon ngayong araw
alalahanim muna natin ang mga panuntunan sa ating silid aralan.
Ano ang inyong gagawin habang tayo ay nagtatalakay at habang
kayo ay nasa pangkatang gawain? (Iwasang gumawa ng ingay,
iwasang iwan ang upuan, iwasang disturbuhin ang mga kaklase at
iba pang mga hindi naangkop na pag-uugali na maaring
makaistorbo sa klase) At anong mangyayari kung hindi nyo
susundin ang mga patakarang ito? (Mababawasan ang aming
marka) Mahusay!
D. PAGBABALIK ARAL
Ngayon mga bata, atin munang balikan ang ating nakaraang leksyon. Ano ang
paksa na ating tinalakay kahapon? (Ang ating tinalakay kahapon ay
patungkol sa Kalinisan at Kalusugan).
Mahusay! Ano ang dapat nating gawin upang mapanitiling malinis at malusog
ang ating pangangatawan? (Maligo araw-araw at kumain ng
masusustansyang pagkain)
Magaling! Ano pa? (Mag-ehersisyo) Mahusay!

E. PAGSASANAY
Mayroon kaming inihandang kuwento na inyong babasahin. Sabay-sabay
nating basahin ang kuwento. Handa na ba kayo? (Opo ma’am/sir) Sige,
simulan na natin.

“ANG MASAYAHING MAGKAKAPATID”

Sa Barangay Lutiman, masayang nakatira ang tatlong mababait na


magkakapatid. Bata pa lang si Carlo, Paulo at Matet, sanay na silang
tumulong sa mga gawaing bahay. Masaya nilang sinusunod ang mga gawain
na inatas sa kanilang bahay. Nagkakaisa sila sa pagsunod sa mg utos ng
kanilang mga magulang. Pumunta agad si Carlo sa kusina para magluto ng
pagkain. Si Paulo naman ay hinugasang mabuti ang mga pinggan at baso na
kanilang ginamit habang si Matet naman ay nagwalis sa kanilang bakuran.
Ang tatlong magkakapatid ay masayang sinusunod ang utos ng kanilang mga
magulang.

F. PAGGANYAK

Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng aktibiti. Sa aktibiting ito,


magpapakita kami ng iba’t-ibang larawan at ang gagawin ninyo ay tukuyin kung
ano ang mga nasa larawan. Naintindihan ba? (Opo ma’am/sir) Magsimula na
tayo.

(NAGWAWALIS) (NAGLALABA)
(NAGHUHUGAS NG PINGGAN) (NAGLULUTO)

(NAGLILIGPIT NG HIGAAN) (NAGDIDILIG NG HALAMAN)

IV.PAGLALAHAD

 AKTIBITI
Mga bata, magkakaroon tayo ng panibagong gawain. May mga larawan kaming ididikit
sa pisara at ang gagawin ninyo ay tukuyin ang pagkakasunod-sunod (gamit ang bilang 1-
4) ng mga pangyayari batay sa kuwentong ating binasa kanina.

(4) (2) (1) (3)

 ANALISIS

Mga bata, anu-ano ang mga ginagawa ng mga tauhan sa kwento? (nagluto, naghugas, at
naglaba) tama! Saan ginagawa ang mga gawaing ito? ( sa bahay po maam/sir) Ano sa tingin
ninyo ang leksyong tatalakayin natin sa araw na ito? (pagsasagawa ng mga gawaing bahay po
maam/sir) mahusay!

 ABSTRAKSYON

Ang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito ay patungkol sa pagsasagawa ng mga


gawaing bahay. Ano nga ba ang gawaing bahay? Ang gawaing bahay ay ang mga ginagawa
natin sa ating tahanan araw-araw. Anu-ano ang mga gawaing bahay? (gaya ng pagwawalis,
pagdidilig ng halaman, paghuhugas ng pinggan, paglalaba, pag-iigib ng tubig at iba pa)
magaling! Ang mga binaggit ninyo ay ang mga halimbawa ng mga gawaing ginagawa natin sa
ating mga tahanan. Bakit nga ba mahalaga ang gawaing bahay? Nakakatulong ang mga gawaing
bahay upang mapanatiling malinis ang ating tahanan, ang mga gawaing bahay ay pagsasanay ng
mga bata na tumulong sa iba at nakakatulong din ito upang magkaisa ang pamilya. Kayo mga
bata, tumutulong ba kayo sa inyong mga magulang sa pagawa ng gawaing bahay? (opo
ma’am/sir) Magaling.

 GENERALISASYON

Ano nga uli ang tinalakay natin ngayon? (Tungkol sa pagsasagawa ng mga gawaing
bahay) Anu-anu ang mga halimbawa ng mga gawaing bahay (Paglalaba, paglilinis,
pagwawalis, pgluluto, at marami pang iba) mahalaga bang tumulong sa paggawa ng
gawaing bahay?

 APPLIKASYON

Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Bubuo tayo ng dalawang
pangkat, para mabuo ang inyong grupo mayroon kaming inihanda na kahon na naglalaman ng
dalawang kulay ng papel, ang kulay pula ay ang unang pangkat at ang kulay lila naman ay ang
ikalawang pangkat. Naintindihan? (opo) Maari na kayong pumunta sa inyong mga pangkat.
(pumunta na sila sa kani kanilang pangkat)

Ang gagawin ng unang pangkat ay inyong iguguhit ang masayang mukha kung ang larawan ay
nagpapakita ng gawaing bahay at malungkot na mukha naman kung hindi. Habang ang
ikalawang pangkat naman ay lagyan ng tsek (/)kung ang pangungusap ay tama at ekis (x) naman
kung mali. Nakuha? (opo) Ngunit bago iyon, akin munang ipapakita sa inyo ang rubriks na kung
saan magiging gabay ko sa pagmamarka sa inyong nagawang aktibiti.

3( ) 2( ) 1( )
Pagiging
Maagap
Pagkakaisa at
Kooperasyon
Tamang Sagot
Pagiging
Malinis

Ang unang makaakpagpasa ng kanilang gawain ay makakatanggap ng tatong star, ang ikalawa
ay bibigyan ng dalawang star at ang huli ay makaktanggap ng isang satar lamang. Kung ang
lahat ng miyembro sa grupo ay may pagkakaisa at kooperasyon ay makakatanggap ng tatlong
star, dalawang star naman kung iilan lamang sa mga miyembro ang tumulong, at kung isa
lamang sa mga miyembro ang gumawa ng gawain ay makakatanggap lamang ng isang star.
Tatlong star ang matatanggap ng grupo kung ang lahat ng kanilang sagot ay tama, dalawang
star naman kung may mali, at isang star kung lahat ng sagot ay mali. Kung ang nagawang aktibi
ay malinis ang pagkakagawa aya makakatanggap ng tatlong star, 2 star naman kung di gaano
malinis at isang star ang matatanggap kung hindi malinis ang pagkakagawa ng aktibiti.

PANGKAT 1 AKTIBITI

Panuto: iguhit ang masayang mukha ( ) ang larawan ay nagpapakita ng gawaing bahay at
malungkot na mukha ( ) kung hindi.

_______1.

_______2.

_______3.
_______4.

_______5.

PANGKAT 2 AKTIBITI

PANUTO: lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay tama at ekis (x) naman kung mali.

_____1. Nagdadabog habang naglilinis.

_____2. Tumutulong sa paglilinis kay nanay.

_____3. Natutuwa kapag inuutusan.

_____4. Unahin ang paglalaro bago ang mga gawaing bahay.

_____5. Sumusunod nang maayos sa mga pinag-uutos.

V. PAGTATAYA

Isulat ang T kung ang kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

_____1. Maghintay sa utos ng magulang bago gumawa ng gawaing bahay.


_____2. Iwasan ang pagtulong sa mga gawaing bahay.
_____3. Tutulong sa paggawa ng mga gawaing bahay kahit hindi nakatingin si mama.
_____4. Linisan ng maayos ang paligid.
_____5. Iwasan ang mga gawaing bahay na posibleng ipagawa sa iyo.

VI. GAWAING BAHAY


I-video ang sarili na gumagawa ng gawaing bahay.

You might also like