You are on page 1of 4

ICCT COLLEGES FOUNDATION INC.

V.V Soliven Avenue II, Cainta, Rizal


College of Teacher Education

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

I. Layunin
Sa Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
1. Matutukoy ang mga gawain sa tahanan na dapat ay kusa na nilang gawin.
2. Maibabahagi ang kanilang mga karanasan sa mga gawaing kusa nilang
ginawa.
3. Makikilahok ng aktibo sa mga gawaing pangklase.

II. Paksang Aralin


Tema: Mahal ko ang aking pamilya
Paksa: Pagsasagawa ng mga Gawaing-Bahay
Sanggunian: Teaching Guide (ESP)
Aralin 3
Activity Sheets
Gintong landas 1
Kagamitan: Manila Paper, Mga larawan

III. Mga Gawaing sa pagkatuto


A. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin Opo Ma’am.
Orlanes , pangunahan mo ang ating Angel of God, My
panimulang panalangin sa araw na guardian Dear, To
ito. whom God's love
commits me here, Ever
this "day" Be at my Side,
To light and guard, To
rule and guide, Amen

b. Pagtsek ng liban at hindi liban Wala po.


May liban ba sa pangkat isa?
Sa pangkat 2? Wala din po ma’am.

c. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po
ma’am.

B. Balik Aral
Bago tayo magsimula sa ating bagong
paksa balikan muna natin ang paksa na Tungkol po sa ehersisyo.
tinalakay natin kahapon.
Mahalaga ba ang pag eehersisyo?
Bakit? Opo. Kasi po ang
Mahusay! pageehersisyo ay nagbibigay
ng lakas at kalusugan sa ating
katawan.
C. Motibasyon
Galaw Go: Household Chores Dance by
AJ | Team Yey
D. Pagganyak
“Si Ana ang Batang Masipag”

Sabado ng umaga, namalengke si


nanay. Nilinis ni Ana ang kanilang
bakuran. Pinulot nya ang mga latang
walang laman at inilagay nya ang mga
ito sa basaruhan. Pinulot nya ang mga
batong nakakalat at inayos ito sa gilid ng
mga halaman. Winalis din nya ang mga
tuyong dahon at kanya itong sinigaan.
Nagulat si nanay nang siya’y dumating.
“Ang ganda at ang linis ng ating
bakuran!” sabi ng kanyang ina.
“Natutuwa akong lagging linisin ang
ating bakuran nanay.” Ang sagot ni Ana.

E. Paglalahad
Magpapakita ng larawan ng iba’t ibang
gawaing bahay.
F. Pagtatalakay Magwalis
1. Ano ang mga gawaing bahay ang Maghugas ng plato
kaya ninyong gawin? Magtupi ng damit
2. Ang mga gawaing bahay ba na mga Opo ma’am. Para po
kaya ninyong gawin ay ginagawa makatulong kay nanay at tatay.
niyo ng kusa? Bakit?

3. Ano ba ang pagkukusa para sa inyo? Ginagawa ang gawain bahay


na hindi inuutusan.
4. Ipaliwanag ang kahulugan ng
salitang “Pagkukusa” sa (Pagpupulot ng basura)
pamamagitan ng pagpapakita ng (Pagtatapon ng basura sa
halimbawa. tamang basurahan)
G. Pagsasagawa
Pagpapangkat-pangkat
1. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng
crossword puzzle kung saan dapat
nilang hanapin ang bawat salitang
nakasulat sa loob.

1. Nagluluto
2. Nagwawalis
3. Dilig
4. Laba
5. Punas

B M N D M K F E M
P A A P L G P P I
N A G L U L U T O
S M W O H A N R G
B P A M D B A S L
P L W R B A S W S
D D A S N R Y R W
D I L I G W M T K
P P I W P L K U N
R S S T Y M G L B
H. Pagbubuod
1. Ano ang tinalakay natin sa araw na
ito?
2. Ano ang kahulugan ng salitang
pagkukusa?

I. Pagsasagawa
Panuto: Lagyan ng tsek(/) kung tama at
ekis(x) kung mali.
___1. Nagdadabog habang naglilinis
___2. Tumutulong sa paglilinis kay
nanay
___3. Natutuwa kapag inuutusan
___4. Unahin ang paglalaro bago ang
mga gawaing bahay
___5. Sumusunod ng maayos sa mga
pinaguutos
J. Takdang Aralin
1. Iguhit ang mga larawan na
nagpapakita ng mga gawain sa
bahay na kusa nilang ginagawa.
2. Pag aralan ang susunod na aralin.

You might also like