You are on page 1of 69

AP QUARTER 1 WEEK

6
Mapa ng Komunidad mula
sa Sariling
Tahanan o Paaralan
LUNES
PANIMULA
Balik-Aral
Alamin
Sa araling ito tayo ay guguhit ng payak
na mapa ng ating komunidad.

Ano-ano nga ba ang mga dapat tandan


upang makaguhit ng isang payak na
mapa?
Suriin
Ano ang Mapa?
Ang mapa ay isang patag na paglalarawan ng
lawak ng isang lugar gamit ang simbolo o sagisag
na ginagamit upang ilarawan ang mga
mahahalagang mga istruktura tulad ng ospital,
paaralan, pamilihan, bahay-pamahalaan, bahay-
sambahan, parke, plasa at mga kabahayan.
Naglalarawan din ang mapa ng mga pisikal na
kapaligiran tulad ng mga anyong tubig at mga
anyong lupa.
Ano-ano naman ang Apat na Pangunahing
Direksyon?
Ang halimbawa ng mapa na nasa larawan ay
nahahati sa apat (4) na direksiyon, ito ay
Hilaga na nakaturo sa itaas, Timog na
nakaturo sa ibaba, Kanluran sa kaliwa at
Silangan sa kanan. Ang mga direksiyong ito
ay tinatawag na mga pangunahing direksiyon
na mahalaga sa isang mapa.
Madaling tandan ang mga panandang
direksyon na ito, tumayo lamang na
nakaunat ang mga braso at kung ang kanang
braso mo ay nakaturo kung saan sumisikat
ang araw ito ay Silangan, ang kaliwang braso
mo naman ay nakaturo kung saan lumulubog
ang araw, ito ay Kanluran, ang Hilaga ay
nasa harapan mo at ang Timog ay nasa
likuran mo.
Bukod sa apat na pangunahing direksiyon,
mayroon ding tinatawag na pangalawang
pangunahing direksiyon, pag-aralan ang larawan
sa ibaba.
Ang direksiyon na nasa pagitan ng Hilaga at
Silangan ay Hilagang Silangan (HS), ang nasa
pagitan ng Silangan at Timog ay Timog Silangan
(TS), ang nasa pagitan ng Hilaga at Kanluran ay
Hilagang Kanluran (HK) at ang nasa pagitan
naman ng Timog at Kanluran ay Timog Kanluran
(TK)
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Ano ang Mapa?


2.Ano-ano ang apat na pangungahing
direksyon?
3.Ano-ano ang Ikalawang pangunahing
direksiyon?
4.Saan sumisikat ang araw?
5.Saan naman lumulubog ang araw?
PAGPAPAUNLAD
Subukin
Panuto: Tingnan ang larawan at
sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

1. Anong estraktura ng
komunidad ang makikita kung
saan nakaharap ang bata?
2. Ano ang makikita sa kanang
bahagi ng bata?
3. Saang direksiyon matatagpuan
simbahan?
4. Saang direksiyon naman
matatagpuan ang mga bahay?
PAKIKIPAGPALIHA
N
Indibidwal na
Gawain
Panuto: Tukuyin kung
saang direksiyon
matatagpuan ang mga
lugar na nabanggit.
Isulat ang HS kung
Hilagang Silangan, TS
kung Timog Silangan,
TK kung Timog
Kanluran at HK kung
Hilagang Kanluran.
Isulat ang HS kung Hilagang
Silangan, TS kung Timog
Silangan, TK kung Timog
Kanluran at HK kung Hilagang
Kanluran.

1.Saang direksiyon makikita ang


mall?
2.Saang direksiyon makikita ang
panaderya?
3.Saang direksiyon makikita ang
sinehan?
4.Saang direksiyon makikita ang
himpalan ng mga bumbero?
PAGLALAPAT
Tandaan
Mahalagang malaman natin ang mga
Pangunahing Direksiyon, ito ay ang Silangan,
Kanluran, Hilaga at Timog.
Gayundin ang mga Ikalawang Pangunahing
Direksiyon na Hilagang Silangan, Hilagang
Kanluran, Timog Silangan at Timog
Kanluran.
Kung alam na natin ang mga ito ay madali na
tayong makakagawa ng ating sariling mapa
ng komunidad.
Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na
tanong.

_____1.Ang araw ay sumisikat sa Silangan.


_____2.Katapat ng Hilaga ay Kanluran.
_____3.Nasa itaas ng Timog ang Hilaga.
_____4.Lumulubog ang araw sa Kanluran.
_____5.Ang Timog ay katapat ng Silangan.
MARTES
PANIMULA
Balik-Aral
Ano-ano ang apat na pangunahing
direksiyon?
Ano-ano naman ang ikalawang
pangunahing direksiyon?
Suriin
Simbolo at Sagisag
May mga simbolo at sagisag na makikita sa
komunidad. Ang mga sagisag na ito ay may
kani-kaniyang kahulugan. Ang mga ito ay
kumakatawan sa mga bagay , istruktura,
makasaysayang pangyayari at iba pang
maaaring pagkakakilanlan sa bawat
komunidad. Ginagamit ang mga simbolo na ito
sa Mapa ng Komunidad.
Narito ang mga halimbawa ng mga simbolo
at sagisag na makikita sa komunidad:
PAGPAPAUNLAD
Subukin
Panuto: Isulat sa patlang ang
direksiyon, istruktura, anyong tubig o
anyong lupa na tinutukoy sa bawat
tanong.

_____1. Anong istruktura ang makikita


sa hilaga?
_____2. Ito ay anyong tubig na makikita
sa Kanluran ng mapa?
_____3. Ang mga kabahayan ay
makikita sa?
_____4. Ang palayan ay makikita sa
anong direksiyon?
_____5. Anong istruktura ang makikita
sa Silangan ng mapa?
PAKIKIPAGPALIHA
N
Indibidwal na
Gawain
Gamit ang mga sagisag at
simbolo, gumuhit ng sariling
mapa ng komunidad mo.
PAGLALAPAT
Tandaan
Mas madali tayong makakagawa ng
sariling mapa ng ating komunidad
kung alam natin ang mga sagisag at
simbolo ng mga estruktura,
gayundin ang mga anyong lupa at
anyong tubig sa ating lomunidad.
Pagtataya
Panuto: Ito ang mapa ng komunidad
kung saan nakatira si Clara. Sagutin
ang mga sumusunod na tanong tungkol
sa kanyang komunidad.
_____1. Anong istruktura ang
makikita sa Silangan ng bahay ni
Clara?
_____2. Mula sa paaralan, saang
direksiyon matatagpuan ang
palayan?
_____3. Mula sa bahay ni Clara,
saang direksiyon matatagpuan ang
bantayog ni Jose Rizal?
____4. Anong anyong lupa ang
matatagpuan sa Timog Silangan?
_____5. Mula sa simbahan, saang
direksiyon matatagpuan ang parke?
MIYERKULES
PANIMULA
Balik-Aral
Tukuyin ang mga sagisag at simbolo ng mga sumusunod na
larawan.
Suriin
Ating balikan ang mga
pangunahing direksiyon,
ikalawang pangunahing
direksiyon, mga sagisag at
simbolo sa komunidad.

Sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

Ano-ano ang mga pangunahing


direksiyon? Ikalawang
pangunahing direksiyon?
Ibigay ang mga sagisag at simbolo
ng mga nasa larawan.
PAGPAPAUNLAD
Subukin
Tingnan ang larawan at sagutin
ang mga sumusunod na tanong.
_____1. Sa anong direksiyon
makikita ang talon?
_____2. Ano makikita sa gawing
Silangan ng mapa?
_____3. Saan matatagpuan
paaralan?
_____4. Anong sagisag o simbolo
ang makikita sa Hilaga ng mapa?
_____5. Anong sagisag o simbolo
ang makikita sa Kanluran ng
mapa?
PAKIKIPAGPALIHA
N
Pangkatang
Gawain
Tukuyin kung ang ang sagisag o simbolo ang nasa larawan.
PAGLALAPAT
Pagtataya
Tingnan ang mga
sumusunod na
larawan ng sagisag o
simbolo. Isulat ang I
kung ito istruktura ng
komunidad, AL kung
anyong lupa at AT
kung anyong tubig.
BIYERNES
SUMMATIVE TEST

You might also like