You are on page 1of 34

PANTURONG

DIREKSIYON
●Mga salitang ginagamit para
matukoy and direksiyon o
kung saan matatagpuan ang
isang lugar.
PANGUNAHING
DIREKSIYON
Sa pagtukoy ng kinaroroonan o
direksiyon ng isang lugar,
gumagamit tayo ng mapa. May apat
na pangunahing direksiyon. Ito ay
ang hilaga, timog, silangan, at
kanluran.
Ang North Arrow o North Star na
matatagpuan sa mapa ay
nakatutulong din bilang gabay sa
pagtukoy ng direksiyon. Ipinakikita
nito ang oryentasyon ng mapa.
Humarap sa direksiyong itinuturo ng
North Arrow. Sa ganitong posisyon,
ikaw ay nakaharap sa hilaga, ang
iyong kanan sa silangan, ang iyong
likuran ay sa timog, at ang iyong
kaliwa ay sa kanluran
PANGALAWANG
DIREKSIYON
Ang bawat pangunahing
direksiyon ay may dalawang
pangalawang direksiyon. Ang
bawat pangalawang direksiyon ay
nasa pagitan ng dalawang
pangunahing direksiyon
Makikitang ang nasa pagitan ng
hilaga at silangan ay tinatawag
na hilagang-silangan (HS). Ang
nasa pagitan ng hilaga at
kanluran ay hilagang-kanluran
(HK).
Samantalang sa pagitan ng
timog at silangan ay ang
timog-silangan (TS) at sa
pagitan ng timog at kanluran
ay tinatawag na timog-
kanluran (TK)
Assignment in A.P
Study and memorize ang
pangunahing direksiyon(page
41) at pangalawang
direksiyon(page 42).
Ano ang mapa?
Ang mapa ay palapad na
larawang nagpapakita ng
kabuuang anyo ng isang lugar.
Maaaring ang lugar ay
komunidad, lungsod, lalawigan,
rehiyon, bansa, o Mundo.
Upang maituro ang iba’t ibang lugar
sa komunidad at para madaling
matukoy ang pupuntahan, mainam na
iguhit ito. Ang mga guhit na
kumakatawan sa mga lugar o mga
bagay na makikita sa komunidad ay
bumubuo sa isang mapa.
May mga simbolo, sagisag, o
panandang makikita sa mapa.
Ang mga ito ay kumakatawan
sa mga lugar o bagay na
makikita sa isang komunidad o
lugar.
Ang mga ito ay ginagamit upang
mapadali ang pagtukoy ng mga
lugar sa isang mapa. Narito ang
ilang halimbawa ng simbolo sa
mapa.
Mga Uri ng
Mapa
May iba’t ibang uri ng mapa.
Nagkakaiba ang mga ito sa
katangian at gamit. Dalawa sa
mga ito ay ang mapang
pangkomunidad at ang mapang
pangkalsada.
1. Mapang pangkomunidad ay gumagamit
ng mga pananda ng mga bagay at lugar
na matatagpuan sa isang komunidad.
Makikita sa mapang ito ang munisipyo,
gusaling sambahan, plasa, ospital,
paaralan, palengke o pamilihan,
kabahayan, palaruan, at pasyalan.
2. Mapang pangkalsada ay
ang mga pangunahing daanan o
kalye sa iba’t ibang lugar.
Inilalarawan dito ang malalaki
at maliliit na daanan sa
komunidad. .
Makatutulong ang mapang ito
upang makaiwas sa trapiko sa
pamamagitan ng pagdaan sa
maliliit na kalye, na hindi gaanong
dinaraanan ng mga sasakyan.
Ito rin ang uri ng mapa na
makikita sa Global Positioning
System (GPS) ng ating mga
mobile phone. Napadadali nito ang
pagtunton sa lugar na nais nating
puntahan..
Gawin ang pahina 46.

You might also like