You are on page 1of 52

Araling Panlipunan 3

WEEK 1 – DAY 1
Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo na
ginagamit sa mapa sa tulong ng mga panuntunan.
Ang Mga Simbolo sa Mapa
Nais mong pumunta at mamasyal sa ating
lalawigan ngunit hindi mo alam ang daan
patungo roon. May ibiningay sa iyo na
mapa na may mga simbolo na nagsasaad ng
daan papunta doon.
Ano kaya ang kahulugan ng mga simbolo
na makikita sa mapa?

Bakit kaya kinakailangan natin malaman


ang mga kahulugan nito?
Pag-aralan at suriing
mabuti ang nasa larawan.
Ano ang tawag dito?
Ang mapa ay isang patag na representasyon
ng isang
lugar na maaaring kabuuan o bahagi ng
mundo na nagpapakita ng pisikal na
katangian, mga lungsod, kabisera, mga
daan at iba pa.
Ang mapa ay gumagamit ng iba`t
ibang simbolo upang
mailarawan ang mga bagay o anyo
ng isang lugar.
Ginagamit ang mga simbolo upang
ipahiwatig ang ilang
mga bagay, katangian at iba pang
impormasyon tungkol
sa mga lugar.
Halimbawa ng mga simbolong ginagamit sa mapa:

Ito ay sumisimbolo sa patag na lugar karaniwan ito ay


daan o palayan.
Ito naman ay sumisimbolo sa daungan ng
barko.magagamit mo ito kung ikaw ay naghahanap ng
masasakyan na barko.
Ito naman ang sumisimbolo sa Paaralan. Maaring
ito ay mababang paaraalan, mataas na paaralan o
kolehiyo.
Ito ay sumisimbolo sa ospital. Dito nag
papagamot ang may sakit o may
karamdaman.
Ito ay sumisimbolo sa bulkan. Ito ay anyong lupa
na tulad ng bundok ngunit maari itong sumabog
ano mang oras.
Ito ay sumisimbolo sa paliparan. Karaniwang
naghahanap nito ay pupunta sa malayong lugar sa
mabilis na paraan at yun ay ang pag sakay sa eroplano
Ito ay sumisimbolo sa lawa. Ang lawa ay
anyong tubig na pinaliligiran ng lupa.
Ito ay sumisimbolo sa burol. Ito ay
anyong lupa na mas mababa kaysa
bundok.
Ito ay sumisimbolo sa simbahan o
sambahan.
Ito ay sumisimbolo sa ilog. Ang ilog ay
anyong tubig at ito ay tubig tabang.
Ito ay sumisimbolo sa kabahayan ito ay tumutukoy sa
kumpol ng mga tahanan o helera ng mga bahay na
bumubuo sa isang komunidad.
Ito ay sumisimbolo sa kagubatan. Isang lugar na may
malaking bilang ng mga puno, dito nakatira ang iba`t-ibang uri
ng hayop, dito rin nakikita ang iba`tibang uri ng halaman at
iba pang likas na yaman.
Iguhit sa kahon ang simbolong tumutukoy sa mga
salitang nakasulat.
Dugtungan ang pahayag na nasa ibaba
ayon sa iyong natutuhan.

Magagamit ko ang mga simbolo sa mapa


upang _______________.
Ano ang mapa?

Saan ito ginagamit?

Anong mga simbolo ang nakikita sa


mapa?
Hanapin sa Hanay B ang
kahulugan ng mga
simbolo na nasa Hanay
A.
Araling Panlipunan 3

WEEK 1 – DAY 2
Panuto: Piliin ang titik ng
tamang sagot ayon sa
hinahanap sa tanong.
Bakit kaya kinakailangan natin malaman ang
mga kahulugan ng mga simbolo sa mapa?

Ito ba ay makakatulong sa atin upang matuntun


ang lugar na nais nating puntahan?
Ang mga mapa ay gumagamit ng iba`t-
ibang simbolo. Ginagamit ang mga
simbolong ito upang ipahiwatig ang ilang
bagay, katangian at iba pang ipormasyon
ukol dito.
Pagmasdan mabuti ang mapa at ating
tukuyin ang mga simbolong ginamit,
kahulugan ng simbolo at lugar kung
saan ito matatagpuan.
Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang
simbolo upang kumatawan sa mga bagay
para ipahiwatig ang katangian at iba pang
impormasyon ukol sa mga lugar.
Tinuturo nito ang tamang
kinalalagyan ng isang lugar o
pook.
Noong araw gumawa na ang mga
tao ng mga simbolo upang matunton
ang mga bagay o isang lugar.
Sa kasalukuyan, pwede rin tayong
gumawa ng ating simbolo,
bagama’t hindi ito ang aktwal na
ginagamit sa mapa na nabibili.
Ang naimbentong simbolo ay
pananda lamang ng mga taong
gumagamit nito.
Ang bawat simbolo o pananda ay may
kahulugan. Mahalagang malaman at
maintindihan ito upang mas madaling
makilala o mapuntahan ang isang lugar
Madali lamang kilalanin ang mga
simbolo sa mapa. Karaniwang
ginagamit na larawan sa mga
simbolong mga bagay ay ang
mismong hugis nito.
Isulat sa katapat na kahon ang
pangalan o kahulugan ng simbolo.
Pumili sa kahon na nasa gawing kanan
para sa iyong kasagutan.
Bilang isang mag-aaral, bakit
mahalagang may alam ka
tungkol sa mga simbolo ng
mapa?
Sa paanong paraan
maaring magamit ang mga
simbolo sa mapa?
Panuto: Bilugan ang tiik ng tamang sagot.

1. Isang larawan o isang patag na representasyon


sa papel ng isang lugar.
A. mapa
B. globo
C. libro
2. Ginagamit sa mapa upang mailarawan ang
mga bagay sa kapaligiran.

A. mapa
B. globo
C. simbolo
3. Ito ay sumisimbolo sa
kabahayan.
4. Ito ay sumisimbolo sa ___________.

A. simbahan
B. ospital
C. paaralan
5. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng kahalagahan ng
mga simbolo sa mapa maliban sa isa.

A. Ang mga simbolo sa mapa ay mahirap maunawaan.


B. Nababawasan ang nakasulat sa mapa dahil sa mga
simbolo.
C. Tumutulong ang mga simbolo upang mapadali ang
paghanap natin sa isang lugar na ating hinahanap.
Pag- aralan ang mapa.
Tukuyin ang mga simbolong
matatagpuan sa mapa.

You might also like